You are on page 1of 9

KAUGNAY NA LITERATURA

1. Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng Broken Family.


 Paghihiwalay ng mga magulang: Ano mang oras, lugar o paraan, ang
paghihiwalay ng magulang ay hindi maganda sa buhay ng pamilya. Ngunit
hindi maiiwasan na ito ay mangyari. Ang paghihiwalay ng mga magulang ang
sinasabing nangungunang dahilan sa pagkakawatak-watak ng pamilya. Ang
madalas na pinagtatalunan o sanhi ng pag-aaway ay problemang
pangpinansiyal, sekswal na argumento, maagang pag-aasawa, maagang
pagbubuntis, edukasyon, problemang pangkalusugan at iba pa. Kapag
naghiwalay ang magulang, kadalasan, isa o parehas na umaalis ang mag-
asawa sa kanilang tahanan na siyang nakakaapekto sa administrasyon ng
pamilya na sanhi ng pagkasira nito. Ang paghihiwalay ang pinakamahirap na
suliranin na maaaring mangyari sa mag-asawa, lalo na kung sila ay may mga
anak na. Mahirap man para sa mag-asawa na maghiwalay ng landas, ngunit
sila ay dalawang matured na indibidwal na kaya nang panindigan ang
kanilang mga desisyon at tanggapin ang pagbabago sa kani-kanilang buhay.
Mas malala ang epekto ng pangyayaring ito sa mga anak ng nasirang pamilya.
Hindi lamang sa masakit ang marinig ang balitang maghihiwalay ang kanilang
mga magulang, ngunit ang pinakamasamang mangyari ay ang pagkasira ng
kanilang mga buhay dahil sa pangmatagalang epekto ng pangyayaring ito.
 Pagkamatay: Hindi na nakakapagtaka na ang pagkamatay ng isang miyembro
ng pamilya ay nakakabawas sa kalakasan nito. Sa kasamaang palad, ang
pagkamatay ay isa rin sa mga sanhi ng pagkasira ng pamilya. Hindi naman
direktang nakasisira ng pamilya ang pagkamatay ng isang miyembro nito,
ngunit ang pagkamatay ng ina o ama. Sa panahong maintindihan na ng anak
na hindi na babalik ang magulang na pumanaw, sila ay nagiging emotionally
disturbed. Kung ang naiwang kabiyak ay nakararanas ng masalimuot na
buhay, maaaring hindi maganda o masalimuot ang epekto nito sa buong
pamilya, na siyang magiging dahilan ng pagkasira ng pamilya. Noon, ang
pagkawala ng ina ay mas masakit kaysa sa pagkawala ng ama. Ang ina kasi ay
may malaking gampanin sa pagpapalaki ng anak mula pagkabata nito. Ngunit
habang lumalaki ang mga bata, mas nagiging seryoso ang pagkawala ng ama
kaysa sa pagkawala ng ina, lalo na sa mga lalaki. Minsa, ang ina ay
nawawalan ng oras at kakayanan na ibigay ang aruga na kailangan ng
kaniyang mga anak dahil sa pagtatrabaho. Ngunit wala ng mas isasakit pa
kung parehas na magulang ang mawawala.
 Hindi pagkakaintindihan sa mga kasapi ng pamilya: Bukod sa pagkamatay at
paghihiwalay ng magulang, Mayroon ding problema na nag-ugat mula sa
hindi pagkakaintindihan ng mga kasapi ng pamilya sa tahanan. Maaring
maging iba’t iba ang dahilan. Ngunit, Ang pinaka karaniwang rason ay droga,
pang aabuso, pag inom ng alak, maling pamamaraan at paglalasing ng tatay,
anak o ibang miyembro ng tahanan. Pagkatapos ay may maling pag-iisip,
pagsira at galit, na kung saan ay naging sanhi ng pagsira sa relasyon ng
kanyang sarili at sa sarili mula sa pamilya.
 Walang kondisyon na pangangasiwa: Pagkabigo sa pangangasiwa sa pamilya
ay isa sa mga dahilan ng broken family. Kung ang ama, ina o kahit sinong
tagapag-alaga ay nabigo sa pangangasiwa, magkakaroon ng problema sa
pagitan ng mga miyembro ng pamilya. Magkakaroon sila ng kalayaan sa loob
at labas ng kanilang tahanan na gawin ang mga bagay sa kahit anong paraan
na gusto nila. At ang hindi sistematiko at maling paraan ng pamumuhay ay
makakaapekto sa natitirang pagkakaunawaan ng pamilya. Kung mas lalala ang
hindi pagkakaunawaan sa pamilya, hindi malabong magkaroon ng kawalan ng
pakialam na maaaring magdulot ng pagkakaroon ng broken family.
 Impluwensiya mula sa pamilya o kaibigan: Parental or friends influence: Isa
pang dahilan ng pagkakaroon ng broken family ay dahil sa impluwensiya
mula sa pamilya o kaibigan. Kapag nakisali ang third party sa mga usapin ng
pamilya, Malaki ang tiyansa na magkaroon ng palitan ng masasakit na salita at
ang hindi pagkakaunawaan ay lalong lalala. Lahat ay may kaibigan na
maaaring pagsabihan ng problema. Ngunit maaari itong magkaroon ng
negatibong epekto. Kung sino pa ang akala mong makatutulong, isa pang
hindi inaasahang payo ang dumarating. Kadalasan, sa broken family, lalo na
ang paghihiwalay ng mga magulang ay nagaganap dahil sa impluwensiya ng
mga kaibigan.
 Mga problemang kinakaharap ng mga batang kabilang sa broken family: Ang
mga miyembro ng pamilya ay bumubuo sa unang kapaligiran ng bata at siya
ring pinakamahalaga habang lumalaki ito. Ang uri ng pamilya na siyang
kinakalakihan ng bata ay nakakaapekto sa pag-unlad sa pamamagitan ng
pagtukoy ng relasyon niya sa ibang miyembro ng pamilya. Ang tahanan ang
nagbibigay sa bata ng pakiramdam ng pagiging ligtas at matatag. Ang mga ito
ay kailangan sa personal at sosyal na adyasment. Ano mang nakakagulo sa
mga pakiramdam na ito ay maituturing na mapanganib para sa bata. Kasali
ang sino mang miyembro ng pamilya sa mapanganib na relasyon at ang
posibilidad ng pagkakaroon ng broken family ay mas lalaki.

