You are on page 1of 63

Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1.1 Panimula
Isang dahilan kung bakit marami sa kabataan ang nakalimot sa mga
tradisyunal na panitikan ay ang modernisasyon. Mapapansing patuloy pa rin
ang tradisyunal na panitikan sa kabila ng modernisasyong dulot ng pag-unlad
ng teknolohiya. Marahil, nagkaroon lamang ito ng bagong mukha.
Sa ngayon, kinawiwilihan ng mga kabataan na basahin ang mga
tekstong mula sa wattpad, eBook at webtoon. Kapuna-puna na nauulit
lamang ang mga paksa o tema ng mga akda sa tradisyonal na uri ng
panitikan. Nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan at kaalamang teknikal
ang panitikang popular. Ayon kay Gmanumbas (2014), patuloy na dumarami
ang mga taong gumagamit ng mga gadgets sa kahit saang sulok ng mundo
sa kasalukuyan. Bagamat ang Pilipinas ay nabibilang sa mga
pinakamahihirap na bansa, tayong mga Pilipino naman ay di nagpapahuli sa
paggamit ng teknolohiya. Ang mga bata ngayon ay madaling
maimpluwensyahan dahil sa tuwing nakakikita sila ng pinakabagong modelo
ng telepono o kahit na anong magandang gadget, madali silang mahumaling
na bumili ng katulad niyon.
Ang ilang teknolohiya sa Pilipinas na hatid sa atin ng mga dayuhan ay
nagdudulot ng malaking epekto lalo’t higit sa mga kabataan. Una, ang oras
ng mga kabataan ay nasasayang dahil sa mga teknolohiyang ito. Hindi na
nila pinapansin ang mga importanteng gawain na kailangan nilang tapusin
dahil sa sobrang paggamit ng mga gadgets.
Ang mga halimbawa ng mga babasahing panlibangan na nakalimbag
sa teknolohiya ay eBook, wattpad at webtoon. Ang electronic book o eBook
ay isang publikasyon ng aklat na nasa anyong digital. Ito ay binubuo ng mga
teksto at imahe na mababasa sa flat-panel display ng kompyuter o iba pang
mga elektronikong aparato tulad ng cellphone. Ang wattpad ay aplikasyon
para sa mga mambabasa at manunulat na naglalathala ng mga bagong

1
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

kwento na nilikha ng gumagamit sa iba't ibang genre, kabilang ang mga


klasiko, pangkalahatang kathang-isip, kathang-isip o hindi kathang-isip, tula,
fan-fiction, espirituwal, katatawanan, at kathang-isip ng tinedyer. Ang
webtoon naman ay isang publikasyon ng mga komiks online.
Ayon kay Sotto (2018), marami sa mga kabataan ngayon ang
sumasanguni sa teknolohiya para sa kanilang pag aaral. Sapagkat hindi
lamang kaalam ang nakukuha nila mula dito nag bibigay din ito sa kanila ng
aliw. Malaki ang epekto ng teknolohiya sa pamamaraan ng buhay ng mag-
aaral pati rin sa kabataan na ginagamit panlibangan. Lahat ng bagay ay
sumasama kapag nasosobrahan. Sa kabila ng pagbabago ng panahon at
modernisasyon napakaraming mag aaral ang umaasa sa tekolohiya, di
lamang sa kanilang pag aaral pati na rin sa kanilang pang araw araw na
pamumuhay. Ang pag aaral na ito ay isang diskriptibong pananaw ng mga
kabataan sa teknolohiya at libro. Kabataan na kabilang sa makabagong
panahon.
Ang aklat o libro ay mga pinagsama-samang mga nailimbag na kwento
sa papel. Isang karaniwang paghahati ng nilalaman ay ang kathang isip at
hindi kathang isip na mga kwento. Ang simpleng paghahati ay matatagpuan
sa karamihan ng mga koleksyon, mga aklatan, at tindahan ng aklat. Ayon sa
HUMANITARIAN (2017) ,Sa larangan ng pananaliksik Internet at mga Libro
ang pangunahing batayan para maisagawa ang pagpapalaganap ng mga
bagong tuklas ng siyentipiko at sa araw-araw na paglilimbag. Ang Internet at
ang mga libro ay sumasaklaw sa parehas na lebel sa buhay ng tao, may mga
taong nalilibang sa teknolohiya at mayroon naman na mas nalilibang sa
pagbabasa ng libro.
Ang libro at teknolohiya ay nakatutulong sa pagdagdag ng kanilang
kaalaman patungkol sa mga bagay bagay. Itong dalawang instrumento na
parehong may malaking pakinabang sa kabataan.
Samakatuwid, ang mga babasahing panlibangan ay maituturing ding
instrumento sa pagbuo ng kalinangang may masayahin at malikhaing pag
-iisip na makapagdudulot ng aliw at pansamantalang paglimot sa suliraning

2
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

dulot ng magulong lipunan o kapaligiran, mga bagay na maaring bigyan ng


higit halaga sapagkat alam natin na sa bawat segundo ng buhay kailngan
din nating maglibang.

1.2 Paglalahad ng Suliranin


Ayon kay Twenge (2019), karamihan sa mga kabataan ngayon ay
gumugugol ng mas maraming oras sa digital media kaysa sa nakaraang
dekada. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga tinedyer ngayon ay may mga
smartphone sa kanilang bulsa. Kung ikukumpara sa mga kabataan sa ilang
dekadang nakalilipas, malaki ang pinagkaiba nila sa napakaraming bagay at
isa na dito ay ang paggamit nila ng teknolohiya.
Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay ng impresyon hinggil sa
epektibong midyum sa pagbabasa ng mga kwentong panlibangan ng mga
kabataan sa kasalukuyan at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na
katanungan:
1.2.1. Gaano karami ang bilang ng mga mag-aaral sa NCBA ang
nagpapahalaga sa bawat midyum?
1.2.2. Ano ang epekto ng pagbabasa sa mga librong panlibangan? Mga apps
na may kwentong panlibangan?
1.2.3. Ano ang mas mainam na gamiting babasahing panlibangan? LIbro o
teknolohiya?

1.3 Layunin ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman ang


pangunahing midyum na ginagamit ng mga mag-aaral ngayon sa NCBA sa
larangan ng pagbasang panlibangan. Kabilang sa mga tiyak na layunin ang:

1.3.1. Mataya ang bilang ng mga estudyante sa NCBA na nagpapahalaga sa


mga babasahing panlibangn sa libro at teknolohiya.

1.3.2. Makapaglalahad ng mga epekto sa pagbabasa ng mga kwentong


panlibangan sa libro at teknolohiya.

3
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

1.3.3. Matukoy kung alin ang mas mainam gamitin sa pagbabasa ng mga
kwentong panlibangan.

1.4 Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay naaayon sa kalalabasan ng


pagtiyak kung alin ang madalas gamiting midyum na ginagamit ng mga mag-
aaral ngayon sa NCBA sa larangan ng pagbasang panlibangan. Ang mga
kabataan ngayon ay may lubhang pinagkaiba sa kinahihiligang babasahin
dala ng bagong teknolohiya. Kaya naman, layunin ding matiyak kung bahagi
pa rin ba ng libangan ng bagong henerasyon ang mga librong panlibangan
tulad ng komiks, magasin at iba pa. Mula sa bunga ng kalalabasan ng
pamanahong papel na ito, tiyak na makatutulong ito sa indibidwal o grupo ng
tao tulad ng mga sumusunod:

1.4.1. Estudyante: Ang pag-aaral na ito ay magiging sandigan ng mga


estyudyante dahil kanilang malalaman kung alin ang mas mainam,
epektibo at may kapupulutan ng kaaalaman at aral na makakatulong
sa kanila bilang mag-aaral sa paghubog ng isipan maging ng kanilang
pagkatao sa iba't ibang aspeto: pisikal, emosyonal, moral, at espiritwal.
Ang libro at internet ay parehong makatutulong para makapaghatid ng
mga babasahing panlibangan ngunit kailangan nilang piliing mabuti
kung alin ang mas higit o importanteng pagbatayan ng kanilang
kailangang kaisipan o ideya. Sapagkat ito ay kapwa babasahing
panlibangan mahalaga pa ring limiin ang bawat binabasa at matitiyak
na hindi ito makasisira o magdudulot ng hindi magandang epekto sa
pag-uugali o makakapagpabago man ng takbo ng pamumuhay ng
kabataan sa lipunan.

4
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

1.4.2. Mga guro. Upang mahikayat ang mga kabataang huwag


kalimutan ang kahalagahang naidudulot ng mga aklat na siyang
batayan rin ng media sa paglalathala nito sa iba't -ibang seksiyon sa
internet.

1.4.3. Mga manunulat: Ang pag-aaral na ito ay may malaking


benepisyo sa mga manunulat dahil sa masusing paghahambing ng
mga babasahin. Makatutulong ito sa kanila upang makalimbag ng mga
makabagong librong babasahin na higit na makapupukaw ng interes
ng mga kabataan sa bagong panahon at patuloy na maisasalin sa mga
susunod pang henerasyon. Matitiyak din ang kahalagahan ng bawat
isa at kung saang uri ng aspeto ng libangan ito kapwa magiging
kapaki-pakinabang.

1.4.4. Mga susunod na mananaliksik: Nakatuon ang pag-aaral na ito


sa kung alin ang mas mainam; Libro o Teknolohiya bilang babasahing
panlibangan ng kabataan. Naglalayon ang pananaliksik na ito ng
masusing paghahambing upang mas malinawan ang mga kabataan
kung ano ang magiging epekto ng pagpili ng gagamiting babasahin na
magsisilbing gabay sa kanila sa kanilang pananaliksik.

5
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

1.5 Saklaw at Limitasyon

Ang panahong papel na ito ay isinagawa upang malaman kung alin ba


sa libro o teknolohiya ang mas epektibong midyum sa pagbabasa ng mga
kwentong panlibangan. Marami sa mga kabataan mula pa noon ang mahilig
magbasa ng mga kwentong nakakakilig, nakakatakot, nakakapanindig
balahibo at marami pang ibang genre. Dahil sa pagbabago ng bansa dahil sa
rebolusyon, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kabataang Pilipino na
makatuklas ng libangang makapagbibigay sa kanila ng kasiyahan. Hinggil sa
kanilang hililg at interes dito, maraming magagandang bagay din itong
naidudulot.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga taong mahilig magbasa


ng mga kwentong mula sa libro o sa teknolohiya. Ayon kay De Vera (2018),
walumpung porsiyento ng mga Pilipino ang nagbabasa pa rin ng libro. Ngunit
hindi pa napapatunayan kung ilang porsiyento ng mga kabataan ngayong
taong 2020 kung ilang porsiyento ng mga kabataan sa edad na 15-19 ang
nagbabasa pa rin sa libro o karamihan ba sa kanila ay nagbabasa mula sa
teknolohiya. Ang mga respondente ng pag-aaral ay titiyaking mahilig
magbasa ng mga kwentong panlibangan at pipiliin sila sa paraang random.
SIla ay magmumula sa mga mag-aaral ng Senior High School ng National
College of Business and Arts sa Fairview, Quezon City.

Ang pag-aaral ay nakatuon lamang sa epektibong midyum sa


pagbabasa ng mga kwentong panlibangan na nakalimbag sa mga tanyag na
mga aplikasyon tulad na lamang ng wattpad, eBook at webtoon at mga libro.
Hindi sakop ng pag-aaral ang mga websites o librong mapagkukunan ng mga
impormasyon at tanging mga kwentong panlibangan lamang.

6
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

1.6 Katuturan ng mga Katawagan

Ang pag-aaral na ito ay naglalaman ng ilang mga mahahalagang


termino na importanteng mabigyang-linaw at pagpapakahulugan upang mas
maunawaan ang layon at ang konteksto ng pag-aaral.

1.6.1. Babasahing Panlibangan- Ang babasahing panlibangan ay


isang kaaliwan o kalibangan na binabalak kunin ang pansin ng mga
tagapakinig o mga mambabasa. May mga uri ng babasahin na
naglalaman ng mga larawan at binibigyang buhay ang bawat karakter
tulad ng komiks. Ang layunin ng babasahin na ito ay ipahatid sa
mambabasa ang kuwento sa pamamagitan ng masayang
pamamaraan at upang bigyang buhay ang bawat salita sa isip ng tao
at upang mas maging kaakit -akit itong basahin.

1.6.2. Libro- Ang aklat o libro ay mga pinagsamasamang mga


nailimbag na salita sa papel. Naglalaman din ang ibang mga aklat ng
mga larawan. Kadalasang maraming mga pahina ang mga ito. Upang
mas mapadali ang paghahanap ng mga kahulugan ng salita, ang libro
ay naglalaman ng glosari o talahulugan na kung saan nakatala ang
mahihirap na salita na ginamit sa paksa.

