You are on page 1of 8

Noong nakaraang ika-10 ng Mayo ay naihalal na si Pang.

Rodrigo Roa Duterte bilang ika-16


pangulo ng Pilipinas. “Change is coming” yan ang katagang tumatak sa isipan ng mga Pilipino
dahil simula pa lamang ng kanyang pamumuno ay marami nang nagbago. Kasama sa
pagbabagong ito ang pagpapahayag ni Pang. Duterte na nais nyang palitan ang sistema ng
pamahalaan ng sistemang Federalismo.

Lingid sa kaalaman ng nakararami na binibisita ni Pang. Duterte ang iba’t ibang bahagi ng bansa
upang itaguyod ang Federalismo. Ano ba ang Federalismo? Sa ngayon, ang gobyerno ng Pilipinas
ay isang Unitary Form of Government ibig sabihin halos lahat ng kapangyarihan at kapamahalaan
ay tinatalaga sa isang Sentralisadong Pamahalaan. Isang aspeto nito ay ang mga kita at pondo ng
bawat rehiyon ay mapupunta lahat sa Sentralisadong Pamahalaan at mula doon ang budget ay
ipamamahagi pabalik sa bawat rehiyon batay sa halaga na itinakda ng pamahalaan. Sa
Federalismo, ang kapangyarihan ay mahahati sa pagitan ng National Federal Government at Local
State Government. Ang Pilipinas ay mahahati sa iba’t ibang estado. Halimbawa, sa pinanukalang
federal structure ni Sen. Nene Pimentel, ang Northern Luzon ay magiging isang estado at gayon
din ang Central Luzon at mga iba pa. Bawat estado ay mapapanatili ang 80% ng kanilang kita at
pondo samantalang ang 20% naman ay mapupunta sa National Federal Government. Mula sa 80%
ng bawat estado, ang 3o% nito ay mapupunta sa Local State Government at ang 70% naman nito
ay mapupunta sa mga probinsya, lungsod, munisipalidad at barangay. Bawat estado ay mayroong
sariling hanay ng senador at mga kinatawan. Ang Legislative Powers ay hahatiin sa pagitan ng
National Federal Government at Local State Gorvernment. Sa madaling salita, ang Federal
Government ay reponsable sa usaping militar at proteksyong ng buong bansa at ang Local State
Government naman ang magiging responsable sa sarili nilang estado kung saan ang bawat Lokal
na Pamahalaan ay may mas kontrol sa mga proyekto, budgets at pagpasa ng mga batas.

Ang Pilipinas ay mayroong 7,107 na isla at ito rin ay isang arkipelago. Bawat isa ay may iba’t
ibang tribo at kultura. Malinaw na bawat rehiyon ay may kanya-kanyang pangangailangan. Sa
panahon ng kagipitan o kalamidad ang mabilis na pagtugon ay maraming beses nang hindi
nakakamit dahil ang mga pasilidad, teknolohiya, at ang pondo ay nakatuon lamang kung saan
matatagpuan ang Sentralisadong Pamahalaan. Maraming beses nang nabigo ng Unitary Form of
Government ang mga Pilipino pero sa pamamagitang ng paglipat mula sa Unitary Form of
Government sa isang Federal na uri ng pamahalaan, naniniwala si Pang. Duterte na maaari
makamit ng mga Pilipino ang repormang pang-ekonomiya, pantay-pantay na hustisya, pag-unlad
sa bawat estado at sa pagpapaluwag ng Kamaynilaan.

Gaya ng karamihang klase ng pamamahala, ang Federal at State Government ay parehong may
tatlong sangay ng pamahalaan. Ang Ehekotibo (Executive) ang siyang nagpapatupad at
nagtataguyod ng batas na tinatag ng Lehislatura. Pinamumunuan nito ng President o Prime
Minister sa Federal Government at Governor o Premier sa State Government. Ang Lehislatura
(Legislative) ang siyang nagdedebate at bumuboto sa mga batas na ipinakikilala. Pinamumunua
ito ng Congress o Parliament sa parehas na estado. Ito ay maaaring unicameral o bicameral na
kung saan ay binubo ito ng House of the Senate at House of Representatives. Ang Judiciary ang
siyang nagbibigay kahulugan sa mga batas at nagpapasya na kung ang dalawang sangay pa ng
pamahalaan ay kumikilos sa loob ng kanilang mga kapangyarihan. Sa Federal at State
Government ay mayroong Supreme Court at Lower Federal Courts.