2. Ano ang Broken Family?


Ang broken family ay isang pamilya na naghiwalay dahil sa iba’t ibang dahilan.
Nagdudulot ito ng pagkakaroon ng batang itinaguyod ng isang magulang, mga
stepparent o ng ibang tao na hindi kadugo. Ang broken family ay maaaring dulot ng
paghihiwalay dahil sa sakit, dibosiyo o iba pang problema. Ang paghihiwalay ng
pamilya ay maraming negatibong epekto sa mga bata. Ang mga bata ay maaaring
magrebelde sa kanilang mga kapatid, tunay na mga magulang o step parents. Ang
mga bata ay nagkakaroon rin ng mga emosyonal na isyu, tulad ng galit, hinanakit,
kalungkutan at depresyon, dahil sa pagbabago ng yunit ng pamilya. Ang mga batang
kabilang sa broken family ay maaaring maagang gumawa ng sekswal na aktibidad at
magkaroon ng problema sa paaralan.

3. Iba Pang Epekto ng Broken Family sa mga Bata


Ang mga epekto ng broken family sa pag-unlad ng bata ay nakasalalay sa iba’t
ibang kadahilanan, tulad ng edad noong naghiwalay ang mga magulang, at ang pag-
unlad ng personalidad at relasyon ng pamilya. Ngunit ang mga sanggol at bata ay
maaaring makaranas ng ilang negatibong epekto sa pag-unlad, at ang mga teenagers
naman ay maaaring makaranas ng ilang problema sa sosyal, emosyonal at
edukasyonal na pagganap.

