You are on page 1of 60

Mapagpalang

Umaga.

Mariano Marcos
State University G. JONDIB A. LUMABAO
Graduate School MAED – Wika at Panitikan
Pamagat ng Pananaliksik

PAGSUSURI NG MGA KARANIWANG KAMALIAN SA


PAGSULAT NG KOMPOSISYON NG MGA MAG-AARAL
SA IKALIMANG BAITANG: BATAYAN SA PAGBUO NG
GABAY NG GURO SA PAGTUTURO NG PAGSULAT
ANG SULIRANIN
Kaligiran ng Pag-aaral

Isa sa pinakapangunahing layunin ng pagtuturo ng Filipino sa alinmang


antas ng pag-aaral ay ang malinang ang kakayahan ng sinumang mag-aaral
na matuto sa mahusay na pakikipagtalastasan. Upang maisakatuparan ito,
kailangan ang sapat na kakayahan at kaalaman nila sa apat na makrong
kasanayan, kabilang dito ang pagsasalita, pakikinig, pagbasa at pagsulat.
Sa apat na nabanggit na kasanayan, ang pagsulat ang isa sa pinakamahirap
ituro, (Hammer, 2021).
ANG SULIRANIN
Kaligiran ng Pag-aaral

Nangangailangan ito ng kakayahan sa pag-iisip upang makabuo ng


mahusay na konsepto o ideya, angkop na mga salita na bubuo sa wastong
estruktura ng pangungusap at talata tungo sa isang maaayos at epektibong
komposisyon (Habibi, Wachuni at Husni, 2017).
ANG SULIRANIN
Kaligiran ng Pag-aaral

Tunay na ang pangunahing gawain na dapat matutuhan ng mga mag-aaral


upang maging mahusay na komyunikeytor ay ang pagsulat (Haugen, 2016). Sa
pamamagitan nito, naipapahayag niya ang kaniyang naiisip, nadarama at mga
hangarin sa buhay. Ito ang daan upang mapaunlad niya ang kaniyang sarili na
maging mahusay na komyunikeytor. Subalit sa apat na makrong kasanayan, ito
rin ang pangunahing suliranin ng mga guro sa Filipino (Garcia at Morona,
2006:41) lalo pa at pangalawang wika lamang ng mga tinuturuan ang Filipino.
ANG SULIRANIN
Kaligiran ng Pag-aaral

Kalimitan, nadadala ng mga mag-aaral ang kanilang unang wika sa


pagsulat kung kayat apektado lahat maging ang teksto, kaayusan at kabuoan ng
kanilang sulatin (Haugen, 2016). Sa pagsulat, nararapat na sundin ang tamang
proseso ng paglalahad ng mga kaisipan, kabilang na rito ang pagpaplano,
pagsasaayos, pagsasalin at pagrerebisa. Sabi nina Shaw at Weir (2007):
ANG SULIRANIN
Kaligiran ng Pag-aaral

Writing in a second language is a complex skill, and it includes several cognitive


processes like planning, organization, translation and revising. Writing is not just
producing language, it is also about organizing the language into coherent text.
This is a complex process. When writing it includes translating words and using
grammatical knowledge to structure sentences.
ANG SULIRANIN
Kaligiran ng Pag-aaral

Kadalasan, ang mag-aaral ay nawawalan ng ganang bumuo ng isang sulatin


dahil hindi nila alam kung saan sisimulan, ano ang isusulat at paano ito isusulat.
Kalimitan ring nagiging suliranin ng mga mag-aaral ang pagsulat kung hindi sila
pamilyar o kulang ang kanilang kasanayan sa wikang gagamitin. Hindi
nakasasapat ang kaalaman nila sa paksang isusulat kailangan din nilang
magtaglay ng malawak na bokabularyo at kaalaman sa gramatika upang
makabuo ng isang epektibong sulatin. Sabi ni Oshima (2007):
ANG SULIRANIN
Kaligiran ng Pag-aaral

The writing process was the stage goes through in order to produce something in
its final written form. The writer didn’t only need to know the process of writing but
also needed to apply these processes to the works. It would help the writer to
organize idea logically.
ANG SULIRANIN
Kaligiran ng Pag-aaral

