You are on page 1of 7

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Ang pamilya ay isang simpleng salita na nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan,

ngunit ang tradisyonal na pamilya ay binubuo ng ama, ina at mga anak. Ayon kay

Mayntz (2006), ang pinaka simpleng kahulugan ng pamilya ay, grupo o pangkat ng mga

tao na naghahati sa tinatawag na legal bond o blood bond. Ang pamilya ay isa sa

pinakamahalagang parte para sa isang tao. Ang pamilya ay sinasabi ring ang may

pinakamalaking impluwensya sa buhay ng tao. Ito ang pinakamaliit na yunit sa isang

lipunan na siyang humuhubog sa pagkatao ng bawat miyembro ng komunidad. Pamilya

rin ang pinakamahalagang tagapagbigay inspirasyon sa mga taong nangangailangan nito

sa pamamagitan ng pagmamahal at pagmamalasakit. Ang pamilya ay isang

napakaimportanteng salita. Kung saan, ito lamang ang makapagbibigay ng pakiramdam

ng pagiging ligtas, at pagkakaroon ng mga taong masasandalan at mababahagian ng

problema

Ang isang karaniwang pamilya ay binubuo ng tatay, nanay at mga anak na pinag-

iisa ng pagmamahal, na kilala rin sa katawagang nuclear family. May iba’t ibang uri ng

pamilya ayon sa bilang ng miyembro nito, una na rito ang extended family na binubuo

hanggang sa lolo’t lola at ang pangalawa ay ang conjugal family na binubuo lamang ng

nanay at tatay.
2

Sa paglipas ng panahon, at pagpasok ng makabago at modernong mundo, unti-

unti nang nakikita ang mga pagbabago hindi lamang sa ating mga kagamitan, gayundin sa

pagkakabuklod-buklod ng isang pamilya. Sa pamilya nagsisimula ang pakikipagugnayan

sa iba at nagmumula ang pakiramdam na pagiging ligtas, pagkakaroon ng mga taong

maasahan at maaari mong bahagian ng iyong mga problema (Ronald, 2018). Ngunit hindi

maiiwasan magkaroon ng mga problema at alitan sa loob ng isang pamilya. Ito ay

maaaring magresulta sa mas matatag na relasyon sa isa’t isa o magdulot ng

pagkakawatak-watak ng isang pamilya o mas tinatawag na broken family.

Ang isang broken family ay ang tawag sa pamilya na kung saan hindi magkasama

ang nanay at tatay sa pagtataguyod ng kanilang pamilya. Ito ay pinaniniwalaan na isa sa

mga dahilan kung bakit ang mga anak ay naliligaw ng landas sa buhay, gumagawa ng

hindi tama at kung bakit nagkakaroon ng mga ‘rebeldeng anak’ kung tawagin.

Ang nasirang tahanan ay tinukoy bilang anumang tahanan na kung saan ang isa o

parehong mga magulang ay hindi nakatira kasama ang bata sa isang normal na relasyon

ng pamilya. Ang paghihiwalay ay maaaring dahil sa kamatayan, diborsiyo, desersyon, o

iba pang mga dahilan.

Ang isang ideyal na pamilya ay pagkakaroon ng masasayang miyembro. Ang

bawat isa ay nagkakaunawaan, nagmamahalan at nagtutulungan. Ang mga magulang ay

nagtatrabaho upang kumita ng pera para sa kanilang pamilya. Sila ay responsable para sa

kanilang mga anak. Habang ang mga anak naman ay nararapat na magkaroon ng sapat na

edukasyon upang suklian ang hirap ng kanilang mga magulang.


3

Sa isang pamilya, ang magulang ay may malaking parte sa edukasyon ng kanilang

anak. Sila ang kanilang kauna-unahang guro na magsisilbing gabay sa kanilang anak para

ihulma sa mas magandang katangiang pagkatao nito. Ayon kay Muller (2009), ang

pamilya, paaralan at ang komunidad ay sama-samang tinukoy ang hangganan at ang

ginaganapan ng edukasyon. Dito, mas pinapalaki ang kapasidad ng mga magulang at ng

komunidad, kung saan sila’y gumagawa ng mga kondisyon kung saan mas natututo ng

mas epektibo.

Ang paaralan at ang kapaligiran ay importante sa pagdedebelop ng akademikong

performans ng mag-aaral na papabor sa mga estudyante para mas maging tagumpay sa

pagkamit ng mga layunin sa buhay. Gayundin ang mga eksperto na naniniwala na

kailangan ng mga magulang sa sumubaybay sa mga anak sa mga gawain sa paaralan.

Samantala, ang papel ng mga magulang (Bulataos,1998), ay maghangad na makuha ng

kanilang mga anak ang matataas na antas ng edukasyon.

Ang edukasyon ay sinasabing isa sa mga mahahalagang bagay sa mundo. Ito ay

isang yugto ng buhay ng isang tao kung saan ang bawat mag-aaral ay natututong sumulat

at bumasa. Sinasaklaw nito ang estado ng pag-aaral ng mga estudyante at kalidad na

pagtuturo ng mga guro sa isang bansa. Mayroon itong mahalagang papel sa pag-unlad ng

isang tao, ito ay nagsisilbing pundasyon ng bawat kabataan upang makamtan ang

kanilang mga hangarin sa kanilang buhay. Bukod dito, ito rin ay konektado sa iba’t ibang

opurtunidad at kahusayan ng isang tao para sa mas magandang buhay (Battle at Lewis,

2002).
4

Dahil sa mga nabanggit na impormasyon, magsasagawa ang mga mananaliksik ng

pag-aaral tungkol sa epekto ng pagiging miyembro ng isang broken family sa pag-aaral

ng mga estudyante mula sa Bataan National High School – Senior High School.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahin suliranin sa pag-aaral ay: Paano nakaaapekto ang pagkakaroon

ng broken family sa Akademikong Performans ng mga mag-aaral ng ika-11 baitang ng

Bataan National High School - Senior High School?

