You are on page 1of 7

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Ang kakulangan ng suporta ng magulang ay may malaking epekto para sa isang mag-aaral. Ito ay

nagiging daan sa mga mag-aaral para gumawa ng mga hindi magagandang gawain. Ngunit may mga

mag-aaral din na mas ginaganahan pumasok sa paaralan at mag-aral ng mabuti sa kabila ng kakulangan

ng suporta ng magulang.

Maraming mga anak ang naghahangad na maramdaman ang pag-ibig ng kanilang magulang. Isa

sa halimbawa ng pag-ibig ang pagpapakita, pagpaparamdam at pagpapahayag ng suporta. Ang suporta ng

magulang ay lubhang mahalaga para sa isang anak na naghahangad ng pag-ibig ng magulang. Ito ay

maaaring suporta sa mentalidad, pinansyal, pisikal at emosyonal.

Ang pagtuturo ng magulang sa sariling anak patungkol sa kung ano ang tama at ano ang mali ay

isang halimbawa ng suporta sa mentalidad. Sapagkat natutulungan ng isang magulang na lumawak ang

kaunawaan at karunungan ng kanyang anak. Magulang ang pangunahing guro ng bawat anak kaya

importanteng mabigyan nila ng suporta ang kanilang anak sa mentalidad. Bilang isang mag-aaral, marami

ang kailangan bayaran at gastusin para sa pag-aaral at dito naman pumapasok ang suporta ng magulang sa

pinansyal. Maraming mga mag-aaral ang nagtatrabaho para lang magkaroon ng panggastos sa paaralan

dahil rito ay nahihirapan silang mag-pokus sa paaralan. Kung kaya’t mahalaga ang suporta ng magulang

pagdating sa pinansyal dahil ito ay isang responsibilidad ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ang

pag-aalaga sa isang anak ay halimbawa naman ng suporta ng magulang na pisikal sa kanyang anak. Ang

isa sa pinaka-importante ay ang suporta ng magulang pagdating sa emosyonal. Maraming kabataan ang

nahihiyang magsabi ng kanilang nararamdaman sa kanilang magulang sapagkat hindi sila sanay na

makipag-usap pagdating sa kanilang nararamdaman. Mahalaga ang suporta ng magulang pagdating sa

emosyonal dahil tumutulong ito na mas makilala ng magulang ang kanilang mga anak lalo na pagdating

sa nararamdaman nito.

Bawat mag-aaral ay nais makaranas ng suporta upang mapanatili ang kaayusan at pagsisikap ng

isang mag-aaral. Nakakatulong din ang suporta ng magulang sa isang anak na mag-aaral upang ito’y
maging motibasyon sa kanila na mag-aral ng mabuti. Ngunit sa kabilang banda maaari din makasama sa

isang mag-aaral ang sobrang suporta ng magulang dahil sila ay lagi ng dumedepende sa kanilang mga

magulang. Ang iba ay nagiging abusado o “spoiled” sa kanilang mga magulang. Kung kaya’t may mga

magulang na pinipiling huwag masyado o sobrahan ang kanilang suporta sa kanilang mga anak. Nais ng

ilang magulang na matutong tumayo ang kanilang mga anak sa pamamagitan lamang ng kanilang sariling

mga paa. Ngunit may mga magulang na walang pakialam sa kanilang mga anak. Dahil dito ay natututong

gumawa ng hindi magagandang mga gawain ang kanilang mga anak. May mga kabataang napapasama sa

mga masasamang barkada at natututong gumamit o gumawa ng mga bisyo.

Mahalaga ang suporta ng magulang sa isang anak na mag-aaral upang maging lubos at ganap ang

pagsisikap nito na matuto sa pang-araw-araw. Katulad na lamang kung susuportahan tayo ng ating mga

magulang mas magiging positibo at kompyansa tayo na mag-aaral dahil nararamdaman natin ang suporta

ng ating mga magulang. Maraming mga mag-aaral ang naghahangad na masuportahan ng kanilang mga

magulang sa bawat kabanata ng kanilang buhay. Marapat lamang na mapunan ng isang magulang ang

kanyang pagsuporta sa kanyang anak sapagkat ito ay ikabubuti ng buhay ng kanyang anak. Kailangan ng

isang anak ang gabay ng magulang lalo na pagdating sa pag-aaral para alam ng magulang ang mga

ginagawa nito. Katulad na lamang pagpapasok ng maaga ang anak, gigising ang isang magulang at

ipaghahanda ng almusal ang anak. Sa paaralan naman kapag may mahalagang programa at kasama ang

anak sa may gampanin, marapat lamang na nandoon ang magulang para suportahan ang anak. Ang

suporta ng magulang ay nakapagbibigay ng inspirasyon sa isang mag-aaral upang ito ay mas ganahan sa

pag-aaral at hindi matulad sa ibang mag-aaral na napapariwara.

