You are on page 1of 2

Janella Bequio

BPA – 2A
Magandang araw po saiyo Binibining Lopez!
Tulad ng isang karaniwang tao, ako ay nabuhay ng may simple, masaya at puno ng
pangarap. Nag simulang umikot ang aking mundo ng ako ay isinilang ng aking pinaka mamahal
na ina bilang panganay sa aming magkakapatid noong ika-apat ng Abril 2000 at kinilala sa
panagalang Janella Bequio. Bilang panganay na anak nag sisikap akong makapag tapos ng pag-
aaral para matulungan and aking pamilya
Ang aking pong libangan at hilig ay sumulat ng mga tula sa aking libro sa wattpad dahil
dito ko na ibabahagi ang aking mga saloobin hinggil sa mga bagay bagay, nag pipinta rin po ako
gamit ang acrylic at canvas kapag may libre akong oras at tumatanggap ng komisyon side line
kumbaga at hilig ko rin po tumugtog ng gitara at ukulele at kumanta.
Sa kasalukuyan mag-aaral ako sa Unibersidad ng Bicol at ginagawa ko aking makakaya
upang maipasa ang lahat ng aking subject. Nag aaral akong manuti upang maging isang
producktibong mag-aaral sa BU at para na rin sa hinaharap.

1. Ano sa tingin mo ang kaugnayan ng SineSos sa iyong kinuhang kurso?


Una sa lahat, ang SineSos ay kurso sa Panitikan na nakatuon sa paglinang ng kasanayan
sa kritikal napanonood at komparatibong pagsusuri ng mga pelikulang makabuluhan sa
konteksto ngPilipinas.
Ang kaugnayan nito sa aking kurso na kinuha na Bachelor of Public Administration ay sa
panonood ng pelikula, hindi lang naka pokus sa kasiyahang matatamo ng manonood ngunit sa
mas malalim na pagkilala sa mga isyung may kaugnayan sa ating lipunan katulad nalamang sa
aking kurso na nakatuon hindi lamang sa pag aaral o pag kuha ng mga mga kaalaman at
impormasyon hinggil sa lipunan ngunit kailangan din itong isapuso at isabuhay nang mai aplay
ito ng mabuti pagdating ng panahaon. Katulad nalamang sa pelikula, upang higit na maunawaan
ang isang pelikula ay napakahalagang masundan ang pinanggalingan nito sapagkat ito ang
magsisilbing gabay sa malinaw na layunin nitong maipakita ang kahulugan ng buhay sa isang
manonood.

2. Kung papipiliin ka ng isang pelikula na makapaghahalintulad sa iyong buhay, ano ito? Bakit?
“The Family Man” isa sa paborito kong pelikula. Ito ay isang comedy drama tungkol sa isang
napaka-matagumpay, nag-iisang investment banker (Nicholas Cage) na mararanasan kung ano ang
magiging buhay niya kung gumawa siya ng ibang desisyon 13 taon na ang nakakaraan (pananatili sa
kanyang kasintahan sa halip na pumili para sa isang mataas na- karera sa paglipad). Ito ay isang pelikula
na nagpapakita ng isang paghahambing ng isang buhay na may malaking yaman at tagumpay kumpara
sa isang tahimik na buhay pamilya. Ito ay isang mahusay na pelikula na nagpapaisip sa iyo tungkol sa
buhay. Hinihikayat nito ang mga tao na bigyang-katwiran ang hindi pagtupad sa mga layunin sa
kayamanan dahil mayroon silang pamilya, o na hindi nila dapat ituloy ang pag-ibig/magkaroon ng
pamilya dahil abala sila sa trabaho. Parehong makakamit - ito ay isang bagay ng pagpapalawak ng aming
kapasidad, pag-prioritize, at pagpaplano.