1.6.3. Modernisasyon- Ang modernisasyon ay ang pag-unlad ng


isang bansa o lugar na kung saan ang mga pangangailangan ng mga
tao ay natutugunan. Sa paglipas ng panahon at patuloy na pag angat
ng ekonomiya ng isang bansa, mas madali nilang natatamasa ang
pagbabago sa kanilang kapaligiran.

1.6.4. Pagbabasa- Ang pagbabasa ay pagkilala ng mga simbulo o


sagisag ng nakalimbag at pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga
ideya o kaisipan ng gustong manunulat nailipat sa kaisipan ng
mambabasa.

7
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

1.6.5. Teknolohiya- Ang teknolohiya ay isang uri ng makinarya o


kagamitan na ginagamit upang mapadali ang produksyon,
komunikasyon, at iba pang gawain ng mga katauhan. Ito ay
naglalayong mapadali ang buhay ng mga tao. Ang kasingkahulugan ng
teknolohiya ay madalas na iniuugnay sa mga "gadgets" at "internet".
Ang epekto ng teknolohiya ay kapaki-pakinabang dahil ang layunin ng
teknolohiya ay ibsan ang mga suliranin ng mga tao kagaya ng
aspetong produksyon, impormasyon at paggawa. Bukod dito, ang
teknolohiya ay madalas maugnay sa globalisasyon at modernong
panahon.

1.7 Batayang Konseptuwal ng Pag-aaral


Ang pagbasa ay bahagi ng makrong kasanayan at may malaking
kahalagahan sa kabataan dahil marami silang nakukuhang mga bagong
kaalaman. Sa makabagong panahon masusuri ng mga mananaliksik ang
mga ginagamit ng mga kabataan ngayon sa kanilang pagbabasa ng
kwentong panlibangan sa pagsasagawa ng mga nakalimbag na kwestyuner.
Ang prosesong nakapaloob dito ay daan upang malaman ang pananaw ng
mga kabataan tungkol sa epektibong babasahing panlibangan.

1.7.1 Ang Pagbabasa ng mga Kabataan Tungo sa mga Bagong


Kaalaman.

Ayon kay Bendal (2017), tunay ngang hindi natin matatawaran ang
kahalagahan ng pagbabasa. Sa pamamagitan nito'y nagiging ganap na
ganap ang isang tao. Walang hanggan ang kakayahang nalilinang ng
pagbasa. Mula sa pagbasa ay makakukuha tayo ng sapat na karanasan. At
sa makabagong daigdig na ito, ang pagbasa ay isang likas na bahagi ng pag-
unlad. Sa kabuuan, ang pagbasa ay isang paraan ng pagkuha o pag-unawa
ng isang bagay na nakasulat o nakalimbag sa pamamagitan ng
pagpapaliwanag ng katangian o sagisag nito. Ang mga sagisag ay paraan

8
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

lamang na ginagamit ng may-akda sa paghahatid ng mga kaisipang


isinasaad ng sagisag.

Sa panahon ngayon, ang mga kabataan ay nagbabasa parin mula


aklat o gamit ang teknolohiya tungo sa kanilang paglilibang. Maraming
kabataan ngayon ang hindi mapigil sa pagbasa ng mga kwentong
panlibangan gaya ng wattpad, webtoon. Sa libro meron ding tumatangkilik
dahil ang mga may akda ay naglilimbang pa rin ng mga kwentong
nakalilibang sa kabataan. Ang mga kabataan na nagbabasa ng mga
babasahing panlibangan ay nakakakuha pa rin ng mga bagong kaalaman.

1.7.2 Mabisang Ginagamit sa Pagbabasa ng mga Babasahing


Panlibanagan.

Sa modernong panahon ngayon ang mga kabataan na ay may


kakayahan na magbasa gamit ang teknolohiya gaya ng wattpad, eBook o
webtoon. Ang wattpad ay aplikasyon para sa mga mambabasa at manunulat
na naglalathala ng mga bagong kwento kabilang ang mga klasiko,
pangkalahatang kathang-isip, kathang-isip, hindi kathang-isip, tula, fan-fiction,
espirituwal, katatawanan, at kathang-isip ng tinedyer. Ang eBook ay halos
kapareho lang ng wattpad. Webtoon ay naglalaman ng mga drawing gaya ng
komiks.

Noon, ang mga ginagamit lang sa pagbabasa ng mga babasahinh


panlibangan ay libro. Ang aklat o libro ay mga pinagsamasamang mga
nailimbag na kwento sa papel. Isang karaniwang paghahati ng nilalaman ay
ang imahinasyon lamang at tungkol sa totoong buhay na mga kwento.
Maraming klasiko ang mga libro nakalimbag ito ay espirituwal, katatawanan
at iba pa.

1.7.3 Ang Makrong Kasanayan sa Pagbabasa sa Paglinang ng


Kahusayan sa Pagsasalita at Pagsusulat.

Ang pagbabasa ay nakakatulong sa kabataan upang maging bihasa sa


pagsasalita at sa pagsusulat. Tinalakay ni Angeles (2014) ay ang pagsasalita

9
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

Kakayahang ipabatid ang nasasaisip o nadarama sa pamamagitan ng


pagbigkas. Pagsasalita Kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag
ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng
wikang nauunawaan ng kanyang kausap. Sa pagsasalita ay gumagamit ng
mga kakayahan sa pagbasa gaya ng pagbibigay kahulugan, pag-iisip nang
maayos, pagkakaroon ng maayos na diskurso at argumento, at mabisang
pag-iisip ng mga haka-haka at kuro-kuro. Sa Pagsusulat ay nagagawa dahil
may sapat na kaalaman ang isang tao. Ang pagkakaroon ng mga kaalaman
lalo’t sa pagsulat ay nalilinang sa pagbabasa.

Pananaw
(Mag-aaral)

Mga kabataan
Libro sa Teknolohiya
Kasalukuyan

Epekto Benepisyo Epekto Benepisyo

Mabuti Masama Mabuti Masama

Epektibong
Babasahing
Panlibangan

Pigura 1. Konseptuwal na Balangkas ng Pag-aaral

10
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

Kung bibigyang pansin ang Pigura 1, gagamitin ng pag-aaral na ito


ang pananaw ng mga kabataan tungkol sa mas epektibong babasahhing
panlibangan at ito ang input ng pananaliksik. Ang benepisyo, mabuti at
masamang epekto ng libro at teknolohiya ang magsisilbing gabay upang
masunod ang proseso. Ang proseso na pananaliksik ay ang pagbabasa ng
mga kabataan tungo sa mga bagong kaalaman, mabisang ginagamit sa
pagbabasa ng mga babasahing panlibanagan at ang makrong kasanayan sa
pagbabasa sa paglinang ng kahusayan sa pagsasalita at pagsusulat. Sa
kabilang dako, ang output naman ay ang pinaka-epektibong midyum ng
babasahing panlibangan ng mga kabataan.

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa epektibong babasahing panlibangan ng


kabataan. Ang teknolohiya at ang mga libro ay sumasaklaw sa parehas na lebel sa
buhay ng tao, may mga taong nalilibang sa teknolohiya at mayroon naman na mas
nalilibang sa pagbabasa ng libro. Ang libro at teknolohiya ay nakatutulong sa
pagdagdag ng kanilang kaalaman patungkol sa mga bagay bagay. Itong dalawang
instrumento na parehong may malaking pakinabang sa kabataan. Samakatuwid,
ang mga babasahing panlibangan ay maituturing ding instrumento sa pagbuo ng
kalinangang may masayahin at malikhaing pag -iisip na makapagdudulot ng aliw at
pansamantalang paglimot sa suliraning dulot ng magulong lipunan o kapaligiran,
mga bagay na maaring bigyan ng higit na halaga sapagkat alam natin na sa bawat
segundo ng buhay kailangan din nating maglibang. Ang panahong papel na ito ay
isinagawa upang malaman kung alin ba sa libro o teknolohiya ang mas epektibong
midyum sa pagbabasa ng mga kwentong panlibangan. Ang pag-aaral ay nakatuon
lamang sa epektibong midyum sa pagbabasa ng mga kwentong panlibangan na
nakalimbag sa mga tanyag na mga aplikasyon tulad na lamang ng wattpad, eBook
at webtoon at mga libro. Hindi sakop ng pag-aaral ang mga websites o librong
mapagkukunan ng mga impormasyon at tanging mga kwentong panlibangan
lamang. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman ang

11
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

pangunahing midyum na ginagamit ng mga mag-aaral ngayon sa NCBA sa larangan


ng pagbasang panlibangan. Mataya ang epekto, bilang ng mga estudyante sa
NCBA na nagpapahalaga sa mga babasahing panlibangn sa libro at teknolohiya.
Matukoy kung alin ang mas mainam gamitin sa pagbabasa ng mga kwentong
panlibangan. Itong pagaaral na ito ay makakatulong sa mga estudyante, mga
manunulat, mga guro at mga susunod na mananaliksik.

12
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

KABANATA 2
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga
babasahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng
higit na malinaw na kaalaman ang mga literatura at pag-aaral na inilakip sa
pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ng mga
mambabasa, lalo na ang mga kasama sa bahaging Kahalagahan ng Pag-
aaral. Mayroon ding mga bahagi na makapagbibigay-ambag sa
napapanahong mga isyu partikular na sa larangan ng edukasyon.

2.1. Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang kaugnay na pag-aaral ay isang mahalagang bahagi ng isang


pananaliksik. Ipinakita sa bahaging ito ng pananaliksik ang ganap na
kaalaman tungkol sa mga kaugnay na pag-aaral at mga pangunahing
kaisipan na naglalahad ng ilang mga impormasyon tungkol sa paksang
tinatalakay rito. Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga pag-aaral na
natuklasan, mga Imbestigasyon na isinagawa na at may kaugnayan o
pagkakatulad sa paksa ng pananaliksik na isinasagawa.

2.1.1. Pag-aaral Tungkol sa mga Dahilan ng Pagbaba ng Bilang ng mga


Estudyanteng Nagbabasa ng Libro

Mula sa pananaliksik na ito na isinagawa ng mga mananaliksik


na sina Paulin, Del Valle, Lanceta, Dolor at Salang mula sa Philippine
Christian University sa Dasmarinas, ang mga estudyante sa kanilang
unibersidad na may kursong AB na nagkakaroon ng bilang ng
respondente na labing lima (15) ay itinala ang kanilang pagbabasa ng
libro ng MADALAS (40%), PAMINSAN-MINSAN (40%), PALAGI

13
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

(20%), at SIGURO(20%). Nangangahulugang, may madalas at


paminsan-minsan parin ang nagbabasa ng libro.
Ayon naman sa nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik,
ang mga estudyante na may kurso na napapaloob sa CSS Org. ay
PAMINSAN-MINSAN (50%), MADALAS (27%), SIGURO (13%), at
PALAGI (7%). May mga iilang estudyante pa palang palaging
nagbabasa ng libro. Ngunit lubos na ikinagulat ng mga mananaliksik
ang paglabas ng resulta na may labing tatlong persyento ang
nagsasabi ng siguro.
Ang mga estudyante naman na may kurso ng BSED ay
PAMINSAN-MINSAN (40%), MADALAS (30%), PALAGI (30%) at
SIGURO (0%). Ayon naman sa mga estudyante na may kurso ng BSA,
PAMINSAN'MINSAN (50%), MADALAS (30%), PALAGI (20%) at
SIGURO (0%).
Ayon din sa mga mananaliksik, may mga estudyanteng
nagsasabing madalas nilang basahin ay mga libro ng mga paborito
nilang awtor. Dahil na rin daw sa sinusubaybayan nila ang mga gawa
nito.

2.1.2. Younger Americans’ Reading Habits and Technology Use

Ayon sa pananaliksik nina Zickuhr at Rainie (2014), inilahad nila


kung ilang porsyento ng mga kabataan ang nagbabasa pa rin kahit
may akses na sila ng internet sa kanilang mga tahanan. Itinatalakay
din dito ang iba pa nilang ginagawa tulad ng “media consumption”,
dahil alam ng mga mananaliksik na kaya bumababa ang bilang ng
mga nagbabasa ay dahil sa mga ginagawa nilang mga “activities”.
Sinasabi sa datos na may 39% na mga kabataan ang pumupunta sa
mga sporting events kapag may libre silang oras, mayroon ding 36%
ang pumupunta sa mga concerts, pagtatanghal at mga dance
performance. Ang iba namang 32% pumupunta sa mga bookstores, at

14
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

26% ang pumupunta sa mga museyo, art galleries, at mga


makasaysayang tanawin.
Ang mga Amerikanong may edad na hindi tataas sa 30 ay nag-
ulat na mas madalas silang nagbabasa ng libro sa isang linggo. Ang
mga may sapat na gulang naman na may 50-64 na edad ay nag-ulat
na hindi raw sila gaanong nagbabasa na ng mga libro nang lingguhan,
na sinusundan ng mga edad na 30-49 at mga edad na 65 pataas.

2.1.3. Epekto at Bunga ng Pag-babasa ng Wattpad sa mga Mag-


aaral sa Unang Taon ng AB-Sociology

Mula sa pamanahong papel na isinagawa nina Calooy, Jaguit at


Sanchez (2015) ng Caraga State University sa Ampayon, Lungsod ng
Butuan, halos kalahati ng mga 30 na respondante ay mas gustong
magbasa ng isang beses lamang sa loob ng isang lingo na may bilang
na 17 respondante. Sa oras naman na ginugugol ng mga respondante
sa pagbabasa ng wattpad ay isang oras ang kanilang nagagamit. Ibig
sabihin nito ay hindi lahat ng mga respondante ay nauubos ang
kanilang oras sa pababasa ng wattpad at nabubudget nila ito ng tama
na may bilang na 16 respondante. Ang lenggwahe na mas gusto ng
mga respondante ay taglish dahil ayon na rin sa resulta ng mga
mananaliksik sa pangangalap ng datos ay mas malaki ang bilang ng
mga respondante na taglish na lenggwahe ang kanilang binabasa sa
wattpad na may bilang din na 18 na respondante.
Sa tanong na bakit mo kinahuhumalingan ang pagbabasa ng
wattpad ay nalaman ng mananaliksik na ang mga dahilan ng mga
respondante sa kung bakit nila kinahumalingan ang pababasa ng
wattpad dahil sa ito ay nagsisilbing libangan o pampalipas oras nila,
nakapagbibigay ng kasiyahan, satispaksyon at nakapagtuturo tulad ng
mga tungkol sa isang relasyong sa pamilya, kaibigan at sa kapwa natin
na bigyan ng halaga ang bawat importanteng tao sa ating buhay.

15
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

Sa pagbabasa ng wattpad ay may mabuti at masama ring


epekto itong naidudulot. Marami sa mga respondante ang nagsasabi
na ito ay nakapagpapalawak ng kaisipan ukol sa realidad, sa mga
bagay-bagay Pumapangalawa naman dito ang pagkabuo ng limang
aspeto ng isang indibidwal (pisikal, mental, emosyonal, sosyal at
espiritwal). Sinundan naman ng nagkakaroon ng kasiyahan at
satispaksyon bawat kuwento na binabasa nila sa wattpad at ang pang
huli ay ang nakakalimutan nila ang mga problema saglit kapag ang
binabasa nilang kwento ay maganda.
2.1.4. Kaugnayan ng Pagbabasa sa Pagpapaunlad ng
Bokabularyo
Sa pananaliksik nina Sacdalan et.al, (2006) ang pag-aaral nila
ay nakatuon sa antas ng kakayahan sa bokabularyo ng mga mag-aaral
sa pagbabasa. Nilayon nilang alamin kung ano ang katangian ng mga
respondente na ibinatay sa kanilang interes sa pagbabasa. Ang pag-
aaral na ito ay nakatuon sa kung ano ang kaugnayan ng pagbabasa sa
pagpapaunlad ng bokabularyo at ang kahalagahan ng mayamang
bokabularyo upang maging mabisang tagapagsalita. Sa paglalarawan
ng personal na impormasyon ukol sa mga respondent, ang porsyento
o bahagdan ang ginamit. Ginamit nila ang deskriptibong pamamaraan
ng pananaliksik at lumabas sa pag-aaral na ang antas ng interes sa
pagbasa ng mga mag-aaral ay may signipikanteng kaugnayan sa
pagpapaunlad ng kanilang talasalitaan o bokabularyo. Napatunayan
dito na kahit nagbabasa ka ng mga babasahing panlibanagan ay may
mga napupulot kadin na bagong kaalaman o pagunlad ng kanilang
bokabularyo gaya ng mga kwentong babasahing ingles, marami silang
hindi naiintindihan na salita kaya’t ang ginagawa nila ay hinahanap nila
upang maintindihan nila .

2.1.5. Kasanayan ng mga Kabataan sa Pagbabasa

16
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

Mula sa pananaliksik nila Morcilla et. al, (2007) ay gumawa rin


ng saliksik na nakatuon sa antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga
kabataan at ginamit na batayan ng mga mananaliksik ang antas ng
katayuan sa buhay ng mga respondente, ang kanilang interes,
kaalaman sa pagbabasa at kung anong ginagamit nila sa pagbabasa
at ginamit ang porsyento upang masukat ang mga ito. Ginamit din nila
ang deskriptibong korelasyunal na pananaliksik at natuklasang may
mataas na antas sa kasanayan ang mga mag-aaral sa pagbabasa.
Ang kanilang itinalakay rito ay mataas parin ang mga nagbabasa , sa
karamihan nayun ay ang mga mahihilig magbasa ng mga tekstong
gaya ng wattpad, eBook.

2.1.6. Mabuting Epektong Pagbabasa ng Wattpad

Mula sa pananaliksik ni hanimi (2017) Sa loob ng pitong taon


na pagpapatakbo. Ilan sa mga malalaking kompanya ay namuhunan
na dito sa kadahilanang malaki ang kikitain nila sa pagbibigay ng
sponsor. Sa tulong ng wattpad muling napukaw ang hilig sa
pagbabasa ng mga tao. Karamihan sa mga gumagamit ng website na
ito ay mga kabataan. Ayon sa kanila nakakainganyo ang pagbabasa
sa wattpad dahil sa kakaibang anyo nito at napakainteresadoang mga
nilalaman nakaramihan ay likha rin ng mga kabataan. Natutuwa sila sa
mga nilalaman ng site na ito dahil naiiugnay nila ito sa kwento ng
kanilang buhay.
Ayon sa survey na ginawa ng isang kompanya, isa ang Pilipinas
sa may pinakamaraming tala ng gumagamit sa site. Sa sobrang
pagkahilig ng mga kabataan sa pagbabasa ay nakakaligtaan na nila
ang pag-aaral bagkos mas binibigyan nila ng oras pagbabasa o
paguupdate sa wattpad. Ang iba sa kanila ay nagpupuyat at minsan ay
nalilipasan na ng pagkain dahil nakatutuktok na sila sa pagbabasa na
maaaring magdulot ng masamang epekto sa kanilang kalusugan. Ang
kagandahan naman sa site nito ay nagkakaroon sila ng pagkakataon

17
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

na maihayagang kanilang sarili. Nagkakaroon ng palitan ng opinion,


pagkatototo atbp. Sa bawat kwento na nababasa nila may mga
napupulot silang aral.
Ilan sa mga nagsusulat sa wattpad ay nadiskubre na at ngayon
ay naglalathala na ng sarili nilang libro. Ilan sa mga manunulat na ito
ay si Denny na nagsulat ng sikat na libro ng “Diary ng Pangit” na
malapit na ring ipalabas sa Sinehan. Marami na ring manunulat ang
nakilala sa pamamagitan ng wattpad.
2.1.7. Ang Kontribusyon ng Makabagong Teknolohiya, Particular
ang Kompyuter sa Mabilis na Pag-aaral ng nasa Unang Lebel ng
Kursong Accountancy sa Unebersidad ng Perpetual Help taong
2011-2012
Ayon kay DeDE (2009), ang mga tao ay gumagamit ng
kumpyuter at internet sa iba't-ibang layunin, kabilang na rito ang
paglilibang, pang-edukasyon, pagkuha ng impormasyon at
kumunikasyon. Nangangahulugan na ang guro ay magkaroon ng sapat
na layunin sa kanyang mga gawain, malinaw dapat sa mga mag-aaral
na hindi lamang panlibang ang paggamit ng teknolohiya bagkus ay
upang matuto sa mga aralin.
2.1.8. Epekto ng Pamamaraang Komiks sa Antas ng
Komprehensyon sa Pagbasa
Mula sa pananaliksik na isinagawa ni Ravago (2015) na ukol sa
Pamamaraang Komiks sa Antas ng Komprehensyon sa Pagbasa sa
asignaturang Filipino sa mga piling mag-aaral sa Grade 7-Science,
Technology, and Engineering Program (STEP) sa Luakan National
HighSchool, Taong Panuruan 2014-2015 ay humantong sa konklusyon
na ang hinuha ng pag-aaral na walang pagkakaiba sa mag-aaral ang
tradisyunal at pamamaraang komiks sa pagtuturo sa resulta ng
performans ng mag-aaral sa asignaturang Filipino ay tinatanggihan
sapagkat ang kahusayan ng mag-aaral sa parehong pamamaraanng
pagtuturo ay kasiya-siya, bagaman may kaunting pagtaas ang pag-

18
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

unlad ng mag-aaral na sumailalim sa pamamaraang komiks.


Inirerekomenda ng pag-aaral na ito na pataasin ang antas ng
komprehensyon sa pagbasa sa pamamagitan ng mga akdang
pampanitikan na napapalooban ng mga gawain tulad ng paglalapat ng
akmang diyalogo sa mga lobo upang mabuo ang isang komiks. Sa
ganitong paraan, magkakaroon ng kakayahang makasunod,
makapasa at masusubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral sa
asignaturang Filipino. Kinakailangang ang mga paaralan ay
makahanap ng mga pamamaraan upang masmaging madali ang
pagsasakatuparan ng pamamaraang ito para sa panig ng mga mag-
aaral, sa gayo’y mas mapaunlad pa ang kanilang pagkatuto lalo na sa
asignaturangFilipino. Sa ganitong pamamaraan ay magiging kawili-wili
sa pagtalakay sa mga aralin lalo na’t kung ang bawat mag-aaral ay
matutuklasan at mahahasa ang kanilang kasanayansa paglalapat ng
diyalogo sa mga lobo.
Ang mga gurong gumagamit ng tradisyunal na pamamaraan ay
mas magiging bihasa lalo na’t kung sila mismo ay mapapaunlad nila
ang kanilang kasanayan at magiging malikhain sa pagsusulat.
Iminumungkahi na magkaroon pa ng masusing pag-aaral upang
magkaroon ng higit na oras upang isagawa ang eksperimentong
katulad nito, sa gayo’y magiging makabuluhan ang pagsukat sa
kakayahan ng mga mag-aaral. Upang masukat at mapataas pa ang
antas ng komprehensyon sa pagbasa ng mgamag-aaral batay sa mga
akdang pampanitikan, ang mananaliksik ay may mungkahi nagumamit
ng pamamaraang komiks. Dahil sa pamamaraang ito nalilinang ang
kasanayanng mga mag-aaral sa pagbasa at ang pakikipag-ugnayan
nila sa kanilang kamag-aral sa pamamagitan ng pangkatang gawaing
iniatas sa kanila ng guro. Higit na kasiya-siya ang pag-aaral ng mga
mag-aaral sa Filipino lalo na ngayong panahon ng modernisasyon sa
pamamagitan ng komiks.

2.1.9. Accessibility of Modern Technology for Educators

19
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

Maraming mga pag-aaral ang nasuri ang pagpapalipat mula sa


naka-print na teksto hanggang sa mga electronic texts dahil sa
malawakang paggamit ng mga personal na kompyuter noong 1980s
(Mills & Weldon, 187; Dillon, 1992). Ang mga natuklasan sa mga pag-
aaral na ito ay nagmumungkahi na ito ay twenty.

30% na mabagal basahin ang isang papel kung ihahambing sa


isang elektronikong teksto (Muter et al., 1982; Gould & Grischkowsky,
1984; Gould et al., 1986; Mayes, Sims, Koonce, 2001). Ang isang pag-
aaral na isinagawa ni Wagner at Sternberg (1987) ay nagpasiya na
ang mga mag-aaral na nagbabasa ng mga elektronikong teksto ay
hindi maiintindihan ang pangunahing tema ng teksto, ngunit hindi nila
nasusukat ang mga detalye ng teksto. Nakakapagod ang paggamit ng
computer kumpara sa pagbabasa ng isang libro, at ang mga
pagpapakita sa kyumputer ay nagdudulot ng pagkapagod sa mata.

2.1.10. Mga Aklat kumpara sa Mga Tablet: Mga Modernong


Pamamaraan sa Pagkatuto

Mula kila Woody et.al, (2010), Sa mga nagdaang taon, ang


sitwasyon ay nagpatuloy sa kabila ng mga pag-unlad sa teknolohiya.
Ang mga mambabasa ay patuloy na nakakaranas ng mga problema at
nabawasan ang kanilang problema kapag nagbabasa ng mga
elektronikong teksto, at mga naka-print na teksto.

2.2. Literatura

Ang kaugnay na literatura ay isang mahalagang bahagi ng isang


pananaliksik. Ito ay naglalahad ng kung paano nagkaroon ng kaugnayan ang
mga nasagawang pag-aaral sa kanilang kasalukuyang ginagawang
pananaliksik. Sa bahaging ito ay naglalaman ng mga impormasyon, artikulo
at katotohanan na kaugnay sa paksa ng pananaliksik na isinasagawa.

