You are on page 1of 2

Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na, kung saan nakadepende na sa teknolohiya ang mga gawain ng tao.

Ang teknolohiya ay isang imbensyon sa paglapat ng kasangkapan, kagamitan, makina at proseso upang mapadali
ang pang-araw-araw na gawain ng tao.

Umuunlad na nga ang ating panahon ngayon. Marami na ang mga bagong teknolohiya gaya ng cellphone,
computer, iPod, MP3, MP4 at iba pa. May iilan na nagtatalo kung nakabubuti o nakasasama ba ang epekto ng
teknolohiya sa ating lipunan.

Ngunit marami rin namang pabor sa pag-angat ng teknolohiya sa kadahilanang nagbibigay ito ng magandang dulot
sa pamumuhay ng mga Filipino. Ngunit minsan ay nasosobrahan na sa paggamit ang mga tao at wala na sa lugar
gaya kapag nasa hapag-kainan ang buong pamilya at ang bawat isa ay gumagamit ng cellphone. Kaya kailangan
nating malaman ang iilang mabuti at ‘di mabuting epekto ng teknolohiya. Positibong epekto:

1. Mabilis ang pagresponde sa mga kaganapan.

2. Mabilis na pag-connect sa mga tao (kahit malayo).

3. Magandang panlibangan.

4. Marami at mabilis na pagbibigay ng impormasyon.

5. Nakakapagpalawak ng imahinasyon ang paggamit ng teknolohiya lalo na sa klase.

Ang mga kabataan ang lubos na apektado ng mga negatibong epekto ng teknolohiya. Ang iba ay napababayaan na
ang kanilang pag-aaral dahil naaadik sa paglalaro ng mga games sa kompyuter. Lubos ngang umuunlad ang
teknolohiya ngayon ngunit lagi nating tandaan na hindi puro mabuti ang nadudulot nito.

Kaya huwag nating abusuhin ang paggamit ng teknolohiya at kung kaya nating balansehin ang paggamit ng
teknolohiya, gawin natin!

Sa makabagong panahon na sumisibol ay may napakalaking pagbabago buhat sa dating


pamumuhay kung saan ang dating mahirap at mabibigat na gawain ay pinapagaan ng mga makabagong
teknolohiya at siyensya. Mas napapabilis nadin ang pakikipagkomunikasyon mula sa malalayong lugar.
Ngunit tama ba na iasa na lang natin dito lahat ng mga dapat nating gawin? Dapat ba na mas pagtuunan
natin ng pansin ang mga ganitong bagay at ano ba talaga ang dulot nito sa ating kabataan? Ito ang dapat
nating bigyang pansin bukod sa dulot nitong pagpapagaan sa ating pamumuhay.

Isang malaking dagok sating henerasyon kung hindi tayo maaabot ng mga makabagong
kaalaman. Mahirap mamuhay sa kung ano lang ang nakamulatan natin na siyang gagamitin sa pang
araw-araw nating pamumuhay, kaya’t maswerte padin tayo dahil nabibiyayaan tayo ng kaalaman hango
sa makabagong kultura at teknolohiya mula sa mga karatig na lupain ng ating bansa. Napakalaking
pagbabago ang naidulot nito sa mga kabataang mag-aaral ng ating bayan upang mas malinang pa ang
kanilang pag-iisip at mas mapalawak at mapalawig pa ang mga kaalaman na meron sila. Ngunit sa oras
na sa maling gawi nila ito gamitin, maaaring may masama pa itong dulot sa kanila dahil may mga
makabagong kagamitan ngayon na kinaaadikan ng mga kabataan na nakakapagpawala ng atensyon nila
sa kanilang pag-aaral. Dapat nating alamin at talakayin ang magaganda at masasamang dulot nito upang
hindi sa ikasasama o ikakasira ng kinabukasan ng ating kabataan ang maging epekto nito.
Mabuti nga ba o masama ang maidudulot ng teknolohiya sa ating pag aaral? Bilang estudyante, nakakatulong ito dahil
mas napapabilis at napapagaan nito ang mga paggawa ko ng proyekto at ng mga takdang-aralin.