Ayon sa isang eksperto ng Federalismo na si Prof. Jan Erk, may tatlong pangako ang Federalismo.
Unang pangako, mas mahusay na demokrasya. Kung ang isang sistema ng pamamahala sa
Pilipinas ay Federal, magkakaroon ito ng mas mahusay na demokrasya dahil mas nailalapit ang
demokrasya sa mga mamamayan. Mas nabibigyan ng tinig at kapangyarihan ang mga lokal na
komunidad at mas naisusulong ang tinatawag na demokratikong pananagutan kung saan ang
ordinaryong mamamayan, mga partidong politikal at iba pang personalidad ng demokrasya ay
nakakapagbigay ng reaksyon, karangalan o maging parusa sa mga opisyal na namumuno sa
pagpapatupad ng pampublikong patakaran. Ang ikalawang pangako, mas mahusay na
pamamahala. Kung ang sistema ng pamamahala sa Pilipinas ay isang Federal, naitataguyod nito
ang mas epektibong pamamahala. Ayon nga sa United Nations, ang mahusay na pamamahala ay
may walong natatanging katangian. Una na rito ay ang participatory o nagbibigay ng oportunidad
sa lahat upang makalahok sa pagdedesisyon. Ikalawa ay ang consensus oriented o isang proseso
ng paggawa ng desisyon kung saan ang isang grupo ay bumubuo at sumasang-ayon sa isang
desisyon para sa interes ng lahat ng myembro nito. Ikatatlo ay ang accountable o ang pagbibigay
ng sapat na katwiran sa mga aksyon o desisyon. Ikaapat ay ang transparent o ang obligasyon ng
mga namumuno na ibahagi sa mga nauukulan ang mga aksyon at desisyon ng mga ito. Ikalima ay
ang responsive o pagbibigay ng madalian at epektibong aksyon. Ikaanim ay ang effective and
efficient o ang mabisa at mahusay na pamamalakad. Ikapito ay ang equitable o ang makatarungan
at walang kinikilingang pamumuno. At ang ikawalo ay ang inclusive o ang sistema ng
pamamahala na may kakayahang tumugon ng mga pampublikong serbisyo at sinisigurong lahat ay
kasali at walang anumang bahid ng diskriminasyon. Ang ikatlong pangako ay ang pamamahala ng
mga katangian ng iba’t ibang kultura. Kung ang sistema ng Pilipinas ay Federal, maitataguyod
nito ang mas mahusay na pamamahala ng mga katangian ng iba’t ibang kultura at ang mga
pagkakaiba at mga relasyon sa pagitan ng mga ito. Dahil iba-iba ang mga kultura ng mga Pilipino
at marami ring pagkakaiba sa pananalita o dialekto, nararapat lamang ang federalismo. At dahil
may iba’t ibang estado o rehiyon sa federalismo na kung saan ang mga lugar na may pagkakatulad
sa kultura at pananalita ay maaaring maging isang estado o rehiyon. Mas mapapahusay ang
pamamahala dahil mas mabibigyan ang ganitong pamayanan ng awtonomiya para pamahalaan ang
kanilang sariling gawain.

Hindi lamang sa pamahalaan nakasalalay at nakabatay ang patutunguhan o ikauunlad ng isang


bansa kung di sa mga mamamayang nakapaloob dito. Sa sistemang Federal nakikita ni Pang.
Duterte na may pag-asa o kakayahan pa ang Pilipinas upang maging isang ganap na maunlad na
bansa sa Asya. Ang Federalismo ay isang sistema na nangangailangan ng mahaba-habang panahon
para sa proseso. Walang pagbabago ang hindi nagsisimula sa mahirap na pakikibaka sa
kasalukuyan tungo sa ikakaunlad ng sambayanan. Matalinong pagpapasya at disiplina sa sarili ang
kailangang maintindihan ng maraming Pilipino dahil sa kalooban ng isang tao nagmumula ang
matuwid at tunay na pagbabago.