20
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

2.2.1. The World Wide Web Compared To Library


Ayon kay Descy(1997), ang internet ay maihahalintulad
lamang sa mga libro ngunit ang internet ay mas maraming
impormasyon na maibibigay at napapanahon. Ang mga libro o silid-
aklatan naman ay mayroong sistematikong pamamaraan para makuha
ang mga impormasyon na kakailanganin at makakatulong sa kanila.
Ang mga impormasyon naman na ito ay nakaayos at nakategorya sa
ilalim ng Dewey Decimal System at kinikilala ng mga iskolar sa buong
mundo.

2.2.3. Undergraduates Purposes of Using Library Versus Internet


Tinalakay ni Onymaizu (2015) na hindi lahat makikita at
malayang magagamit sa web at may maling impresyon ang mga tao
sa lahat na matatagpuan sa Internet. Bukod dito, ipinaliwanag niiya na
ang awtoridad, pamantayan, kalidad at kawastuhan sa mga websites
na napagkukunan ng impormasyon ay hindi katulad ng mga
nakalimbag sa libro. Batay sa nabanggit na katotohanan, ang
kasalukuyang pananaliksik ay isinasagawa upang malaman ang lawak
ng mga undergraduates sa Unibersidad ng Kelaniya na gumagamit ng
print at elektronik na mga mapagkukunan upang makuha ang mga
kailangang impormasyon sa kanilang pang araw-araw na buhay sa
pang-akademiko. Ito ay isang malawak na surbey ng isla upang
siyasatin ang paggamit ng mga materyales sa pagprint kumpara sa
mga mapagkukunang elektronik kabilang sa mga undergraduates ng
Uniberidad sa Sri Lanka. Inilaan ang pananaliksik na ito ay upang
makilala sa kung anong sukat na ginagamit ng mga taong gumagamit
sa akalatan ng unibersidad at sa internet upang makahanap ng
impormasyon.

2.2.4. Makabagong Teknolohiya

21
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

Ayon kay Zandi,J.C (2013) ang panahon ay hindi lang


nagbabago ito ay ganap at lubusang nagbabago. Habang ang
Teknolohiya ay nagiging parte ng ating buhay isang malawakan at
demokratikong kulturang pagbabagong nag aabang. Sa tulong ng
ugnayan sa isa't-isa,pagbabahagi ng karanasan at pagsasaayos ng
online unti unting nahuhubog ang publiko pag hubog na hindi pa
nangyayari noon na dala ng teknolohiya ngayon. ang pundasyon ng
pagtangkilik ng tao dito ay ang kakahayang pamamahayag nito na
nagagamit ng maraming tao sa buong mundo.

2.2.5. Evaluating Research: Library or Internet


Ayon kina Fitz at Pirillo (2006) maraming impormasyon ang
makukuha sa web at lahat ng tao ay pwede magbahagi ng kanilang
nalalaman. Maaari kang makahanapng patunay dito sa kung ano man
ang gusto mong malaman o maisipan. Kung gumagamit ka ng isang
website bilang isang mapagkukunan ng iyong papel o proyekto,
kailangan mo rin mag-isip nang kritikal tungkol sa kung saan
nanggaling ang impormasyon na nakalap mo at kung may katuturan
ba ito. Hindi mo naman gusto na ibase ang iyong papel sa isang bias
na opinyon o magbanggit ng isang website na simpleng maskara para
sa advertising. Sa halip, nais mong makahanap ng kapani-paniwala,
napapanahon na mga impormasyon na isinulat ng isang awtoridad sa
paksa, na ang mga pag-angkin ay batay sa katotohanan at suportado
ng ebidensya. Upang malaman kung paano paghiwalayin ang
mabuting impormasyon mula sa hindi magandang impormasyon na
maaari mong makita sa online.

2.2.6. Books vs. Internet

Mula kay OSA Webmaster Nine (2017), Mas gusto ng mga tao
na magbasa gamit ang teknolohiya kaysa sa pagkakaroon ng isang

22
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

napakalaking libro sa kanilang mga kamay. Ang isang kadahilanan na


nagpapadali sa katanyagan ng teknolohiya ay ang pagkakaroon nito.
Magagamit ang pasilidad ng teknolohiya halos sa bawat sulok ng
mundo. Kahit na maglalakbay sa malalayong nayon, makakakuha
padin ng pasilidad sa teknolohiya. Ang pagkakaroon ng pasilidad na ito
pinadali lamang. Ngayon ang mga tao, na may interes sa mga libro, ay
hindi kailangang maglakbay nang malayo upang maabot ang aklatan,
dahil ang mundo ng mga libro ay naroroon sa kanilang mga kompyuter
o gadgets.
Ang pagbabasa ng mga libro ay walang epekto sa paningin ng
mata kumpara sa pagbabasa sa teknolohiya gaya ng wattpad ay
mapanganib na sinag na may epekto sa mata. Ang pagbabasa sa
teknolohiya ay may posibilidad na lumabo ang mata dahil sa tinatawag
na radiation.
2.2.7. Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon
Ayon kay Alvar (2011), ang mga libro ay matapat at
maaasahang pinagkukuhanan ng mga impormasyon. Bilang mag –
aaral na may malaking pagmamahal sa mga libro ay itinuturing ko
itong kapaki –pakinabang na instrumento upang maging isang
epektibong mamamayan. Sa pagbabasa makukuha ang pagkakaroon
ng malikhaing pag –iisip, pagpapalawig ng memorya, imahinasyon at
pag –unawa. Tuwing magbabasa ang isang estudyante ng libro,
makikita ang saya at ang pag –unawa na nagbibigay ng malaking
kumpyansa sa wikang kanyang nabasa.
Ngunit kaalinsabay ng pagbabagong nagaganap sa mundo ay
ang paglago ng teknolohiya. Ang kabataan ay nalilimit sa paglalaan ng
kanilang mga oras sa paglalaro ng mga video games, dota, tetris,
pakikipagchat at pati na rin sa pagbisita sa mga socio –networking
sites katulad ng facebook, twitter, tumblr at marami pang iba. Ang
gadgets ay nagiging parte na ng buhay ng mga kabataan at ipinipilit na
hindi nila kaya mabuhay kapag ang mga ito ay nawala.

23
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

Dito nagsimula ang unti –unting pagkawala ng pagpapahalaga


sa mga tradisyong pamamaraan ng paggawa katulad na lamang ng
paggamit ng libro sa pag –aaral. Nakakalungkot isipin na kahit sa sarili
nating institusyon, ang Sta. Teresa College ay nagtataglay ng mga
kabataang pabor sa teknolohiya kaysa sa libro. Ito ay nabigyang linaw
at pagpapaliwanag pa noong ika -25 ng Enero sa Allied Department
Culminating Activity kung saan higit pa sa kalahati ng mga kalahok ay
pinili ang teknolohiya kaysa sa paggamit ng libro. Totoong madami ang
matitipid na oras sa paggamit ng teknolohiya sa pag –aaral. Mabilis at
maaasahan lalo na sa dami ng mga gawain ng isang estudyante.
Ngunit ang totoong edukasyon ay nakukuha hindi lamang sa hirap at
pagsisikap sa pagbabasa ngunit pati na rin sa mga totoong
impormasyong makakalap. Madami sa mga online sites ay hindi
mapagkakatiwalaan dahil ang lahat ay maaaring gumawa ng mga
websites, unang –una para kumita at kakaunti sa mga ito ay ang may
layuning makapagbigay impormasyon. Isa pa, ang teknolohiya ay
nawawala samantalang ang libro ay panghabambuhay. Ang lahat ay
pwedeng magbago sa desisyon meron ang bawat tao. Lahat ay
nakakapagpaikot ng mundo ngunit hindi lahat ay may matalinong
pagpapasya para sa ikabubuti ng lahat.

2.2.8. Ang Kultura ng Teknolohiya sa Kabataan Ngayon

Ayon kay Guinto (2010), malaki ang ginagampanan ng


teknolohiya sa paghabi ng kultura, lalo na sa kabataan. Ang kulturang
popular ay nakabatay sa pagdisimina ng iba’t ibang bagay gamit ang
isang midyum. Hindi natin maikakaila na ang Internet ay isang
penomena na naging kaakibat ng isang makabagong kultura. Hindi
siguro akalain ni Tim Burners-Lee kung gaano kalaki ang kanyang
magiging kontribusyon sa pandaigdigang lipunan noong naimbento
niya ang World Wide Web. Labingdalawang taon na ang nakakaraan
at marami nang sistema ang napalaganap sa Internet, mga iba’t ibang

24
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

nakakagawian ng mga kabataan ngayon. Wala na ang mga araw kung


saan sila’y maghapong nakatutok sa telebisyon o nagsisitambayan sa
kalsada. Nabawasan na rin ang kanilang paggagala kung saan-saan at
dumadalas ang pagkulong sa kwarto. Ano ang ginagawa ng tipikal na
teenager na biniyayaan ng kompyuter at ng Internet connection?

Unang nauso ang e-mail. Pinaikling salitang “electronic mail,”


ang

e-mail ay isang rebolusyon sa pagpapadala ng liham. Masasabing mas


may silbi ito sa mga propesyonal na nangangailangan ng mga
dokumento ng mabilisan, nakagihasnan na rin ng kabataan ang
paggamit ng e-mail para sa forwarded e-mail na dati ay kilala bilang
mga chain letters na pinapaseroks pa kung siniseryoso. Nandiyan rin
ang mga signature campaigns, at pakikipag-chikahan sa mga kaibigan
na dumayo na sa malalayong lugar. Dati, tamad ang kabataan na
bumisita sa mga post office, halos wala sigurong kikitain ang mga
kartero sa market na ito. Ngunit ngayon, sila’y nagpapalitan ng diwa at
mga kaisipan via e-mail. Pero alam natin na hindi matiyaga ang mga
kabataan. Kung gusto nila ng makakausap, gusto nila na doon at doon
rin. Kaya’t mabuting naimbento ang IRC at IM.

Ang Internet Relay Chat (IRC) ay isang sistema kung saan ang
mga manggagamit (user) ay makakapagkausap sa katakot-takot na
iba pang manggagamit na naka-Online sa panahong din iyon.
Nahihiwalay sa iba’t ibang channels na nakabatay na rin sa interes mo
at kung ano ang gusto mong pag-usapan. Iba’t iba ang paraan ng
klasipikasyon. Dito nagiging interaktibo ang pakikipanayam ng
paggamit sa Internet, at kadalasan, dito nagkakakilala ang mga taong
hindi naman talaga magkakilala sa totoong buhay. Marami diyan ang
tumutuloy sa seryosong relasyon at nagpapakasal dahil sa
pagkakakilanlan sa isang chatroom. Hindi lamang ito isang kwento na
nangyayari sa “You’ve Got Mail,” na nasabi sa isang pag-aaral na

25
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

pinamagatan Cyberlove (De Luna, 2001). Sa kasalukuyan, nawawala


na sa uso ang IRC, at dumadalas na ang paggamit sa Instant
Messaging (IM). Usong-uso ngayon ang paggamit ng Yahoo!
Messenger (Y!M), na halos lahat na siguro ng kabataan ay napalitan
na ang pangalan nila ng kani-kanilang Yahoo! Usernames. Marami
diyan ang nagsasagawa ng block meeting na lang sa Y!M, o kaya’t
naglalaro ng mga Online na laro laban sa isa’t isa. Kasabay ng pag-
usbong ng kultura ng pag-text, ang IM ay naging isang mas mabilis na
pakikipagtalastasan gamit ang mga salitang pasulat sa mga taong
nakikilala natin sa totoong buhay. Ngunit hindi makakaila na marami
rin ang mga hindi magkakilala na nagkakakilanlan sa Y!M.
Dumako naman tayo sa kinalolokohan talaga ng lahat ng tao
ngayon. Tila wala na yatang tao sa Pilipinas na walang Friendster
account. Sa ngayon, tinatayang may isang milyong Pilipino ang
merong Friendster account. Ayon kay Joe Hurd, bise presidente ng
Friendster para sa internasyonal, nagsimula ang popularidad sa San
Francisco Bay Area kung saan marami ang mga Pilipino. At doon
nagsimula ang pagkauso ng buong sambayanan sa Friendster. Dahil
dito, naiba ang marketing strategy ng mga Amerikanong nagmamay-
ari ng Friendster. Dahil hindi masyadong kumikita ang mga Online
advertisement, at alam nilang mas madalas ang gamit ng mga tao sa
Pilipinas ng kanilang selepono (cellphone), sa Pilipinas nagkaroon ng
unang mobile service ang Friendster. Ngayon, halos lahat pa rin ng tao
sa Friendster ay mga Pilipino, at nauuso na rin ang blog feature sa
Friendster.
2.2.9. Ang Epektibong Teknolohiya
Ayon kay Marmay (2016), isang malaking bahagi ang
teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na
itinuturo sa loob ng klase. Marami nang mga naimbentong teknolohiya
simula pa noong mganakalipas na siglo. Halimbawa na lamang nito ay
ang unang praktikal nateleskopyo noong ika-17 na siglo. Ito ay

26
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

nagsilbing mahalagang instrumento samga mag-aaral ng astronomiya.


