You are on page 1of 6

BUGTONG AT SALAWIKAIN ni Victoria Fargas

Ang mga salawikain ay mga kasabihan na may aral o nagpapahayag ng


pamumuhay ng mga tao. Madalas kong naririnig ang mga lolo at lola ko magbigay ng
pangaral sa akin gamit ang mga salawikain. Hindi ko makalimutan ang kasabihang,
Kung may tiyaga, may nilaga. Isa ito sa mga madalas kong marinig na ang ibig sabihin
ay kailangan maging matiyaga upang makamtan ang gusto mo sa buhay, kailangan
magtrabaho upang magkaroon ng pera pambili ng pagkain. Mahirap ang buhay at kung
gusto mong umasenso, kailangan maging matiyaga. Madami pang mga bantog na
salawikain tulad ngHuwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo, Ang di
marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa pinaroroonan, at iba pa
ang palagi kong naririnig at napupulutan ko ito ng mga aral na ginagamit ko sa aking
pang-araw-araw na buhay. Namamangha ako sa mga salawikain dahil sa iilan lang na
salita ay may mahalaga ka nang makukuha sa mga ito. Mabisa itong pangaral sa mga
bata at hindi madaling makalimutan dahil maikli lang ang mga ito. Madalas ay isa
hanggang sa dalawang pangungusap lamang ang mga ito pero sa ikli man nito ay hindi
ito nagkukulang sa mensaheng kaya nitong iparating.
Ang dalawang salawikain at dalawang bugtong na aking pinili upang talakayin ay
parehong nangagaling at nakasulat sa salitang Chabacano. Nagkaroon ng wikang
Chabacano ay nagmula sa wikang Espanyol kaya kahawig nito ang Espanyol at
karamihan sa mga salitang ginagamit ay galling dito. Maraming mga lugar sa Pilipinas

ang gumagamit ng wikang Chabacano at kabilang na dito ang Zamboanga, Cavite at


Davao.
Ang unang salawikain na aking pinili ay El nio que no llora, no mama, na kung
isasalin sa Ingles ay The baby who does not cry, does not get fed. Ang salawikain na
ito ay isang katotohanan sa tunay na buhay. Kung iintindihin ito ng literal, kung hindi
iiyak ang isang sanggol, hindi ito papakainin ng nanay. Sa pag-iyak lamang nababahagi
ng isang sanggol ang kanyang gusto. Kung gutom siya o kungmay gusto siyang
kargahin ay iiyak siya at doon lang magreresponde ang mga magulang at ibibigay kung
anong gusto ng bata kaya kapag hindi umiiyak ang sanggol ay iisipin ng magulang na
wala siyang kailangan. Ang salawikain na ito ay talagang nangyayari at may nakabase
ito sa karaniwang pamumuhay.
Ang mas malalim na pagkakaintindi ko sa salawikain na ito ay kung walang
gagawin ang isang tao, wala din siyang makukuha. Ito ay totoo sa lahat ng gagawijn ng
isang tao sa buhay niya. Kung hindi magtatrabaho ang isang tao, wala siyang kikitain at
wala siyang kakainin. Kung hindimagrereklamo ang isang tao sa sistema, hindi ito
masosolusyonan. Ito ang kinuha kong salawikain dahil hindi ko pa naririnig ito pero sa
unang pagkabasa ko dito ay madali kong naintindihan ang nais na iparating nito. Ang
salawikain na ito din ay makikita at magagamit kahit sa pinakamaliit na bagay sa buhay
ng tao.
Ang pangalawang salawikain ay El perro que no anda no encuentra huesona
kung isasalin sa Ingles ay The dog that does not go around finds no bone. Kahawig ito
sa unang salawikain na magkapareho ang nais nito iparating na kung walang gagawin
sa simula ay wala ding makukuha. Madali ko ring nakuha ang ipinapahayag nito at hindi

ko pa narinig itong gamitin.Naipahayag ng salawikain ang nais nitong iparating gamit