HomeEditorial
Ano ba ang Federalismo?
Last updated Oct 11, 2016
By Gani Oro
117k
Share
Sinimulan nating magsaliksik tungkol sa federalismo, isang uri ng pamahalaan na isinusulong ng
gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Marami kasing tanong ang ating mga taga-subaybay, lalo na nang maging panauhin natin sa ating
radio-tv program sa DZRJ ang mga convenor ng constitutional reform to federalism na sina Atty.
Raul Lambino at Atty. Larry Gadon.

Mula sa isang blog ng manunulat na si Arpee, ipinaliwanag na ang federalismo ay isang uri ng
pamahalaan na ginagamit ng US, Australia, India at ilang mga bansa sa Europe. May pagkakaiba
ang federalismong ginagamit nila kung saan binabago nila ang sistema para tumugma sa mga
pangangailangan nila.

Ang federalismo sa Pilipinas ay matagal nang isinulong ni dating Senador Nene Pimentel, kung
saan nakasaad ito sa isang dokumentong sinulat ni Jose Abueva.

Ang federalismo ay isang sistema ng pamamahala kung saan ang bawat estado (state) ay may


sariling pamahalaan na may kalayaan mula sa central o ‘yung federal na pamahalaan.

Bawat estado ay may kakayanang gumawa ng batas na papairalin sa kanilang mga nasasakupan.


Dito pumapasok ‘yung mga bagay na maaaring ligal sa isang estado, ngunit iligal sa iba. 
Pinaka halimbawa nito ay ang US.

RELATED POSTS
Mga aroganteng opisyal,pinagpipiyestahan sa social media

Oct 1, 2018
Dasal at pakikiramay sa Indonesia

Oct 1, 2018
Linta kung sumipsip

Oct 1, 2018
Inilahad ni Abueva ang mga bentaha ng federalismo, at kabilang dito ang sumusunod: Una,
makapagtatatag umano ito ng makatarungan at pangmatagalang balangkas para sa kapayapaan
sa pamamagitan ng pagkakaisa ng iba’t ibang pangkat etniko, relihiyon, at kultura, lalo sa panig
ng mga Bangsamoro at lumad.

Ang ganitong mungkahi ay ipinalalagay na ang buong bansa ay watak-watak, nasa yugto ng


digmaan at wala nang magagawa pa kundi pagbigyan ang paghahati-hati ng teritoryo.

Ang federalismo ay lalong makapagpapalakas para sa mga armadong pangkat na magsulong ng


rebelyon, at tuluyang kumawala sa saklaw ng Pilipinas.

Ipinupunla ng federalismo ang pagkakawatak ng mga mamamayan, dahil ang sinasabing labing-
isang nasyon ay nagpapahalaga sa rehiyonalismo imbes na sa kabansaan ng buong Pilipino.

Ikalawa, ang desentralisasyon at debolusyon ng kapangyarihan, ani Abueva, ay hindi makauusad


sa lumang sistemang unitaryo kahit pa nakasaad iyon sa Saligang Batas ng 1987 at Kodigo ng
Pamahalaang Lokal ng 1991.

Subalit hindi lahat ng nakasaad dito ay kokopyahin batay sa mungkahi na ipatutupad na porma ng
ating pamahalaan. May mga babaguhin umano depende sa kalagayan at pangangailangan ng ating
bansa.

