You are on page 1of 7

SALOOBIN NG MGA ESTUDYANTE SA EPEKTONG DULOT NG SELPON

KABANATA 1
Kaligiran ng Paksa/Pag-aaral
Panimula

Malaki na ang naging bahagi ng teknolohiya sa buhay ng isang tao sa panahon


natin ngayon. Isa ito sa mga dahilan kung bakit mabilis ang pag-unlad ng isang tao o
kaya mapabilis ang mga pang-araw-araw na gawain o transaksiyon. Sa paglipas ng
maraming taon patuloy na sumisibol ang larangan ng agham at teknolohiya kung kaya’t
patuloy na tinatangkilik ng tao ang mga kasangkapang ito. Hindi natin maitatanggi na
sa kabila ng magandang naidudulot ng teknolohiya ay may dala din itong masamang
epekto kung lubos na inabuso at ginamit sa masamang gawain.

Sa panahon natin ngayon madalas na ginagamit ng mga kabataan lalo na ng


mga estudyante ay ang cellphone. Ang cellphone ay isang uri ng gadget na kung saan
isa sa mga mabisang paraan sa pakikipagkomunikasyon at paghahanap ng mga
impormasyon sa internet. Malaki ang naging parte ng celllphone upang mapadali ang
kanilang pag-aaral katulad na lamang ng pagresearch or pag sagot ng kanilang mga
assignments imbes na pupunta pa sila sa mga kompyuter shop ay gagamit nalang ng
cellphone upang masagot ang kanilang mga takdang aralin.

Ayon sa mga imbensiyon ni Juan dela Cruz, ang teknnolohiya ay ang pagsulong
at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa
paglunas ng suliranin ng tao. Ang teknolohiya gaya ng cellphone ay isa sa mga
imbensiyon ng tao na nagsisilbing pinakmahalaga sapagkat ito ay nagpapadali sa
ugnayan ng tao, at maaaring gamitin sa panahon ng kagipitan. Sa panahon ngayon
mas mabilis ang pagpapadala ng mensahe, ilang Segundo lamang ang aantayan ay
darating na agad ang mensaheng nais mong iparating

Sa madaling salita maraming positibong epektong naidudulot ng teknolohiya sa


buhay ng estudyante sapagkat napapadali nito ang pagkuha ng mg impormasyon sa
internet. Ginagamit din ito upang makipagkomunikasyon at ugnayan sa ibang tao lalo
na sa malalayong lugar ngunit marami naman ang naging negatibong epekto nito sa
estudyante katulad ng adiksyon sa paglalaro sa cellphone.

Ayon sa article na mula sa thesis na “The Etiquette of In-Class Texting”. Ang


cellphone ay may positibo at negatibong epekto sa mga mag-aaral. Sa journal na ito
pinatunayan na ang mga estudyante na gumagamit ng cellphone ay hindi nakakapokus
sa leksyon ng kanyang guro. Sa journal ding ito sinasabi ang mga mag-aaral na
gumagamit ng cellphone at kadalasang namamali sa pag spelling at ang grammar.

Sa isyu na ito ay tatalakayin natin ang mga saloobin ng mga mag-aaral tungkol
sa epekto ng cellphone sa kanilang pag-aaral kung nakakatulong ba ito o lubos na
nakakasama.
BALANGKAS TEORITIKAL

Saloobin ng mga
Mag-Aaral

Paggamit ng
Cellphone

Naidudulot/Epekto

Positibong epekto Negatibong epekto

Ang modelong ito ay naglalarawan tungkol sa saloobin ng mga mag-aaral hinggil sa


epekto ng paggamit ng cellphone sa kanilang pag-aaral kung ito ba ay may positibong
naidudulot o may dalang negatibong epekto sa kanila.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng dagdag kaalaman sa mga kabataan lalo
na sa mga estudyante kung ang epekto sa paggamit ng cellphone ay lubos na
makakatulong sa mga mag-aaral o kaya ay may negatibong epektong naidudulot.

Ang pag-aaral na ito ay maaaring makakatulong sa:

a.) Sa mga mag-aaral – para sa mga mag-aaral ito ay lubos na makakatulong sa kanila
sapagkat ang pag-aaral na ito ay magbigay ng kaliwanagan tungkol sa mga epektong
naidudulot sa paggamit ng cellphone.

b.) Sa Pamayanan – mabibigyan ng atensyon ang mga tao sa isang komunidad upang
lubos na maunawaan ang mga epekto ng paggamit ng cellphone sa isang tao.

c.) Sa mga Magulang – mabibigyang pansin o atensyon ng mga magulang ang


kanilang anak at lubos na gabayan ang mga ito sa paggamit ng cellphone.

d.) Sa Paaralan – ang paaralan ay maaaring mag implementa ng mga kautusan hinggil
sa paggamit ng cellphone nga mga estudyante sa paaralan upang lubos na maiwasan
ang adiksyon sa paggamit ng cellphone.
Paglalahad ng Suliranin
1. Saloobin ng mga estudyante sa epektong dulot ng cellphone.

2. implikasyong edukasyunal
Saklaw at LImitasyon
Ang pananaliksik na ito ay naka tuon sa mga saloobin ng mga estudyante
tungkol sa epekto ng paggamit ng cellphone sa kanilang pag-aaral kung ito ba ay lubos
na makakatulong or makakahadlang sa kanilang pag-aaral.
Katuturan ng mga salita
Cellphone
Teknolohiya

You might also like