You are on page 1of 3

Edukasyon sa Pagpapakatao 8

st
1 summative Test/ First Quarter

Panuto: Isulat sa papel ang titik lamang ng mga sagot sa sumusunod na pagsusulit.
II-Basahin ang tula at sagutin ang mga sumusunod na
1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t
ibang institusyon o sector. Alin sa mga tanong. 5 puntos bawat isa.
institusyon sa lipunan ang itinuturing
na pinakamaliit at pangunahing yunit
ng lipunan?
a. Paaralan
b. Pamilya
c. Pamahalaan
d. Barangay

2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural


na institusyon. Alin sa sumusunod na
pahayag ang dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang
institusyon ng lipunan.
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag
sa pagdami ng pamilya.
c. Nabuo ang pamilya dahil sa
pamamagitan ng dalawang taong
nagpasiyang magpakasal at magsama
nang habambuhay.
d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting
pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa
kapwa.

3. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng


batas ng malayang pagbibigay (law of free
giving). Alin sa sumusunod na pahayag
ang naglalarawan sa nasabing batas?
a. Isang ama na naghahanapbuhay upang
maibigay ang pangangailangan ng kaniyang
pamilya.
b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang
anak upang sa pagdating ng panahon sila
naman ang maghahanapbuhay sa pamilya.
c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng
bahay dahil nais niyang mabigyan ng
karagdagang baon sa iskwela.
d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa
kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t
inaaruga nila nang mabuti ang kanilang
mga anak.

Ang Aking Pamilya


ni: Julie Ann F. Rosario

Sa mundong ito, simula nang ako’y mabuhay, Ang


mga magulang ko ang aking taga gabay. Sa
mundong puno ng lungkot at problema,
Hindi nila ko hinayaang mag-isa at walang kasama.

Sa loob ng labing-anim na pagkabuhay ko sa mundo, Nagpapasalamat


ako sa mga magulang ko.
Mula sa araw ng aking pagsilang, sila’y nasa tabi. Hindi
nila ko hinayaan hanggang sa ako’y lumaki.

Laking pasasalamat ko sa kanilang pag-aalaga


Pagkat ako’y lumaki nang maayos at may kuwenta.
Kapag may problema, laging nariyan para umalala
Dahil sa ako’y mahal at anak nila.

Bilang isang anak, hindi man ako perpekto.


Ayos lang dahil sila nama’y mahal ko.
Hindi ko man ipakita ang pagmamahal na ito Alam
kong nararamdaman ito ng kanilang puso.

Salamat sa inyo, aking ama’t ina. Sa


walang sawa niyong pagsuporta.
Alay ko sa inyo ang matatanggap na medalya,
Kapalit ng inyong maayos na pag-aaruga.

1. Anong mga katangian ng isang pamilya ang isinasabuhay sa tula?


2. Ano-ano ang mga gampanin ng mga magulang ang isinasabuhay sa tula?
3. Ano-ano ang mga gampanin ng mga anak?

III- Bumuo ng konsepto batay sa larawan na makikita sa ibaba. 12 puntos

IV- Basahin at kompletuhin ang sumusunod na pangugusap. Isulat sa ibabaw ng bawat patlang ang iyong
kasagutan. (Constructivist Approach)
1. Sa pamilya umuusbong ang ng bawat kasapi ng pamilya.
2. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng .
3. Nabuo ang pamilya sa pamamagitan ng ng isang lalaki at babae.
4. Ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya, at paghubog ng pananampalataya ay mga ng
pamilya.
5. May at na gampanin ang pamilya.
6. Ang ang pinakamaliit ngunit pinakamahalagang yunit ng lipunan.
7. Ang maayos na samahan ng mga kasapi ng pamilya ang nagbubuklod dito tungo sa
.
8. Mahalaga sa isang pamilya ang .
9. sa pamilya ang pagmamahalan.
10. Ang pagmamahalan ng isang lalaki at babae na pinag-ugnay ng kasal ay tinatawag na
.
V- Sagutan ang katanungan batay sa mga dahilan kung bakit itinuturing na institusyon ang pamilya. Isulat ang
iyong mga kasagutan sa notbuk at maghanda sa malayang talakayan
1. Mahalaga ba ang pamilya para sa isang indibidwal? Sa lipunan? Bakit? Ipaliwanag.
2. Anong mga pagbabago ang kinakaharap ng pamilya kasabay ng modernisasyon?
3. Ano ang pinakamahalagang misyon ng pamilya? Ipaliwanag.
4. Bakit mahalagang bumuo ng magandang ugnayan sa pamilya? Ipaliwanag.
5. Paano napatitibay ng kasal ang isang pamilya? Ipaliwanag.

Goodluck!!!!

You might also like