Layon ng pananaliksik ang mapag-aralan ang mga epekto ng kakulangan ng suporta ng magulang

sa kanilang mga anak.


PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay may paksang “EPEKTO NG KAKULANGAN NG SUPORTA NG

MAGULANG SA MGA MAG-AARAL SA BAITANG 10 NG MATAAS NA PAARALAN NG

KALAYAAN NATIONAL HIGHSCHOOL SA TAONG 2019-2020” , matugunan ang mga

sumusunod na suliranin:

1.1 Edad

□ 14-15

□ 16-17

□ 18-19

1.2 Kasarian

□ Babae

□ Lalaki

1.3 Antas ng Pamumuhay

□ Mahirap

□ Maykaya

□ Mayaman

2. Anu-ano ang masamang epekto ng kakulangan ng suporta ng magulang sa mga anak bilang mag-aaral?

a) Nagiging rebelde

b) Nagloloko sa pag-aaral

c) Paggamit ng mga bisyo


d) Napapabarkada

e) Natututong magnakaw

f) Napapariwara

g) Nangbu-bully

h) Pagkaadik sa computer

i) Pagkawalang gana mabuhay

3. Anu-ano ang mabubuting epekto ng kakulangan ng suporta ng magulang sa mga anak bilang mag-

aaral?

a) Nakikisama at nakikisalamuha sa iba

b) Nagsusumikap

c) Natututong tumayo sa sariling mga paa

d) Nagiging matured ang pag-iisip

e) Maagang nagigising sa reyalidad

4. Bakit importante sa mga anak na mabigyan ng suporta ng magulang bilang mag-aaral?

a) May mahihingian ng tulong

b) May gabay ng magulang

c) Patungo sa mabuting landas

d) Pagkakaroon ng magandang kinabukasan

5.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay may paksang “EPEKTO NG KAKULANGAN NG SUPORTA NG

MAGULANG SA MGA MAG-AARAL SA BAITANG 10 NG MATAAS NA PAARALAN NG

KALAYAAN NATIONAL HIGHSCHOOL SA TAONG 2019-2020” , matugunan ang mga

sumusunod na suliranin:

1. Profayl ng mga respondents ayon sa:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Antas ng Pamumuhay

2. Anu-ano ang masamang epekto ng kakulangan ng suporta ng magulang sa mga anak bilang mag-aaral?

3. Anu-ano ang mabubuting epekto ng kakulangan ng suporta ng magulang sa mga anak bilang mag-

aaral?

4. Bakit importante sa mga anak na mabigyan ng suporta ng magulang bilang mag-aaral?

5.
ASAMPSYON

Sa pagtatapos ng pag-aaral na ito ay inaasahan ang mga sumusunod:

1. Ang lahat ng datos ay may katotohanan at katanggap-tanggap.

2. Matutukoy ang masasamang epekto ng kakulangan ng suporta ng magulang sa mga anak.

3. Malalaman ang mabubuting epekto ng kakulangan ng suporta ng magulang sa mga anak.

4. Malalaman ang kahalagahan ng suporta ng magulang sa mga anak.

5.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Sa pag-aaral na ito ay sakop lamang ang 30 piling mag-aaral sa Baitang 10 ng Mataas na Paaralan

ng Kalayaan National Highschool na may pamagat “EPEKTO NG KAKULANGAN NG SUPORTA

NG MAGULANG SA MGA MAG-AARAL SA BAITANG 10 NG MATAAS NA PAARALAN NG

KALAYAAN NATIONAL HIGHSCHOOL SA TAONG 2019-2020”.


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Malaki ang naiaambag ng pag-aaral na ito upang malaman ang mga epekto ng kakulangan ng

suporta ng magulang.

MAG-AARAL. Sa mga mag-aaral na pangunahing nakikinabang sa suporta ng magulang na

nilalayon ng mananaliksik na matugunan ang kakulangan ng suporta ng magulang.

GURO. Ang paksang ito ay nakatutulong upang mapunan ang kaisipan na may kasamang pag-

alam sa mga kabataang mag-aaral na hindi sinusuportahan ng magulang.

TAGAPANGASIWA NG PAARALAN. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay nakatutulong bilang

batayan ng mga tagapangasiwa upang matugunan ang pangangailangan ng isang mag-aaral sa kakulangan

ng suporta ng magulang.

PAARALAN. Mahalaga ang paaralan sa mga mag-aaral sapagkat dito ka matututong sumulat,

bumasa at iba pa na maaaring maging solusyon sa kakulangan ng suporta ng magulang.

SUSUNOD NA MANANALIKSIK. Magsisilbing gabay ito para sa ikakaunlad ng mag-aaral at

guro.

MAGULANG. Ang paksang ito ay makakatulong upang kanilang mapunan ang suporta sa

kanilang mga anak na mag-aaral.

You might also like