Isa ring katotohanan na halos lahat ng mga mag-aaral ay nagpapakita ng


pagkayamot, kawalan ng interes, at kung minsan hirap na hirap sa pagbuo ng
mga idea (Aspili, 2005). Bunga ng kawalang gana at kakulangan ng kasanayan
sa gawaing ito, nagdudulot ito ng maraming kamalian at kawalang kaayusan ng
mga binubuong sulatin ng mga mag-aaral. Samakatuwid, malaking balakid ang
mga kamalian ng mga mag-aaral sa pagbuo nang wasto, malinaw at maayos na
sulatin o komposisyon.
ANG SULIRANIN
Kaligiran ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay saksi sa malubhang problema sa kakayahan sa


pagsulat ng mga mag-aaral sa Sangay ng mga Paaralan ng Ilocos Norte.
Marami sa mga mag-aaral ang nasa “intermediate” ang nahihirapang sumulat,
maging sa Wikang Filipino. Hindi lamang ang kakulangan ng interes sa pagsulat
kundi ang kakulangan ng kakayahan sa pagbuo ng komposisyon.
ANG SULIRANIN
Kaligiran ng Pag-aaral

Ito ay natuklasan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga Filipino


Coordinator sa mga elementaryang paaralan sa Dibisyon ng Ilocos Norte upang
pumili ng kalahok sa mga sasali ng patimpalak na pamamahayag. Batay sa
resulta nito ay lumitaw na ang ang mga mag-aaral na ito na nahirapang
makabuo ng sulatin o komposisyon (poor writer).
ANG SULIRANIN
Kaligiran ng Pag-aaral
Sa taong panuruan na 2020-2021 ay natuklasang karamihan sa mga
tinuturuang mga mag-aaral ng kasalukuyang mananaliksik sa ikalimang
baitang ng Mababang Paaralan ng Baresbes ay sadyang hirap silang bumuo
kahit isang talata lamang. Naobserbahan ng mananaliksik sa mga modyul na
ipinapasa nila na tuwing may mga sasagutang bahagi ng modyul ay iisa o
dalawang pangungusap lamang ang kanilang nabubuo. Bukod pa riyan ay hindi
wasto ang mga bantas na ginagamit sa pagbuo ng pangungusap. May mga mag-
aaral din na hindi pa lubos nauunawaan kung paano at kailan gagamitin ang
malaki at maliit na titik sa pangungusap.
ANG SULIRANIN
Kaligiran ng Pag-aaral

Sa dibisyon ng Ilocos Norte karaniwan nang nararanasan ng mga Ikalimang


Baitang na guro sa Filipino, ang iba’t ibang karaniwang suliranin ng mga mag-
aaral sa pagsulat. Naobserbahan nilang ang ortograpiya ang mga pangunahing
pagkakamali ng mga mag-aaral na kinabibilangan ng 1)paglalaktaw ng bantas;
2)paggamit ng bantas na hindi kailangan; 3) paggamit ng maliit sa halip na
malaking titik; 4)paggamit ng malaki sa halip na maliit na titik; 5)maling
pagbaybay ng mga salita; 6)paggamit ng maling bantas; 7)paglalaktaw ng titik
ng salita; 8)maling paghahati ng mga pantig ng salita; 9)pagdaragdag ng titik
na hindi kailangan sa salita.
ANG SULIRANIN
Kaligiran ng Pag-aaral

Ang pagkakaroon ng sapat na pamamaraan o estratehiya ng mga guro sa


pagwawasto ng mga kamaliang ito ay lubos na makatutulong. Ang
pangangailangang matuklasan ang mga karaniwang kamalian sa pagsulat ng
mga mag-aaral ay napakahalaga upang matukoy ang nararapat na estratehiya
at angkop na kagamitang panturo o gabay sa pagtuturo na maaaring gamitin.
Ito ang nag-udyok kung bakit naisipan ng kasalukuyang mananaliksik na
isagawa ang ganitong pag-aaral. Hangarin niyang makatuong upang malutas
ang mga karaniwang suliranin ng mga mag-aaral sa pagbuo ng mga sulatin o
komposisyon tungo sa lalong mabilis na pagkatuto sa Filipino.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Pangunahing Layunin:
Masuri ang mga karaniwang kamalian sa pagsulat ng komposisyon ng mga
mag-aaral sa ikalimang baitang na magsisilbing basehan sa pagbuo ng gabay
ng guro sa pagtuturo ng pagsulat.

Mga Tiyak na Layunin


1. Ano-ano ang mga karaniwang kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat
ng komposisyon ayon sa mga guro?
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
2. Ano-ano ang mga estratehiya ng mga guro sa pagwawasto ng mga kamalian
ng mga mag-aaral sa pagsulat ng komposisyon?
3. Ano ang maaaring mabuong gabay na magagamit ng mga guro sa pagtuturo
ng pagsulat ng komposisyon?
4. Ano ang baliditi ng mabubuong gabay sa pagtuturo ng pagsulat batay sa:
4.1 nilalaman
  4.2 estratehiya
4.3 kayarian
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Hangarin ng sinumang guro na makatulong sa lalong mabilis na pagkatuto ng


