You are on page 1of 20

KABANATA I

Ang Problema at ang Kaligiran ng Pag-aaral

Panimula

Pinamumunuan ang isang bansa ng isang taong naihalal o pinili ng


mamayan at tinatawag itong pangulo. Bilang isang pangulo ng bansa, obligasyon
niyang magsagawa ng SONA alinsunod sa Article VII, Section 23 of the 1987
Constitution na nagsasabing, "The President shall address the Congress at the
opening of its regular session. He may also appear before it at any other time."
Nangangahulugan lamang na dapat magtalumpati ang Pangulo sa Kongreso sa
pagbubukas ng regular na sesyon nito.

Tinatawag na SONA o State of the Nation Address ang pagtatalumpating


ito na nangangahulugang, “The SONA (Talumpati sa Kalagayan ng Bansa) is an
annual event in the Republic of the Philippines in which the country's President
reports to the Filipino people the status of the nation, normally during the joint
opening session of the two chambers of Congress –the Senate and the House of
Representatives.” Samakatuwid, kailangan magsagawa ng isang talumpati ang
Pangulo ng Kongreso alinsunod sa Saligang Batas na nabanggit.

Ang SONA ay isang oportunidad at pribilehiyo ng pangulo


na makapagtalumapati sa harap ng Kongreso upang
makapagpahayag ng maraming bagay o usaping hinggil sa
kalagayan ng bansa, magtagubilin sa mga mambabatas ng mga
bagay na sa palagay niya’y dapat pag-ukulan ng pansin at
aksyunan kaagad at magpahayag ng patnubay sa pambansang
patakaran o National Policy.
- H. De Leon at H. De Leon Jr.
Nangangahulugan lamang na nagiging pagkakataon para sa
administrasyon ang pagpapahayag ng kanilang talumpati upang maiulat ang
iba’t ibang proyekto na natapos na at isasagawa pa lamang. Isa rin itong
pagkakataon upang maipahayag ng pangulo ang mga problemang nangyayari at

1
dapat gawan ng solusyon sa bansang kanyang nasasakupan. Sa pamamagitan
nito nalalaman ng masa ang kalagayan ng isang bansa.

Samantala binigyan naman ng kahulugan ni David D. Angelo ang SONA


bilang, “Ang State of the Nation Address (SONA) ay paglalahad din ng mga
programa para sa mga susunod na taon kasama na rito ang Legislative Agenda
ng pangulo at ng Executive brance. Ang sinasabing Legislative Agenda ay mga
batas na nais pursigihin ng pangulo upang mas mapabuti ang bayan at
maisulong ang mga programa at plano ng kanyang administrasyon.”

Sa kahulugang ito masasabing nagiging daan ang SONA upang


maipahayag at mailahad ng pangulo ang mga batas na nais niyang isakatuparan
sa mga susunod na taon upang mas mapabuti at mas maging maayos pa ang
kanyang bansang nasasakupan.

Malaki ang papel na ginagampanan ng paghahatid ng SONA sa isang


bansa, patunay lamang na mahalaga ito. “The State of the Nation Address is
important for all because it tells us what government’s Programme of Action is for
the year ahead. The Programme of Action is government’s plans for the country
and people. By being aware of what government is doing, everyone can become
involved and also take part in government’s plans to build a better life for all.”

Samakatuwid, daan ang pagkakaroon ng SONA upang maihatid sa masa


ang mga plano at aksyon ng bawat Pangulo sa isang administrasyon. Ito rin ang
nagtutulak sa masa na makilahok sa mga gawain nais ipatupad at isagawa ng
Pangulo matapos marinig at malaman ang iba’t ibang mungkahi. Kung
makakarating ito sa kaalaman ng masa, magkakaroon sila ng pagkakataon na
siyasatin ito at tingnan kung nararapat ba ito.

Pangulo ng Pilipinas ang pinakamataas na pinuno ng Republika ng


Pilipinas. Pinamumunuan ng pangulo ang Tagapagpaganap na sangay ng
pamahalaan, na kinabibilangan ng Gabinete, at siya rin ang Punong
Komandante o Commander-in-Chief ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

2
Tuwirang ihahalal ng mga Pilipino ang pangulo na mananalo kung siya ang may
pinakamalaking bílang ng boto.

Sa kasalukuyan mayroon ng labing-anim na naging pangulo ang bansang


Pilipinas. Nakatuon lamang ang pag-aaral na ito pagsusuri ng mga unang
talumpati ng mga Pangulo ng Ikalimang Republika ng Pilipinas.

