You are on page 1of 3

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Naglalaman ang bahaging ito ng mga kaugnay na literatura at mga kaugnay na


pag-aaral na may pagkakahawig sa kasalukuyang pananaliksik.

Kaugnay na Literatura

Masasalamin ang ganda ng isang talumpati sa masusing pagpili ng mga


mabubulaklak na salitang gagamitin sa pagpapahayag. Ito ang nagbibigay ng husay at
ganda sa bawat mensahe na ipapabatid ng mananalumpati.

Ayon nga kina Abueg at Catacataca (2011):

Ang talumpati ay isang pormal na pagsasalita sa harap ng mga


tao.
Kilala sa mga katawagang address, oration, public speaking at speech sa wikang
Ingles ang talumpati. Dagdag pa ni Arrogante (2003), “Ito’y isang uri ng komunikasyong
pampubliko sapagkat nagpapaliwanag ng isang mahahalagang paksa.”
Nangangahulugan na ang simpleng pagbigkas ng salita sa harap ng mga taong
handang makinig. Maaaring matawag na mananalumpati ang sinumang panauhing
pandangal ng isang partikular na pagdiriwang na nagpapaabot ng kanyang pagbati,
pasasalamat o papuri sa balana. Pagtatalumpati rin ang tawag sa isinasagawang
pagsasalita ng mga politiko sa harap ng taumbayan tuwing may pagpupulong o halalan.

Ayon nga kina Sauco, et al., (2004):


Nilalayon ng talumpati na maghatid ng mahalagang ideya
tungkol sa isang paksa upang makaakit.
Samantala, ayon naman kina Carpio at Encarnacio (2004), may tatlong layunin
ang talumpati, “Layunin ng talumpati ang magbigay-impormasyon, manlibang at
manghikayat sa mga tagapakinig.”Kung nilalayon ng isang talumpati na magbigay-
impormasyon, maaring gamitin ang paglalahad, paglalarawan, paglinaw,
pagpapakahulugan, papapaliwanag at pag-uulat sa pagpapahayag. Samantalang kung
ang mang-aliw ang layon ng mananalumpati, isang nakakatawang sitwasyon. Kung ibig

5
naman ng mananalumpati na manghikayat, layon niyang magpahayag ng sariling
pagtingin o pag-unawa sa paksa, nararapat na gumamit siya ng mga angkop na salita
upang madaling mapaniwala ang tagapakinig.

Ayon kay Mish (2011):


Tinatawag na stage fright sa Ingles ang takot pagharap sa balana.
Karaniwan itong nararamdaman ng mga taong takot mapagtawanan at
magkamali sa harap ng maraming tao tulad na lamang ng pahayag ni Ulit (2003), “Ang
pagtatalumpati ay nakatatakot na gawain.”

Marami ang uri ng talumpati ayon kina Cassanova at Rubin at nina Tendero.
Ngunit ayon din sa kanila, “Hindi maikakaila na marami pang uri ang kinakailangan
ilathala ng iba pang manunulat.” Isa na nga rito ang Talumpati sa Kalagayan ng Bansa
na mas kilala sa Ingles na State of the Nation Address o pinaikling SONA na hinango sa
Talumpati sa Kalagayan ng Unyon o State of the Union Address ng Estados Unidos.

Kaiba ang SONA sa lahat ng uri ng talumpati dahil sa masaklaw nitong kalikasan
na naglalaman ng lubhang napakaraming paksa. Ipinahahayag nang isang beses kada
isang taon ng sinumang nanunungkulang Pangulo ang Talumpati sa Kalagayan ng
Bansa.

Nakasaad sa Artikulo VII, Seksyon 23 ng pinakabagong saligang


batas ang ganito:
Dapat magtalumpati ang Pangulo sa Kongreso sa pagbubukas ng
regular na sesyon nito. Maaaring humarap din siya rito kahit sa iba pang
pagkakataon.
May wika sa politika, hindi maikakaila ito. Sa mga pangangampanya at mga
talumpati ng mga politiko, saan mang panig ng daigdig wika ang kanilang gamit upang
makaakit ng mga tagasunod at botante. Ayon kina Fortunato at Valdez (1995), “Wika
ang kasangkapan sa pagbabagong anyo ng politika at kapangyarihan sa isipan at
puso ng tao. Hindi kongkreto ang lakas ng wika at ito’y pangkaisipan. Sa mabisang
paggamit ng wika, nakakaapekto ito at napapakilos tayo.”

5
Makapangyarihan ang wika at ang kapangyarihang ito ang nag-uugnay sa
politika at wika. Sa paggamit ng wika, nababago ang marami, naiimpluwensyahan ang
bawat tao. Sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan lumilitaw ang ugnayan ng wika,
kapangyarihan at politika.

You might also like