mga mag-aaral tungo sa pagiging mahusay na komyunikeytor, pasalita man o
pasulat. Naniniwala ang kasalukuyang mananaliksik na ang pag-aaral na ito
ay magiging daan upang maliwanagan ang mga guro at mag-aaral sa Filipino
sa pagbuo at pagwawasto ng mga sulatin o komposisyon.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang magiging resulta ng pag-aaral na ito ay magkakaroon ng malaking
ambag sa mga guro sa Filipino sa paglinang ng mga kasanayan sa pagsulat ng
mga tinuturuan. Sa pamamagitan ng matutuklasang mga karaniwang
kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat, magsisilbi itong hanguan upang
makabuo ng gabay sa pagtuturo na magsisilbing lunas o solusyon upang
maituwid ang mga karaniwang kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat ng
komposisyon. Bunga nito, mababawasan kundi man malulutas ang kanilang
mga suliranin sa pagtuturo ng pagsulat.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Magiging kapaki-pakinabang din ang mabubuong gabay sa mga mag-aaral.
Batid natin na ang pagsulat ang pangunahing pangangailangan ng mga mag-
aaral upang matugunan niya ang kurikulum ng kaniyang pag-aaral.
Samakatuwid, pagsulat ang susi na magagamit niya sa pagpapahayag ng
kaniyang damdamin, kaisipan at mga adhikain sa buhay sa alinmang
asignatura na magagamit niya sa hinaharap. Kung gayon, kailangan niya ang
sapat na kasanayan, kahusayan at kaalaman sa pagbuo nito at ang pag-aaral na
ito ay makatutulong nang malaki upang matamo ito. Magsisilbing batayan ng
sinumang mag-aaral ang mga pamamaraan sa pagbuo ng sulatin, mga
estratehiya sa paglalahad ng kaisipan, wastong paggamit ng mga salita tungo sa
pagbuo ng pangungusap na magreresulta sa pagbuo ng isang mahusay na
komposisyon.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Bilang patunay narito ang pahayag ni Haugen (2020):


Writing is a core skill that benefits students across the curriculum, K-12 and
beyond. It’s the basis of communication, history, art, and more disciplines than can
be named. Writing skills are used every day in the classrooms from practicing fine
motor skills early on to eventually writing full essays to display critical thinking skills
or persuasive skills. Writing is the foundation of expression we give students, to be
built upon throughout their academic career.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Magsisilbing daan ang resulta ng pag-aaral na ito upang maiparating sa


kinauukulang administrasyon sa larangan ng edukasyon ang mga suliraning
pinagdadaanan ng mga guro at mag-aaral sa pagtuturo at pagkatuto ng
Filipino, partikular sa pagsulat. Maaaring magbigay sa kanila ng mga bagong
idea upang bumuo ng mga bagong programa o panukala tungo sa pagpapataas
ng antas ng pagtuturo at pagkatuto ng nasabing disiplina.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Malaki rin ang maiaambag ng pag-aaral na ito sa mga magulang ng mga
mag-aaral. Ang pagtuklas sa mga karaniwang kamalian nila sa pagsulat ay
isang paraan upang matugunan ang suliraning ito. Ang pagbibigay-alam sa
mga kahinaan ng mga mag-aaral sa kani-kanilang mga magulang ay isang
paraan upang pagtuunan ng pansin ng mga magulang ang kahinaan ng
kanilang mga anak. Sila na mismo ang magpapaalala sa mga anak nila sa
wastong mga paraan ng pagsulat gamit ang gabay lalo na sa panahon ngayon
na tayo ay dumaranas ng pandemya. Kailangang mabigyan ang mga magulang
ng sapat na oryentasyon at kaalaman sa paggamit ng mga kagamitang panturo
tulad ng gabay sa pagtuturo ng pagsulat na maaaring makatulong sa kanila sa
pagsasakatuparan ng mga gawaing pang-akademiko ng kanilang mga anak.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Mahihikayat din ang iba pang mga mananaliksik na magsagawa ng ganitong
pag-aaral bagamat sa ibang kasanayan naman o sa ibang disiplina. Ang
pagtukoy sa mga karaniwang kamalian ng mga mag-aaral ay isang paraan
upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Samakatuwid, kung
matutukoy ang mga suliranin ng mga tinuturuan sa iba’t ibang kasanayang
pangkomunikasyon o maging sa iba’ibang disiplina ay maaaring mabawasan
kung hindi man ang malunasan ang mga balakid sa pagkatuto ng mga mag-
aaral.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Makatutulong din ang resulta ng pag-aaral sa mga nagtatangkang