Kabilang na rito sina: Maria Corazon Cojuangco-Aquino o mas kilala


bilang Corazon Aquino ang Ikalabing-isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas na
namuno mula Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992 at tinaguriang Ina ng
Demokrasya. Si Fidel Valdez Ramos, ang ikalabing-dalawang Pangulo ng
Republika ng Pilipinas namuno naman mula Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998.
Si Jose Marcelo Ejercito, na mas kilala bilang Joseph Ejercito Estrada o Erap,
Ikalabing-tatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas namuno rin mula Hunyo 30,
1998 - Enero 20, 2001. Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo ang Ikalabing-apat na
Pangulo ng Republika ng Pilipinas na namuno naman mula Enero 20, 2001 -
Hunyo 30, 2010. Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III na mas kilala sa
palayaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy, ang Ikalabing-limang Pangulo
ng Republika ng Pilipinas namuno naman mula Hunyo 30, 2010 – Hunyo 30,
2016, at ang kasalukuyang Pangulo na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang
Ikalabing-anim na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na kasalukuyang
namumuno.

Sa pagpapahayag ng isang SONA ng pangulo marami ang dapat


isaalang-alang, isa na nga rito ang wika. Ang wika na nagsisilbing daan upang
maihatid ang isang mensahe sa iba.

Wika ang kasangkapan sa pagbabagong anyo ng pulitika


at kapangyarihan sa isipan at puso ng tao. Hindi kongkreto ang
lakas ng wika at ito’y pangkaisipan. Sa mabisang gamit ng wika,
nakakaapekto ito at napapakilos tayo.
- Fortunato at Valdez (1995)

3
Samakatuwid, nagkaroon ng kamalayan ang mga Pilipino sa mga
nagaganap sa gobyerno sa pamamagitan ng malinaw na paggamit ng wika.
Taglay ng wika ang kakayahang baguhin ang paniniwala ng isang indibidwal at
impluwensyahan ang tao sa iba’t ibang aspeto.

Sa pagpapakahulugan ni Constantino, “Sa pakikipag-ugnayan gamit ang


wika, maraming bagay ang maaaring magbago.” Pang-araw-araw na gawain ang
pagpili ng isang wikang gagamitin. Mula sa pakikipag-usap sa mga kapamilya’t
kaibigan, sa pagbili sa tindahan, sa pagsagot sa mga eksamin, sa pagtext, sa
pag-email at sa lahat ng paraan o porma ng komunikasyon. Hindi man
namamalayan, isang pulitikal na posisyon ang paggamit ng wika.

Ipinaliwanag ni Constantino na mas madalas gamitin ang pambansang


wika sa mga usaping politikal gaya ng pangangampanya tuwing eleksyon at
talumpati ng Pangulo sa mga nagdaang okasyon. Sa mga ganitong sitwasyon,
mas kinakailangan ng mga pulitiko na maunawaan ng masang Pilipino ang
kanilang mga sinasabi.

Nasa wika ang mga konsepto o kaisipan na bumubuo sa


lawak ng gawaing pulitikal kaya naman ginagamit ito para
magkaroon ng political control.
- Constantino
Nangangahulugan lamang na dahil sa wikang ginagamit ng mga pulitiko,
nagkakaroon ng kamalayan ang mga Pilipino sa mga nagaganap sa gobyerno.
Maaari rin magkaroon ng iba’t ibang kahulugan ang mga salita depende sa
pagkakagamit nito Dagdag pa ni Constantino, “Talamak ang pulitika sa‘ting
bansa. Tila nasa dugo na ng mga Pilipino ang pag-usapan ang mga isyung may
kinalaman sa ating gobyerno.”

Taglay ng wika ang kakayahang baguhin ang paniniwala ng isang


indibidwal. Sa pakikipag-ugnayan gamit ang wika, maraming bagay ang maaring
magbago. Naririnig sa anumang lugar ang mga nagbabagang isyu tungkol sa

4
pamahalaan gayundin sa mga pulitiko. Sa radyo, telebisyon, at kahit na sa mga
mumunting tindahan, iisa ang bukambibig ng mga tao --- pulitika.

Wika ang ginagamit sa komunikasyon ng mga tao sa isang lipunan bilang


instrumento. Ito rin ang ginagamit sa paggawa ng mga transaksiyon, na
maituturing na isa sa mahalagang salik ng isang pulitika. Hindi magiging
matagumapay ang alinmang klase ng transaksyon kung hindi nagkakaintindihan
at kung hindi gagamit ng iisa at sariling wika. Tulad na lamang ng wikang
gagamitin sa isang SONA o talumpati. Hindi makukuha ng tao ang puntong nais
ibigay ng Pangulo kung hindi maunawaan ang wikang kanyang gagamitin.