 Emosyonal
Pagkatapos ng diborsyo, ang mga bata mula sa pre-school hanggang late
adolescence ay maaaring makaranas ng kakulangan sa emosyonal na pag-unlad.
Ang mga bata sa ano mang edad ay maaaring maramdamin o nakakaranas ng
depresyon, na sinasabing nagtatagal ng ilang taon pagkatapos maghiwalay ng
magulang, ayon sa isang saykolodyist na si Lori Rappaport. Bilang karagdagan,
ang ibang teenagers ay nagpapakita ng kaonting emosyonal na reaksiyon sa
paghihiwalay ng kanilang mga magulang. Ipinaliwanag ni Rappaport na ito ay
maaaring hindi makatulong sa pag-unlad ng bata. Ang ilang mga kabataan na
nagpapakita ng kaonting emosyonal na reaksiyon ay tinatago ang sakit na
kanilang nararamdaman. Ang emosyonal na pagtatago ay nakakapagpahirap sa
mga magulang, guro at mga therapist na matulungan ang bata na maproseso ang
kaniyang nararamdaman sa paraang makabubuti at makakapagpaunlad sa kaniya.
Ang mga bata ay nahihirapan na tanggapin ang pagbabago. Kapag umalis ang
isang magulang sa pamilya, dumadating naman ang step parent, o di kaya ay
nararamdaman ng bata na hindi napupunan ng magulang ang kaniyang emosyonal
na pangangailangan, maaari siyang magalit, magkaroon ng hinanakit, makalito at
magselos. Maaari itong magdulot ng kalungkutan, paghihiwalay sa sarili,
pagkalungkot at mababang pagpapahalaga sa sarili kung hindi alam ng mga bata
kung paano ipahayag nang maayos ang kanilang mga damdamin.
 Edukasyonal
Ang mabagal na akademikong pag-unlad ay isa ring pangkaraniwan na epekto
ng broken family. Ang emosyonal na stress na dulot ng diborsyo ay sapat na
upang maapektuhan ng sobra ang akademikong pag-unlad ng bata, ngunit ang
pagbabago sa pamumuhay at kawalang-tatag ng isang broken family ay
maaaring mag-ambag sa hindi magandang resulta sa paaralan. Ang mabagal
na akademikong pag-unlad ay maaaring mag-ugat sa iba’t ibang dahilan,
kabilang ang kawalang-tatag sa tahanan, hindi sapat na panggastos at iba
ibang gawain.

 Sosyal
Naapektuhan ng diborsyo ang sosyal na relasyon sa iba’t ibang paraan. Una,
ang ibang mga bata inilalabas ang kanilang pagkabalisa sa pamamagitan ng
pagiging agresibo at pananakit sa kapwa, na siyang masamang naaapektuhan
ang relasyon sa kapwa. Ang iba naman ay maaaring makaranas ng pagkabilsa,
at dahil doon, mas nahihirapan ang bata na makahanap ng positibong
pakikisalamuha sa kapwa at sumali sa mga pampalakasan kasama ang ibang
kabataan na maaaring makatulong sa akademikong pag-unlad. Ang mga
kabataan mula sa mga broken family ay maaaring magkaroon ng cynical na
pag-uugali tungo sa mga relasyon at magkaroon ng pakiramdam ng hindi
pagtitiwala sa mga magulang man o sa magiging katuwang niya sa buhay,
ayon sa saykolodyist na si Carl Pickhardt sa artikulong “'Parental Divorce and
Adolescents'' na inilathala sa Psychology Today.

 Dinamikong Pamilya
Sa kalikasan ng diborsyo, nababago nito hindi lamang ang istraktura ng
pamilya kundi pati na rin ang dinamika nito. Kahit na ikaw at ang iyong
asawa ay may isang maayos na diborsyo, ang simpleng paglikha ng dalawang
bagong sambahayan ay permanenteng nakakapagpabago ng pakikipag-
ugnayan at tungkulin ng pamilya. Base sa bagong ayos ng pamumuhay,
maaaring kailanganin ng iyong mga anak na gumawa ng iba pang gawain at
magsagawa ng karagdagang mga tungkulin tungo sa maayos na pamumuhay
ng bagong sambahayan. Bilang karagdagan, sa ibang mga broken family, ang
mga nakakatandang anak ay maaaring tumayong magulang sa kaniyang mga
kapatid dulot ng trabaho ng kanilang mga magulang o kawalan ng kakayahan
na makasama sila tulad nang bago pa maghiwalay ang mga magulang.

 Problema sa pag-uugali at pagkatuto


Maaaring maranasan ng mga bata ang problema sa pag-uugali sa paaralan sa
pakikitungo sa mga guro, pakikipag-away sa kapwa at kawalan ng interes sa
paggawa ng mga asignatura at pagsunod sa mga panuto at maaari rin silang
magkaroon ng problema sa konsentrasyon sa pagintindi ng kanilang
asignatura. Ang mga bata ay maaaring sumanib sa mga negatibong epekto ng
peer pressure. Sa bahay, maaaring makipag-away ang mga bata sa kaniyang
mga kapatid, sa mga tunay na magulang at sa step parent. Natuklasan na mas
kaonti ang problema ng mga kabataan sa pag-uugali kung may positibong
relasyon hindi lamang sa mga tunay na magulang, at kung kabilang ang step
parent, lalo na ang matatag na relasyon sa stepfather.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

