You are on page 1of 14

Responsableng Pagpapamilya

JUNMAR C. PAGUIO
MSWDO STAFF
RESPONSABLENG PAG PAPAMILYA

 Nakasalalay sa kamay ng mga responsableng magulang ang


ikabubuti ng isang pamilya tungo sa isang matatag
napamayanan.
 Kabilang dito ang kakayanan na maibigay at matugunan
ang lahat ng pangangailangan ng mga anak upang
lumakingmaunlad ang mga ito.
 Magkatuwang na responsibilidad ng mag-asawa na
planuhin ang tamang bilang o laki ng pamilya, gayun din
ang tamangpag-aagwat at tamang panahon ng pag-aanak.
KAHULUGAN NG PAGIGING MAGULANG
AT PAGIGING RESPONSANLENG
MAGULANG
 Ang pagiging magulang ay pagiging isang AMA at INA ng
mag asawa sa kanilang anak, Maging ito man ay Biological
o Legal na pag-aampon,
 Ang pagiging responsableng magulang ay ang kakayahan,
kasanayan at karanasan may kinalaman sa tamang
pangangalaga, kakayahang maibigay at matugunan ang
pangunahing pangangailangan ng mga anak at buong
pamilya tulad ng pagkain,educasyon, pangkalusugan at iba
pa.
Mabuting Anak
Mga Paraan para Maging Mabuting Anak sa Magulang!

Ang isang ordinaryo na batang Pilipino ay kalimitan na tinitignan bilang


isang kasambahay ng kanyang mga magulang. Sa ating modernong panahon
ngayon ay karamihan ng mga bata ay nahuhubog sa teknolohiya. Mga bata na
tumutunganga nalang sa harapan ng kompyuter o cellphone, hindi man
tumutulong sa mga gawaing bahay. Minsan nahihirapan ang ating mga
magulang sa lahat ng mga gawain kaya halina’t tulungan natin ang ating
nanay at tatay.Ito ang mga paraan para maging mabuting anak sa kanyang
mga magulang:
Tumulong
 Bilang mga anak, tayo ay inaasahan ng ating mga magulang para gawin ang
kanilang inutos. Hindi dahil tinatamad sila, kundi kailangan nila ng tulong.
Marami sa atin ay ang mga magulang ay matanda na. Madalas hindi na nila
kaya ang lahat ng mga gawain kaya para maging mabuting anak ay kailangan
natin silang tulungan.
Sumunod
 Tayong mga kabataan, madalas nating sinasabi na “Masyado naman kayo
mahigpit sa akin” sa ating mga magulang, o kaya binubulong nalang sa ating
sarili. Sila, bilang magulang, gusto lang nila kung anong nararapat sayo. Alam
nila kung ano ang ikabubuti mo dahil dumaan na rin sila sa ating edad. Naging
bata rin sila para malaman kung anong ikasasama o ikabubuti natin
Mahalin
  Malamang mahalin natin ang ating magulang. Alam mo ba, ang
pinakamagandang regalo sa iyong magulang ay ang pagmamahal mo sa kanila?
Maraming bata ngayon ay nagsasabi na hindi nila mahal ang magulang nila
dahil masyado daw sila strikto, laging utusan o kaya sinasaktan. Kahit sa ano
mang rason, hindi ka dapat mawalan ng dahilan para mahalin ang magulang
mo. Sila ang nagbigay buhay sa inyo, pinakain, binigyan ng tirahan, at
binigyan ng pagmamahal. Sa lahat ng mga sinakripisyo nila, kahit simpleng
pagmamahal lang ay sapat na kabayaran para sa kanila

You might also like