You are on page 1of 1

Kahirapan: Problema Ng Bayan

Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan. Pero bakit nga
ba maraming Pilipino ang nagdurusa dahil dito? Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa
ng kasalanan. Dala ng kanilang kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na
hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa.
Nadadagdagan din lalo ang bilang ng mga namamatay. Pero bakit hindi nakilos ang ating mga
pinuno ukol sa mga isyung ito?

Sadyang mahirap ang maging isang mahirap pero madaming paraan upang itoy labanan kung ating
gugustuhin. marami na tayong nabalitaan mula sa pagiging maralita ngayon ay natatamasa na ang
kaginhawaan, dahil iyon sa kanilang pagsisiskap at pagpupursigi para sa kanilang gustong makamit.

Maraming mamamayan ang nakakaranas ng kahirapan, kung mapapansin natin, nagkalat ang mga
batang iniwan o inabandona ng kanilang mga magulang na walang ibang matuluyan. Lalo na rin sa
mga squatters area. Magulo at tila ba walang kaginhawahan at kapayapaan sa lugar na yaon. Kung
ating susuriin, mas marami ang bilang ng mga taong sadlak sa kahirapan, pero bakit ang mga taong
may mataas na katayuan sa buhay, sa halip na tulungan ang mga itoay lalo pa nilang itinutulak sa
kahirapan. Kaya mahihirap lalong naghihirap at ang mga mayayaman lalong yumayaman. Dulot ng
walang pagkakaisa, may pag-asa pa ba ang bayan na umunlad?

Ako bilang isang kabataan, may layunin akong iwasan ang pagiging isang mahirap at hindi maituring
na basura lamang sa isang lipunan. Sa simpleng pamamaraan, akoy magsisikap makapagtapos ng
pag-aaral. Nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati
ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may
magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na magagamit, maipagmamalaki at
higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang henerasyon.

You might also like