bumuo ng mga kagamitang panturo, tulad ng mga gabay, aklat, modyul o
iba pang kagamitang panturo, mapa-online o printed. Ang pagtukoy sa
mga pangangailangan bago bumuo ng isang kagamitang panturo ay unang
hakbang upang higit na maging angkop at epektibo ang mabubuong
kagamitang panturo.
SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa pagtukoy ng mga
karaniwang kamalian sa pagsulat ng komposisyon ng mga mag-aaral sa
ikalimang baitang. Saklaw din nito ang pagbuo ng gabay sa pagtuturo ng
pagsulat batay sa mga mahahangong karaniwang kamalian.
Ang tanging mga sangkot sa pag-aaral na ito ay lahat ng mga guro sa
Filipino na kasalukuyang nagtuturo ngayong panuruang 2021-2022 sa Distrito
ng Dingras 1 at 2 sa Sangay ng Ilocos Norte. Magkagayonman, lilimitahan
lamang sa Filipino V ang bubuuing gabay. Ito ang napiling baitang ng
mananaliksik dahil dito siya nagtuturo ng asignaturang Filipino .
SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Nililimitahan rin sa tatlong eksperto ang magsisilbing ebalweytor ng


mabubuong gabay. Naniniwala ang kasalukuyang mananaliksik na sa
pamamagitan ng kanilang karanasan, kakayahan, lawak ng kaalaman sa
pagtuturo ng Filipino, pagbuo ng mga kagamitang panturo at natamong antas
ng edukasyon ay nakasasapat na upang sila’y mapasama bilang mga eksperto
na tataya sa nilalaman, estratehiya, at kayarian ng mabubuong gabay sa
pagsulat sa Filipino sa ikalimang baitang.
BATAYANG TEORYA
Ang pananaliksik na ito ay ibinatay sa teorya ng kakayahang pangwika ni
Noam Chomsky (1965), na tumutukoy sa walang malay na kaalaman sa
gramatika na nagpapahintulot sa isang tagapagsalita na gumamit at
maunawaan ang isang wika. Naniniwala rin ang pag-aaral na ito sa pananalig
ng mga istrukturalista na ang wika ay isa lamang kodigo na binubuo ng
istruktura o linguistic accuracy na ang kakayahang panlinggwistika ay ang
pagkabihasa at kasanayan sa paggamit ng wika – ng kaniyang ponolohiya,
morpolohiya at sintaks at ang kakayahan sa istruktura ng wika ay may
malaking kinalaman sa pagsulat. Sa pagbuo ng gabay sa pagturo, ibinatay
naman kay ni Lev Vygotsky (cited by Bredo, 1997).
BATAYANG TEORYA
Isa sa mga pinagbatayan ng pag-aaral na ito ay ang pag-aaral ng mga
kaisipan ng kakayahang pangwika (language competence). Iba-iba ang
pananaw ng mga linggwistika ukol dito. Sa mga istrukturalista ang
paglalarawan ng kayarian ng wika ang binibigyang-pansin (Bayo,1994).
Pinaniniwalaan nila na ang wika ay isa lamang kodigo na binubuo ng
istruktura o linguistic accuracy iginigiit nila na ang kakayahang
panlinggwistika ay ang pagkabihasa at kasanayan sa paggamit ng wika – ng
kaniyang ponolohiya, morpolohiya at sintaks.
BATAYANG TEORYA
Si Savignon (1972) ay nagpahayag naman ng kanyang pananaw ukol sa
kakayahang komunikatibo. Ayon sa kanya ang binabanggit ng mga
istrukturulista na kakayahan sa tamang pagbigkas, bokabularyo at gramatika
na bumubuo sa pakikipagtalastasan.
Batay sa mga naunang nabanggit na mga teorya malinaw na inilalahad na
ang komunikasyon ay hindi lamang sumasaklaw sa linggwistika o kaalaman sa
istruktura kundi maging ang iba pang salik ng pakikipagtalastasan tulad ng
kakayahang gamitin ang pangungusap sa iba’t ibang pagkakataon pasulat
man o pasalita.
BATAYANG TEORYA
Isa sa mga instrumento ng komunikasyon ay ang pasulat na nabibilang sa
apat na makrong kasanayan ng wika: 1.) Pakikinig 2.) Pagsasalita 3.) Pagbasa
4.) Pagsulat
“Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumitigil na rin siya sa pag-iisip”
(Keller, 1992) na kay Salas (2017). Dahil sa pagsulat naitatala ng tao ang lahat
ng karunungan at kaalaman, mula sa mga pansariling karanasan hanggang sa
mga kaalamang pang-edukasyon.
Komprehensib ang pagsulat sapagkat bilang isang makrong kasanayang
pangwika, inaasahang masusunod ng isang manunulat ang maraming
tuntuning kaugnay nito. Maituturing na isang mataas na uri ng komunikasyon
sapagkat esensyal dito ang napakaraming elemento at kailangan ng gramatika
at talasalitaan.
BATAYANG TEORYA
Sinabi ni Badayos (1999), na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay
isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito'y
pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man. Ito ay nangyayari sa kabila
ng maraming taong ginugugol natin sa pagtatamo ng kasanayang ito. Sa
pagkakataong ito, maaari nating tanggapin na ang pagsulat ay isang
kasanayang pangwika na mahirap matamo. Subalit mayroon tayong
magagawa kung pag-aaralan nang wasto ang epektibong paraan ng pagsulat.
Sa pagsulat, hindi lamang kagandahan kundi kaayusan ang dapat
isinasaalang-alang (Abad at Ruedas 2000). Ang kagandahan ay tumutugon sa
retorika at balarila naman ang kumakatawan sa kaayusan nito. Kaakibat ng
balarila ang tatlong bahagi nito: ponolohiya, morpolohiya at sintaksis .
BATAYANG TEORYA
Sa pagsulat, malimit na nagkakamali ang mga mag-aaral sa morpolohiya at
nagkakaroon ng maling gamit ang isang salita at kapag ginamit ang maling
salita sa pag-uugnay-ugnay o pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo
ng pangungusap, ito’y nawawalan na ng kahulugan (Amio, 2018).
Mahalaga samakatuwid, na bilang guro sa Filipino ay may angking
kakayahan sa pagtuturo ng asignaturang ito (Estruktura ng Wikang Filipino).
Isa ang guro na magiging daan upang malinang at mapalawak ang kakayahan
ng mga mag-aaral sa paraan ng pagsulat ng iba’t ibang sulatin at malinang ang
kasanayan sa paggamit ng tamang salita at ang paggamit ng gabay sa
pagtuturo ay napakahalaga.
BATAYANG TEORYA
Ang bubuuing gabay ng kasalukuyang mananaliksik ay ibabatay sa teorya
ni Lev Vygotsky (cited by Bredo, 1997) na kung saan may paniniwalang ang
mga makabuluhang gawain ay impluwensiya ng pakikisalamuha.
Pinahahalagahan nito ang interaksyong intrapersonal (social), kutural-
historikal at pansariling katangian bilang susi sa pag-unlad ng indibidwal.
Sa paniniwalang ito ni Vygotsky, ang mga mag-aaral ay natututo sa
pamamagitan ng mga konsepto ng kanilang pang-araw-araw na
pakikisalamuha sa mga nakatatanda. Kung gayon, ang mga gawaing ilalahad
sa bubuuing gabay sa pagsulat ay hihikayat sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pakikisangkot at paglalahad ng kanilang mga karanasan,
nabasa, napanood at naobserbahan sa pamamagitan ng pagsulat ng
komposisyon.
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-
AARAL
1. Ang papel ng Wika sa Pagsulat
2. Ang kahalagahan ng Pagsulat
3. Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Pagsulat
4. Ang Kahalagahan ng Pagtuturo ng Pagsulat
5. Mga Karaniwang Kamalian at Suliranin sa Pagsulat ng mga Mag-
aaral
6. Kasanayan sa Pagsulat: Teorya, Praktika at Proseso
7. Ang gabay bilang Kagamitang Panturo.
Batayang Konsepto

