You are on page 1of 2

Jhon Emmanuel Rimalos

12-Onyx

“KABATAAN”

Lingid sa ating kaalaman marami ng mga pangyayari ang nagaganap sa ating bansa sakasalukuyan na
kailangang bigyang pansin lalo na ang kahirapan na laganap sa buong bayan. Isapang malalang problema
ang droga kabilang dito ang mga kabataan.

Masisisi ba natin kung sila'y nalulong at napabayaan ng kanilang pamilya? Ang magulangang dapat na
gumabay sa kanilang mga anak ngunit subalit paano nito matutustusan ang pangangailan ng kanilang
mga anak kung hindi naman sapat ang kanilang kinikita sa pang araw-araw na pangangailangan upang
buhayin ang kanilang pamilya.

Hindi lang droga ang problema ng kabataan sa panahon ngayon, mga child workers na laganap at
nakakalat sa ating paligid na naghahanap ngpagkakitaan. Sa murang edad sadsad na sila sapagod at
hirap dala ng kanilang trabaho. Isa pang lumalang problema ngayon ay ang prostitusyon kung saan dito
naghahanap ng pag asenso ang karamihang kabataan lalo na ang mga kababain. Sila'y naghahangad
lamang ng pagasenso sa ganoong pamamaraan.

Ngunit sa lahat ng mga kabikabilang problemasa ating pamayanan, ang edukasyon ang pangunahing
problema sa ating lipunan. Ika ngang ating mga magulang ang edukasyon lamang ang tanging
kayamanan na maibibigay sakanilang mga anak. Ngunit paaano ito magiging kayaman sa maraming
naghihirap nating mga kababayan na hindi nakapag-aral man lang?

Hindi ba’t ito ang sanhi kung bakit karamihan sa ating kabataan ang hindi nakapag-aral dahil sa
nagmamahalang matrikula sa ating paaralan.Wala kang mapapsukan na magandang trabaho kung wala
kang hinahawakang diploma. Kung may trabaho man hindi sapat ang sahod para sa pang araw-araw na
pangangailangan. Ganito ba ang gusto mo kaibigan?
Kung hindi lang sana ganito ka dungis ang sistema ng ating gobyerno hindi sana nating kailangan
maghirap pa tulad ng nararanasan natin sa panahon ngayon. Malas nga lang tayo dahil sila’y
mapagsamantala at makasarili. Hindi nila inisip ang kapakanan ng taong bayan na lalong naghihirap dahil
sa kanilang kagagawan.

Sila'y nagpakayaman gamit ang pera ng kaban bayan habang tayo'y halos walang laman ang tiyan. Tama
ba ang ginagawa nila? Pabayaan nalang ba nating magpatuloy ang kanilang pagnanakaw habang tayo'y
baon na baon sa utang? Kailan pa tayo kikilos at makikiisa para sa ating bayan?

Mag bingibingihan nalang ba tayo at magbulagbulagan ngayong alam naman natin kung ano ang tunay
na dahilan kung bakit laganap parin ang kahirapan sa ating bayan? Ikaw ano ang maitutulong mo bilang
Kabataang Pilipino? Ika nga ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ngunit paano magiging lider ang isang
Kabataan kung sila mismo hindi kikilos sa kung ano man ang mga nangyayaring problema sa ating bayan.
Bigyan sana natin ng pansin ang mga kaganapan na lalong nagpapahirap sa ating buhay. Bilang
Kabataang Pilipino malaki ang ating maitutulong sa ating bayan para sugpuin ang mga buwayang
nagpapataba at wala ng ginawa kundi ang magpalaki ng tiyan.

Tayong mga Kabataan ang daan para sa kaunlaran ng ating bayan. Tayo ang tatapos sa mga nasimulan
ng ating mga bayaning nakikipaglaban para sa kapakanan ng buong bansa. H'wag sana nating ibalewala
at kalimutan ang kanilang paghihirap para makamtam natinang tagumpay at tunay na kapayapaan.

You might also like