You are on page 1of 4

Ang Aking Talambuhay: Tungo sa Pagiging Matapang

Ako nga pala si Angelica Joy C. Yap, labing-pitong gulang na babae na nakatira sa isa sa magagandang
barangay ng munisipalidad ng Carmen, Bohol, ang Bicao. Ako'y isang mag-aaral na nasa ika-11 baitang sa
paaralan ng Saint Anthony's Academy of Carmen, Inc., at maituturing na isang estudyante na matatag at
nagsusumikap maabot ang kaniyang mga pangarap sa hinaharap. Ako'y nakatira sa isang payak na
tahanan kasama ang aking mga magulang at ang aking dalawang kapatid, kahit payak at simple lamang
ang pamumuhay namin, kami nama'y masaya at nagtutulungan sa buhay. Isa lang ang masasabi kong
pinaka maglalarawan sa akin bilang isang tao, at ito ang pagiging isang babaeng matapang na
humaharap sa mga hamon sa buhay. At nais kong ibahagi sa inyo ang aking proseso kung saan natawag
ko ang sarili ko bilang isang matapang na babae.

Noong nasa elementarya pa lamang ako at nag-aaral, nakasanayan ko nang maging aktibo at maging
masunurin sa mga guro kung kaya't naging isa akong lider sa aming paaralan kung saan ako ang nag-
oorganisa sa aking kapwa mag-aaral sa loob ng paaralan. Ngunit hindi maiiwasan na ako'y kutyain at
pagsalitaan ng masasama ng aking mga kaklase sa pagiging isang lider sa kanila. Marami akong naririnig
na mga salita na masasakit, minsan nga ay humahantong pa ito sa pisikalan na kung noon ay aking
pinalalagpas at hinahayaan na lamang. Pero lumipas ang maraming pagkakataon at ako'y napuno na sa
kanilang mga pinaggagagawa. Nais ko ng pagbabago, nais kong tigilan nila ang pangungutya at pang-
aabuso sa kapwa, at dahil dito, umiral ang pagiging matapang ko. Inisip kong gamitin ang platapormang
mayroon ako upang bigyang katapusan ang masasamang gawain ng aking mga kaklase. Hindi ko lamang
ito ginagawa para hindi na ako muling saktan ngunit ginagawa ko rin ito upang bigyang katapusan ang
masasamang gawain na ginagawa nila sa ibang estudyante sa paaralan. At sa paglipas ng taon, mas
nagamit ko ang pagiging matapang kong ito sa iba't-ibang paraan. Halimbawa na rito ang aking
edukasyon. Hindi maiiwasan na minsan ay tambakan tayo ng maraming gawain, proyekto mula sa ating
mga guro, parating lumalabas sa ating mga bibig ang reklamo at kitang-kita mismo sa ating mga mata
ang pagod mula sa mga ito. At bilang isang mag-aaral, naranasan ko rin ito. Minsan nga'y hindi ko na
kinikibuan o di kaya'y di masyadong ginagalingan ang aking mga gawain sapagkat pagod na ako at
parang wala na akong mas higit pang maibibigay. Ngunit may paraan pala talaga ang lahat, sa kabila ng
mga hinagpis at paghihirap kong ito, sa wakas ay pumasok rin sa isip ko ang maging matapang at huwag
nang basta-bastang susuko sa mga hamon na binabato sa aking buhay. Natuto akong gumawa ng mga
paraan at solusyon upang mas mapadali ang aking pag-aaral, kagaya na lamang na pagkakaroon ng
"time management" at tiwala sa sarili. At hanggang ngayon, bitbit ko pa rin ang mga katangian kong ito
kung saan nalalagay ko pa rin ito sa iba't-ibang aspeto ng aking buhay. Kung kaya't sa mas nalalapit na
pag abot ko sa aking mga pangarap, ito ang ginagawa kong sandigan upang magpatuloy at huwag
sumuko sa kabila ng malalakas na alon na dumadating sa aking buhay.