Kabilang sa mga likhang sining na maaaring suriin ang talumpati o SONA


ng mga pangulo dahil sa pamamagitan ng gawaing ito, magkakaroon ng
mabisang kabatiran at makabuluhang paghatol ang mga mambabasa,
manonood o tagapakinig sa mga kaisipang matatagpuan sa piyesa ng isang
talumpati. Sa puntong ito, hindi lamang yaong kahulugan ng isang partikular na
salita ang bibigyang linaw ng mga magsusuri kundi maging ang mga wikang
ginamit ng mga pangulo ng Pilipinas.

Dahil dito, sa kabila ng munting kakayahang taglay ng mga mananaliksik


na kahit wala pang karanasan sa gawaing tulad nito, at sa udyok na rin ng
pagpapahalaga sa mga usaping pambansa, naglakas loob ang mga
mananaliksik na suriin ang ilang piling talumpati ng mga Pangulo ng Ikalimang
Republika ng Pilipinas upang lubusang mapahalagahan ang mga mensahe at
kakintalang nais nitong ipabatid at ipaunawa sa lahat ng mamamayang Pilipino.

Paglalahad ng Suliranin

Naglalayon ang pag-aaral na ito na masuri ang ilang piling talumpati ng


dating Pangulo at kasalukuyang Pangulo ng ating bansa.

Sa kabuuan, nagnanais na masagot nito ang mga sumusunod na


katanungan:

5
1. Ano ang talambuhay ng mga naging Pangulo ng Pilipinas
mula 1986-2016?
2. Ano ang wikang ginamit ng bawat Pangulo sa paghahatid ng
kanilang talumpati?
3. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng antas ng wika na
ginamit ng mga Pangulo?
4. Paano nakaapekto sa masa ang antas ng wikang ginamit sa
talumpati ng mga Pangulo ng Pilipinas?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na makatutulong nang malaki ang pag-


aaral na ito, hindi lamang para sa kanila, kundi para rin sa iba pang mga
mananaliksik, sa mga mag-aaral, sa mga guro, sa mga nanunungkulan sa
pamahalaan at maging sa lahat ng mamamayang may malasakit at matagal
nang sumusubaybay sa mga usaping pambansa.

Para sa mga mag-aaral

Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat makatutulong ito sa kanila


upang mas mapalalim pa ang kanilang pag-unawa sa SONA ng mga Pangulo
maging sa wikang gamitin ng mga Pangulo ng Pilipinas.

Para sa mga Guro

Makatutulong din ang pag-aaral na ito sapagkat maaari nilang gamitin ang
mga piyesang sinuri bilang lunsaran ng kanilang pagtuturo ng wika na ginagamit
sa pulitika, maging sa mga guro ng Agham Panlipunan makapagtatamo sila ng
mas malalim na kabatiran hinggil sa mga nilalaman ng mga talumpating sinuri na
tiyak na makadaragdag sakanilang mabisa at makabuluhang pagtuturo ng
kasaysayang panlipunan at sa pamahalaan ng bansa.

Para sa Kawani ng Pamahalaan

6
Para naman sa mga kawani ng pamahalaan na naglilingkod sa mga
mamamayan at sa bansa, hindi lamang kabatiran ang kanilang matatamo sa
mga nilalaman ng bawat talumpating sinuri bagkus mababatid din nila ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng antas ng wikang ginagamit sa SONA ng mga
Pangulo.

Para sa mga mamamayan

Sa lahat ng mga mamamayan, mahirap man o mayaman, na bumubuo sa


ating lipunan at may pakialam sa mga usaping pambansa tulad ng mga isyung
pang-edukasyon, pang-ekonomiya, pangkalikasan, pangkalusugan, pampolitika
at panseguridad, kanilang mapag-iisipan ang kaganapan at kabisaan ng wikang
ginamit sa mga talumpating sinuri.

Para sa susunod na mananaliksik

Sa mga susunod na mananaliksik na may paksang kaugnayan sa mga


talumpati o SONA ng mga Pangulo, maaaring maging batayan nila ito upang
mas mapabuti ang kanilang gagawing pananaliksik.

Saklaw, Lawak at Delimitasyon ng Pag-aaral

Nakatuon lamang ang pag-aaral na ito sa pagsusuri ng mga unang


talumpati ng mga Pangulo ng Ikalimang Republika ng Pilipinas. Kabilang na rito
sina: Corazon Aquino (1986-1992), Fidel Ramos (1992-1998), Joseph Estrada
(1998-2001), Gloria M. Arroyo (2001- 2010), Benigno Aquino III (2010 -2016) at
ang kasalukuyang Pangulo Rodrigo Roa Duterte.

Isinagawa ang pag-aaral na ito mula Agosto 2016 hanggang Disyembre


2016 sa Central Luzon State University, Science City of Muňoz, Nueva Ecija.

