Ang Wikang Pilipino at Ang Banta ng
Globalisasyon
Case Analysis
Home Economics
Ipapasa ni:
Jobert R. Cabauatan
Ipapasa kay:
Sadako
I. Panimula
Ang banta ng Globalisasyon sa Pilipinas ay nangangambang pagsakop ng mga
dayuhan sa ating bansa. Sinasabing ang Globalisasyon ang solusyon upang mapanatiling
ligtas, malinis at maunlad ang bansang Pilipinas. Subalit kamakailan lang ay may mga
dayuhang pumupunta dito sa bansa upang maghasik ng kapahamakan kagaya ng mga
Abu Sayyaf na kumitil din ng buhay hindi lang Pilipino kundi mga opisyal ng gobyerno
sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang mga Amerikano na nagbibigay proteksyon o
tumutulong upang malutasan ang ganitong problema ay parang gusting ipahiwatig na
saka lang bibigyan ng proteksyon kung magsisilbi tayo sa kanila. Kagaya ngayon na ang
daming mga Pilipinong nagngingibang bansa upang magtrabaho. Mga kabataang
dalubhasa sa mga gamut ang pangunahing kinakailangan ng mga dayuhan dahil sa laki ng
kanilang populasyon hindi nila kayang trabahuhin ng maayos ang kanilang trabaho kaya
sila tumatanggap ng mga empleyadong Pilipino. At dahil ang Pilipinas ay isang tropical
country, halos lahat ng prutas at gulay ay nabubuhay ditto, hindi kagaya ng mga ibang
bansa na sa subrang lamig ng kanilang klima doon hindi mabubuhay ang mga pananim
nila kaya kumukuha sila ng mga produkto dito sa Pilipinas upang ibenta sa kanilang
bansa dahilang upang tayo naman ang magkulang sa suplay ng pagkain. At dahil dito,
ang bansa ay hirap umunlad at nagmumukhang mahina at madaling sakupin ng mga
dayuhan. Nabanggit din sa balitang ito na tatanggalin na ng mga Amerikano ang ugnayan
nila sa Pilipinas sa madaling salita tatanggalin nila ang proteksyon para sa mga dayuhang
sasakop sa bansang Pilipinas at mga transaksyon na nauugnay sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa.
II. Suliranin
Ang pananalakay ng mga kapitalistang bansa ng Kanluran na naghahanap ng
pamilihan para sa kanilang kalabisang produkto. Ang paggigiit na tanggalan ng
proteksiyon ng batas ang mga kalakal na Filipino sa ngalan ng pantay na
pakikipagkompetisyon. Ang pagsasamantala ng mga dayuhan sa mga kabataang Pilipino
na may angking lakas at talino dahilan upang ang mga kabataan ay mangibang bansa at
pagsilbihan ang mga dayuhan.
III. Paglahad at Pagsusuri ng datos
Noong 1996, sa Copenhagen, Denmark, inorganisa ng United Nations World
Summit for Social Development ang isang serye ng mga seminar upang talakayin ang
mga kalagayang tutungo sa panlipunang pag-unlad sa harap ng mabilis na paglakas ng
global capitalism. Ganito ang isang obserbasyong lumitaw sa seminar: Lumulubha ang
agwat sa kinikita ng mga mamamayan sa mayayamang bansa sa kinikita ng mga
mamamayan sa mahihirap na bansa. Ang agwat ng per capital income sa pagitan ng
mga bansang industrialisado at ng mga bansang papaunlad ay lumobo ng tatlong beses
mula 5,700 dolyar noong 1960 tungo 15,400 dolyar noong 1993. Noong taong 1994-95,
ang GNP per capital sa mundo ay 24,000 dolyar sa pinakamayamang mga bansa na ang
populasyon ay 849 milyon. Ang GNP per capital sa mga pinakamahirap na bansa ay
4,000 dolyar at doon ay 3 bilyong tao ang naninirahan.
IV. Konklusyon
Ang wika at panitikan natin ay buhay na katibayan ng ating kultura at
kasaysayan. Ipinapagunita nito na mayroon tayong mga karanasan at kabatirang natamo
sa ating pagdanas ng kolonisasyon at sa ating ginawang paglaban sa paghahari ng mga
dayuhan.
Hindi natin tinatanggihan ang paghatak ng hinaharap kung iyon ay magdadala sa
atin sa tunay na pag-unlad. Subalit ang identidad ng isang sambayanan ay hindi
naisusuko nang gayon-gayon lamang. Nakatatak ito sa kamalayan hindi ng iisang tao
lamang kundi sa kamalayan ng buong sambayanan. Kung hinihimok tayo ng
globalisasyon na magbagong bihis, itinuturo naman ng ating kasaysayan na ang
pinagdaanan natin bilang sambayanan ay laging nagpapagunita na may sariling bayan
tayo, may minanang kultura at may banal na kapakanang dapat pangalagaan at
ipagtanggol kung kinakailangan. Sandatahin natin ang ganyang kamalayan tungo sa
ikaluluwalhati ng Filipino bilang nagsasariling bayan.
V. Solusyon
Maaaring harapin at labanan ang kultura ng globalisasyon upang kalusin ang
negatibong bisa nito sa lipunang Filipino. Hindi dapat magbunga ang globalisasyon ng
panibagong pagkaalipin para sa sambayanan.
VI. Balita
Ang Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon