You are on page 1of 5

MGA EPEKTO NG PAGAMIT NG MGA SMARTPHONE SA PAG-AARAL NG MGA

MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL SA BULACAN STATE UNIVERSITY


KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL
Panimula
Sa lipunan ngayon, teknolohiya ang isa sa mga pinakaimportanteng bagay na nagpapaggalaw sa
ating pamumuhay dahil napapadali nito ang iba’t ibang gawain sa araw-araw. Kung kaya marami na ang
mga bagay na nalikha.

Kabilang sa mga teknolohiyang ito smartphone o mga selpong maraming kayang gawain.
kabilang sa mga kakayanan nito ay ang pag-iinstila ng samut saring application na maaaring makatulong
o magpadali sa kanilang pag-aaral. Idagdag mo pa ang kakayahan nitong kumonekta sa iba’t ibang pang
mga selpon upang maka buo ng isang linya kung saan pwedeng magusap ang dalawang tao na magkalayo
sa isa’t isa. Ilan lamang ito sa mga kakayahan ng isang smartphone. Kung kaya maaring sabihin na ito ay
isang epektibong kagamitan pag dating sa pag-aaral. Bagamat marami itong naidudulot na maganda sa
pag-aaral maaari rin itong gamitin bilang isang bagay na magpapakita ng adiksyon at iba pang mga
negatibong mga epekto.

Bilang dagdag pang patunay sa mga nabanggit, isang pag aaral ang ginawa ni Chukwuere noong
2018. Sinasabi sa pag-aaral na ito na Malaki ang nagiging epekto ng paggamit ng smartphones sa mga
estudyante at nakakaapekto talaga ito ng positibo at negatibo.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang mas nakakahigit sa mga epekto ng smartphone sa
pag-aaral ng mga mag-aaral. Naglalayon itong patunayan na mas malaki ang magiging positibong epekto
nito para sa mga mag-aaral kaysa sa negatibong epekto.

Kaligiran ng Pag-aaral
Ang paggamit ng isang teknolohiya sa isang paaralan ay nagdudulot nga ba ng
magandang impliwensya sa mga estudyante o ito ba ay nagdudulot ng hindi magandang
impluwensya. Ang isang cellphone ay nakapagbibigay ng impormasyon sa isang pindot lamang
at kadalasan ay mas nagagamit ito sa panahon ngayon dahil nga ito ay sobrang daling gamitin
dahil ito ay ang laging gamit ng mga kabataan ngayon na kung tawagin ay “millennials”.
Ang paggamit neto ay kung minsan ay inaabuso ng ibang kabataan dahil nga sa ito ay
“advanced” na kung tawagin marami na ang pwedeng gawin dito tulad ng paglalaro, panunuod,
pagbabasa at marami pang iba. Ang iba naman ay ginagamit lamang ang cellphone para sa
makabuluhang bagay
Ang nais ng pananaliksik ay upang mapatunayan na nakatutulong nga ang paggamit ng
isang “smartphone” sa buhay ng isang estudyante sa panahon ngayon. Maraming paaralan ay
ipinagbabawal ang pagdala at paggamit ng smartphone dahil ang iniisip ng iba ay ito ay
ginagamit lamang sa paglalaro at kung anon ga ba ang dahilan ng pagdadala ng mga estudyante
ng mga smartphone na ito.
Batayang Teoretikal
May dalawang konsepto ang epekto ng paggamit ng smartphone sa mga mag aaral. Ito ay
ang positbo at negatibong epekto. Sa konsepto ng positibong epekto ay ang mga bagay na
makatutulong sa pag aaral ng bawat estudyante at nakakapagdulot sa mga mag aaral ng mabuti
sa emosyonal at sosyal na antas, isa na lamang dito ay ang pakikipag komunikasyon sa kanlang
kapwa estudyante o mga guro sa oras na mangailangan sila ng tulong o kaya’y may mga bagay
sila na gustong itanong sa iba. Mas napapadali ang paggamit ng smartphone at teknolohiya ang
pakikipag komunikasyon kahit na sila ay magkakalayo. Isa pang maganda at positibong epekto
ng paggamit ng smartphone ay ang mas mabilis na pagkalap ng mga kaalaman at mga
impormasyon. Sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya at ng selpon, mas
mapapadali ang mga dating bagay na nagpapahirap sa mga mag aaral na kumalap ng mga
impormasyon na makatutulog sa kanila. Nakapagbigigay din ng saya at katuwaan sa mga mag
aaral ang paggamit ng smartphone at nagagamit nila ito upang maglibang at pampalipas oras.
Madami pang positibo at magandang epekto sa mga mag aaral ang paggamit ng smartphone. Sa
kabilang banda, kung may positibo ay may negatibong bagay at epekto din ang idinudulot ng
smartphone sa mga estudyante. Isa na lamang dito ay ang labis na paggamit nito o over usage.
Sa sobrang paggamit ng smartphone at ng makabagong teknolohiya, napapabayaan na nila ang
kanilang pag aaral at nakapagdudulot pa ito ng mga sakit at karamdaman sa kanila tulad ng
pagkalabo ng mga mata. Isa pa dito ay ang pagkatuto ng mga mag aaral sa mga bagay na di pa
akma sa kanilang edad tulad ng mga acronyms na natututunan nila na hindi akma sa at pwede pa
itong magamit at makasira sa kanilang pag aaral. Isa pang hindi magandang epekto ng paggamit
ng smartphone sa mga mag aaral ay ang kawalan sa pokus, dahil dito ay naaapektuhan na nila
ang kanilang pag aaral at maaapektuhan pa nito ang kanilang grado at higit sa lahat ay ang
kanilang kinabukasan.
Sa makatuwid, may iba’t ibang epekto talaga para sa mga mag aaral ang paggamit g
smartphone at ng makabagong teknolohiya sa kanilang pag aaral. Nasa sa kanla na rin ang
desisyon kung magpapatalo ba sila at mas pipliin ang negatibo kesa sa positbo. Kaya dapat
nating ilagay sa tamang oras ang pagamit ng makbagong teknolohiya. Iwasan ang paggamit ng
mga ito at laging isa-isip na kahit pa na nakapagpapadali ito sa ating pang araw-araw na
pamumuhay at sa atng pag aaral, ay mayroon din itong katumbas na masamang epekto.
Batayang Konseptwal