1. Ang edukasyon ay isang mahabang proseso. Ang akademikong performans sa


primaryang edukasyon ay may mahalagang gampanin sa pagkamit ng iba't ibang
oportunidad sa edukasyon. Kaya't mahalagang matuklasan at maeksamin kung
paano nakaaapekto ang kaligirang pampamilya sa akademikong performans ng
isang bata. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga datos na galing sa Chinese
Family Panel Study noong 2010 (CFPS2010), ang pag-aaral na ito ay may
dalawang iniinalathalang kadahilan o paraan kung paano nakaaapekto ang
pamilya sa akademikong performans ng isang mag-aaral. Una, ang mga magulang
ay humahanap ng mataas na kalidad na oportunidad sa edukasyon para sa
kanilang mga anak, at ang mas magandang oportunidad sa edukasyon ay
nagdudulot sa mas magandang akademikong performans ng isang mag-aaral.
Pangalawa, ang paraan ng pagdidisiplina at suporta sa edukasyon mula sa mga
magulang ay nakakaapekto sa kagawian sa pag-aaral at akademikong performans
ng mag-aaral. Ayon din sa pagsusuri, lumabas na mas labis na nakaaapekto ang
sosyo-ekonomikang estado ng mga magulang sa akademikong performans ng
mga mag-aaral mula sa urban kaya sa rural. Ang mga lumabas na resulta ay
naglalaman ng mahahalangang paraan kung paano mababawasan o malilimitahan
ang pagkakaiba-iba sa akademikong performans ng mga mag-aaral at upang
maipalaganap ang pagkakapantay-pantay sa edukasyon sa China.

https://journalofchinesesociology.springeropen.com/articles/10.1186/s40711-018-
0083-8

2. Ang pamilya pinakamaliit na yunit sa komunidad. Isa ito sa mga


pinakamahalangang komponent sa nasyon. Sa tahanan nakatira ang isang
pamilya. Kadalasan, ito ay naihahantulad sa salitang 'bahay'. Ngunit ang 'bahay'
ay mas tumutukoy sa pisikal na estraktura at mga materyales habang ang 'tahanan'
ay tumutukoy naman sa mga pangyayari na humuhubog sa isang pamilya. Ito ang
hindi masusukat at mapapantayang pagmamahal at pag-aaruga na nagpapatibay sa
koneksyon ng mga kasapi sa isang pamilya (Beckford 2010) Ang mga bata na
galing sa broken family ay mas higit na dumaranas sa "mental trouble" ng limang
beses kumpara sa mga bata na ang mga magulang ay magkasama sa iisang bahay.

Ayon kay Dounghty, (2008), lumabas na mas mainam ang dalawang magulang na
magkasama kaysa sa iisa lamang para maiwasan na makaranas ang isang bata sa
emotional distress at anti-social behavior na maaaring humantong sa agresibo at
bayolenteng pakikitungko sa iba. Sa henerasyon ngayon, ang mga batang hiwalay ang
mga magulang ay may apat hanggang limang tsansa na magkaroon ng emotional disorder
kaysa sa mga batang magkasama ang magulang.
https://studymoose.com/effects-on-having-a-broken-family-in-education-essay

3. Ang pananaliksik na ito ay pumamatungkol sa epekto ng pagkakaroon ng watak-


watak na pamilya sa pag-aaral ng isang indibidwal. Ang pag-aaral na ito ay
naglalayong malaman kung ano ang mga posibleng mga dahilan, epekto at
maaaring maging paraan na posibleng gawin ng isang indibidwal upang
malagpasan ang mga nagbabadyang kalungkutan na maaaring makatagpo ng
biktima sa mga panahong tumatayo pa lamang siya sa pagkalugmok dulot ng sakit
na kaniyang kakaharapin. Ang mga naturang impormasyon na nakalap ay
nagmula sa sarbey ng kwarenta ka taong nakabatay sa pag-aaral ng mga
mananaliksik, ang pagkakaroon ng watak-watak na pamilya. Ang mga
impormasyong natipon ay pinag-aralang mabuti upang magkaroon ng isang
kumprensibong konklusyon upang makapagbahagi ng mga impormasyong
maaaring magsilbing tulong.

https://www.academia.edu/36055653/Epekto_ng_Pagkakaroon_ng_Watak-
watak_na_Pamilya_sa_Pag-
aaral_sa_Ilang_Piling_Indibidwal_sa_Isang_Pribadong_Paaralan_ng_Lanao_del_Norte?
fbclid=IwAR3GOdVRoopbht0DWc5wcNgduqyJxsoqddlABwf5aTcKxUEq6uiN2wQdOEk

KAUGNAY NA TEORYA

1. Spady’s Sociological Theory


Si Spady ay isa sa mga unang mananaliksik na nagmungkahi ng kilalang teorya
tungkol sa retensyon ng estudyante noong 1970 (Spady 1970, 77). Ang inaasahan sa
teorya na ito ay maipapaliwanag nang maayos ang mga mag-aaral na nagdrop out sa
pamamagitan ng interaksiyon sa pagitan ng indibidwal na estudyante at ang
kapaligiran sa unibersidad. Sa interaksiyon na ito, ang mga katangian ng mag-aaral,
tulad ng pag-uugali, kakayahan at interes ay nakalantad sa mga impluwensiya,
inaasahan at hinihingi ng unibersidad. ang resulta ng interaksiyon na ito ang tutukoy
kung ang mag-aaral ay magpakatulad sa pang-akademiko at panlipunang sistema ng
unibersidad at kasunod ay kung ang mag-aaral ba ay mananatili sa pag-aaral.
Karugtong ng prosesong ito ay mga baryabol na nagpapakilala sa akademiko at
panlipunang integrasyon ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan. Ang mga baryabol
na ito ay ang kaligiran ng pamilya, akademikong potensyal, normatibong
pagkakapareho, performans ng grado, intelektuwal na pag-unlad at suporta mula sa
kapwa. Ang lahat ng mga baryabol na ito ay maiuugnay pa sa dalawang baryabol, ang
kasiyahan sa kapaligiran sa unibersidad at ang pangako sa institusyon (Spady 1970,
77).

https://www.researchgate.net/publication/272579348_Theoretical_perspectives_on_fa
ctors_affecting_the_academic_performance_of_students

2. Ang Broken Home Theory


Ang teoryang broken home ay ginamit na ng iba’t ibang sosyolohista sa buong
kasaysayan ng panlipunang Amerikano upang ipaliwanag kung bakit hindi
disiplinado ang mga bata. Ang teoryang ito ay madalas gamitin at katanggap-tanggap
ang eksplanasyon hanggang ngayon. Si Karen Wilkinson, mula sa University of
Arizona, ay idine-depina ang teoryang ito bilang:

Ang broken family ay karaniwang itinuturing na istraktura ng pamilya na


kakaiba mula sa perpektong istraktura ng pamilya. Sa Amerikanong lipunang, ang
perpektong istraktura ng pamilya ay ang nuklear na pamilya na may dalawang-
magulang (isang-lalaki, isang-babae). Sa broken family, ang isa o parehong mga
magulang ay wala dahil sa kamatayan, diborsyo, paghihiwalay o pag-iwas.
Inaasahang magkaroon ng masamang epekto sa bata ang ganitong uri ng pamilya
dahil sa kakulangan ng tamang mga modelo, pagkabigo na kontrolin ang bata at
hindi sapat na pag-ibig ng magulang o ina (Wilkinson, 1974).

Ang teoryang broken home ay isang pamilya na may isang magulang na


pinaniniwalaan ng mga unang sosyolohista at ng gobyerno na hindi epektibo tulad ng
pamilyang may dalawang magulang. Ang ideyang ito ay nakabase lamang sa
istraktura ng pamilya at ang katotohanang ang dalawang magulang ay mas maayos
kaysa sa isa. Isang pinagmulan na nakatulong na mahikayat ang pananaw na ito ay
ang kilusang “child savers.” Sa pagitan ng 1630 at 1830, maraming kabataan na hindi
disiplinado ang lumipat sa U.S. hindi bilang isang mamamayan kundi bilang isang
manggagawa ng agrikultura, manggagawang may kontrata at mga aprentis (Senna,
1994). Ngunit pagkaapos ng kalayaan at industrialisasyon, ang paga-aprentis ay
tinanggal na.