May mahabang paliwanag pa sa ating research material na ito ang ating isusulat sa mga susunod
na article natin.

ad
Save Pagtingin Ni Isko Sa Federalismo1 For Later
Save

Related

Info

Search
Pagtingin Ni Isko Sa Federalismo1
Uploaded by Don Emmanuel Nolasco

1
Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Sangay ng
Maragondon
Pagtingin ni Isko sa Federalismo
Ipinasa Nina: Abayon, Marimar Alcantara, Raven Shaina L. Brezuela, Mark Anthony N. Diño,
Aira Patricia G. Loyola, Leela Rannia Ipinasa Kay: Prof. Don Emmanuel Nolasco
Oktubre 2016

2
Introduksyon
Sa pagpasok ng bagong administrasyon muling isinusulong ang pagbabago ng nakasanayang
pamalahaan. Napapanahon na pag-usapan ang isyung ito. Sa pagkakaluklok ng bagong presidente
na kilala bilang tagapagtaguyod ng federalismo sa bansa, muling nabuksan ang mga tanong ukol
dito. Marami ang kulang sa kaalaman tungkol sa usapin na ito. Marami ring maling interpretasyon
ang umusbong mula rito. Maraming eksperto na gusto ang panukalang ito sapagkat magkakaroon
ng mas malakas na boses ang mga lokal na pamahalaan. Sa kabila ng mga nagsusulong nito, may
ilan din namang hindi pabor sa pagbabagong ito. Ang kanilang dahilan ay ang malaking pera na
kakailanganin para makamit ang pagbabago na ito. Iniisip rin nila na
mas iigting ang “Political Dynasty” sa mga estadong mabubuo.
Upang lubusang maintindihan ang isyung ito. Ano nga ba talaga ang
federalismo
? Ito ay isang uri ng pamahalaan kung saan magkakaroon ng sentrong pamahalaan na ang tanging
tungkulin ay panatilihin ang mga ugnayang panlabas at kapayapaan ng buong bansa.
Magkakaroon din ng paghahati ng bansa resulta ng pagkakabuo ng mga estado. Dito ay
magkakaroon sila ng lubusang kontrol para sa kanilang pondo at mga proyekto. Hindi na nila
kailangang humingi ng abiso sa sentrong pamahalaan para sa pagdedesisyon. Sila na ang may
hawak sa usaping pangkalusugan, edukasyon, transportasyon pati na rin sa kanilang mga
industriya at kultura. Sa ganitong sistema ang mga estado ay magkakaroon ng mga batas na
ipapatupad sa kanilang lugar na kaiba sa iba pang estado ngunit magkakaroon pa rin naman ng
batas na pang buong bansa ang nasasaklawan. Ito ay iba sa pamahalaang mayroon tayo ngayon.
Ang federalismo ay ang maaaring sagot upang ikalat ang pag-unlad sa ba
nsa at tuluyan ng mabuwag ang tinatawag nilang “Imperial Manila”. Sa
panahon ngayon, sistemang unitary ang pinaiiral. Halos lahat ng mga ahensya ay nasa
Maynila, ito ang isa sa gustong alisin ng federalismo. Kaya sinasabi ng ilan ng “bias” ang
pamahalaan natin sa ngayon. Sila ang magdedesisyon na hindi nila alam kung ano ba talaga ang
kalagayan ng mga lokal na pamahalaan. Isa sa mga layunin ng federalismo ay ilapit ang
pamahalaan sa mga nasasakupan nito. Marami na ang nagsulong sa pagpapalit ng ating
pamahalaan. Ilan dito ay si dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo at ang dating Senate
President Aquilino Pimentel, Jr. Ngayon na isinusulong ito ng ating pangulo aabangan ng lahat
kung ito ba