Depinisyon ng mga Termino

Minarapat ng mga mananaliksik na bigyang kahulugan ang mga katagang


ginamit upang lubusan itong maunawaan ng mga mambabasa.

7
Kamara - Isang silid, isa sa dalawang sangay o kapulungan sa batasan.

Kongreso - Pagtitipon para sa isang tiyak na layunin.

Layunin - Ang anumang ninanais na makuha o marating (Almario, 2010).

Pangulo ng Pilipinas - Siya ang namumuno sa sangay na ehekutibong sa ating


pamahalaan na inihahalal ng taumbayan at maaari lamang manungkulan ng
isang termino sa loob ng anim na taon (Oliveros, et al.,2007).

Pagsusuri - Isang masusing pag-aaral, pag-eeksamen, opagsisiyasat sa


anumang ibig malaman o matuklasan (Abueg atCatacataca). Sa pag-aaral na ito,
masusing sinisiyasat ang piling Talumpati sa Kalagayan ng Bansa ng mga
pangulong nabanggit.

Sona (State of the Nation Address) - Isang talumpating ibinibigay taun-taon ng


Pangulo ng Pilipinas. Kinabibilangan ito ng mga pag-uulat hinggil sa estado ng
bansa.

Talumpati - Ang sining ng maayos na paghahanay ng mahahalagang kaisipan at


mabisang paraan ng paghahatid ng mga ito samga tagapakinig sa pamamagitan
ng pagbigkas sa ibabaw ng entablado (Tanawan, et al., 2004). Sa pag-aaral na
ito, ang anyo ng panitikan ang pinag-aralan ng mga mananaliksik.

8
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Naglalaman ang bahaging ito ng mga kaugnay na literatura at mga


kaugnay na pag-aaral na may pagkakahawig sa kasalukuyang pananaliksik.

Kaugnay na Literatura

Sining ng pasalitang pagpapahayag ang pagtatalumpati na may layuning


makaakit at makahiyat sa mga tagapakinig. Masasalamin ang ganda ng isang
talumpati sa masusing paglilimi o pagpili ng mga mabubulaklak na salitang
gagamitin sa pagpapahayag. Ito ang nagbibigay buhay at kakanyahan upang
higit na makita ang kaibahan ng isang talumpati sa isang pangkaraniwang
talumpati lamang, sapagkat isa sa makukulay na pasalitang pakikipagtalasan
ang talumpati.

Ayon kay Arogante (2000):

Kung sa pag-ibig ang isang binata ay manliligaw o sa


pangangalakal ang isang negosyante ay manghihikayat ng
kliyente, maitatangi sa kanila ang ekspresyong “matamis ang
dila”.
Sa pahayag ni Arrogante, maihahalintulad ang pagtatalumpati sa
panliligaw at panghihikayat ng isang negosyante sa isang kliyente. Sa mga
senaryong ito pinipili at pinag-iisipan ang bawat salitang ginagamit upang mas
lalong mapaniwala at mapasang-ayon ang mga tagapakinig.

Ayon nga kina Abueg at Catacataca (2011):


Ang talumpati ay isang pormal na pagsasalita sa harap ng
mga tao.

9
Kilala sa mga katawagang address, oration, public speaking at speech sa
wikang Ingles ang talumpati. Dagdag pa ni Arrogante (2003), “Ito’y isang uri ng
komunikasyong pampubliko sapagkat nagpapaliwanag ng isang mahahalagang
paksa.” Sa madaling sabi, isang paraan ng pagpapahayag na binibigkas sa
harap ng mga taong handang making ang isang talumpati.

Ayon naman kina Dayag at Basa (2005),

Tuwiran ang paggamit nito ng wika, tinig, kilos o galaw,


komposisyon, paraan sa pagpapaunlad ng kaisipan at pag-
aangkop ng materyales sa particular na manood at sitwasyon.
Nangangahulugan lamang sa pagtatalumpati marami ang dapat isa-alang-
alang upang mas maging matagumpay ang pagpapahayag. Sa
pagsasakatuparan ng mga nabanggit sa pahayag nina Dayag at Basa, maaaring
mapadali ang layunin ng isang mananalumpati na maakit at mahikayat ang
tagapakinig at sumang-ayon sa pahayag.

Ayon nga kina Sauco, et al., (2004):

Nilalayon ng talumpati na maghatid ng mahalagang ideya


tungkol sa isang paksa upang makaakit.
Samantalang ayon naman kina Carpio at Encarnacio (2004), may tatlong
layunin ang talumpati, “Layunin ng talumpati ang magbigay-impormasyon,
manlibang at manghikayat sa mga tagapakinig.”