Tiyak na sasagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang mga salik na nakakaapekto sa akademikong performans ng mga mag-aaral

na mayroong broken family?

2. Paano nakakaapekto ang pagkakaroon ng broken family sa akademikong performans

batay sa:

2.1 Pagsusulit;

2.2 Pagiging aktibo sa klase; at

2.3 Aplikasyon ng mga natutunan?

3. Ano ang epekto ng edad ng mag-aaral noong siya’y mabilang sa isang broken family

sa kaniyang akademikong performans?

4. Paano mailalarawan ang pag-uugali ng mga mag-aaral na kabilang sa broken family?

5. Ano ang implikasyon ng pag-aaral na ito sa mga mag-aaral?


5

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pananalisik na ito, layon ng mga mananaliksik na malaman ang epekto ng

pagkakaroon ng broken family sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang resulta at kalalabasan

ng pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay lubos na makatutulong sa mga mag-aaral lalo na sa

mga miyembro ng broken family. Sa pag-aaral na ito ay malalaman ang mga posibleng

relasyon at epekto ng broken family sa akademikong performans ng mga mag-aaral. Sa

pamamagitan nito, maaari silang makabuo ng isang plano kung paano nila maisasaayos

ang iba’t ibang aspeto ng kanilang buhay sa kabila ng pagiging miyembro ng isang

broken family.

Magulang. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga magulang upang

maipabatid kung ano ang mga posibleng maging epekto ng pagkakaroon ng broken

family sa akademikong performans ng kanilang mga anak. Ang makakalap na kaalaman

sa pananaliksik na ito ay maaaring maging daan sa magulang sa pagkakaroon ng bukas na

komunikasyon sa kanilang anak. Ang pag-aaral ding ito ay maaaring magsilbing paalala

sa mga magulang na nasa bingit na ng paghihiwalay na maaaring pagdaanan ng kanilang

mga anak sa ilalim ng broken family.

Komunidad. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang maimulat ang isipan ng

mga mamamayan ukol sa epekto ng pagiging miyembro ng isang broken family lalo na sa

akademikong performans ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito ay mas magiging

bukas ang isipan ng mga miyembro ng pamayanan sa mga usaping ukol sa pagkasira ng
6

tahanan, at dahil ditto, mas maptitibay ang relasyon ng bawat pamilya sa loob ng

komunidad.

Guro. Ang pananaliksik na ito ay magiging daan upang masubaybayan pa ng mga guro

ang akademikong performans at pag-uugali o kilos ng mag-aaral na nakakaranas ng

epekto ng broken family. Bilang ikalawang magulang ng mga mag-aaral, mas

magagampanan ng mga guro nang buong husay ang kanilang gampanin, ang gabayan ang

mga mag-aaral tungo sa magandang kinabukasan.

Sa Mga Susunod Pang Mananaliksik. Ang impormasyon at konklusyong nakalap sap

ag-aaral na ito ay maaaring gamitin at gawing basehan ng mga nagnanais pang

magsaliksik ukol sa usaping ito. Mas marami pang mga pag-aaral ang magbubukas na sa

kalauna’y aambag sa mas ikauunlad ng pamayanan at sektor ng kaalaman.

Mananaliksik sa hinaharap. Ang impormasyon at konklusyon na nakalap sa pag-aaral

na ito ay maaaring magamit at gawing basehan ng mga nagnanais magsaliksik sa

hinaharap ukol sa epekto ng broken family.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pagtuklas ng epekto ng pagiging

miyembro ng isang broken family sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa

Bataan National High School - Senior High School. Ang pananaliksik na ito ay

naglalayong magbigay ng kaalaman ukol sa mga posibleng bunga ng pagiging miyembro

ng isang broken family sa pag-aaral.


7

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa pagpili ng humigit kumulang 40 na

respondente. Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa taong pampaaralan mula 2019

hanggang 2020. Magsasagawa ng sarbey kwestyoner at structured interview ang mga

manananaliksik upang makalap ang mga datos mula sa mga respondente.

MGA TALA SA KABANATA I

Mayntz. (2006). www.google.com. Nakuha noong February 20, 2020, sa

family.lovetoknow.com: https://family.lovetoknow.com/definition-family

Muller, C. (2009). Parent Involvement and Academic Achievement:an Analysis of

Family Resources Available to the Child. In B. a. Schneider, Parents, Their Children,

and Schools (pp. 77-114). Boulder, Colorado: Westview Press.

Bonbon, E., et al. (1998). Problems Encountered by Students Living with their

Relatives and their Relationship to Academic Performance.

Battle, J. at Lewis, M. . (2002). The Increasing Significance of Class: The

Relative Effects of Race and Socioeconomic Status on Academic Achievement. Journal

of Poverty, pp. 21-35.

You might also like