Batay sa mga teoryang nabanggit, ang mananaliksik ay may layuning


matukoy ang mga karaniwang kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat ng
komposisyon at kug ano-ano ang mga estratehiyang ginagamit ng mga
guro sa pagwawasto ng mga sulatin. Magiging batayan ito sa pagbuo ng
gabay sa pagtuturo ng pagsulat gamit ang paradim na Input-Process-
Output (IPO).
Batayang Konsepto
Batayang Konsepto
Sa input, makikitang magiging batayan sa pagbuo ng gabay-panturo sa
pagsulat ang mga karaniwang kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat ng
komposisyon at mga estratehiya sa pagwawasto ng mga kamalian ng mga guro.
Ihahanay ng mananaliksik ang mga kamaliang ito batay sa kategorya ng
kamaliang ginamit nina Habibi, Wachyuni at Husni (2017) na : Maling
kaayusan ng mga kaisipan (poor organization); walang saysay ang
pagkasunod-sunod ng mga kaisipan (illogical sequence); maling gamit ng mga
salita (problems of word choice); maling gramatika (grammatical error);
maling baybay (spelling error); kalituhan sa paggamit ng sumusuportang
detalye (supporting deas confusions); maling gamit ng bantas (functuation
problem); maling gamit ng malalaking titik.
Batayang Konsepto

Sa process naman, ibabatay ito sa kalalabasan ng sarbey, bubuo ng gabay-


panturo sa pagsulat ang mananaliksik hango sa mga kamalian at ibabatay niya
ito sa mga kompetensing dapat malinang para sa mga mag-aaral ng ikalimang
baitang sa Filipino. Ang output ay ang mismong Gabay sa Pagtuturo ng
Pagsulat na magsisilbing kagamitang panturo na magagamit sa pagtuturo ng
mga guro sa Filipino.
Batayang Konsepto

Sa process naman, ibabatay ito sa kalalabasan ng sarbey, bubuo ng gabay-


panturo sa pagsulat ang mananaliksik hango sa mga kamalian at ibabatay niya
ito sa mga kompetensing dapat malinang para sa mga mag-aaral ng ikalimang
baitang sa Filipino. Ang output ay ang mismong Gabay sa Pagtuturo ng
Pagsulat na magsisilbing kagamitang panturo na magagamit sa pagtuturo ng
mga guro sa Filipino.
Pamamaraan ng Pag-aaral
Disenyo ng Pag-aaral

Gagamitin ang disenyong palarawan sa pamamagitan ng pamaraang


Pagsaliksik at Pagbuo (Research and Development Method) na may tatlong
bahagi- pagpaplano, pagbuo at pagbalideyt dahil nakatuon ang pag-aaral na
ito sa pagtukoy ng mga karaniwang kamalian sa pagsulat ng komposisyon ng
mga mag-aaral na magiging batayan sa pagbuo ng gabay sa pagtuturo ng
pagsulat ng mga guro sa ikalimang baitang
Pamamaraan ng Pag-aaral
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Pag-aaral

1. Pagpaplano

2. Paglinang

3. Pagbalideyt
Pamamaraan ng Pag-aaral
Pamamaraan ng Pag-aaral
Lunan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Sangay ng mga Paaralan ng Ilocos


Norte (Schools Division of the Ilocos Norte), sa Distrito ng Dingras na kung saan
may dalawampu’t apat (24) na mga guro ng Filipino na nagtuturo sa
kasalukuyang panuruan, 2021-2022.
Ang Distrito ng Dingras ay nabibilang sa pangalawang distrito na nasa
bahaging Timog-Silangan ng Ilocos Norte. Binubuo ng labing dalawang paaralan
ang Distrito I na kinabibilangan dito ang Baresbes ES, Barong ES, Dingras
Central ES, Elizabeth ES, Elizabeth-Lanas ES, Francisco ES, Mabino ES,
Medina-Parado ES, Saludares-Cali ES, San Marcelino ES, Sulquaino ES, at Ver
ES.
Pamamaraan ng Pag-aaral
Lunan ng Pag-aaral

Sa Dingras 2 naman ay kinabibilangan ng mga paaralang Bagut ES, Bacsil


Es, Capasan ES, Dingras West Central ES, Espiritu ES, Hilaria Salvatierra
Mem.ES, Mandaloque ES, Peralta ES, Sagpatan ES, San Esteban ES, San
Marcos ES, Suyo ES.
Napili ang Distrito ng Dingras hindi lamang dahil dito nanunungkulan bilang
guro at tagapagsanay at focal person ng Information and Communications
Technology (ICT) ang kasalukuyang mananaliksik kundi ang pagbuo ng mga
gabay na tulad ng bubuuin ng mananaliksik ay isa sa mga trust o
pangangailangan ng mga paaralan sa nasabing distrito ayon na rin sa kautusan
ng Kagawaran ng Edukasyon, DepEd Memo No.12, s.2020.
Pamamaraan ng Pag-aaral
Populasyon at Sampol ng Pananaliksik

Ang hangaring makatulong sa mga kapuwa-guro sa Filipino, partikular na sa mga


guro sa ikalimang baitang ang isang isinaalang-alang sa pagpili ng mga respondente sa
pag-aaral na ito. Naniniwala ang kasalukuyang mananaliksik na lalo’t higit na mainam
kung ang mga kinatawang tutugon sa mga pangangailangan ng pananaliksik na ito ay
mga gurong tunay na nakararanas ng mga suliranin sa pagtuturo at pagwawasto ng
pagsulat. Gagamitan ng purposive sampling ang pag-aaral na ito. Ito ang dahilan kung
bakit mga guro sa Filipino sa Distrito ng Dingras 1 at 2 lamang ang magiging kinatawan
ng pag-aaral.
Pamamaraan ng Pag-aaral
Populasyon at Sampol ng Pananaliksik