Sunod dito ay ang makinalya na nagbigay daan para sa hustong
pagbabago ng sistema ng pagtuturo kung saan mas napabilis
atepektibo ang pagbuo ng mga basahin. Sa loob lamang ng ilang
dekada, ang kompyuter naman ay naging pangunahing kagamitan
para sa pagtuturo sa ika-21na siglo. Iba’t ibang klase ng teknolohiya
ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung anong asignatura o
paksa ang kanilang pinag-aaralan. Sa huling kalahating ika-20 na
siglo, ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum
ngmga estudyante at mga pagpupulong. Ito ay may kakayahan na
palakihin ang mgaimahe upang mas maayos na maipakita ang mga
halimbawa ng mga tagapagturo. Ngunit sa makabagong panahon
ngayon, ang pinakamalawak at pangunahinginstrumento na ginagamit
sa edukasyon ay ang mga kompyuter na maaaringmaka-access ng
internet.Karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga
pribado aygumagamit na ng mga kompyuter na may access sa
internet. Mayroon silangtinatawag na computer laboratory kung saan
natitipon ang lahat ng mgakompyuter. Nang dahil dito, mas naging
maginhawa at madali ang pagkalap ng mga impormasyon. Mas
epektibong naibabahagi ng mga guro ang kanilang leksyon nang dahil
sa internet.
2.2.10. Nagbibigay ng Impormasyon at nagiging daan sa
Kabatiran at Karunungan ang Pagbabasa.
Sinabi ni Toze (2012) na nagbibigay ng impormasyon at
nagigingdaan sa kabatiran at karunungan ang pagbasa. Isa itong
aliwan, kakayahan, pakikipagsapalaran, pagtuklas at nagbibigay ng
ibat-ibang karanasan sa buhay. Tunay na napakaraming kaalaman
ang makukuha ng tao sa pagbabasa. Maaarisiyang makatuklas ng
mga bagay na makatutulong sa kanya sa kanyang pang-araw-araw na
pamumuhay. Isa itong mabisang aliwan na hindi lamang nagpapatalas

27
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

ng isipan kundi nakapagbibigay ng kasiyahan lalo na sa mga taonghilig


ang pagbabasa.
Sang-ayon ito sa sinabi ni Adison (2006) na kung ang ehersisyo
ay para sakatawan, ang pagbasa ay para sa isip. Sa lahat ng libangan
o direksyon sa buhay, wala pang makapupuno sa mga empty spaces o
espasyo maliban sa kapakipakinabang na pagbasa.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga literatura at pagaaral na inilakip sa


pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa. Sa
mga nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng mga pagaaral. Marami parin ang
nagbabasa ng mga libro sa kadahilanan na sinusuportahan ang mga paborito nilang
awtor. May mga nagbabasa din gamit ang teknolohiya ngunit ang kanilang
pagbabasa ay umaabot lang ng isang oras ang iba dahil nababalanse nila ang
kanilang mga gawain sa pagbabasa. Nakakatulong din ito sa pagpapalawak ng
realidad at sa bokabularyo. Ayon sa literatura na nakuhang impormasyon ay mas
gusto ng mga tao na magbasa gamit ang teknolohiya kaysa sa pagkakaroon ng
isang napakalaking libro sa kanilang mga kamay. Ayon sa mga magaaral itinuturing
na kapaki pakinabang ang libro upang maging isang epektibong mamamayan. Sa
pagbabasa makukuha ang pagkakaroon ng malikhaing pagiisip, pagpapalawig ng
memorya, imahinasyon at pagunawa.

28
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

KABANATA 3

Metodolohiya at Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang mga bahaging ito ay ilalahad sa pamamagitan ng mga sumusunod:


(1)Disenyong Pananaliksik, (2)Lokasyon ng Pananaliksik, (3)Mga Kalahok sa
Pananaliksik,(4)Instrumento ng Pananaliksik, at (5)Pamamaraan sa Pangangalap ng
Datos. Mula sa limang esensyal na bahaging nabanggit matitiyak na ang
pananaliksik na ito’y mas magiging matibay at matatag dahil mayroong mga
ebidensyang datos na nakalap na magiging sanligan ng kabuoang pag-aaral at
dumaan ito sa sistematikong proseso ng pangangalap ng datos na makatutulong
upang mas maging makabuluhan ang pagpapakahulugan sa mga datos.

3.1. Disenyo ng Pananaliksik

29
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong


metodolohiya ng pananaliksik. Ang Palararawan/Deskriptibong Metodolohiya
(Descriptive Method) ay idinesenyo para sa mananaliksik tungkol sa isang
kalagayan sa kasalukuyan. Ipinaliwanag ni Best (1963), ang palarawang
pananaliksik ay isang imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-
kahulugan tungkol sa isang bagay o paksa. Ito'y may kinalaman sa mga
kundisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral, mga
paniniwala at prosesong nagganap, mga epektong nararamdaman o mga
kalakarang nilinang.
Sa paggawa ng aming pamanahong papel, gumamit kami ng
dalawang paraan upang makakuha ng mga datos. Ang isa sa mga ito ay ang
pagsasagawa ng personal na panayam. Nagsagawa rin kami ng isang
deskriptibong pananaliksik upang makakalap ng mga dokumento na
makapagbibigay suporta sa aming datos na nakuha mula sa pakikipanayam.
Sa pagsasagawa nitong pag-aaral, naging malaking tulong ang internet at
mga libro para sa aming pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong
pananaliksik, ngunit napili ng mga mananaliksik na gamitin ang
penomenolohiya para makalikom ng mga datos. Ang napiling anyo ng
pananaliksik ay masusing pinag-aralan ng mga mananaliksik. Bilang mga
mananaliksik, nakakabuti para sa aming mga baguhan sa proyektong ito na
malaman ang mga paraan ng pananaliksik. Ang mga uri ng Paglalarawang
Paraan o Deskriptibong Pananaliksik ay ang mga sumusunod:

3.1.1. Penomenolohiya- Ang penomenolohiya ay isang paraan sa


kwalitatibong pag-aaral na nagpopokus sa karaniwang
karanasan sa buhay sa loob ng isang partikular nagrupo. Ang
pangunahing layunin ng paraan na ito ay makadating sa
paglalarawan ng kalikasan ng partikular na phenomenon
(Creswell, 2013). Karaniwan, ang mga panayam ay isinasagawa
sa isang grupo ng indibidwal na pangunahing naka-aalam sa
isang pangyayari, sitwasyon, o karanasan.

30
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

3.1.2. Sarbey - Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para


sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi nagtatanong kung
bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa o pangyayari.
3.1.3. Mga Pag-aaral na Debelopmental - sa paraang debelopmental,
nagtatakda at kumukuha ng mapanghahawakang impormasyon
tungkol sa pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.
3.1.4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies) - Ito ay
ginagamit kung ibig na masubaybayan ang isang payak na
kundisyon. Ang pasubaybay na pag-aaral ay kailangan kung ibig
tiytakin ang maaaring bunga ng isang pag-aaral.
3.1.5. Dokyumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis)-
Nangangailangan ng pagkalap ng impoirmasyon sa pammagitan
ng pagsusuri ng mga nasusulat na record at mga dokumento
upang malutas ang mga suliranin. Ang isa pang katawagan ng
uri ng palarawang pag-aaral ay pagsusuri ng nilalaman. (content
analysis)
3.1.6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis) - Ito ay isang popular
na paraan ng palarawang pag-aaral na tinatawag din ng iba na
feasability study. Ginagamit na datos sa pag-aaral na ito ang
mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan.
3.1.7. Mga Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlational Studies) Ito ay
isang palarawang pag-aaral na idinesenyo para alamin ang iba't
ibang baryabol na magkakaugnay o may relasyon sa isa't isa sa
target na populasyon.

Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong


penomenolohiya bilang deskriptibong pananaliksik at paglalahad ng opinyon
sa bawat isa ng mga mananaliksik para sa paksang ito sapagkat mas
mapapadali ang pangangalap ng mga datos at ang paraang ito'y detalyadong
pag-aaral tungkol sa karaniwang karanasan sa buhay sa loob ng isang
partikular na grupo ng isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon.

31
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

3.2. Lokasyon ng Pag-aaral

Ang National College of Business and Arts o NCBA ay isang pribadong


institusyong pang-edukasyon sa Pilipinas na may mga kampus na
matatagpuan sa Cubao, Fairview at Taytay. Nag-aalok ang NCBA Collegiate
Department ng mga programang degree sa mga sining, agham, negosyo at
edukasyon pati na rin ang mga Diploma Programs.

Ang NCBA ay itinatag ng yumaong Dr. Doroteo S. Pasion, isang


kilalang tagapagturo (dating dean ng commerce ng San Beda College, dating
CPA review director ng University of the East, at dating pangulo ng PSBA),
abogado, accountant, may akda, at pinuno ng sibiko. Inilunsad ni Pasion ang
NCBA bilang isang pampublikong serbisyo, kasama ang iba na naniniwala sa
konsepto ng NCBA: Col.Rafael Q. Yap-Diangco, Atty. Jose R. Torres, Jr.,
Gng. Gloria C. Meñez, at Gng Lourdes L. Sarabia.

Ang pananaliksik ay isinagawa sa National College of Business and


Arts. Isinagawa ang pananaliksik sa lugar na ito bilang paaralang kilala sa
paghuhubog at pagluluwal ng isang mag-aaral na dumaan sa wastong
pamamalakad at kalidad ng edukasyon; mag-aaral na mayroong matalinong
pagpapasya tungo sa pakikipagsapalaran sa realidad na makakatulong sa
lipunan. Bilang ang paaralang ito ay kilala sa pagiging matatag, may de-
kalidad na paraan ng pamumuno at mga estudyanteng pursigidong
mapaganda ang kinabukasan, nararapat lamang na rito kumuha ng mga
respondente.Isang pasulong na hakbang kung maituturing ang pagsasagawa
ng mga pag-aaral sa mga ganitong paaralan sa pagkat tatak nito ang
pagiging isang publikong paaralan na tiyak na makatutulong na
makapagprodyus ng mga mag-aaral at indibidwal na may malaking gampanin
sa lipunan.

3.3. Kalahok sa Pag-aaral

32
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

Ang mga mag aaral sa senior high school ng NCBA na kapuwa


binubuo ng 19 mag-aaral ang mga naging respondente ng pag-aaral na ito.Pinili
ang mga nasa Senior High school dahil inaasahan na ang mga mag-aaral na
nasa antas na ito ay may mga mahihilig magbasa.
3.3.1. Pamantayan sa Pagpili ng mga Respondente
Ang mga estudyante ng nasa Baitang 11 at 12 ng
National
College of Business and Arts ang napiling maging kalahok ng
mga mananaliksik sa pag-aaral na ito. Upang higit na mataya
ang kaepektibuhan ng na buong estratehiya, pinili ng mga
mananaliksik ang mga estudyanteng nagbabasa ng mga librong
panlibangan sa bawat seksyon. Dahil na rin ang pokus ng pag-
aaral ay mainam na babasahing panlibangan, napili ng mga
mananaliksik ang Baitang 11 at 12. Batay sa mga isinagawang
paunang obserbasyon at pangangalap ng datos sa
pamamagitan ng talatanungan, nabatid ng mga mananaliksik na
ang 19 na mga mag-aaral sa bawat pangkat na ito ay may
kakayahan sa pakikinig at paglalagom. Mula sa mga
obserbasyong nabanggit, mainam lamang na kunin ang lahat ng
seksyon sa Baitang 11 at 12 na maging kalahok sa pag-aaral na
ito.

3.4. Instrumento sa Pag-aaral

Ayon kay Vizcarra (2003), ang pananaliksik ay isang sistematiko,


kontrolado, empiriko, at kritikal na pag- imbestiga sa haypotetikal na pahayag
tungkol sa inaakalang relasyon o ugnayan ng mga natural na penomenon.
Idinagdag nina Atienza (1996), na ang pananaliksik ay matiyaga, maingat,
sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag- aaral tungkol sa
isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at
lipunan.

33
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey.


Ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na
naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri at mataya ang bilang
ng mga estudyente sa NCBA na nagpapahalaga sa mga babasahing
panlibangn sa libro at teknolohiya. Random sampling ang ginamit sa pagkuha
ng mga mananaliksik na magiging respondente sa mga senior high school ng
National College Business and Arts.