Ang mga bata ay mayroon pa ring mababang estado sa lipunan at malupit na


pinaparusahan ng mga matatanda. Noong 1838, sa wakas ay naramdaman ng U.S. na
kailangan na nilang makialam dahil ang natuklasan nilang mng dahilan ng pagiging
hindi disiplinado ng mga bata ay direktang sanhi ng mahina at maling paggabay sa
mga anak.

https://digitalcommons.calpoly.edu/cgi/viewcontent.cgi?
referer=https://www.google.com/&httpsredir=1&article=1012&context=socssp

3. Tinto's Integration Theory

Ayon sa pag-aaral sa literatura ng nga manunulat na sina Swail (2006, 1 of 4), Draper
(2005, 2 of 20) at McCubbin (2003, 20). Ang teorya ni Tinto sa panlipunan at
akademikong pagsasama ay ang pinaka tinutukoy sa lugar ng mga pananatili ng mag-
aaral. Noong 1975, si Tinto ay sumulat ukol sa gawa ni Spady (1970) na naunang
gumamit ng Durkheim's Theory sa pagpapakamatay sa pagpapanatili ng mga mag-
aaral. Ang teoryang ito ay base sa pagpapalagay na ang posibilidas na ang isang
indibidwal ay magpakamatay ay nahuhulaan sa lebel ng kanilang pakikisama sa
lipunan (Tinto 1976, 91). Habang sa Durkheim's model ng pagpapakamatay, ang
indibidwal ay nagpapakamatay dahil sila ay kulang sa pakikisama sa lipunan, naisip
ni Tinto na ang pagda dropout at nangyayari dahil sa kakulangan sa pakikisama sa
lipunan ng mga mag-aaral sa iba't-ibang aspeto ng unibersidad. Patuloy na
ipinagtatalo ni Tinto na ang dropout ay maaring mangyari dahil sa kakulangan sa
pakikisama sa lipunan o pang-akademikong sistema sa unibersidad (Tinto 1975, 92).
Base sa mahigit na pananaliksik, binago ni Tinto ang teorya noong 1987 sa pagsama
ng tatlong hakbang sa paglipat mula sa isang komunidad tungo sa isa pa. Ang unang
hakbang, paghihiwalay, tumutukoy sa pagkahiwalay ng mag-aaral sa isang grupo para
sumali sa iba. Habang sa ikalawang hakbang, kung saan ang pagbabago, ang mag-
aaral ay makikitungo sa mga diin sa paghahabol sa bago, hindi kilalang kapaligiran.
Sa huling hakbang ng inkorporasyon ng mga mag-aaral ay naging palaban sa
pagiging miyembro ng bagong kapaligiran (McClanahan 2004, 3; Swail, Redd and
Perna 2003, 46). Ang mahigit na pagbago ng teoryang ito noong 1993 ay nadagdagan
ng iba pang variable na nakaaapekto sa panlipunan at akademikong pagsasama ng
mga mag-aaral sa unibersidad. Ang mga variable na ito ay paga-adjust, kahirapan,
pagkakaiba, pag-iisa, bayarin, natutunan at panlabas na obligasyon ng mga mag-aaral
sa universidad (Tinto 1993, 45). Mas lalong binago ni Tinto ang pagsasama samang
teorya ng 1997 sa pagpopokus sa karanasan sa silid aralan. Mula sa perspektibong ito,
naisip ni Tinto na ang proseso ng pakikisalamuha na nagaganap sa silid aralan ay
nalalaman ang panlipunan at akademikong pagsasama sama ng mga mag-aaral. (Tinto
1997, 1 of 4).

Teoretikong perspektibo sa mga salik na nakaapekto sa pagganap ng mag-aaral


Bennett (2003, 127) nakapaloob anh dalawang aspeto ng Tinto's model. Ang unang
aspeto, pang-akademikong pagsasama, kasama ang salik tulad ng akademikong
pagganap ng mga mag-aaral, paglago ng intelektwal at kung ang mag-aaral ay
naniniwala na ang mga nagtuturo ang ay personal na ngangako sa pagtuturo at
pagtulong sa mga mag-aaral. Ang panlipunang pagsasama naman ay ibinibilang ang
mga salik tulad ng self-esteem nh mag-aaral at ang kwalidad ng kanyang relasyon sa
kanyang mga kamag-aral at guro. Ang mahigit na pag-aaral ng Tinto's model nina
Berge at Huang (2004, McCubbin (2003, 2) at Seidman (1996, 1 of 6) ay nagpapakita
na ang katangian ng mag-aaral bago makapasok sa kolehiyo tulad ng background ng
pamilya, kakayahang pang-akademiko, kasarian, at higit na pag-aaral ay maipapakita
ang kanilang pang akademiko at panlipunanh pagsasama sa kapaligiran ng
unibersidad.

https://www.researchgate.net/publication/272579348_Theoretical_perspectives_on_fa
ctors_affecting_the_academic_performance_of_students

You might also like