You are on page 1of 3

Butas sa Lipunan

Sa ating henerasyon, madalas natin matatagpuan ang iba’t-ibang problema sa ating


lipunan. Sa pelikulang pinamagatang “Pamilya Ordinaryo” na idinerekta ni Eduardo
Roy Jr. na pinagbidahan ni Hasmine Killip (bilang Jane) at Ronwaldo Martin (bilang
Aries). Laganap ang iba’t ibang problema na ito sa pamamagitan ng pagpapakita kung
ano ang buhay o kung ano ang perspektibo nito sa mga mamamayang nasa kahirapan
(Edosma). Makikita natin sa pelikula kung paano ang buhay ng isang tao na walang
sapat na trabaho upang magbigay kabuhayan sa isang pamilya.

Ang isa sa mga pangunahing isyu na ipinakita sa pelikula ay ang kahirapan sa


bansang Pilipinas. Isang magandang halimbawa ang “Pamilya Ordinaryo” kung paano
ang buhay kahirapan sa ating bansa. Ang kanilang paraan upang magkaroon ng salapi
ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga masasamang bagay tulad ng pagnanakaw. Ito
ang kanilang pangunahing paraan upang kumita ng pera para sakanilang pamilya,
dahil wala na silang pwedeng maasahan na trabaho dahil sa kanilang paraan na
pamumuhay at hindi sapat na edukasyon (Chua). Dito natin malalaman kung gaano
kalaki ang kapangyarihan ng kayamanan sa ating bansa, dahil lahat ng iyong
pangangailangan at kaginhawaan sa buhay ay nabibili gamit ang salapi.

Isa pa sa mga isyu na ipinakita sa pelikula ay ang “Teenage Pregnancy”. Ito ay


karaniwan sa henerasyon ngayon na ating kinalalagyan, sapagkat maraming kabataan
ang walang sapat na “sex education.” Bunga nito ang pagkakaroon ng anak sa murang
edad. Ito ang isa sa mga nakita ko sa pelikula na pinanood. Ang tanging dahilan ng
isyung ito ay ang pagiging pabaya ng mga magulang sa kanilang mga anak at hindi
pagbibigay ng sapat na edukasyon na ayon sa pakikipagtalik sa isang tao.
Magkakaroon ito ng malaking epekto sa ating lipunan dahil maaaring tumaas ang
populasyon sa ating bansa, na maaring magresulta sa pagkaubos ng likas na yaman.
Isa pang masamang dulot ng teenage pregnancy ay ang epekto nito sa kalusugan ng
magdadalang-tao, dahil mayroong tamand edad ang pagbubuntis ng isang babae.
Kalakip nito ang kalusugan ng kanilang dinadalang bata, sapagkat wala itong
nakukuhang sapat na nutrisyon mula sa kanilang ina.

Ang diskriminasyon ay isang karaniwang problema sa ating bansa, ito ay ang isang
bagay na hindi natin maiiwasan sa kasalukuyang panahon. Pinakita sa palabas na sina
Jane at Aries ay nakaranas ng diskriminasyon sa pamamagitan ng pagmamaliit at
pagpapawalang halaga sa kanilang pangangailangan. Tulad sa parteng nanawagan sila
sa social media at sa radyo, ginamit lamang sila upang umagaw atensyon sa mga
netizens. Hindi na sila binigyan pa ng sapat na tulong upang mahanap ang kanilang
nawawalang anak, dahil sa pagmamaliit sakanila ng mga mamamayan. Ang
diskriminsayon ay hindi dapat lumalaganap sa ating lipunan sapagkat ito ay hindi
makakabuti sa atin.

Ang buhay kahirapan ay isang hindi madaling bagay na lipasan, sapagkat ito ay hindi
basta-bastang nawawala o nasosolusyonan. Ngunit bilang isang mamamayang
Pilipino ay dapat pantay-pantay ang paningin natin sa isa’t isa, walang nakakababa,
walang nakakataas. Ang “Pamilya Ordinaryo” ay isang halimbawa ng diskriminasyon
sa mga dukha. Dahil sa kanilang kalagayan at kabuhayan ay hindi na sila
pinagbibigyang halaga ng mga tao sa paligid, ngunit bilang mga magulang ay ganap
na tungkulin nila na pangalagaan at maging responsable sa kanilang anak. Kaya
naman bilang isang normal na mamamayan ay dapat natin silang respetuhin at huwag
maliitin sa kahit ano mang bagay.

Bibliograpiya:

Edosma, Miguel. “NewPost Movie Review: ‘Pamilya Ordinaryo,’ an Extraordinarily

Provocative and Brave Film.” Latest Philippines Headlines, Breaking News,

World News and Video, 28 June 2020.

Chua, Jed. “Pamilya Ordinaryo (Ordinary People): Movie Review.” Reel Advice

Movie Reviews, 27 June 2020.

You might also like