You are on page 1of 3

Kabanata II

Kaugnayan na Literatura

Ang pamilya ang pinakamaliit nay unit ng lipunan. Ang mga magulang ay dapat minamahal at
pinapahalagahan ang kanyang anak. Ang pagmamahal na ating natutunan sa ating mga magulang at siya ring
pinagtibay ng panahon. Ngunit, sa panahon ngayon gaano man katibay ang samahan ng mga magulang marami
pa ring dahilan upang masira ito. At ang pagkasira ng relasyon ng mga magulang ay maaring makakaapekto sa
kanilang mga anak. Unang-una na rito ay ang pagkawala ng konsentrasyon at gana sa eskwela at marami pang
iba.

Ayon ka (Pascual 1997) “Ang pundasyon ng pag-uugali ng isang bata ay nagsimula sa kanilang
tahanan. Sila ay naimpluwensyahan ng kaugalian ng kanilang pamilya, lalo na ng kanlang nanay.”

Batay naman kay (Woolfolk 1997) “Ang isang bukas na komunikasyon sa pagitan ng estudyante at
magulang ay isang mahalagang elemento sa pagtuturo at sa kanilang grading system.”

Alinsunod naman kay (Campbell, 1932) “Mayroon ding mga negatibong epekto sa mga bata ang
pagkamulat sa hiwalay pamilya o broken family. Sinasabi ng mga siyentipikong higit na marami ang mga
nagiging suliranin sa mga batang pinalaki ng single parents kaysa sa mga batang ginagabayan ng parehong
magulang. Ang mga hindi mabubuting bunga ay ang pagkakaroon ng mas mataas na tyansya ng sumusunod:
 Hindi pagtatapos ng pag-aaral
 Sinasadyang pagtigil sap pag-aaral
 Pakikipagtalo sa magulang
 Pakikipagtalik at pagbubuntis ng maaga
 Pagkalulong sa droga at alak
 Pagsali sa mga gang
 Pangangailangan ng tulong ukol sa mga problemang emosyonal at
paggawa ng krimen

Ayon kay (Sarwano Kusumaatmadja, 1995) “Ang pamilya ay isang komunidad na may importanteng
gampanin, kabilang ang kaalaman at kaligiran ng edukasyon na nagbibigay linaw sa mga kabataan sa
kasalukuyang henerasyon na may tamang proseso ng sosyalisasyon.”
Kabanata IV

“Presesntasyon at Interpretasyon ng mga Datos…”

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap mula sa mga mag’aaral sa Baitang 10
ng Gov. Nonito D. Llanos Sr. National High School tungkol sa Epekto ng Hiwalayan ng mga Magulang
sap ag-aaral ng mga Estudyante.

“Ang dahilan ng hiwalayan ng aking mga magulang ay nagharap ng iba ang aking ama dahil
hindi siya nakontento sa aking ina. Noong nalaman ko na nagkahiwalay sila ay labis akong nasaktan,
nahirapan at nainggit sa ibang bata na may ama. Sa kasalukuyan ang lahat ay tanggap ko na ngunit lagi
ko pa ring iniisip na kung ano ang mangyari sa akin kung di sila naghiwalay. At para malampasan ko
ito, kinalimutan ko na ang sakit na dulot ng paghihiwalay nila at ibaling ko nalang ang aking atensyon
sap ag-aaral, kung tutuusin nasa ika-labing dalawang baitang na sana ako ngayon ngunit dahil sa
kanilang hiwalayan nagpalipat-lipat kami ng tirahan. Ang maipapayo ko lang sa mga mag-aaral na
nakakaranas ng hiwalayan ng mga magulang ay huwag nilang masyadong iisipin ang kanilang
sitwasyon dahil Malaki ang magiging epekto nito sa kanila”. (L,K)

“Ang dahilan ng hiwalayan ng aking mga magulang ay hindi ko alam kasi bata pa ako noon at
noong nalaman ko na nagkahiwalay sila ay labis akong nalungkot kasi hindi ko alam ang gagawin ko
kung saan ako papanig sa kanila. At sa kasalukuyan ang lahat ay aking natanggap dahil naman natin
maiiwasan ang ganyang sitwasyon. Ngunit palagi akong tulala kasi pakiramdam ko ay nag-iisa lang ako
at wala akong Karamay. Para malampasan ko ito, ang aking ginawa ay ibinaling ko ang aking atensyon
sa aking mga kaibigan dahil pag di ako kumukuha ng lakas sa aking pamilya, sa mga kaibigan ako
kumukuha. Ang maipapayo ko lang sa mga katulad kong mag-aaral na hindi buo ang pamilya ay dapat
lagging mag-isip ng positibo at maging masaya sa kahit anong bagay. Katulad ko hindi naaapektuhan
ang aking pag-aaral dahil ginagawa kong inspirasyon ang aking problema.” (M,S)

“Hindi ko alam ang dahilan ng hiwalayan ng aking mga magulang ngunit noong nalaman ko na
nagkahiwalay sila ay labis akong nagulat at nasaktan. Hanggang ngayon hindi ko pa talaga lubos
matanggap ang mga nangyayari. Nagdulot ito sa akin ng depresyon at pakiramdam ko ay kulang ang
pag-aalaga sa akin ng aking mga magulang. Ang epekto nito sa akin ay minsan di ako pumapasok sa
paaralan ngunit nang nagtagal naisip ko na dapat makontento nalang ako sa aking ama at sa aking mga
kaibigan. Ang maipapayo ko sa mga estudyanteng nakaranas ng hiwalayan sa kanilang mga magulang
ay huwag magpapadala sa damdamin at maging kontento kung anong meron ka at isipin mo nalang na
mahal na mahal ka ng mga taong nag-alaga o nag-aruga sayo. Para sa akin hindi naman masyadong
naapektuhan ang aking pag-aaral, dahil marami naman akong mga kaibigan at hindi naman nagkulang
ang aking ama sap ag-alaga sa akin.” (JL,B)
“Ang dahilan ng hiwalayan ng aking mga magulang ay ng magdalang tao ang aking ina, ngunit iba ang
ama hindi ang aking papa at dahil dito hindi natanggap ng aking papa ang bata kaya naghiwalay sila. Noong
nalaman ko na naghiwalay sila, lubos akong nasaktan, ngunit natanggap ko rin naman ang lahat dahil alam ko na
ito ay parte ng aking responsibilidad, ang tanggapin kung anong problema ang ibinigay ng ating poong maykapal.
Noong una mahirap, pero sa ngayon malinaw na sa aking damdamin dahil tanggap ko na kung ano ang sitwasyon.
Pero sa kabila ng lahat nagkaroon parin ito epekto sa aking pag-aaral minsan mahirap, magulo, sobrang sakit
dahil may mga kamag-aral ako na buo, matatag at kompleto ang kanilang pamilya. Ang paraan ko upang
malampasan ang mga ito ay unti-unti kong kinalimutan ang mga problemang nangyari sa aking pamilya at inalaan
ko na lang ang aking oras sa kaibigan at sa mga taong meron ako ngayon.
Ang maipapayo ko lamang sa mga mag-aaral sa kagaya ko na hindi buo ang pamilya ay dapat patuloy
kayong magpakatatag dahil ang mga pagsubok ay dumadaan lamang sa buhay hangga’t tayo’y buhay patuloy
tayong lalaban at haharap sa pagsubok sa buhay. Para sa akin ang mga problemang ito o sitwasyon sa ngayon ay
hindi na maaapektuhan ang aking pag-aaral dahil marami akong kaibigan na magpapasaya at magmamahal sa
akin.” (F,P)

You might also like