Marami rin akong natutunan at naidagdag na kaalaman kapag gumagamit ako ng ttekonolohiya. Malaki ang
maiaambag ng teknolohiya at ng mga makabagong mga kagamitan dahil nakatutulong ito satin upang linlangin at mas lalo pang
pagyabungin ang mga mura nating kaisipan. marami itong ginagampanan sa buhay ng tao, napapagaan nito ang mga mabibigat
na gawain at mas nakakatipid sa oras. Nakatutulong ito sa araw-araw na pamumuhay ng tao. Ngunit, inaabuso naman ito ng
mga taong na kinagisnan ang paggamit ng makabagong teknolohiya. Magiging palaasa at sakim ang mga tao dahil dito

Hindi na nila ito ginagamitan ng kanilang sariling kakayahan upang magawa ang mga gawaing madali lamang kung iisipin.

Dumarating din sa punto na nagiging masama ang dulot ng taknolohiya lalo na sa mga estudyante. mas pinaglalaanan na nila
ngayon ang mga makabagong kagamitan at halos dito na ginugulgol ang halos isang buong araw kaya naman mas maraming
kabataan ngayon ang nagkakaroon ng ibat ibang diperensya sa kani-kanilang katawan wala narin silang naitutulong sa mga
gawaing bahay at hindi na rin sila pinagtutu-uang pansin ang mga proyekto nila sa paaralan. sadyang napakalaking tinik ang
paglalaro at paglilibang sa halip na makatulong sa kani-kanilang mga magulang napakasakit mang isipin na ang mga likha ng
sarling mga tao ay siya ring sisira sa buhay ng kahit sino man. Pero hindi naman hangad ng mga imbentor ang masamang dulot
nito sa tao, nasa kamay na ng tao kung papaano niya gagawing mabuti o masama ang teknolohiyang ginagamit niya sa araw-
araw na pamumuhay.

Malawak na impormasyon at kayamanan sa kaalaman. Hayan ang naidulot sa atin ng teknolohiya.Sapat na kaya ang
mga impormasyon na nakukuha natin dito para sa atin?

Nakaranas ka na bang gumamit ng didyital na gamit tulad ng computer? Paano ito nakatulong sa iyong pag-aaral?
Anu-ano ang magaganda at masasamang naidulot nito sa iyong pag-aaral? Makabagong teknolohiya nakatutulong nga ba sa
atin?

Teknolohiya sa tama gamitin at huwag itong aabusuhin upang ito'y hindi maka-apekto sa atin. Ang teknolohiya ay
paka-ingatan para na rin sa magandang kinabukasan. Atin pa itong pagyamanin dahil ang teknolohiya ay minsan nang ibinigay
sa atin. Hindi naman habambuhay ay ito'y ating magagamit. Ito lamang ay isang instrumento na makatutulong na mapaunlad
pa ang ating kaalaman at impormasyon. Teknolohiya, paka-ingatan para sa magandang kinabukasan.

Napakarami ng naitulong sa atin ng teknolohiya. Tulad na lamang sa mga takdang-aralin na makatutulong. Maaari
rin namang mag-print na nakatutulong rin. Maaaring mag-translate upang hindi na mahirapan. Maaari rin namang maghanap
ng mga larawan na malaking tulong sa ating pag-aaral.

Marami itong naidulot na napakaganda para sa ating araw-araw na pamumuhay. Halimbawa ,ikaw ay
naghahanap ng trabaho, at gusto mong malaman kung ano ba ito, maaari ka ring maghanap dito.

Marami rin itong epekto sa mga kabataang kagaya ko. Tulad ng pagbaba ng mga marka at pagliban sa klase
para lang dito. Hindi nila lubos na maintindihan ang kanilangpinag-aaralan dahil lang dito. Marami ring kabataan sa panahon
ngayon ang kinalolokohan ang mga ganitong bagay tulad ng mga laro na imbis na makatulong ay lalo pang nakasisira sa kanilang
pag-aaral.

You might also like