Kung nilalayon ng isang talumpati na magbigay-impormasyon, maaring


gamitin ang paglalahad, paglalarawan, paglinaw, pagpapakahulugan,
papapaliwanag at pag-uulat sa pagpapahayag. Samantalang kung ang mang-
aliw ang layon ng mananalumpati, isang nakakatawang sitwasyon o nakalilibang
na kapupulutan ng aral ang dapat na maging paksa ng mananalumpati upang
maging kawili-wili sa tagapakinig. Kung ibig naman ng mananalumpati na
manghikayat, layon niyang magpahayag ng sariling pagtingin o pag-unawa sa

10
paksa, nararapat na gumamit siya ng mga angkop na salita upang madaling
mapaniwala ang tagapakinig.

Ginaganap ang isang talumpati saanman at sa alinmang uri ng okasyon,


pormal man o hindi, pribado man o pampubliko. Maituturing na talumpati ang
simpleng pag-uulat ng isang empleyado ng kompanya ng mga gastusin at kita sa
kanyang pinagtatrabuhan. Masasabi rin talumpati ang pagsesermon o
pagmimisa ng isang pangulo ng simabahan tulad ng pari, pastor at ministro sa
madlang nakikinig.

Maaaring matawag na mananalumpati ang sinumang panauhing


pandangal ng isang partikular na pagdiriwang na nagpapaabot ng kanyang
pagbati, pasasalamat o papuri sa balana. Pagtatalumpati rin ang tawag sa
isinasagawang pagsasalita ng mga politiko sa harap ng taumbayan tuwing may
pagpupulong o halalan.

Ayon kay Ulit (2003):

Ang pagtatalumpati ay nakatatakot na gawain


Samantalang para sa marami, isang nakakatuwang gawain ang
pagtatalumpati. Ngunit tulad ng saad ni Ulit, hindi madaling magtalumpati sa
harap ng maraming tao lalong-lalo na para sa mga may nerbyos, kapos sa
kasanayan, kulang sa kahandaan at baguhan pa lamang. “Tinatawag na stage
fright sa Ingles ang takot pagharap sa balana,” ayon kay Mish (2011). Karaniwan
itong nararamdaman ng mga taong takot mapagtawanan at magkamali sa harap
ng maraming tao.

Ngunit sa kabila nito, hindi maikakaila na marami na ang naging tanyag


pagdating sa pagtatalumpati. Ayon kina Bernales, et al. (2011), “Marami na’ng
natanyag at nagtagumpay na mga guro, tagapamayapa, rebelde, at pinunong-
bayan dahil sa kanilang katangi-tanging kakayahan sa pagtatalumpati na
kinalugdan ng tagapakinig.” Kabilang na rito si Demosthenes, isang kilalang
orador o mananalumpati ng Sinaunang Atenes, sina dating Pangulong Abraham

11
Lincoln, Fraklin D. Roosevelt at John F. Kennedy ng Estados Unidos. Hindi noon
magaling magsalita ang mga dating Pangulong ito, ngunit dahil sa kanilang
pagsasanay natuto silang bumigkas nang mahusay at naging tanyag sa daigdig
sa larangan ng pagtatalumpati.

Marami ang uri ng talumpati ayon kina Cassanova at Rubin at nina


Tendero. Ngunit ayon din sa kanila, “Hindi maikakaila na marami pang uri ang
kinakailangan ilathala ng iba pang manunulat.” Isa na nga rito ang Talumpati sa
Kalagayan ng Bansa na mas kilala sa Ingles na State of the Nation Address o
pinaikling SONA na hinango sa Talumpati sa Kalagayan ng Unyon o State of the
Union Address ng Estados Unidos.

Dagdag pa nina Cassanova at Rubin (wp):

Ang SONA ay maituturing na isang sub-uri ng mga


talumpating nagpapalaganap ng ugnayan panlipunan sapagkat
ito’y nakatalaga hindi lamang para sa isa o iilang tao manapa’y
nakalaan sa lipunang kinabibilangan ng lahat ng mamamayan ng
bansa.
Kaiba ang SONA sa lahat ng uri ng talumpati dahil sa masaklaw nitong
kalikasan na naglalaman ng lubhang napakaraming paksa. Ipinahahayag nang
isang beses kada isang taon ng sinumang nanunungkulang Pangulo ang
Talumpati sa Kalagayan ng Bansa. Nakatadhana ito sa dating Konstitusyon ng
1935 hanggang sa kasalukuyang Konstitusyon ng 1987. Nakasaad sa Artikulo
VII, Seksyon 23 ng pinakabagong saligang batas ang ganito:

Dapat magtalumpati ang Pangulo sa Kongreso sa


pagbubukas ng regular na sesyon nito. Maaaring humarap din
siya rito kahit sa iba pang pagkakataon.
Dagdag pa riyan, itinadhana rin sa Artikulo VI, Seksyon 15 na, “Ang
Kongreso ang dapat magsimula ng pulong minsan sa isang taon sa ikaapat na
Lunes ng Hulyo ukol sa regular na sesyon nito. Matangi kung may ibang petsang
itinakda ang batas, at dapat magpatuloy na nagsesesyon sa loob ng tiyak na
bilang ng mga araw na maaari nitong itakda hanggang sa tatlumpung araw bago

12
magbukas ang susunod na regular na sesyon nito, hindi kasama ang Sabado,
mga Linggo, at mga pista opisyal. Ang Pangulo ay maaaring tumawag ng tanging
sesyon sa anumang oras.”

Ayon kina H. De Leon at H. DeLeon, Jr. (2011):

Ang SONA ay isang oportunidad at pribilehiyo ng Pangulo


na makapagtalumapati sa harap ng Kongreso upang
makapagpahayag ng maraming bagay o usaping hinggil sa
kalagayan ng bansa, magtagubilin sa mga mambabatas ng
mga bagay na sa palagay niya’y dapat pag-ukulan ng pansin at
aksyunan kaagad at magpahayag ng patnubay sa pambansang
patakaran o National Policy.
Nangangahulugan lamang na nagiging pagkakataon para sa
administrasyon ang pagpapahayag ng kanilang talumpati upang maiulat ang
iba’t ibang proyekto na natapos na at isasagawa pa lamang.

Sa pagpapahayag ng isang talumpati, naipaparating ang nais sabihin sa


pamamagitan ng wika. Dito pumapasok ang usaping wika sa politika, politika sa
wika. Ayon nga kina Fortunato at Valdez (1995), “Bawat gumagamit ng wika ay
isang politiko.” May wika sa politika, hindi maikakaila ito. Sa mga
pangangampanya at mga talumpati ng mga politiko, saan mang panig ng daigdig
wika ang kanilang gamit upang makaakit ng mga tagasunod at botante. Kung
sususriin ang salitang politika, maiuugnay rito ang salitang tulad ng lakas,
pwersa at kapangyarihan.

Ayon kina Fortunato at Valdez (1995):

Wika ang kasangkapan sa pagbabagong anyo ng politika


at kapangyarihan sa isipan at puso ng tao. Hindi kongkreto ang
lakas ng wika at ito’y pangkaisipan. Sa mabisang paggamit ng
wika, nakakaapekto ito at napapakilos tayo.
Makapangyarihan ang wika at ang kapangyarihang ito ang nag-uugnay sa
politika at wika. Wika ang pinakaprominenteng behikulo ng paghahatid ng mga

13
imahe, positibo man o negatibo. Sapagkat sa paggamit ng wika, nababago ang
marami, naiimpluwensyahan ang bawat tao. Sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan lumilitaw ang ugnayan ng wika, kapangyarihan at politika na
naging sanhi marahil kung bakit nasabi ni Aristotle na, “Man is a political animal”.

Ipinaliwanag ni Constantino na mas madalas gamitin ang pambansang


wika sa mga usaping politikal gaya ng pangangampanya tuwing eleksyon at
talumpati ng Pangulo sa mga nagdaan okasyon. Sa mga ganitong sitwasyon,
mas kinakailangan ng mga pulitiko na maunawaan ng masang Pilipino ang
kanilang mga sinasabi. Ngunit marami pa rin sa mga Pangulo ang gumagamit ng
wikang banyaga sa kanilang pagtatalumpati.

Ayon kay Angela Mendoza, sa kanyang akdang Wika’t


Pulitika ng Wika (wp):

Sa isang gobyerno, kung Filipino ang gagamitin sa


pamamalakad ng mga namumuno mas maabot sila ng kanilang
mga pinamumunuan, mas maiintindihan ng mga karaniwang
tao ang implikasyon ng kanilang pamumuno. Nangangahulugan
lamang na mas makakalahok ang mga mamamayan sa mga
usaping pampulitika at pamamalakad sa sariling bayan
Gayundin ang punto sa salaysay ni Constantino na, “Nasa wika ang mga
konsepto o kaisipan na bumubuo sa lawak ng gawaing pulitikal kaya naman
ginagamit ito para magkaroon ng political control.” Nangangahulugan lamang na
dahil sa wikang ginagamit ng mga pulitiko, nagkakaroon ng kamalayan ang mga
Pilipino sa mga nagaganap sa gobyerno.

Kaugnay na Pag-aaral

Sa bahaging ito inilatag ang mga pag-aaral ng ibang mananaliksik na may


kaugnayan sa kasalalukuyang pananaliksik.