3.3.1 Pakikipanayam

Ang pakikipanayam ang ginamit ng mga mananaliksik sa


respondente upang makakuha ng impormasyon na
kinakailangan sa ibinigay na pag-aaral. Ito ay para madagdagan
ang pangunahing pinagmumulan ng data na ang palatanungan
na maaaring malinaw na pag-papaliwanag. Ito rin ay ginamit
upang talakayin ang mga may-katuturang mga isyu na
tumutukoy sa paksa ng pag-aaral na marahil hindi ay sakop ng
mga kuwestyonaryo.

3.5. Pamamaraan ng Pag-aaral

Itinuturing na napakahalagang element ng ano mang pag-aaral ang


metodolohiya (Rajasekar,et.al,2013). Para sa ikatatagumpay ng
isinasagawang pananaliksik, mahalagang isaaalang-alang ang seryeng mga
sistematiko at organisadong hakbang na makatutulong upang higit na
mapatatag ang mga resultang makukuha. Kung gayon, upang makalikha ng
mga awtentikong resulta at makabuluhang interpretasyon, pumuli at tinukoy
ng mga mananaliksik ang mga epektibong paraan ng pangangalap ng datos.
Sa bahaging ito, inilarawan ng mga mananaliksik ang mga paraan na ginamit
sa pangangalap ng datos upang matugunan ang mga layunin ng pag-aaral na
ito.

34
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

3.5.1.Pagkalap ng mga Impormasyon na Pagpapatatag kung Bakit


Marapat Isagawa ang Pag-aaral

Bukod sa paghango ng mga libro, e-journals at artikulo na


makikita sa internet para sa mahahalagang pag-aaral kaugnay nito. Sa
prosesong pag gagalugad at paghahanap ng mga mahahalagang
literatura, nabigyan ng pagkakataon ang mga mananaliksik na Mabasa
ang pag-aaral ni Alano (2015) na itinalakay ang Pagbasa ay isa sa
apat na kasanayang pangwika. Ito ay pagkilala at pagkuha ng mga
ideya at kaisipan sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng
pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may akda sa babasa
ng kanyang isinulat. Ang gawaing ito ay isang pangkaisipang hakbang
tungo sa pagkilala pagpapakahulugan at pagtataya sa nga isinulat ng
maakda. Dagdag pa sa kasanayang pang-wika ay ang pagsasalita,
pakikinig at pagsusulat. Malaking kapakinabangan ang makukuha sa
pagbabasa. Nagbibigay ito ng mga bagong kaalaman, libangan,
pagkatuto at mga karanasang maaaring mangyari sa tunay na buhay.
Sa pagbabasa, hindi sapat na may kakayahan sa mabilis na pagbasa,
ang mahalaga ay ang pagtugon ng isipan sa binabasa maging ang
paksang binabasa ay pagkalibangan. Mula rito, Nakita ng mga
mananaliksik na mainam na bigyang-pansin ang paglikha ng
epektibong babasahin ng kwentong panlibangan bilang isa ito sa
mahalagang sangkap ng pagkakaroon ng mg impormasyon kung may
mga nagbabasa parin ba ng mga kwentong panlibangan sa
kadahilanan na ang mga kabataan sa panahon ngayon ay mas tutok
na sa teknolohiya halimbawa ng facebook, twiiter, Instagram at iba pa.
Gamitang kaisipang ito, sinikap ng mga mananaliksik na tukuyin ang
mga salik na mabisang ginagamit sa pagbabasa

3.5.2. Pagsagawa ng Talatanungan na Nakaayon sa Layunin ng


Pagaaral

35
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

Ang mga nabuong tanong na nakapaloob sa talatanungan ay


naglalayong kumalap ng mga impormasyong magsisilbing datos sa
isinasagawang pag-aaral ng mga mananaliksik. Ang mga nakapaloob
sa layunin ng pagaaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay mataya
ang bilang ng mga estudyente sa NCBA na nagpapahalaga sa mga
babasahing panlibangn sa libro at teknolohiya. Sa sinabi diyan ay kung
meron parin bang nagbabasa ng mga kwentong panlibangan at
nagpapahalaga sa libro at teknolohiya. Makapaglalahad ng mga
epekto sa pagbabasa ng mga kwentong panlibangan sa libro at
teknolohiya. Patungkol diyan ang nais ng mga mananaliksik na
makalap na impormasyon ay ang epekto ng pagbabasa sa mga
kabataan. Matukoy kung alin ang mas mainam gamitin sa pagbabasa
ng mga kwentong panlibangan. Tinutukoy naman ng mga
mananaliksik diyan ay ang ginagamit ng mga kabataan sa pagbabas
ng mga kwentong panlibangan libro ba o teknolohiya at kung bakit nila
ito ang napili nilang gamitin sa pagbabasa.

3.5.3. Pagsagot ng mga Respondente sa Talatanungan sa


pamamaraan na pagkalap ng impormasyon tungkol sa
Isinasagawang Pag-aaral

Bilang pagsasakatuparan at pagtugon sa pamantayang Itinakda


ng mga mananaliksik para sa mga naging Respondente ng pagaaral,
ang Senior high school ng NCBA ay ang mga ito ay hinikayat ng mga
mananaliksik na sagutan ang mga inihandang talatunangan sa
pamamagitan ng pag interbyu. Partikular, tiyak at detalyadong
nailahad ng mga mananaliksik sa mga kalahok ang iba’t ibang bahagi
ng talatanungan. Kung kaya’t mahusay at masigasig na napunan at
nasagutan ng mga kalahok ang nasabing talatanungan bilang isa sa
pangunahing pagkukuhanan at batis ng impormasyon bilang datos
upang higit na makakalap, makagagap at makatanggap mga ideyang
kasasangkapan sa pagpapalawig, pagpapalawak at

36
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

pagpapakahulugan ng pag-aaral.

KABANATA 4

PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA


DATOS

37
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

Sa kabanatang ito, dito inilalahad ang pagsusuri at interpretasyon ng mga


nakalap na mga datos tungkol sa pinaka-mainam na babasahing panlibagan. Ang
pagtatalakay sa mga sagot ay ibinatay sa pagkakaayos ng mga katunungan sa
unang kabanata.

4.1 Profile ng mga Respondente

Sa pag-aaral na ito, kasama dito ang mga ilang profile variables ng mga
respondente para magamit ang mga nakalap na impormasyon sa pag-aaral. Dito
kumakatawan ang mga resulta sa mga sumusunod na table.

Seksyon Edad Kasarian


Dollar 17 Babae
Euro 17 Babae
Peso 16 Babae
Pound 17 Babae
Ringgit 17 Babae
Riyal 16 Babae
Yen 16 Babae
Philippines 17 Babae
Singapore 17 Babae
Japan 17 Babae
Aristotle 18 Babae
Bacon 18 Babae
Confucius 17 Lalaki
Lao Tzu 17 Babae
Mencius 18 Babae
Pascal 18 Babae
Plato 17 Lalaki
Brazil 18 Babae
Canada 18 Babae
Table 1. Edad at kasarian ng mga respondete sa kada-seksyon

Sa mga indikasyon dito, tatlo ang nasa 16 na taong gulang, sampu ang nasa
17 taong gulang at anim ang nasa 18 taong gulang. Dalawa sa mga respondente
ang lalaki at ang iba ay mga babae.

4.2 Mga Kasagutan ng mga Respondente sa Sarbey

38
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

SEKSYON MGA TANONG MGA SAGOT


DOLLAR 1. Ano ang midyum Teknolohiya
ang madalas mong
gamitin?
2. Bakit ito ang napili Para mas madaling magbasa
mong midyum?
3. Kailan ka Last year
nagsimulang
magbasa ng mga
babasahin dito?
4. Sino ang paborito Cecelib
mong awtor o may-
akda?
5. Ano ang genre ng Possessive series
kwentong
panlibangan ang
kinahihiligan mong
basahin?
6. Ano ang iyong Masaya
nararamdamn
pagkatapos mong
magbasa?
7. Alin ang higit Pag-aaral. Kapag wala ako ginagawa
mong pinaglalaanan doon ako nagbabasa
ng oras: ang
pagbabasa ng
librong panlibangan
o ang pag-aaral?
Bakit?
EURO 1. Ano ang midyum Libro
ang madalas mong
gamitin?
2. Bakit ito ang napili Mas nakakabawas ng bad effects pag
mong midyum? sa cp

39
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

3. Kailan ka Grade 8
nagsimulang
magbasa ng mga
babasahin dito?
4. Sino ang paborito Jonaxx at nineteenblacks
mong awtor o may-
akda?
5. Ano ang genre ng Madalas emotional
kwentong
panlibangan ang
kinahihiligan mong
basahin?
6. Ano ang iyong Depende sa kwento po
nararamdamn
pagkatapos mong
magbasa?
7. Alin ang higit Pag-aaral. Pag stress ako nagbabasa
mong pinaglalaanan naman ako.
ng oras: ang
pagbabasa ng
librong panlibangan
o ang pag-aaral?
Bakit?
PESO 1. Ano ang midyum Libro
ang madalas mong
gamitin?
2. Bakit ito ang napili Nadadala ko sa buhay
mong midyum?
3. Kailan ka Grade 7
nagsimulang
magbasa ng mga
babasahin dito?
4. Sino ang paborito Jonaxx
mong awtor o may-

40
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

akda?
5. Ano ang genre ng Fiction
kwentong
panlibangan ang
kinahihiligan mong
basahin?
6. Ano ang iyong Masaya hahahaha
nararamdamn
pagkatapos mong
magbasa?
7. Alin ang higit Mas inuuna ko acads tapos pag wala
mong pinaglalaanan nang ginagawa tsaka ako magbabasa
ng oras: ang
pagbabasa ng
librong panlibangan
o ang pag-aaral?
Bakit?
POUND 1. Ano ang midyum Modern technology
ang madalas mong
gamitin?
2. Bakit ito ang napili Kasi mas mabilis ako
mong midyum? makakapaghanap kumbaga may
isang topic ako na hahanapin pero
nagbibigay sakin yung google or yung
technology ng maraming pagpipilian.
3. Kailan ka Simula nung elementary pa ako, kung
nagsimulang kailan ako nag-aaral.
magbasa ng mga
babasahin dito?
4. Sino ang paborito Si John Green saka si William
mong awtor o may- Shakespeare.
akda?
5. Ano ang genre ng Kadalasan mystery or thriller pero
kwentong minsan nagbabasa rin ako ng

41
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

panlibangan ang romance.


kinahihiligan mong
basahin?
6. Ano ang iyong Nilalagay ko yung sarili ko dun sa
nararamdamn karakter ng binabasa ko.
pagkatapos mong
magbasa?
7. Alin ang higit Pag-aaral. Gumagamit ako ng time
mong pinaglalaanan management kumbaga inuuna ko
ng oras: ang muna yung mga kailangan ko tapusin
pagbabasa ng katulad ng pag-aaral bago ako
librong panlibangan maglibang o magbasa.
o ang pag-aaral?
Bakit?
RINGGIT 1. Ano ang midyum Cellphone
ang madalas mong
gamitin?
2. Bakit ito ang napili Kasi mas madaling gamitin tapos
mong midyum? convenient dahil sa internet. Pwede
kang magsearch ng mga
assignments. Mapapabilis yung mga
gawain
3. Kailan ka Mga 12 years old
nagsimulang
magbasa ng mga
babasahin dito?
4. Sino ang paborito Maxinejiji
mong awtor o may-
akda?
5. Ano ang genre ng Rom-com
kwentong
panlibangan ang
kinahihiligan mong

42
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

basahin?
6. Ano ang iyong Masaya at nag-enjoy
nararamdamn
pagkatapos mong
magbasa?
7. Alin ang higit Pag-aaral. Tatapusin muna yung mga
mong pinaglalaanan gawain pang school. Pag wala nang
ng oras: ang gagawin, saka lang magbabasa ng
pagbabasa ng mga panlibangang babasahin
librong panlibangan
o ang pag-aaral?
Bakit?
RIYAL 1. Ano ang midyum Cellphone
ang madalas mong
gamitin?
2. Bakit ito ang napili Kase mas madaling gamitin
mong midyum?
3. Kailan ka Grade 2
nagsimulang
magbasa ng mga
babasahin dito?
4. Sino ang paborito Jk yurie
mong awtor o may-
akda?
5. Ano ang genre ng Romance
kwentong
panlibangan ang
kinahihiligan mong
basahin?
6. Ano ang iyong Depende sa ending
nararamdamn
pagkatapos mong
magbasa?
7. Alin ang higit Pag-aaral. Ginagawan ko ng paraan

43
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

mong pinaglalaanan at pag may free time lang nagbabasa.


ng oras: ang
pagbabasa ng
librong panlibangan
o ang pag-aaral?
Bakit?
YEN 1. Ano ang midyum Cellphone
ang madalas mong
gamitin?
2. Bakit ito ang napili Kase madali siyang gamitin
mong midyum?
3. Kailan ka 2014 or 2015
nagsimulang
magbasa ng mga
babasahin dito?
4. Sino ang paborito Maxinejiji
mong awtor o may-
akda?
5. Ano ang genre ng Romance
kwentong
panlibangan ang
kinahihiligan mong
basahin?
6. Ano ang iyong Minsan nasa-satiesfied pero minsan
nararamdamn nabibitin
pagkatapos mong
magbasa?
7. Alin ang higit Pag-aaral. Nagbabasa lang ako pag
mong pinaglalaanan may free time at tapos na ang
ng oras: ang kailangang gawin
pagbabasa ng
librong panlibangan
o ang pag-aaral?

