You are on page 1of 2

PADUA, Angelika Rosario Marso 07, 2023

11 STEM Q - St. John Paul II Gng. Jurisa Avelino

CULMINATING PERFORMANCE TASK: TEKSTONG IMPORMATIBO


“Paggamit ng Teknolohiya: Isang Hamon sa Kinabukasan”

Isa sa mga maituturing na pinakagamitin ng mga tao ngayon ay ang teknolohiya. Hindi maikakailang
napakalaking tulong ang naidudulot nito sa mga tao upang mapadali at mapabilis ang kanilang mga gawain. Tunay
ngang ang teknolohiya ay isang mahalagang aspeto sa buhay ng tao kung saan ginagamit ng lahat mapa- trabaho,
sa pag-aaral at maging sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Sa panahon ngayon, napaliligiran tayo ng
teknolohiya tulad ng mga cellphone, tablets, kompyuter at iba pa. Ano nga ba ang teknolohiya? Ang teknolohiya ay
isang uri ng ginagamit para sa komunikasyon, nagsisilbi itong daan para tayo ay makapag-usap lalo na’t kung ang
kausap natin ay nasa malayong lugar. Malaki ang naging impluwensya ng teknolohiya sapagkat sa paggamit ng
iba’t ibang social media sites ay nakapagbibigay ito ng impormasyon, ideya at mga sariwang balita mapa-lokal
man o internasyonal. Pinapadali nito ang buhay ng tao sapagkat tinutulungan tayo ng teknolohiya na mapabilis ang
ibang mga online transactions. Gayunpaman, sinisira nga ba tayo ng teknolohiya? Mas gumaganda nga ba ang
mundo dahil sa mga idinudulot ng teknolohiya?

Sa kasagsagan ng epidemya, naging daan ang teknolohiya para pagkakitaan tulad ng pagbebenta online o
ang tinatawag na “online selling”. Malaki ang naging tungkulin nito sapagkat natulungan nito ang daang taong
nangangailangan at nabigyan makapag hanapbuhay sa kabila ng mga nangyayari sa mundo. Natulungan din ang
mga taong gustong makabili nang hindi lumabas para sa kaligtasan ng isa’t isa. Tunay nga na makapangyarihan
ang teknolohiya ngunit kailangan nating mag-ingat lalo na sa paggamit ng social media websites sapagkat hindi sa
lahat ng oras ay ligtas ang paggamit nito sapagkat mabilis kumalat ang fake news at dahil sa social media
mawawalan tayo ng oras para magkaroon ng personal na komunikasyon sa ibang tao. Madalas din mangyari ang
cyber bullying lalo na’t nakatago ang pagkakakilanlan ng isang tao. Nakaaapekto ito nang masama sa atin lalo na
kung ito ay inaabuso at hindi binibigyang importansya ng mga tao. Maisasawalang-bahala ang mga dapat ay
napagtuunan ng pansin at oras, higit sa lahat ay ang dapat nating bigyan ng prayuridad.

Ito ay ang mga makabagong teknolohiya na maituturing ding bahagi na ng ating buhay. Ika nga, kung wala
ang mga ito ay parang may kulang sa buhay ng isang tao. Tunay ngang malaki ang naging impluwensya ng
teknolohiya lalo na ngayon na nakararanas tayo ng kahirapan dulot ng pandemya. Sa kasalukuyang kalagayan ng
ating bansa, ang lahat ay apektado ng pandemya kung kaya naman lalong napakahalaga at makabuluhan sa buhay
ng isang tao ang paggamit ng teknolohiya. Patuloy na nakapag-aaral ang mga estudyante sa pamamagitan ng
kanilang mga cellphones at laptop/computer kahit na nasa bahay lamang sila. Patunay lamang na malaki ang
gampanin ng teknolohiya sa napakaraming tao dito sa mundo. Ngunit sa pagdaan ng panahon, unti-unting nakikita
ang hindi magandang naidudulot ng makabagong teknolohiya sa mga tao lalo na sa mga kabataan. Ito ay dahil na
rin sa kakulangan ng patnubay ng magulang sa kanilang mga anak kung kaya, hindi nila nagagabayan ang kanilang
mga anak sa kung anong mga uri ng panoorin ang kanilang pinanonood sa kanilang mga cellphone o di kaya sa
kanilang laptop.

Ayon sa aking obserbasyon, ang ilang mga kabataan ay inaabuso ang paggamit ng teknolohiya. May mga
mag-aaral na hindi na nakakakain at hindi natutulog nang maaga dahil sa kakalaro ng mga online games gaya na
lamang ng Mobile Legend. Wala nang ginawa kundi maglaro nang maglaro, pati ang kalusugan ay napapabayaan
na. Kapag hindi natigilan ang paglalaro nito ay maaaring magkasakit at maaaring ikamatay kung hindi naagapan.
May ilang kabataan na hindi na tumutulong sa mga gawaing bahay bagkus ay napapabayaan na rin ng magulang,
Kaya lumalaking walang alam gawin kung hindi ang magbabad sa paglalaro ng mga online games hanggang sa
maging adik na sila dito at wala nang panahon sa pamilya at kaibigan. Hindi masama ang maglaro ng online games
kung alam natin ang ating limitasyon.

Tama. Sinisira na tayo ng teknolohiya kung sa maling paraan naman natin ginagamit ang mga ito.
Teknolohiya na mismo ang siyang magwawasak sa ating buhay kung patuloy nating inaabuso ang paggamit ng
mga ito. Tama. Mas gumaganda ang ating mundo dulot ng mga makabagong teknolohiya. Subalit, nagiging
masama lamang ito kung inaabuso ng tao ang paggamit sa mga ito at kung ginagamit ang mga teknolohiya sa
maling pamamaraan. Kung alam natin ang wastong paggamit sa mga teknolohiyang ito, tiyak na maging maganda
ang kalalabasan nito sa ating pang-araw-araw nating pakikipagkomunikasyon at pakikipagbaka sa mundong ating
ginagalawan.

Maging marunong at mapanuri tayo sa paggamit ng mga teknolohiya. Huwag nating hayaang kontrolin tayo
ng mga ito bagkus tayo mismo ang may kakayahang kumontrol sa mga ito sa tama at wastong paggamit sa mga ito.
Higit sa lahat, bigyang-halaga ang magandang naidudulot ng mga teknolohiyang ito sa ating buhay. Dahil sa
paggamit natin ng mga teknolohiya ay nakasalalay dito kung ano ang ating magiging kinabukasan. Kung maganda
ba o masama ang naidudulot nito ay nasa tao na kung papaano niya gamitin ang mga teknolohiya sa kanyang pang-
araw-araw na pamumuhay. Sa paraang yaon ay unti-unting mauunawaan kung ano ang kahaharapin ng tao sa mga
hamong dulot ng teknolohiya.

You might also like