Ayon sa pag-aaral ni Ram Kumar Dahal ng Language Politics in Nepal,


binigyang kahulugan niya ang Politika bilang “Politics in general term is the study
of interactions, actions and reaction among individuals, between individuals and

14
groups, and between groups and larger community what we call nation-state”. Sa
pagpapakahulugang ito, sinasabing politika ang simpleng pakikisangkot ng tao
sa ibang tao, mga aksyon at reaksyon sa pagitan ng bawat indibidwal sa isang
lugar malaki man na bahagi ng samahan o maliit.

Ayon naman sa pag-aaral ni Dr. Ibrahim Mohamed Al-Faki (wp):

Politics has both wide and narrow senses.


Sadyang malawak ang kahulugan ng politika, kabilang na nga rito ang
mga gawaing may kinalaman sa institusyon tulad ng political parties at iba pang
usaping o isyung panlipunan. Dagdag pa sa pag-aaral ni Beard (2000) “Politics is
also conceived of as a struggle to gain and retain power among members of
these institutions”. Dahil sa malawak na kahulugan at nasasakupan ng politika
marami ang sumusubok at nagnanasa sa kapangyarihang taglay at makukuha
rito.

Binigyang ugnayan din sa pag-aaral ni Ram Kumar Dahal ang


wika at politika, ayon dito (wp):

Language and politics are closely related to one another


and the former is one of the determining factors of the later.
May kaugnayan ang wika sa politika. Wika ang nagsisilbing instrumento
sa pagpapahayag. Sa pagnanasang makamit ang kapangyarihan sa politika,
gumagamit ang politiko ng mga mabubulaklak na salita mula pa lamang sa
pangangampanya. Ayon nga sa pag-aaral ni Luuk Lagerwerf, “Political campaign
speeches are deemed influential in winning people’s minds and votes.” Tulad ng
pahayag ng ibang tanyag na manunulat, malaki ang nagiging impluwensya ng
mga binibitawang salita ng bawat politiko sa masa.

Dagdag pa mula rin sa pag-aaral ni Ram Kumar Dahal (wp):

Political leaders can manipulate ideas and can attract the


voters towards their political ideologies and belief.

15
Sa paggamit ng mabubulaklak na salita ng mga politiko, nalilinlang nito
ang pag-iisip at nababago ang desisyon ng mamamayan. “Language is powerful
tool by which politicians transmit political conception and symbols of political
power, ideologies and values.”, ayon pa rin kay Ram Kumar Dahal.
Makapangyarihan ang wika, kung kaya ito ang ginagamit na sandata ng mga
politiko upang mailahad ang kani-kanilang mga palagay at mahahalagang
kaisipan.

Ayon sa pag-aaral ni Dr. Ibrahim Mohamed Al-Faki (wp):

Making speeches is a vital part of the politician’s role in


announcing policy and persuading people to agree with it.
Parte na ng kasayasayan ang pagpapahayag ng talumpati tungkol sa
politika. Sa ganitong gawain nagiging malaya ang Pangulo ng bansa na ilahad sa
mamamayan ang mga bagay o usaping may kinalaman sa lipunan. Mula sa pag-
aaral ni Jessica Hakansson, “Political speeches have been regarded a major
part of American democracy, and they have been so throughout history.”

Dagdag pa mula sa pag-aaral ni Luuk Lagerwerf (wp):

Political speeches aim at convincing the listener by


arguments, to persuade him or her on an emotional level or even
manipulate him.
Dahil dito, nahihikayat ang bawat tao na sumang-ayon sa bawat ideya na
kanilang sinasabi. Namamanipula ang masa ng mga salitang binibigkas ng
bawat politiko. Mula sa salitang ginamit ng politiko nakakamit nila ang
pagkapanalo. Nakakamit nila ang kapangyarihan mayroon sa politika. Saan man
panig ng bansa parte na ng pagiging pagiging Pangulo ang magpahayag ng
isang talumpati ukol sa isyung sa lipunan.

Samantala, nagkaroon ng pagkakatulad ang dalawang mananaliksik sa


pagbibigay kahulugan ng political speech,

Ayon kay Proctor at I-Wen Su (2011):

16
Political speeches tend to be delivered in a somewhat
formal style, more so than ordinary conversation, although that is
not always the case.
Ayon naman kay Silvia Irimea (2010):

Political speech is the formal exchange of reasoned views


on what courses of action should be taken to solve a societal
problem.
Sa pagpapakahulugang ito, masasabing isang political speech ang
talumpati kung isinasagawa ito sa pormal na paraan ng paglalahad ng mga
palagay na gawain o solusyon para sa isang suliraning panlipunan tulad na
lamang ng SONA ng mga Pangulo.