Ang gusto ko sa pelikulang ito ay bukod sa nahahalintulad koi to sa aking buhay, nakapag bibigay
din ito ng aral, nagpapaisip ito tungkol sa kasalukuyan mong ginagawa sa buhay. Kung ipagpapatuloy mo
ang iyong ginagawa ngayon, saan ka nito dadalhin? Magkakaroon ka ba ng panghabambuhay na
tagumpay at kayamanan, ngunit walang tunay na kaibigan o mahal sa buhay na mapag-uusapan?
Namuhay ka ba na naaayon sa mga pamantayan habang hindi kailanman kumikilos sa iyong mga
layunin? Isang buhay na nabubuhay para sa iba ngunit hindi para sa iyong sarili? Magiging bitter ka ba sa
buhay at ikaw mismo ang magwawakas? At ito ba ay isang buhay na gusto mo? Kung hindi, ano ang
iyong gagawin upang mabago ang kinalabasan na ito? Madaming reyalisasyon ang akin napulot dito

3. Bilang isang mag-aaral ng Pamantasan ng Bikol, paano ka makatutulong na matamo ang


bisyon at maisabuhay ang core values ng pamantasan (leadership, scholarship, character at
service)?
Bilang isang mag-aaral, upang makatulong na matamo ang bisyon ang
pinakamahalagang gawin ay mag aral ng mabuti upang pag dating ng panahon tayo ay
makatulong pa para maging mas mahusay at tanyag ang ating paaralan dahil sa paaralan
nahuhubog ang ating mga kaalaman at kakayahan at nahuhulma ang magagandang kaugalian at
dito rin pinayayabong ang ating mga abilidad upang maging handa sa mga pag subok sa
pagharap sa realidad ng buhay. Para maisabuhay ang Core Values ng Pamantasan una na rito ay
Maging Mahusay na Leader, hindi lang mahusay gayundin may malasakit sa kanyang myembro
dapat din na bilang leader ay kailangan mo rin maging follower oh magtangkilik ng ideya oh ano
pa mang sadyestiyon ng iyong miyembro para sa mabuting kalalabasan ng anumang bagay na
kailangan ninyong makamit. Sunod ay Scholarship mangahulugan na kailangan natin makakuha
ng “isang pondo ng kaalaman”, gamitin ang kaalamang ito sa henerasyon, aplikasyon ng, at
kontribusyon sa pag-unlad ng sarili at iba pa. And sumunod naman ay Service, bilang isang mag-
aaral kailangan nating mag ambag ng serbisyo sa Paaralan, inaasahang mag-aral sa
kahalagahan ng pagbibigay o nagkaroon ng kakayahang mag-ambag para sa kapakanan ng iba
(bilang kalalakihan o kababaihan para sa iba).Inaasahan tayong mag-ambag sa pagpapaunlad ng
ibang tao, grupo at lipunan. Ito ang ating katapatan na pagbutihin ang buhay ng mga taong
pinaglilingkuran natin. Ang huli ay Character at isa na rito ang pagiging respectful o magalang,
isa ito sa pinaka mahalaga na dapat ugaliin ng isang estudyante, sa aking kurso natutunan ko na
dapat mataas ang respeto natin sa ating mga guro at hindi lamang sa kanila pati na rin sa mga
taong nasa paligid natin dahil sila ang nagbibigay kaalaman sa atin patungkol sa kursong ating
kinuha at sila ang nagbibigay ng grado. Hinihikayat nila tayong magpursigi pa. Kung gusto natin
na nirerespeto tayo ng isang tao dapat ay magbigay respeto rin tayo sa kanila. Dito natin
nakikita ang disiplina at ang pagiging totoo ng isang estudyante o tao sa mga adhikaing sila rin
ang may gusto.
Kaya bilang isang estudyante ng Bicol University na kumukuha ng kursong Bachelor of
Public Administration kailangang isabuhay natin ang mga paniniwalang nagbibigay halaga sa
ikabubuti ng kapwa rin natin estudyante at hangad kong maging isang magandang halimbawa
sa kapwa ko estudyante balang araw. Para sa akin hindi lamang pinagaaralan ang mga core
values at paniniwala kung hindi isinasapuso ang mga ito at binibigyang buhay sa alin mang
gawain. Magiging isang tunay na core values lamang ito kapag ang isang estudyante ay may
kakayahang maging aktibong makapag-impluwensya, o yung isang estudyante ay binibigyan ito
ng buhay sa lahat ng oras

You might also like