Sa buhay kong ito, marami akong ikinokonsidera, lalong lalo na ang aking pag-aaral. Minsan,
napapatanong ako sa aking sarili kung bakit kailangan ko pang maranasan ang mga sakunang ito kung
pwede naman ay huwag nang maghirap pa. Ang aking kaisipang ito ay labis kong ipanagpapasalamat na
nawala sa tulong ng aking mga magulang. Dahil kapag patuloy akong mag-iisip ng ganito, sigurado akong
hindi ako magkakaroon ng pagbabago sa aking sarili na maging mabuti sa bawat panahong lilipas. Kung
kaya't parati kong pinapasalamatan ang Poong Maykapal sa pagbibigay sa akin ng mga magulang na
marunong itama ang aking mga pagkakamali at tinutulungan akong pabutihin ang aking sarili tungo sa
pagiging mas huwarang indibidwal. Kasama na rin dito ang aking mga kapatid na palaging nasa aking
likuran upang suportahan ako sa aking buhay, sa bawat desisyon na aking gagawin at sa mga pangarap
na aking aabutin. Kaya sa bawat oras na lilipas, palaging panghahawakan ng aking sarili ang pagiging
isang matapang na babae. Babaeng may kakayahang itama ang kaniyang mga pagkakamali, at isang
babaeng handang ipaglaban ang kaniyang mga pangarap sa kabila ng iba't-ibang unos sa kaniyang
buhay.

Name: Roxanne S. Buan

Baitang at seksyon: 11- St. Luke


ANG AKING TALAMBUHAY

Ako si Roxanne S. Buan ipinanganak noong Septyembre 2, 2005. Nakatira ako sa Villarcayo, Carmen,
Bohol. Ang aking ina ay si Alma S. Buan at ang aking ama naman ay si Gaudioso B. Buan Jr. Ako ay nasa
ika-labing isang baitang na mag-aaral sa St. Anthony’s Academy of Carmen, Inc. Kumukuha ako ng lakas
sa aking pamilya at kaibigan upang harapin ang mga pagsubok na ibinibigay sa aking buhay.

Noong nasa elementarya palang ako marami na akong pinagdaanan gaya nalamang ng pagkawala ng
tiwala sa aking sarili dahil sa panglalait o pangbubully ng aking mga kaklase sa akin. Nawalan ako ng
interest na mag-aral ng mabuti, ngunit sa tulong ng aking mga magulang nalampasan ko ito. Pinapalakas
nila ang aking loob, tinuruan nila akong mahalin ang aking sarili at mag tiwala sa aking kakayahan. Noong
ako ay nasa ika-pitong baitang, pinagbutihan ko na ang aking pag-aaral at hindi na ako nagpapa apekto
sa mga tukso o pangbubully mula sa aking mga kaklase o mula sa mga taong gusto akong makitang
naghihirap sa buhay. Nagkaroon ako ng mabubuting kaibigan noong ako ay nasa ika-walong baitang, isa
sila sa tumulong sa akin na magtiwala sa aking sarili at maging positibo. Nagbago ang ihip ng hangin
noong nagkaroon ng covid-19 pandemic taong 2020, maraming nagbago sa akin dulot sa pangyayaring
iyon. Nakaapekto ito sa aking mental health. Dito ako nagsimulang magkaroon ng anxiety, breakdowns
at iba pa. Ito ay isa din sa naging dahilan kung bakit nawalan ulit ako ng tiwala sa aking sarili, ngunit na
lampasan ko padin ito dahil sa tulong ng aking mga kaibigan at magulang. Ngayon ay nasa ika-labing
isang baitang na ako at ang strand na aking kinuha ay Accountancy, Business and Management. Pinili ko
ito dahil ang kursong gusto kong kunin sa kolehiyo ay Tourism Management. Para sa akin ay mahirap
ang strand na aking pinili pero nakakayanan ko ito dahil sa aking mga kaklase at kaibigan na handang
tumulong sa akin.

Isa ako sa mga kabataang may madaming pangarap sa buhay at isa sa aking pangarap ay ang
makapagtapos ng pag-aaral. Ako ay nagsisikap mag-aral ng mabuti para sa aking sarli at para din sa aking
pamilya. Gusto kong masuklian ko lahat ng paghihirap ng aking mga magulang at gusto kong magkaroon
ng magandang kinabukasan.

