You are on page 1of 4

Kahirapan: Ugat ng Kamangmangan

Isang Rekwayrment sa Asignaturang Filipino sa Piling Larang

Aaron S. Engracia

Disyembre 2019
Panimula

Ang kahirapan ay isa sa mga malalaking suliraning kinakaharap ng ating bansa


sa kasalukuyang panahon. Ito ay nagdudulot ng labis na pahirap at pasakit sa mga
mamamayan na nagiging balakid sa pag-angat ng ating bansa. Hindi maikakaila na
ang kahirapan ay lubusan nang lumago sa ating bansa. Ang kahirapan ay tumutukoy sa
kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring
materyal o salapi. Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating
bansa.

Ayon kay Yanilyn Divine Ramirez Abapo (2016) Nagkakaroon ng kahirapan


kapag hindi mo natutulungan ang inyong personal na pangangailangan. Taong walang
tirahan, walang wikain, iisa lang ang damit, walang trabaho. Isang pisikal na imahe ng
isang taong mahirap. Bakit nga ba may kahirapan? Tayo ay tao lamang, may kanya-
kanyang kakayahan at kahinaan. Ang mga taong mahirap ay walang sapat na
kakayahan upang maiahon ang kanilang sarili at ito ang nagiging kahinaan nila. May iba
ring tao na sa unang pagdilat pa lang ng kanilang mga mata ay nag-aabang na ang
isang napakalupit na mundo. Napakasaklap ring isipin at tanggapin ang katotohanang
ito. Marami ang nawawalan ng gana sa buhay dahil sa kahirapan. Napapagod na rin sa
kakaisip kung hanggang kailan matatapos ang kahirapang ito o kung may katapusan
nga ba talaga. Oo, may katapusan ito, ika nga nila “Walang forever” dito sa mundo,
dahil lahat ay panandalian lamang. At sa mata ng ating pinakamamahal na Poong
Maykapal, ang ating nag-iisang ama, walang mahirap o mayaman, walang edad o
kasarian, payat man o mataba, lahat tayo ay pantay pantay.

Ayon kay Zayra Areglado Kaya maraming nakakaranas ng kahirapan ng dahil


narin sa katamaran nila choice natin ang maging mahirap kaya kung nakakaranas man
tayo nito wala tayong dapat sisihin kundi ang sarili natin.Sabi nga nila”daig ng maagap
ang masipag”kaya dapat habang maaga pa lamang ay kumilos na tayo at gawin ang
nararapat.

Maraming mga kabataan ang hindi nakakapag-aral ng dahil sa kahirapan o dahil


sa kakulangan ng pera pero hindi nila ito kasalanan dahil responsibilidad ng mga
magulang natin na pagaralin tayo pero pwede din maging kasalanan ng kabataan ito
lalo na kung tamad ito. Yan ang mga ilan lang sa mga dahilan kung bakit nakararanas
ng kahirapan ang mga Pilipino sa Pilipinas.

Ang kabataan ang pag-asa ng kinabukasan ngunit paano nalang kung ang
kabataan ng kinabukasan ay lolong sa kasarinlan ng inang bayan. Edukasyon ang susi
ng ating kaunlaran,isa ito sa mga mithiin ng batang pilipino upang makamit nila ang
kanilang pangarap.
Katawan

Ang kahirapan na ating nararanasan ay nagdudulot ng masamang epekto sa atin


lalong-lalo na sa mga kabataan. Ang iba sa kanila’y hindi na nakapag-aaral sapagkat
wala na silang pera pangmatrikula. Ang iba naman ay nagtatrabaho na kahit bata pa
lamang sila. Nagigig kawawa ang mga ito dahil imbis na sa eskwelahan at papel at
ballpen ang hawak, sampaguita at sa lansangan sila.

Isa sa pinakamalaking problema ng mga taong nakakaranas ng kahirapan ay


ang kakulangan sa edukasyon. Dahil sa kahirapan, hindi sila nakakatanggap na sapat
na kaalaman upang matulungan ang kanilang pamilya. Edukasyon ay importante dahil
ito ay ang tanging yaman na hindi kailanman mananakaw. Ito ang nakakapag-hulma sa
ating kaisipan at kakayahang maging matagumpay sa buhay. Ang kawalan ng
edukasyon ay nakakapagdulot ng kamangmangan sa mga kabataan. Kadalasan nating
sinasabi na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Ngunit ano ang mang-yayari sa
ating kinabukasan kung ang kabataan sa mga hirap na bayan ay tila hindi nakapag-
tatapos? Dahil dito, ang karamihan sa kanila ay napipilitang mag hanap ng trabaho
kung saan ang sahod ay mababa lamang.

Napakaraming problema ang naidudulot nito lalong-lalo na sa mga kabataan pa


man din na ang kabataan ang pag-asa ng bayan . Paano pa tayo aasa sa mga bata
kung sila mismo ay hindi nakapag-aral. Tulungan natin ang ating bayan. Pigilan ang
kahirapan, kumilos tayo ngayon para sa magandang kinabukasan.
http://komunikasyon-gandhi2016.blogspot.com/2016/10/kahirapan-sinulat-ni-
yanilyn-divine.html

https://zayraareglado.wordpress.com/2016/10/17/kahirapan-sa-pilipinas/

http://ikairelojero.blogspot.com/

https://nicoleleynes.atavist.com/kahirapan#chapter-1397315

https://ischoolsqcleoncio.wordpress.com/2009/12/10/kahirapan-ano-nga-ba-ang-
dulot-sa-bayan/

You might also like