ang isang aso na naghahanap ng buto. Ang aso ay isang alagang hayop na malapit sa
mga tao kaya ang isa sa mga deskripsyon nito ay mans best friend at ang buto ay
kinakain o pinaglalaruan ng isang aso. Kung titingnan ito sa panahon ngayon,
maiintindihan pa rin natin ang nais nitong iparating pero sa tunay na buhay, ang
sitwasyon na ito ay makikita lang sa mga asong gumagala at walang nag-aalagang tao
sa kanila dahil ang mga alagang aso ay binibigyan ng pagkain ng mga nagmamay-ari
nito at hindi nila kailangan pang maghanap ng makakain
Ang dalawang salawikain na ito ay may iisang nais iparating ngunit gumamit ng
ibang simbolo para dito, ang una ay gumagamit ng tao habang sa pangalawa, isang
hayop ang ipinakita. Ang mga ito ay makikita sa pang-araw-araw na buhay at ang mga
ito ay facts of life. Ang isang sanggol kapag hindi umiyak ay hindi papakainin at ang
isang asong gala ay hindi makakahanap ng makakain o buto, ayon sa pangalawang
salawikain, kung hindi ito maglilibot. Sa maiksing pangugusap, gamit ang karaniwang
na bagay-bagay sa mundo ay may malalim na mensahe at aral na mapupulot. Ipinakita
din sa dalawang ito na kahit na ipahayag mo sa ibat-ibang paraan maaring iisa lang
ang kanilang mensahe. Ang mga salawikain na ito ay ipapasa natin sa mga susunod na
henerasyon upang mapulutan rin nila ito ng mga mahahalagang aral at maging batay
para sa kanilang pamumuhay.
Ang mga bugtong naman ay mga tanong na nakakapagpabagabag at
nakakalito.Ayon kay Damiana Eugenio, ang mga Pilipinong bugtong ay characterized
by brevity, wit and felicitous phrasing, and as such are effective ways of transmitting folk
wisdom to succeeding generations in capsule form. Ang mga ito ay nagpapasa ng

karunungan samga susunod na henerasyon gamit ang iilang salita. Gumagamit ito ng
mga metapora at kadalasan, ang ayos nito ay sa isa o dalawang maikling berso. Hindi
ko makakalimutan noong nasa elementarya ako ay mahilig ako magsagot ng mga
bugtong at isa sa mga sikat na bugtong ay ang bugtong ng Sphinx na has four legs in
the morning, two legs in the afternoon, and three legs in the evening. Ang sagot dito ay
isang tao. Ang bugtong na ito ay nagmula sa ibang bansa ngunit mayroon ring mga
katumbas na bugtong ang mga Pilipino at ang dalawang bugtong na aking pinili ay mga
bugtong na Chabacano.
Ang unang bugtong na aking pinili ay De negro si vivo, De colorao si muerto na
sa Ingles ay Black when alive, colorful when dead. Ang sagot sa bugtong na ito ay
alimango. Ito ang aking napili dahil madali ko siyang nasagutan dahil sa paglalarawan
na ibinigay. Hindi gumamit ng metapora kundi inilarawan ang isang alimango at dahil
malinaw na tanging ang alimango lang kulay itim kapag buhay pa at nag-iiba lang ang
kulay nito kapag nailuto na nagiging isang matingkad na kulay kahel. Ang bugtong na
ito ay malinaw at simple. Makukuha mo ang sagot gamit ang paglalarawan nito sa
kulay. Maikli ito at nagsasaad ng isang katangian ng alimango.Alam ko na ang tanging
may ganitong katangian ay ang alimango kaya madali kong nasagutan ang bugtong na
ito noong nabasa koi to.
Batay sa kahulugan ni Damiana Eugenio, ang bugtong na ito ay maikli,
nakakapagpatalas ng isip kung saan kailangan mong mag-isip para masagutan ito, at
may sinusundan itong porma kung saan ang huling salita ng bawat parirala (vivo at
muerto) ay magkatugma. Sumusunod ito sa tatlong katangian ng isang bugtong na
kanyang ibinigay.

Ang pangalawang bugtong na aking pinili ay Ta com de suyo mismo cuerpo


na kung isalin sa Ingles, ang ibig sabihin nito ay Theres a tree that eats up its own
trunk. Ang sagot sa bugtong na ito ay isang kandila. Hindi ko nasagutan ang bugtong
na ito ngunit noong nalaman ko na ang sagot ay agad kong nakita ang koneksyon ng
dalawa at kung bakit ganoon ang pagkakasulat ng bugtong.
Ang bugtong na ito ay gumagamit ng isang metapora di tulad ng una na
inilarawan lamang ang alimango.Inihambing ang kandila sa isang puno na kinakain ang
katawan ng punungkahoy. Ang kandila, kapag ito ay nakasindi ay natutunaw ito. Ang
pagtunaw nito ay ang inihambing sa pagkain ng katawan ng punungkahoy. Makikita
moa ng kanilang pagkakapareho at kung bakit ito ang ginamit na metapora. Ang
kandila, gamit ang imahinasyon ay maihahambing mo rin sa katawan ng isang puno
lalong-lalo na dahil sa kanyang hugis na magkawig sa isang puno. Naglalarawan din ito
dahil ipinapakita nito ang pagtunaw ng kandila na isa sa mga katangian nito kapag ito
ay nakasindi.
Magkapareho ang dalawang bugtong sa kanilang haba dahil ang dalawang ito
ay may habang isang pangungusap lamang. Ang isa ay naglalarawan lamang habang
ang pangalawang bugtong ay gumagamit ng metapora na isang puno para ihambing sa
kandila. Napaisip ako upang masagutan ang dalawang bugtong na ito ngunit mas
nadalian ako sa una habang hindi ko masagutan ang pangalawa. Makikita rin natin sa
mga ito ang pagtingin ng mga tao sa mga bagay na ito. Hindi maipagkakaila ang
pagbabago ng kulay ng alimango at ang pagtunaw ng isang kandila at ang mga
katangian nito ang nagpapaalala sa atin sa mga bagay na ito.

Maraming mga bugtong para sa ibat-ibang bagay. Ang ilan sa mga ito ay
madaling sagutan habang ang iba ay may kahirapan. Sa mga bugtong na ito ay
makikita natin ang pagtingin ng mga tao sa mga bagay na ito at kung anong mga
katangian ang napapansin nila. Ito ay nakakatuwang sagutangan at maaari itong
gawing isang libangan upang maging mas matalas din ang isip.
Ang mga bugtong at salawikain ay galing pa sa ating mga ninuno at naipapasa
ito sa mga sumusunod na henerasyon. Makikita natin ang kasaysayan ng ating bansa
at an gating kultura sa mga metapora at paglalarawan. Naipapakita din ng mga ito ang
istilo ng pamumuhay ng mga tao noon. Mapupulutan natin ang mga ito ng aral
magagamit sa pang-araw-araw na buhay. Ang mga bugtong at salawikain ay masarap
pakinggan at madali ring matandaan dahil hindi ito mahaba. Ang porma rin nito na
kadalasan ay magkatugma ang bawat dulo ng mga parirala ay nakakatulong rin na hindi
ito makalimutan. Ang mga ito ay parte na ng ating kultura na hindi mawawala dahil
hanggang ngayon ay may mga bagong bugtong at salawikain na nadadagdag at ang
mga ginagamit noon pa man ay patuloy na ipinapasa.

Sanggunian:
Romanillos, E.L. (n.d.). Chavacano Proverbs, Riddles, Metaphors. Tripod.Retrieved
from http://filipinokastila.tripod.com/chaba3.html.
Eugenio, D. (1992). Philippine Folk Literature: The Proverbs. (ed.). Quezon City.

You might also like