3
ay matutuloy. Ngunit hindi ito magiging madali. Malaking halaga ang kailangan para maipatupad
ito. Dadaan sa napakaraming diskusyon ang panukalang ito at maaari pang umabot ng taon.
Matagal na proseso ang pagdadaanan bago ito maisakatuparan. Kahit na ano pa man ang maging
resulta nito ay mas magiging maganda kung ito ay makakabuti sa buong bansa at hindi lamang sa
interes ng iilan. Magandang pag-usapan ang federalismo sa panahon ngayon. Alam ng lahat na
mismo ang bagong president ngayon ay ito ang pangarap sa ating bansa. Nais niyang limitahan
ang agwat ng mayayaman at ng mahihirap na lugar. Kaisa niya ang mga mambabatas na gustong
bawasan ang labis na oportunidad sa Metro Manila at mabigyan ng pagkakataon ang ilang lugar
na makipagsabayan rito. Importante na mabigyan ng pansin ang pag-aaral ng federalismo sa
panahon ngayon upang malaman kung ano ba talaga ito at ano ang maaaring maibigay na
magandang epekto nito sa ating bansa. Isa sa nagtutulak sa mga nagsusulong ng federalismo ay
ang labis na pansin na ibinibigay ng pamahalaan sa Manila at nawawalan ng boses ang ibang
lugar. Sa federalismo naniniwala sila na mababago na ang ganung sistema. Marami pang
magagandang epekto ang maibibigay ng federalismo ngunit hindi mawawala ang negatibong
aspeto nito kaya may mga taong ayaw rito. Ang pag-aaral na ito ay maaaring maging sagot kung
dapat ba talagang baguhin ang ating pamahalaan na mayroon tayo ngayon. Sa pamamagitan nito
malalaman kung pumapabor ba ang mga iskolar ng bayan sa pagbabagong ito. At ang maaaring
dahilan kung bakit hindi nila ito gusto. Ito rin ay maaaring gamitin bilang basehan kung ano ba
ang opinyon ng mga kabataan ukol sa isyung ito. Mahalaga na alamin ang mga saloobin ng
nasasakupan bago tuluyang ipatupad ang nasabing pagbabago. Dito malalaman kung ilang
porsyento na ang pumapabor sa federalismo. Sa pamamagitan rin nito magiging malinaw ang
konsepto ng federalismo sa mga magbabasa nito. Upang mabigyan sila ng sapat na kaalaman
upang maintindihan kung bakit ba ito ay patuloy pa ring isinusulong ng mga mambabatas. Maaari
ring mabago ng pag-aaral na ito ang pagtingin ng ilan na hindi pabor sa pagbabago ng
pamahalaan. Sa kontekstong ito mangangalap ang mga tagapagsaliksik sa pamamagitan ng
“survey”.
Lahat ng kurso ay magkakaroon ng sapat na bilang na estudyante na siyang pagkukuhanan ng
impormasyon. Ang pangangalap ng mga impormasyon ay magaganap sa loob ng Politeknikong
Unibesidad ng Pilipinas sangay ng Maragondon.

4
Pagtingin ng bawat iskolar ng bayan ang sentro ng pagsasaliksik na ito. Ang kanilang mga sagot
ang magiging pangunahing sangkap upang maging matagumpay ang pag-aaral na ito. Ang
pangunahing hangarin nito ay malaman ang saloobin at pananaw ng mga kabataan lalo na ng mga
iskolar ng bayan. Marahil ay naniniwala sila na magiging malaki ang epekto ng pagbabago sa
kanila dahil pamahalaan ang nagbibigay ng pagkakataon sa kanila upang makapag-aral. Malaki
ang magiging papel ng pag-aaral na ito upang mabigyang linaw ang isyu sa federalismo.

Sanggunian
https://www.scribd.com/document/327655695/Pagtingin-Ni-Isko-Sa-Federalismo1
https://philippineone.com/federalismo-kailangan-nga-ba/

Ang Federalismo ay mayroon ding kalakasan at kahinaan. Ilan sa mga kalakasannito ay


pagkakaroon ng kapangyarihang magpasiya ng mga constintuent unitsukol samga isyu ng
nasasakupan nito. Ito ay isang kalakasan sapagkat mas kilala at mas alam ngmga ito ang
makakabuti para sa kanilang nasasakupan kaysa sa national government, nanasa Maynila, na
tumututok lamang sa mga isyung pangbuong bansa at kakaunti lamangang alam ukol sa isyung
nasa rehiyong iyon. Ito ay maaraing maging solusyon sapagiging archipelagong Pilipinas.
Nabibigyan rin ng pagkakataon ang mga sub-nationalgovernments unitsna mamuno sa kanilang
pondo. Maari nilang gamitin ang kanilangpondo upang mas mapaunlad ang kanilang estado kahit
walang pahintulot mula sanational government at ilang porsyento lamang ng pondo ang ibigay
dito. Ang bawatestado ay maaaring magtaguyod ng isang specialization na maaaring linangin at
gawingpokus ng estado upang mas mapaunlad ito. Ito rin ay nakikitang solusyon upang
malutasang isyu sa Mindanao sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kapangyarihan
upangpamunuan ang kanilang rehiyon. Makatutulong rin ito sa decongestionng Metro Manilasa
pamamagitan ng pantay pantay na pagbabahagi ng mga tanging yaman ng buong bansasa bawat
rehiyon nito at binabawasan rin nito ang pagdepende ng bawat rehiyon sacentral governmentsa
Metro Manila. Ito rin ang nakikitang paraan upang mas mapalapitang mga tao sa gobyerno. Sa
paraang ito, mas mabilis na serbisyo at aksyon mula sagobyerno ang maasahan ng bawat
mamayan. Ang uri ng gobyernong ito rin angmagtutulak sa bawat rehiyon na gawin ang kanilang
mga tungkulin ng matapat.

