You are on page 1of 1

Pag -usbong ng Teknolohiya sa Larangan ng Pagbasa

Ang teknolohiya ay nagbigay ng malaking kontribusyon sa bansa at malaki ang ginagampanan


nito sa paghabi ng kultura lalo na sa mga kabataan. Dahil dito mas naging mainam ang pagkatuto ng
ating mga mag-aaral. Hindi inakala ni Tim Burners-Lee na lalaki ang kanyang naging kontribusyon sa
buong mundo ng naimbento niya ang World Wide Web. Sa pag usbong ng teknolohiya nagsilabasa ang
mga ibat ibang application isa na rito ang interaktibong libro at makabagong larawang libro na
ginagamit sa tuwing tayo ay nagbabasa. Ngunit sa dami ng kontribusyon ng teknolohiya paano ito naka
apekto sa ating mga nakasanayang Aklat Pambata ? At paano nito nabago ang larangan ng pagbasa?

Ayon sa artikulo ni Eugene Evasco mayroong mga mahalagang pangyayari sa kasalukuyan ang
nagdulot ng pagbabago sa produksiyon ng mga Aklat Pambata sa bansa. Isa rito ang pag-usbong ng
teknolohiya sa kompyuter na nagbigay daan sa paglikha ng interaktibong libro at makabagong larawang
libro. Malaking pagbabago ang dala ng teknolohiya sa sitwasyon ng Panitikang Pambata (2012) ang Vee
Press Vibal Foundation ang unang interaktibong libro na pambata sa bansa, subalit mas interaktibo ang
mga taglay na mga tampok ng isang makabagong larawang libro kumpara sa interaktibong libro dahil sa
taglay nitong musika, animation, at interaktibong gawain. Sa artikulo ni Evasco ang unang aklat na
lumahok sa tunggaliang aklat at teknolohiya ay Its a Book ni Lane Smith na inilantad ang hidwaan ng
isang aparato sa aklat pagkatapos ng paglathala ng libro na ito maraming aklat ang sumunod na lumahok
at nakipagtunggali sa iilan pang mga sikat na may-akda. Kapansin-pansin ang mabilis na pagtaas ng
kalidad at kagandahan ng mga pisikal na Pambatang makabagong larawang libro ngunit hindi din naman
nawala sa larangan ng pagbasa ang tradisyunal na aklat na kung saan tayo unang natuto. Aniya pa ni
Salisbury, iba parin ang makapag-ari nito at ang maramdaman ang mga pahina habang ito ay binabasa.

Ang pagbabasa ay isang mabuting paraan sa pag i-ehersisyo ng utak hindi alintana sa midyum ng
pagbasa ang ating ginagamit ma pa tradisyonal, interaktibong libro at makabagong larawang libro man
ito. Naging isang kasangkapan ang teknolohiya sa larangan ng pagbasa at hindi hangarin nito na ibaon sa
limot ang mga tradisyonal na aklat. Sa halip, mas hinihikayat ng mga ito ang mga mambabasa na
pahalagahan ang pagbabasa sa iba pang mga anyo gaya ng Tablet.

You might also like