INPUT PROSESO AWTPUT

Nais ng mga Pangongolekta ng Maunawaan ng mga


mananaliksik ang mga datos sa mag-aaral ang mga
mga nakabubuti at pamamagitan ng maaaring epekto ng
hindi nakabubuti na sarbey. Kukuha ng paggamit ng gadyet
mga epekto ng mga opinion ng mga sa kanilang
paggamit ng gadyet mag-aaral sa edukasyon at
sa edukasyon ng mga Laboratory High malaman kung hindi
mag-aaral. Ang mga School patungkol sa na maganda ang
nakuhang pag-aaral at mga epekto ng mga naidudulot nito. Ito
artikulo na may gadyet sa kanilang ay maaaring ipabatid
kaugnayan sa edukasyon. sa mga mag-aaral sa
kasalukuyang pamamagitan ng
pananaliksik ang pagdadaos ng mga
pagbabasehan ng mga pantas-aral
mananaliksik.

Figura 1. Paradaym ng Pag-aaral

Sa pananaliksik na ito, ang paradaym na input-proseso-awtput iskim ang gagamitin. Ang input ay ang
mga makakalap na mga pag-aaral at artikulo na may kaugnayan sa epekto ng paggamit ng gadyet ng mga
mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Ito ay gagamitin ng mananaliksik upang maging basehan at suporta sa
mga makakalap na datos at sa buong pananaliksik. Ang proseso na gagamitin ay ang pagsasagawa ng
sarbey sa mga mag-aaral ng Laboratory High School upang makuha ang iba’t ibang opinyon ukol sa
paksa. Nais ng mga mananaliksik na makakuha ng mga nakabubuti at hindi nakabubuting epekto hango
sa magiging sagot ng mga kalahok sa pag-aaral. Mula sa mga datos na ito, ang magiging awtput ng
pananaliksik ay ang mga mabubuong palagay at konklusyon na maaaring supportahan ng mga ginamit na
kaugnay na mga pag-aaral. Pagsasagawa ng pantas-aral ang naisip ng mga mananaliksik na isagawa
upang maipabatid ang mga napag-aralan sa mga mag-aaral at nang maunawaan at masuri sa kanilang
sarili kung ang paggamit ng mga gadyet sa kanilang pag-aaral ay nakatutulong o nakahahadlang na.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag aaral na ito ay nakatuon sa epekto ng paggamit ng smartphone sa pag-aaral ng


mga mag-aaral na naglalayong masagutan ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang epekto ng paggamit nito?