Pangalan: Roxanne S. Buan

Baitang at Seksyon: 11-St. Luke

Mini Task in PPIT

Tekstong Impormatibo (Yunit 1)


-ANG MAAGANG PAGBUBUNTIS NG MGA KABATAAN-

Ang maagang pagbubuntis ay isa sa mga isyu na kinakaharap ng Pilipinas, lalo na sa henerasyon
ngayon. Maraming mga kababaehang kabataan na nasa edad 12 hanggang 19 ang nakakaranas nito at
nagdudulot ito ng masama sa ating bansa, dahil mas dadami pa ang bilang ng mga taong naghihirap sa
ating bansa kung magpapatuloy ito. Isa sa mga madalas itanong ay: Ano ang sanhi ng maagang
pagbubuntis at kung ano ang maaaring gawin upang maiwasan at malutas ito?

Ang ilan lamang sa mga dahilan ng maagang pagbubuntis ng mga kababaehang kabataan ay: kawalan
ng tamang kaalaman, naiimpluwensiyahan sa mga taong nasa kanilang paligid, at higit sa lahat ay ang
mga nakikita o natutunan nila sa social media. Ang kawalan ng tamang kalaman kagaya ng kakulangan sa
edukasyon o walang tamang gabay ng mga magulang ay isa sa dahilan kung bakit maagang nabubuntis
ang mga kabataan, dahil limitado ang kanilang mga natutunan at hindi nila namamalayan ang kanilang
maling gawain. Naiimpluwensiyahan din ang mga kabataan sa mga taong naka paligid sakanila. Isa sa
mga halimbawa nito ay naiimpluwensyahan sila ng mga maling gawain dahil sa kanilang mga kaibigan,
kagaya nalamang ng pagiinom ng alak at pagkatuto nilang makipag talik sa kanilang nobya o nobyo,
maaaring para sakanila ay uso at magandang gawain ito. Sa panahon ngayon ay sikat na ang social media
at halos mga kabataan ang gumagamit nito, dito nila nalalaman o nakikita ang mga bagay na bawal para
sakanila. Ito ang nagbibigay kuryosidad at nakakaimpluwensiya o nakahihikayat sa kanila na gawin o
subukan ang maling gawain na ito.

Dumadami na ang bilang ng mga kabataan ang nakakaranas ng maagang pagbunbuntis dito sa ating
bansa kung kaya’t dapat lamang na magabayan natin sila ng sapat na kalaman tungkol dito. Mahalaga
ang maturuan sila tungkol sa kung paano ingatan ang kanilang mga sarili, ipaalam sakanila ang
pagbabagong nangyayari sa kanilang katawan, buksan at palawakin ang kanilang kasipan para sa
kanilang kapakanan, at gabayan sila ng tama. Mahalaga din ang sex education sakanila dahil
nakakatulong ito upang mas lumawak ang kanilang kaalaman tungkol sa mga bagay na ito. Bilang isang
kabataan ay mahalagang umiwas sa temptasyon na makipagtalik o iwasan gawin ang masamang gawain
na ito.

Sa Pilipinas ang maagang pagbubuntis ay isa lamang sa malaking isyung hinaharap at dahil dito
tumataas din ang kaso ng mga taong naghihirap sa bansang ito. Dapat lamang na magabayan ang mga
kabataan at ipaalam o iparating sakanila ang mga sanhi at kung paano maiwasan at malutas ang mga ito
para sa kanilang kabutihan at kapakanan. May iba’t ibang dahilan ang maagang pagbubuntis ng mga
kabataan. Maraming masamang epekto ang dulot nito at isa ito sa mga dahilan kung bakit nasisira ang
kinabukasan ng isang kabataan. Ngunit may mga paraan din naman para maiwasan ito kagaya nalamang
ng pagturo sakanila ng sex education para lumawak ang kanilang kaalaman at maiwasan nila ang isyung
ito. Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan kaya’t dapat maiwasan na ang isyung ito para sa kanilang
kinabukasan at para sa ating bansang Pilipinas.

You might also like