44
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

Bakit?
PHILIPPINE 1. Ano ang midyum Madalas halo siya pero mas common
S ang madalas mong ko gamitin yung sa cellphone tapos
gamitin? filipino.
2. Bakit ito ang napili Kasi nasa pilipinas tayo saka mas
mong midyum? maraming pilipino dito sa pilipinas so
para lahat makaintindi nang gusto mo
iparating.
3. Kailan ka Syempre nung bata naman tayo
nagsimulang nagstart tayo magbasa ng booklet na
magbasa ng mga abakada tapos habang tumatanda
babasahin dito? tayo mas nag iimprove yung binabasa
natin so nung nagstart ako magbasa
ng seryoso ay wattpad noong grade 5
ako.
4. Sino ang paborito Wala akong paboritong author. Kahit
mong awtor o may- sino binabasa ko pero yung
akda? pinakagusto ko basahin yung mga
works ni Rizal.
5. Ano ang genre ng Love story madalas
kwentong
panlibangan ang
kinahihiligan mong
basahin?
6. Ano ang iyong Nararamdaman ko na parang
nararamdamn nandoon din ako sa senaryo tapos
pagkatapos mong parang kapag nabitin ako sa kwento
magbasa? parang iniisip ko na ano kaya
mangyayari dito sa susunod.
7. Alin ang higit Acads. After magreview or after
mong pinaglalaanan gumawa ng assignment dun na ako
ng oras: ang nagbabasa ng mga panlibangan or
pagbabasa ng something.

45
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

librong panlibangan
o ang pag-aaral?
Bakit?
SINGAPOR 1. Ano ang midyum Libro
E ang madalas mong
gamitin?
2. Bakit ito ang napili Mas nakakapagfocus ako sa libro
mong midyum? kesa sa cellphone
3. Kailan ka 11 years old
nagsimulang
magbasa ng mga
babasahin dito?
4. Sino ang paborito Wala, lahat nang binabasa ko pantay
mong awtor o may- pantay
akda?
5. Ano ang genre ng Madalas, romance, sci-fi
kwentong
panlibangan ang
kinahihiligan mong
basahin?
6. Ano ang iyong Nakakaaliw at nakakatuwa
nararamdamn
pagkatapos mong
magbasa?
7. Alin ang higit Nagbibigay ako ng oras sa pagbabas
mong pinaglalaanan ng libro at yung ibang freetime sa
ng oras: ang pag-aaral
pagbabasa ng
librong panlibangan
o ang pag-aaral?
Bakit?
JAPAN 1. Ano ang midyum Cellphone
ang madalas mong
gamitin?

46
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

2. Bakit ito ang napili Dahil ito ang mas madalas kong
mong midyum? hawak kaysa libro
3. Kailan ka Nagsimula ako magbasa dito noong
nagsimulang grade 8
magbasa ng mga
babasahin dito?
4. Sino ang paborito Bob ong
mong awtor o may-
akda?
5. Ano ang genre ng Mga nakakatawang babasahin
kwentong (comedy)
panlibangan ang
kinahihiligan mong
basahin?
6. Ano ang iyong Masaya
nararamdamn
pagkatapos mong
magbasa?
7. Alin ang higit Pag-aaral. Pagtapos ko mag-aral at
mong pinaglalaanan wala na akong ginagawa doon lang
ng oras: ang ako nagbabasa ng mga librong
pagbabasa ng panlibangan
librong panlibangan
o ang pag-aaral?
Bakit?
ARISTOTLE 1. Ano ang midyum Libro
ang madalas mong
gamitin?
2. Bakit ito ang napili Mas madali kong nahahanap ang
mong midyum? gusto kong story
3. Kailan ka 15
nagsimulang
magbasa ng mga
babasahin dito?

47
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

4. Sino ang paborito Jonaxx


mong awtor o may-
akda?
5. Ano ang genre ng Love story
kwentong
panlibangan ang
kinahihiligan mong
basahin?
6. Ano ang iyong Aliw at kilig
nararamdamn
pagkatapos mong
magbasa?
7. Alin ang higit Pag-aaral. Nagseset ako ng oras sa
mong pinaglalaanan pang aral at pagbabasa ng kung ano
ng oras: ang ano.
pagbabasa ng
librong panlibangan
o ang pag-aaral?
Bakit?
BACON 1. Ano ang midyum Libro at cellphone
ang madalas mong
gamitin?
2. Bakit ito ang napili Ito yung na introduce sa akin
mong midyum?
3. Kailan ka Grade 8
nagsimulang
magbasa ng mga
babasahin dito?
4. Sino ang paborito John freak
mong awtor o may-
akda?
5. Ano ang genre ng Fiction, fantasy at romance
kwentong
panlibangan ang

48
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

kinahihiligan mong
basahin?
6. Ano ang iyong Depende sa takbo ng kwento
nararamdamn
pagkatapos mong
magbasa?
7. Alin ang higit Palitan lang pero mas focus sa acads
mong pinaglalaanan
ng oras: ang
pagbabasa ng
librong panlibangan
o ang pag-aaral?
Bakit?
CONFUCIU 1. Ano ang midyum Madalas kong ginagamit yung books
S ang madalas mong pero gumagamit din ako ng phone in
gamitin? terms of emergency at the same time
kapag may mga kailangan gawin na i-
search ganon.
2. Bakit ito ang napili Sabi ko nga both kasi sa books, more
mong midyum? of entertainment saka ma-enhance
yung vocabulary ko at yung phone
naman when it comes to emergency
effective siya at the same time yung
kapag may kailangan sa school na
gumawa ng assignments and
projects.
3. Kailan ka Matagal na rin siguro mga 2010.
nagsimulang Nagstart ako for e-books noong uso
magbasa ng mga pa siya dati. Hindi ako nakapag
babasahin dito? wattpad tapos nag-jump in to books
kaagad ako.
4. Sino ang paborito Si Cecovski
mong awtor o may-

49
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

akda?
5. Ano ang genre ng Fiction books at the same time yung
kwentong mga philosophy, pero more of
panlibangan ang philosophy ako.
kinahihiligan mong
basahin?
6. Ano ang iyong Masaya. Nagbabasa ako ng books
nararamdamn kasi gusto ko mas matuto pa, ma-
pagkatapos mong enhance yung vocabulary ko at the
magbasa? same time mas lumawak yung
mindset ko about perspective ko sa
iba't ibang mga bagay.
7. Alin ang higit Kapag nasa school ako at wala
mong pinaglalaanan talaga ginagawa. I don't want to
ng oras: ang waste time so nagbabasa kaagad ako
pagbabasa ng ng libro or di kaya pumupunta ako ng
librong panlibangan library para magbasa ng libro.
o ang pag-aaral?
Bakit?
LAO TZU 1. Ano ang midyum Cellphone
ang madalas mong
gamitin?
2. Bakit ito ang napili Mas madaling maghanap ng story at
mong midyum? madadala mo kahit saan
3. Kailan ka Junior High
nagsimulang
magbasa ng mga
babasahin dito?
4. Sino ang paborito iba iba po
mong awtor o may-
akda?
5. Ano ang genre ng iba iba din po
kwentong
panlibangan ang

50
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

kinahihiligan mong
basahin?
6. Ano ang iyong depende po sa kwento
nararamdamn
pagkatapos mong
magbasa?
7. Alin ang higit Pag-aaral pero kadalasan pagkauwi
mong pinaglalaanan ko nagbabasa ako
ng oras: ang
pagbabasa ng
librong panlibangan
o ang pag-aaral?
Bakit?
MENCIUS 1. Ano ang midyum Mga libro
ang madalas mong
gamitin?
2. Bakit ito ang napili Libro kasi mahilig ako magbasa
mong midyum?
3. Kailan ka Matagal na rin siguro mga 2016
nagsimulang
magbasa ng mga
babasahin dito?
4. Sino ang paborito Si Nicholas Sparks
mong awtor o may-
akda?
5. Ano ang genre ng Minsan adventure, thriller tapos
kwentong fantasy
panlibangan ang
kinahihiligan mong
basahin?
6. Ano ang iyong Masaya tapos parang mas gusto ko
nararamdamn pa magbasa ng iba kapag
pagkatapos mong nakakatapos ako ng babasahin.
magbasa?

51
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

7. Alin ang higit Acads. Nagbabasa lang ako kapag


mong pinaglalaanan may free time or kapag tapos ko na
ng oras: ang gawin yung mga gawain sa school.
pagbabasa ng
librong panlibangan
o ang pag-aaral?
Bakit?
PASCAL 1. Ano ang midyum Phone
ang madalas mong
gamitin?
2. Bakit ito ang napili Mas madali gamitin at makahanap
mong midyum?
3. Kailan ka Grade7
nagsimulang
magbasa ng mga
babasahin dito?
4. Sino ang paborito Nica rose
mong awtor o may-
akda?
5. Ano ang genre ng Fantasy
kwentong
panlibangan ang
kinahihiligan mong
basahin?
6. Ano ang iyong Depende sa mangyayari sa ending
nararamdamn
pagkatapos mong
magbasa?
7. Alin ang higit Acads. Pagkatapos ko umuwi at
mong pinaglalaanan pagkatapos gawin yung mga
ng oras: ang homework
pagbabasa ng
librong panlibangan

52
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

o ang pag-aaral?
Bakit?
PLATO 1. Ano ang midyum Cellphone
ang madalas mong
gamitin?
2. Bakit ito ang napili Mas madali mo mahahanap yung
mong midyum? kwento na gusto mo
3. Kailan ka 7 yrs old
nagsimulang
magbasa ng mga
babasahin dito?
4. Sino ang paborito Jonaxx
mong awtor o may-
akda?
5. Ano ang genre ng More on lovestory
kwentong
panlibangan ang
kinahihiligan mong
basahin?
6. Ano ang iyong Masaya
nararamdamn
pagkatapos mong
magbasa?
7. Alin ang higit Acads. Sa weekends lang ako
mong pinaglalaanan nagbabasa at pag walang ginagawa
ng oras: ang sa acads
pagbabasa ng
librong panlibangan
o ang pag-aaral?
Bakit?
BRAZIL 1. Ano ang midyum Kadalasan sa cellphone
ang madalas mong
gamitin?
2. Bakit ito ang napili Kasi mas madali, mas mabilis mong

53
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

mong midyum? mahanap ang istorya na iyong gusto


3. Kailan ka 14
nagsimulang
magbasa ng mga
babasahin dito?
4. Sino ang paborito Marami, kagaya ni snorlock at ni wax
mong awtor o may- Arthur
akda?
5. Ano ang genre ng madalas, romance, SciFi
kwentong
panlibangan ang
kinahihiligan mong
basahin?
6. Ano ang iyong Nakakatuwa at nakakaaliw
nararamdamn
pagkatapos mong
magbasa?
7. Alin ang higit Acads. Nags-set ako ng oras para sa
mong pinaglalaanan aking acads
ng oras: ang
pagbabasa ng
librong panlibangan
o ang pag-aaral?
Bakit?
CANADA 1. Ano ang midyum Cellphone
ang madalas mong
gamitin?
2. Bakit ito ang napili Mas convenient at mas madali kaysa
mong midyum? sa libro
3. Kailan ka Grade 7
nagsimulang
magbasa ng mga
babasahin dito?
4. Sino ang paborito Marami

54
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

mong awtor o may-


akda?
5. Ano ang genre ng Romance at love story
kwentong
panlibangan ang
kinahihiligan mong
basahin?
6. Ano ang iyong Nakakatuwa lalo na pag maganda
nararamdamn yung flow ng kwento.
pagkatapos mong
magbasa?
7. Alin ang higit Acads. Nagbabasa lang ako kapag
mong pinaglalaanan wala masyadong ginagawa sa school.
ng oras: ang
pagbabasa ng
librong panlibangan
o ang pag-aaral?
Bakit?
Table 2. Mga kasagutan ng mga respondent sa mga katanungan

Sa mga indikasyon dito, ayon sa nakalap na impormasyon gamit ang pag-


interbyu. Sa panahon ngayon marami parin ang gumagamit ng libro para magbasa
ng mga kwentong panlibangan kahit pinakapatok sa kabataan ang teknolohiya.
Base sa isinagawang paginterbyu 10 ang gumagamit ng cellphone para mag-basa,
4 naman ay sa libro at 5 naman ang parehas nilang ginagamit. Ang ibang
respondente ay nagsimula magbasa noong highschool pa sila at ang iba ay bata
palang ay mahilig na magbasa ng mga kwentong panlibangan. Halos lahat ng mga
kabataan ay mahilig sa romance o mga tungkol sa pagibig. Sa mga impormasyon na
naibahagi ng mga respondente ay nagbabasa sila ng mga kwentong panlibangan ay
kapag may free time at pagkatapos gawin ang mga kailangan nilang gawin.
Nakakatulong rin ito sa kanila dahil para mapahinga nila ang kanilang utak dahil sa
mga gawain nila sa paaralan.