2. Ano ang kahalagahan ng smartphone sa pag-aaral ng estudyante?


3. Paaano ito makahahadlang sa pag-aaral ng estudyante?

4.Saan madalas ginagamit ang smartphone sa pag-aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang Teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng mapag-kukuhaan ng impormasyon ng mga


magaaral sa panahon ngayon sa pamamagitan ng cellphone , laptop , computer , at projectors. at sa
pamamagitan ng pagsearch ay makikita mo na ang hinahanap mong impormasyon hindi katulad noon na
kailangan pa ng mga libro upang mahanap ang mga kailangang impormasyon. sa madaling sabi ang
teknolohiya ay nakatutulong sa atin dahil napapabilis nito ang iba’t ibang gawain ng tao sa kanilang araw-
araw na pamumuhay.

Isang mahalagang bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na
itinuturo sa loob ng klase. Marami ng imbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo.
Halimbawa na lamang nito ay ang kompyuter kung saan ay maari kang mag suri , mag siyasat at mag
saliksik ng mga bagay na ninanais mong nalaman o kinakailangan sa eskwelahan. Ngunit sa
makabagong panahon ngayon , ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa
edukasyon ay ang mga kompyuter na maaring maka-access ng internet. Ang Internet ay mas lalong
mahalaga dahil kung walang internet ay di mo magagamit ang kahalagahan ng kaalaman o di ka
makakapag siyasat ng iyong hinahanap. Mas epektibong naibabahagi ng mga estudyante ang kanilang
leksyon nang dahil sa internet.

Ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng malaking tulong sa mga sumusunod:

Sa mga Guro, ang pananliksik na ito ay nakakatulong sa kanila upang magabayan ang mga mag-
aaral sa paggamit ng teknolohiya sa loob ng paaralan.

Sa mga Mag-aaral, ang pananaliksik na ito ay nakakatulong sa kanila para mayroon silang
kamalayan sa mga epekto sa paggamit ng cellphone sa loob ng klase.

Sa mga Magulang, ang pananaliksik na ito ay maaring maging basihan sa kanila para sa pag
gabay ng kanilang mga anak kung ano ang magiging epekto ng pagkakaroon ng anak ng cellphone.

Sa mga sumunod na mananaliksik, ang pananaliksik na ito ay nakakatulong sa kanila upang


makakuha ng impormasyon o ideya sa kanilang pananaliksik at makapagbigay ng makabagong ideya.

Reference:

Saklaw at Limitasyon
Nakapaloob sa pag-aaral na ito ang mga epekto ng mga smartphone sa pag-aaral ng mga
mag-aaral. Ang mga datos na makukuha ay magmumula sa 150 respondents na estudyante ng
senior high school sa Bulacan State University sa taong 2018-2019. Ang pangunahing layunin ng
pag-aaral ng ito ay para malaman kung ano nga ba ang mga masasama at mabubuti na nagagawa
ng pag-gamit ng gadgets para sa isang estudyante. Ang makukuhang impormasyon ang
magtatakda kung alin nga ba sa dalawang bagay na iyon ang mas matimbang.
Ang kwestyoner na sasagutan ng mga estudyante ay maglalaman ng mga personal na
datos tulad ng kanilang gulang, gender, baitang, at etcetera. Ang pagbibigay ng kanilang
pangalan para rito ay lalagyan ng optional sa tabi, at nasa estudyante na kung ilalahad pa niya
ang kaniyang pangalan.
Ang bawat estudyante ay kukuhanan ng numerikal na datos na magsisilbing gabay sa
pag-aaral na ito. Ang bawat tanong ay babase sa kanilang pag-gamit ng gadgets tulad ng
cellphone, tablet, laptop at etc. na maaring nakakadulot ng pagbabago sa pangaraw-araw na
gawain sa eskwelahan. Ang estudyante na kukuhanan ng datos ay umiikot sa 15-19 na taon ang
tanda. Ang mga estudyante na hindi na kabilang sa senior high school level katulad ng junior
high school level at college level ay hindi na sakop ng pag-aaral na ito.
Kahulugan ng mga Terminolohiyang Ginamit
Selpon. Ito ay isang uri ng teleponong walang kawad na gumagamit ng mga sityong
selular para sa pakikipagtalastasan.
Smartphone Ito ay tumutukoy sa isang selpon na may kakayahan sa ilang uri ng
paggamit na magagawa sa isang computer, tulad ng panonood ng video, pag-browse/pag-basa ng
web page.
Application. Ito ay tumutukoy sa mga programang nakalagay saa loob ng smartphone at
may iba’t iba itong pangksyon depende sa kaniyang uri.
Over usage. Ito ay tumutukoy sa sobrang pagamit sa isang bagay na umaabot na sap unto
kung saan naaapektuhan na nito ang iyong pamumuhay.
Talawakas
Ifeanyi, I.P. & Chukwuere, Joshua. (2018). The impact of using smartphones on the academic
performance of undergraduate students. Knowledge Management and E-Learning. 10. 290-308.

You might also like