Federalism in the Philippines?Usap-usapan ngayon hindi lang sa mga sulok ng Pilipinas kundi
maging sa ibang bansa ang kontrobersyal na GRP-MILF Memorandum of Agreement on
Anestral !omain at ang plano ng gobyerno na baguhin ang sistema ng pamahalaan tungo
saFederalismo para maisaayos ang mga gulo sa Mindanao"#indi kasi tanggap ng mga kapatid
nating Muslim$ mga lumad$ at iba pang mga tribu sa Mindanao at sa iba pang bahagi ng ating
bansa ang imperyal na pamamahala ng gobyerno sa Maynila$ kaya naisip ng ilang mga pulitiko at
mga sektor na nagnanais na maayos na ang gusot sa Mindanao ang Federalismo"%a Federalismo$
magkakaroon ng kontrol sa kanilang pamahalaan ang iba&t ibang rehiyon sa Pilipinas$ lalo na
ang rehiyon ng Mindanao na matagal nang sinisingil mula sa gobyerno ng mga kapatid nating
Muslim"Pero ano nga ba talaga ang Federalismo? Ang ibig sabihin nito ay ay pagkakaroon na ng
mga hi'alay na estado o regional go(ernment$ mapupunta na sa ba'at rehiyon ang kontrol sa
kanilang ekonomiya at pulitika nang hindi na maaaring pakialamanan ng sentrong pamahalaan sa
Maynila"Maganda ito para sa Mindanao kung saan napakalaki ng ekonomiya roon lalo na sa
larangan ng agrikultura$ minahan at iba pang mga industriya" Ganoon din para sa mayayamang
rehiyon gaya ng Metro Manila$ )alabar*on at iba pa"%ubalit para roon sa mahihirap na rehiyon
gaya ng probinsyang %amar-Leyte$ ang parte ng Pilipinas na pinakamahirap sa bansa at iba pang
katulad nito ay siguradong talo sa sistemang Federalismo"%a sistemang Federal kasi$ trabaho na
ng regional go(ernment ang mangolekta ng bu'is mula sa mga negosyo at taumbayang
nasasakupan nito" Paanong makapag-uumpisa ng maganda ang mga mahihirap na rehiyon kung
'ala nang perang manggagaling sa pamahalaan sa Maynila? Alangan namang ang mga bu'is na
ibinabayad ng mga mamamayan ng Maynila eh gagamitin pa rin para sa mga taga-Mindanao
kapag kanya-kanya na ang sistema ng pamamahala

Una, makapagtatatag umano ito ng makatarungan at pangmatagalang balangkas para sa kapaya-


paan sa pamamagitan ng pagkakaisa ng iba’t ibang pangkat etniko, relihiyon, at kultura, lalo sa
panig ng mga Bangsamoro at lumad.

Ang ganitong mungkahi ay ipinalalagay na ang buong bansa ay watak-watak, nasa yugto ng


digmaan at wala nang magagawa pa kundi pagbigyan ang paghahati-hati ng teritoryo.

Ang federalismo ay lalong makapagpapalakas para sa mga armadong pangkat na magsulong ng


rebelyon, at tuluyang kumawala sa saklaw ng Pilipinas.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1741860#readmore


INTRODUKSYON

You might also like