55
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

KABANATA 5

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nag bibigay ng buod, natuklasan, konklusyon at


rekomendasyon sa pag-aaral. Sa pagwawakas ng pag-aaral na ito tungkol na
pinamagatang Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng
Kabataan, nais ilahad muli ng mga mananaliksik ang mga pag-aaral mula sa mga
nakalap na mga datos.

5.1 LAGOM

KATANUNGAN LAGOM
Mula sa labing-siyam na repondente, 10 ang nagsabing
ang midyum na kanilang madalas gamitin sa pag-
1. Ano ang midyum babasa ng mga kwentong panlibangan ay cellphone na
ang madalas mong maituturing din nating teknnolohiya. 4 naman ang
gamitin? nagsabing nagbabasa sila sa libro. Samantala, 5 naman
ang nagsabing minsan ay libro minsan ay cellphone ang
kanilang ginagamit.
2. Bakit ito ang napili  Sa mga sumagot ng teknolohiya, napili raw nilang
mong midyum? gamitin ang midyum na ito dahil mas madali raw
magbasa at makahanap ng mga kwentong babasahin
dito. Mas convenient daw itong gamitin dahil sa internet

56
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

at madadala mo siya kahit saan. Para naman sa mga


sumagot ng libro, nagbabasa sila sa midyum na ito dahil
naniniwala silang may mga masasamang epektong
naidudulot ang teknolohiya. Mayroon ding naniniwalang
napapahusay ng libro ang kaniyang bokabularyo.
Sampu sa mga respondente ang nagsimulang magbasa
3. Kailan ka ng mga babasahing panlibangan noong sila ay nasa
nagsimulang magbasa junior high school pa lamang. Anim ang nagsabing mula
ng mga babasahin pa noong elementary sila at isa sa mga respondente ang
dito? nagsabing noong nakaraang taon lang siya nagsimulang
magbasa ng babasahing panlibangan.
 Ang mga paboritong awtor ng mga respondent ay sina
cecelib, jonaxx, nineteenblacks, John Green, William
4. Sino ang paborito Shakespeare, Maxinejiji, Jk Yurie, Rizal, John Freak,
mong awtor o may- Cecovski, Nicholas Sparks, nica rose, snorlock at Wax
akda? Arthur. May dalawang repondente na wala silang
paboritong awtor at depende iyon sa kwentong kanilang
binabasa.
Walo sa mga respondente ang mahilig magbasa ng mga
5. Ano ang genre ng
romantikong babasahin. Lima sa piksyon at dalawa sa
kwentong panlibangan
triller. Ang iba naming genre na kanilang kinahihiligan ay
ang kinahihiligan
emotional, mystery, rom-com, SciFi, philosopy at
mong basahin?
adventure
Siyam sa mga respondente ang nasisiyahan sa tuwing
nagbabasa sila ng mga kwentong babasahin. Anim
6. Ano ang iyong
naman ang nagsabing depende sa kwentong kanilang
nararamdamn
binabasa at sa kinalabasang pangyayari sa kwento.
pagkatapos mong
Tatlo naman ang nagsabing nilalagay nila ang mga sarili
magbasa?
nila sa kwento. Ang isa naman ay nas-satisfied ngunit
madalas ay nabibitin.
7. Alin ang higit mong  Ang lahat ng respondente ay pag-aaral ang mas
pinaglalaanan ng oras: pinaglalaanan ng oras. Naglalaan lamang sila ng oras
ang pagbabasa ng para sa pagbabasa ng mga kwentong panlibangan kung

57
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

natapos na nila ang mga gawain sa eskwelahan.


librong panlibangan o Binabalanse rin nila ang kanilang oras. May isang
ang pag-aaral? Bakit? nagsabing mas pinaglalaanan niya ng oras ang
pagbabasa ng librong panlibangan.
Table 3. Lagom ng mga datos na nakuha mula sa sarbey

Sa indikasyon ng table 3, ipinapakita dito ang lagom ng mga kasagutan ng


respondente. Ito ay makakatulong upang mas makita at maikumpara ang mg
kasagutan nila. Dahil dito, natuklasan ng mga mananaliksik na ang persepsyon ng
bawat estudyante sa NCBA tungkol sa mga babasahing panlibangan ay may mga
kalakip na dahilan at mayroon silang sariling pananaw at paniniwala ukol dito. Ang
bilang ng mga respondenteng may mag-kakaparehong sagot ay inilahad rin.

5.2 KONKLUSYON

Base sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik at sa sarbey na


naisagawa sa mga estudyante ng senior high school sa National College of
Business and Arts, karamihan sa mga estudyante ay gumagamit ng teknolohiya sa
mga babasahing panlibangan. Kinuha ng mga mananaliksik ang opinyon ng bawat
seksyon kung bakit mas mainam gamitin ang teknolohiya bilang babasahing
panlibangan.

Ayon sa kanila, mas madaling humanap ng mga kwentong panlibangan gamit


ang makabagong midyum at nadadala ito kahit saan. Ngunit sa kabilang dako,
hindi naman nalalayo ang agwat ng libro sa teknolohiya. Marami pa rin sa mga
estudyante ng NCBA ang gumagamit ng libro dahil mas nakakapagpokus sila sa
pagbabasa ng mga babasahing panlibangan kumpara sa mga makabagong
teknolohiya bagamat nakakaenganya ay may pagkakataong nakakapagpaantala sa
pagbabasa dahil sa iba’t-ibang apps o istilong lumalabas dulot ng mga notipikasyon.

Katulad ng sinabi ni Twenge (2019), karamihan sa mga kabataan ngayon ay


gumugugol ng mas maraming oras sa digital media kaysa sa nakaraang dekada.
Kung kaya, sampu sa labing-siyam na mag-aaral ang mas tumatangkilik sa

58
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

paggamit ng cellphone sa pag-babasa ng mga kwentong panlibangan. Kinuha ng


mga mananaliksik ang opinyon ng bawat seksyon kung bakit mas mainam gamitin
ang teknolohiya bilang babasahing panlibangan. Ayon sa mga respondente, mas
madali raw kasing gamitin ang cellphone sa pagkalap ng mga impormasyon at mga
nais basahin dahil pwede itong i-search lang na kung saan mas mabilis silang
makakakita ng mga ibig nilang basahin.

Kabilang sa mga epekto ng pagbabasa ng mga kwentong panlibangan ay


ang mga nararamdaman nila sa tuwing nagbabasa sila ng mga kwentong
panlibangan. Nasisiyahan sila sa tuwing nagbabasa sila ng mga kwentong
babasahin. May iba namang nakadepende ang kanilang nararamdaman sa
kwentong kanilang binabasa at sa kinalabasang pangyayari sa kwento. Bagaman
mahilig sila sa mga babasahing panlibangan, mas inuuna pa rin nila ang kanilang
pag-aaral. Isa sa labing-siyam na respondente ang sumagot ng mas gusto niyang
unahin ang binabsa niya kumpara sa pag-aaral.

Sa kabuuan, ang mga respondente ay mas binibigyang oras pa rin ang


kanilang pag-aaral dahil mas importante ito. Binabalanse nila ang kanilang oras sa
pag-aaral at pagbabasa. Time management ang kanilang sandigan upang
mabalanse ito. Ang mga babasahing panlibangan ay maituturing na instrumento sa
pagbuo ng kalinangang may masayahin at malikhaing pag -iisip na makapagdudulot
ng aliw at pansamantalang paglimot sa suliraning dulot ng magulong lipunan o
kapaligiran, mga bagay na maaring bigyan ng higit na halaga sapagkat alam natin
na sa bawat segundo ng buhay kailangan din nating maglibang. Batay sa nakalap
na datos, ang teknolohiya ang mas epektibo sapagkat marami sa mga kabataan ang
mas pabor sa paggamit ng midyum na ito. Bagaman hindi nagkakalayo ang bilang
ng mga mag-aaral na pumapabor sa libro at sa teknolohiya, ang teknolohiya ang
mas epektibo kumpara sa libro.

Ang pinakamaayos na pamamaraan ng paggawa ng pananaliksik ay ang


pagpapatuloy o pagbibigay -pokus sa isang paksa at mahanap ng maraming
kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa na ito. Dahil ang sample ay maliit

59
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

lamang at naka depende lamang sa karanasan ng mga respondente. Hindi lahat ay


nakukuha ang buong opinyon ng mga kabataan na nasa edad na 16-18.

5.3 REKOMENDASYON

Sa paglago ng teknolohiya, hindi pa rin nawawala at nakalilimutan ang mga


libro. Siyempre dulot ng pag-unald ng kaalaman, nadadagdagan ang mga
makabagong anyo ng babasahin nang umusbong ang iba’t-ibang teknolohiyang
pang-impormasyon na higit na nagpayabong ng interes ng mga kabataan sapagkat
pinadali nito ang sistema ng paggamit nito kumpara sa mga libro na kailangan
mong dalahin araw-araw na tinuturing ng ilang kabataang isang sagwil.

Gayunpaman, ang bawat mag-aaral ay may kalayaang mamili ng babasahing


kanyang babasahin upang malibang. Subalit, hindi ipinapayong tuluyang talikuran
ang mga sinaunang babasahin o ang libro dahil ang mga ito ay may mas tiyak at
maaasahang kawilihang babasahin kumpara sa mga online na babasahin. Kung
anuman ang modernong panitikan natin sa kasalukuyan, bahagi ang mga ito ng mga
makaluma ngunit malamang lathalain. Huwag sana nating hayaang mabaon na lang
sa kasaysayan ang mga ito. Oo nga’t ang “Ang modernisasyon ay
nangangahulugang kaunlaran.” mas mabuti pa ring maging pantay ang paggamit sa
mga libro at teknolohiya upang patuloy na malinang ang kagandahang asal at
wastong pagpapahalaga sa mga libangang may katuturan.

Ang mga susunod na mananaliksik ay inaasahang magpapatuloy na alamin


kung ano ang gagawin, paano at bakit ito makakakuha ng interes sa parehong
midyum (libro o teknolohiya). Ito ay para baguhin ang pananaw ng mga mambabasa
sa mga negatibong komento nila sa bawat midyum.

60
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

Talasangguinian

Nayzabecov, S. 2009. https://www.academia.edu/1810511//Negative


impact_of_social_networking_sites_on_academic_performance_of_students

Sincero, S.M. (2011). https://explorable.com/stree-conitive-appraisal

Sotto, B.J. (2018). http://pananaliksikgrade11.blogspot.com/2018/11/pananaliksik-


paggamit-ng-teknolohiya.html

Barillos, L. (2016).
https://www.academia.edu/36988303/Kabanata_II_KAUGNAY_NA_LITERATURA

Calooy, I. et. al. (2015).


https://www.academia.edu/11939836/Epekto_at_Bunga_ng_pagbabasa_ng_wattpa
d_sa_unang_taon_ng_mga_mag-aaral_sa_AB-Sociology

61
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

Paulin, et. al. (n.d).


https://www.academia.edu/11621043/Pagbaba_ng_Bilang_ng_mga_estudyanteng_
nagbabasa_ng_libro

Magno, F. (2014). https://www.slideshare.net/FlordelizaMagno/kasanayan-sa-


pagbasa

Ravago, M. (2015).
https://www.academia.edu/31234619/EPEKTO_NG_PAMAMARAANG_KOMIKS_S
A_ANTAS_NG_KOMPREHENSYON_SA_PAGBASA_Bilang_Bahagi_ng_Panganga
ilangan_sa_Titulong_Master_ng_Sining_sa_Pagtuturo_ng_Filipino

Naluis, et. al. (2015). https://prezi.com/it1oymhhujmm/mga-batayang-kaalaman-sa-


pagbasa/

Guerina, K. (2012). https://www.scribd.com/doc/75651337/Ang-Kontribusyon-Ng-


Makabagong-Teknolohiya

Alulong, J. (n.d.).
https://www.academia.edu/34932940/ANG_EPEKTO_NG_TEKNOLOHIYA_SA_MG
A_GRADE_11_NA_MAG-_AARAL_NG_LA_SALLE_ACADEMY

Bermudes, J., et. al. (2016).


https://www.academia.edu/28885174/THESIS.._TEKNOLOHIYA

62
Libro o Teknolohiya: Epektibong Babasahing Panlibangan ng Kabataan

63

You might also like