Binubo ng dalawampu’t apat (24) na mga guro ang magiging kinatawan. 12


mula sa unang distrito at 12 naman sa ikalawang distrito. Dalawampu’t apat ang
kabuuang bilang ng mga gurong nagtuturo sa ikalimang baitang kabilang na ang
mananaliksik. Tanging mga guro sa Filipino sa ikalimang baitang lamang ang
paghahanguan ng mga kompetensi para sa bubuuing gabay sa pagtuturo ng
pagsulat batay sa mga matutuklasang mga karaniwang kamalian ng mga mag-
aaral sa pagsulat.
Pamamaraan ng Pag-aaral
Ang mga Instrumentong Ginamit
Sarbey tseklist. Ang sarvey questionnaire ng kasalukuyang mananaliksik ay
ibinatay sa Questionnaire Assessment of English Writing Skills and Use of Writing
Strategies. Magkagayon man, sinadyang babaguhin ang target na wikang
gagamitin dito, sa halip na Ingles ang pagtutuunan ng pansin ay gagawing
Filipino dahil kapuwa namang pangalawang wika ng mga mag-aaral ang Ingles
at Filipino. Isasalin sa Filipino ang talatanungan at sa halip na mga mag-aaral
ang target na pagtutuunan ng tanong ay gagawing talatanungan para sa mga
guro na kagaya ng pokus ng pag-aaral na ito. Idadagdag din ang ilang
katanungan na hango sa pag-aaral nina Habibi, Wachuni at Husni (2017) na
patungkol sa mga karaniwang kamalian sa pagsulat ng mga mag-aaral.
Pamamaraan ng Pag-aaral
Ang mga Instrumentong Ginamit

Lahat ng mga guro sa Filipino na kabilang sa Distrito ng Dingras 1 at 2 ang


magiging kinatawan na siyang sasagot sa talatanungang inihanda ng
mananaliksik. Ang unang bahagi ng survey instrument ay tungkol sa pagtataya
sa kakayahan sa pagsulat ng mga mag-aaral, ang ikalawang bahagi ay
nakatuon sa paggamit ng mga estratehiya sa pagtuturo ng pagsulat na hinahati
sa tatlong bahagi: bago, habang at pagkatapos sumulat. Ang ikatlong bahagi
naman ng talatanungan ay nakatuon sa mga karaniwang kamalian sa pagsulat
ng komposisyon ng mga mag-aaral Ang bahaging ito ng talatanungan ay
hango sa talatanungan nina Habibi, Wachuni at Husni (2017).
Pamamaraan ng Pag-aaral
Ang mga Instrumentong Ginamit

Sa pagbibigay ng iskor sa talatanungang ipasasagot sa mga guro sa Filipino,


gagamitin ang pamantayang nakasaad sa ibaba:

Iskor Paglalarawan sa Marka


4 Palagi (P)
3 Paminsan-minsan (PM)
2 Minsan (M)
1 Hindi Kailanaman (HK)
Pamamaraan ng Pag-aaral
Ang mga Instrumentong Ginamit

Sa ikalawang bahagi ng talatanungan, nakatuon ito sa pagtukoy sa mga


karaniwang suliranin sa pagsulat ng mga mag-aaral, gagamitin ang Likert Scale
na hango kay Tuckman (1978) na ginamit sa pag-aaral ni Pungtilan (2012) na
may limang iskala na tulad ng makikita sa ibaba:
Iskor Paglalarawan sa Marka
5 Lubos na Sang-ayon (LS)
4 Sang-ayon (S)
3 Bahagyang Sang-ayon (BS)
2 Hindi Sang-ayon (HS)
1 Lubos na Di- sang-ayon (LDS)
Pamamaraan ng Pag-aaral
Ang mga Instrumentong Ginamit

Para sa unang bahagi ng talatanungan, ang pagitan ng interbal na


kinapapalooban ng weighted average score ay tiniyak sa pamamagitan ng
pamantayang makikita sa ibaba:

Interbal Paglalarawan ng Marka


3.51 - 4.00 Palagi (P)
2.51 - 3.50 Paminsan-minsan (PM)
1.51 - 2.50 Minsan (M)
1.00 - 1.50 Hindi Kailanman (HK)
Pamamaraan ng Pag-aaral
Ang mga Instrumentong Ginamit

Para sa ikalawang bahagi ng talatanungan, sa pagtukoy ng suliranin sa


pagsulat ng mga mag-aaral ayon sa persepsyon ng mga guro, ang pagitan ng
interbal na kinapapalooban ng weighted average score na makikita sa ibaba:
 
Interbal Paglalarawan ng Marka
4.51 - 5.00 Lubos na Sang-ayon (SA)
3.51 - 4.50 Sang-ayon (S)
2.51 - 3.50 Bahagyang Sang-ayon (BS)
1.51 - 2.50 Hindi Sang-ayon (HS)
1.00 - 1.50 Lubos na di-sang-ayon (LDS)
Pamamaraan ng Pag-aaral
Ang mga Instrumentong Ginamit

Para sa ikalawang bahagi ng talatanungan, sa pagtukoy ng suliranin sa


pagsulat ng mga mag-aaral ayon sa persepsyon ng mga guro, ang pagitan ng
interbal na kinapapalooban ng weighted average score na makikita sa ibaba:
 
