You are on page 1of 4

g Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak (Sanaysay)

ni: J

Kung tutuusin, isang napakadaling gawain ang pagpasok sa kahit anong uri ng addiction. Ang mas

mahirap ay ang paglabas sa ganitong kondisyon kapag ikaw ay nalulong na. Ang alcohol ay isang

nakaka-addict na substance. Kung patuloy mo itong aabusuhin sa matagal na panahon, maaari

kang mahulog sa kanyang patibong. Maaari kang maging addict dito at mamamalayan mo na

lamang na hindi mo na pala kayang kumilos kung wala ito. Magigising ka na lamang isang umaga

na hindi mo na pala kayang mabuhay nang hindi umiinom. Sapagkat ang alak nga ay nakapasok

na sa iyong sistema at ito’y nakagawa na ng isang malakas na impluwensiya sa iyong katawan at

isipan. Na parang kasama na ito ngayon sa iyong regular na pangangailangan upang makagawa

ng pang-araw-araw na gawain.

Alam nating lahat na ang alak ay isang mapanirang substance. Maraming masamang epekto ang

labis na pagkonsumo nito sa ating kalusugan at buhay. At kahit na baliktarin mo ang sitwasyon at

mundo, sigurado akong malalaman mong walang mabuting maidudulot ang labis na pag-inom nito

lalo na sa pagtagal ng panahon. Kaya nga ang paghinto sa pag-inom ay isang mabuting desisyon

na siyang makapagpapabago ng iyong buhay at pati na rin ang kalagayan mo sa iyong community

at kapaligirang ginagalawan. Hindi rin natin dapat isa-isantabi na ang desisyong ihinto ang bisyong

ito ay makabubuti sa iyong kinabukasan at makapagpapatibay pa ng lubos ng mga relasyong

maaaring nasira noong nakaraan habang ipinagpapalit mo kang alak sa iyong mga mahal sa

buhay.

Hindi madali ang huminto sa iyong nakasanayan. Lalo pa nga’t naimpluwensiyahan na nito ang

iyong katawan at isipan. Pero kung ilalagay mo sa iyong utak ang gawaing ito, maaaring

mapagtagumpayan mo ito kahit sa iyong sariling paraan. Mahirap na kung mahirap, ngunit

maraming paraan upang makaalis ka sa iyong bisyo. At kung maghahanap ka lamang ng mga

programa na maaaring makatulong sa iyo, magiging madali ang paghinto sa pag-inom ng alcohol.

Marami pang panahon para tumigil ka. Marami ring available na paraan para mapaglaban ang

iyong kondisyon bilang isang alcoholic. Manghinayang ka sa panahon na inuubos mo lamang sa

iyong pag-inom. Sikapin mong pahalagahan ang mga pera na ginagastos mo sa pagtangkilik sa

mga inuming nakalalasing. At lagi mong isa-alang-alang ang mga mahal mo sa buhay na
umaasang ikaw ay may kapasidad na magbagong buhay. Hindi kailanman maibabalik ang mga

nasayang na ito at lalo pang madaragdagan kung patuloy kang iinom ng alak. Ngunit kahit hindi

man maibalik ang mga nasayang na panahon at salapi, maaari mo pang baguhin ang takbo ng

iyong buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At sigurado akong hindi na madaragdagan ang

iyong mga problema bagkus ay magkakaroon ka ng mas magandang kalusugan at mabuting

pamumuhay ngayon at sa darating pang panahon. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.

Iba pang Sanaysay:

Sanaysay na Tagalog

Halimbawa ng Isang Sanaysay sa Filipino

at 12:06 PM

Labels: isang essay na tagalog, nagbibigay ng inspirasyon o motivation. Filipino sanaysay tungkol sa bisyo at

masamang gawain, Pormal o maanyo, tungkol sa kabataan na sanaysay

2 comments:
cHeSkA, March 23, 2012 at 7:58 AM

Maganda po ang sanaysay niyo. Pwede ko po ba ito magamit sa isang paper namin

para gawing isang exampple?

abner frayle, June 24, 2012 at 6:37 PM

Malaki pong tulong ito sa mga out-of-school youths ng DepED-ALS salamat po nang

marami ...ipagpaptuloy ninyo po from Sir Abner Frayle (Domingo Natividad Castro-

TeacherI-Mobile Teacher/DepED-ALS Division Office City of Malolos.)

Post a Comment
Post a Comment
Subscribe to: Post Comments (Atom)
117

POPULAR POSTS

 Halimbawa ng Isang Tagalog na Sanaysay na Pormal

 Sanaysay Tungkol sa Edukasyon

 Ano ang Sanaysay

 Halimbawa ng isang Sanaysay sa Filipino

 Sanaysay na Pormal Tungkol sa Kapaligiran


 Maikling Sanaysay Tungkol sa Kabataan

SEARCH THIS BLOG

FOLLOWERS

SUBSCRIBE

Posts

Comments

MGA SANAYSAY SA FILIPINO

 ► 2012 (7)

 ▼ 2011 (14)

o ► September (1)

o ▼ July (13)

 Sanaysay Para sa Linggo ng Wika 2011

 Sanaysay sa Filipino - Pananaliksik

 Tagalog na Sanaysay Para sa mga Guro

 Sanaysay sa Filipino na Di-Pormal

 Sanaysay Para sa mga Ina

 Tagalog Essay

 Halimbawa ng Sanaysay na Nangangatwiran

 Maikling Sanaysay Tungkol sa Kabataan

 Sanaysay na Pormal Tungkol sa Kapaligiran


 Sanaysay Tungkol sa Edukasyon

 Halimbawa ng Isang Tagalog na Sanaysay na Pormal

 Sanaysay na Tagalog

 Halimbawa ng isang Sanaysay sa Filipino

TAGS

ano ang ibig sabihin ng sanaysay ano ang sanaysay example sanaysay tagalog Filipino essay filipino recipe Filipino sanaysay filipino
sanaysay maikli Filipino sanaysay recycle halimbawa ng sanaysay sa filipino tungkol sa pagbabago iba’t ibang salaysay isang essay na tagalog isang sanaysay na

nagbibigay ng payo kahulugan ng sanaysaykomisyon ng wikang filipino komposisyon sa filipino linggo ng wika 2011monologo sa tagalog nagbibigay ng inspirasyon

o motivation. Filipino sanaysay tungkol sa bisyo at masamang gawain paliwanag tungkol sa Filipino Essay pananaliksik na sanaysay paraan upang mapaglabanan

ang alcoholism Pormal o maanyo sanaysay sanaysay alay sa mga guro sanaysay na di-pormal sa Filipino sanaysay na panaginip sanaysay na
pormal sanaysay na tagalog tungkol sa kapaligiran Sanaysay sa Kaurian: sulating di-pormal sanaysay sa tagalog sanaysay sa tagalog na para sa mga ina sanaysay

tungkol sa edukasyon sanaysay tungkol sa hayop sanaysay tungkol sa pagbabago ng sarili sanaysay tungkol sa sarili sanaysay tungkol sa
wika sulatin sa Filipinosulating di pormal sulating pormal sulating pormal o maanyo tagalog essaytagalog na sanaysay tungkol sa mga kabataan Tagalog na
sanaysay.Tagalog short essay tungkol sa hindi malilimutang karanasan talumpatitungkol sa kabataan na sanaysay

All Rights Reserved. Sanaysay sa Filipino 2

You might also like