Ayon naman sa pag-aaral ni Luuk Lagerwerf, “Political speeches are


supposed to increase the population’s political participation, help them to
understand important issues and how a problem is best solved as well as a way
for the politicians to persuade others to have the same opinions as them.” Malaki
ang nagiging ambag ng talumpati ng Pangulo sa masa. Sa pagpapahayag ng
kaniyang opinion ukol sa mga isyu, pagpapahayag ng bawat suliranin at
solusyon sa mga ito, nahihikayat ang masa na makilahok sa mga gawain
makakapagpabago ata makakapagpaunlad sa bansa. Sa pamamagitan nito
nalalaman nila kung ano ang kanilang maaring maging partisipasyon sa bansa
kanilang kinabibilangan.

Ayon sa pag-aaral ni Silvia Irimea (2010):

Political speech was considered by Thomas Jefferson and


the other founders of the American Republic to be the heart of
democracy.
Sa pagpapakahulugan na ito, puso ng demokrasyang maituturing ang
political speech sapagkat nagiging malaya hindi lamang pamunuan ng bansa
kundi pati na rin buong bansa sa paglalahad ng kanilang mga saloobin. Dagdag
pa ni Silvia Irimea (2010), “In democracy, political speech is regarded as a
method of decision.” Ayon dito, maaring sabihing simbolo ng pagiging malaya ng

17
isang bansa ang pagsasagawa ng political speech sapagkat dito, malayang
binibigkas ang lahat ng kanilang saloobin at mga desisyon.

KABANATA III

PAMAMARAAN AT METODOLOHIYA

Pamamaraang Ginamit sa Paglutas ng Suliranin

Nakapaloob sa bahaging ito ng pananaliksik ang mga instrumento at


disenyong ginamit sa pangangalap at pag-aanalisa ng mga datos na ginamit sa
pag-aaral.

Ang Disenyo ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito, gumamit ng paraang paglalarawan (descriptive


method) ang mga mananaliksik na may layuning malaman ang talambuhay ng
mga naging pangulo ng Pilipinas, masuri ang antas ng wikang ginamit, paano
nakaapekto sa masa ang wikang ginamit, at kung ano ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng antas ng wikang ginamit sa talumpati ng mga Pangulo.

Ang mga Instrumento

Sinuring mabuti ng mga mananaliksik ang mga datos na nakalap gamit


ang iba’t ibang instrument tulad ng bidyu at iskrip para sa ikabubuti ng pag-aaral.

1. Pangangalap ng Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Nangalap ang mga mananaliksik ng mga kaunay na literatura at pag-aaral mula


sa iba’t ibang hanguan o sanggunian tulad ng internet at libro na lubhang
makatutulong sa pagpapatibay ng pananaliksik na isinagawa.

18
2. Pangangalap ng Kopya ng talumpating susuriin

Nangalap ang mga mananaliksik ng mga datos mula sa google (iskrip) at


youtube(video) at isa-isang pinanood at binasa ang bawat talumpati upang
masuri ang nilalaman at kung anong antas ng wika ito nabibilang.

Pagkuha ng mga Datos

Nangalap ang mga mananaliksik ng datos ng mga video at iskrip ng mga


unang talumpati ng mga Pangulo upang matiyak ang bawat ilalagay na detalye.
Naging mahirap sa simula ang pagkuha ng impormasyon dahil na rin sa
masyadong mahaba ang bawat kopya ng talumpati ngunit naging maparaan at
matiyaga ang mga mananaliksik upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito.

Ang Paraan ng Pananaliksik

Gumamit ang mga mananaliksik ng pamamaraang paglalarawan


(descriptive method) upang malaman ang talambuhay ng bawat pangulo, kung
anong antas ng wika ang ginamit ng mga Pangulo sa talumpati, kung paano
ginamit ang wika sa paghahatid ng mensahe at kung ano ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng antas ng wikang ginamit sa talumpati ng mga Pangulo. May
kopya ng video at iskrip ang mananaliksik sa bawat unang talumpati ng mga
Pangulo upang mapaghambing ang mga antas ng wikang ginamit sa kanilang
talumpati.

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa unang semestre sa Taong Panuruan


2016-2017 sa Central Luzon State University.

Ang pag-aanalisa ng Datos

19
Sa pag-aanalisa ng datos, sinuri ng mga mananaliksik ang mga salitang
makikita sa talumpati ng mga Pangulo at maingat na sinuri upang malaman kung
anong antas ng wika nabibilang ang kanilang ginamit at upang malaman ang
mga kasagutan sa mga katanungang nakapaloob sa pag-aaral na ito.

20

You might also like