Interbal Paglalarawan ng Marka
4.51 - 5.00 Lubos na Sang-ayon (SA)
3.51 - 4.50 Sang-ayon (S)
2.51 - 3.50 Bahagyang Sang-ayon (BS)
1.51 - 2.50 Hindi Sang-ayon (HS)
1.00 - 1.50 Lubos na di-sang-ayon (LDS)
Pamamaraan ng Pag-aaral
Ang mga Instrumentong Ginamit
Validation scale. Upang matukoy ang kaangkupan at kawastuan ng mabubuong
gabay sa pagtuturo ng pagsulat, tatlong eksperto sa larangan ng Filipino ang
magsisilbing ebalwetor gamit ang Content Validation Instrument. Ang nasabing
instrumento ay binagong bersiyon mula sa ginamit ni Castillo (2020) na ginamit
sa pag-aaral ni Duldulao (2021). Gagamitin ang sumusunod na iskala sa
pagbibigay iskor sa pagtukoy ng kaangkupan ng mabubuong gabay:
 
Iskor Paglalarawan ng Marka
3.51 - 4.00 Napakataas ang baliditi
2.51 - 3.50 Mataas ang baliditi
1.51 - 2.50 Katamtaman ang baliditi
1.00 - 1.50 Mababa ang baliditi
Pamamaraan ng Pag-aaral
Ang mga Instrumentong Ginamit
Validation scale. Upang matukoy ang kaangkupan at kawastuan ng mabubuong
gabay sa pagtuturo ng pagsulat, tatlong eksperto sa larangan ng Filipino ang
magsisilbing ebalwetor gamit ang Content Validation Instrument. Ang nasabing
instrumento ay binagong bersiyon mula sa ginamit ni Castillo (2020) na ginamit
sa pag-aaral ni Duldulao (2021). Gagamitin ang sumusunod na iskala sa
pagbibigay iskor sa pagtukoy ng kaangkupan ng mabubuong gabay:
 
Iskor Paglalarawan ng Marka
3.51 - 4.00 Napakataas ang baliditi
2.51 - 3.50 Mataas ang baliditi
1.51 - 2.50 Katamtaman ang baliditi
1.00 - 1.50 Mababa ang baliditi
Pamamaraan ng Pag-aaral
Ang mga Instrumentong Ginamit

Isinasaalang-alang ang antas ng edukasyon, mga karanasan sa pagbuo ng


kagamitang panturo at kasanayan sa pagtuturo ng pagsulat sa pagpili ng mga
ekspertong magsisilbing ebalweytor ng mabubuong gabay ng kasalukuyang
pananaliksik. Ang mapipiling mga ebalweytor ay isasangguni at paaabrubahan
muna sa lupon ng pag-aaral ng mananaliksik.
Pamamaraan ng Pag-aaral
Istatistikal na Paglalapat
Upang maging angkop ang kalalabasan ng pag-aaral at pagbuo ng gabay sa
pagtuturo ng pagsulat, sasailalim ito sa istatistikal na pamamaraan ang mga
nakolektang datos mula sa mga instrumentong ipimamahagi sa mga
respondente. Gagamitin ang weighted mean score (x) sa pagtukoy ng mga
karaniwang kamalian ng mga mga mag-aaral sa pagsulat at gayon din sa baliditi
ng nabuong gabay.
Sa pagbibigay ng iskor sa talatanungang ipasasagot sa mga guro sa Filipino,
gagamitin ang pamantayang nakasaad sa ibaba:
Iskor Paglalarawan sa Marka
4 Palagi (P)
3 Paminsan-minsan (PM)
2 Minsan (M)
1 Hindi Kailanaman (HK)
Pamamaraan ng Pag-aaral
Istatistikal na Paglalapat
Sa pagpapakahulugan ng mga sagot ng mga respondente, ang pagitan ng
interbal na kinapapalooban ng weighted average score ay titiyakin sa
pamamagitan ng pamantayang makikita sa ibaba:
 
Interbal Paglalarawan ng Marka
3.51-4.00 Palagi (P)
2.51-3.50 Paminsan-minsan (PM)
1.51-2.50 Minsan (M)
1.00-1.50 Hindi Kailanman (HK)
Pamamaraan ng Pag-aaral
Istatistikal na Paglalapat

Gagamitin pa rin ang weighted mean score (x) para sa pagpapakuhulugan sa


mga natamong iskor para sa baliditi ng nabuong gabay sa pagtuturo ng
pagsulat.
Iskor Paglalarawan ng Marka
3.51-4.00 Napakataas ang baliditi
  2.51-3.50 Mataas ang baliditi
1.51-2.50 Katamtaman ang baliditi
1.00-1.50 Mababa ang baliditi

You might also like