You are on page 1of 1

Name: Lordrick S.

Nogoy Date:01/09/2023

Epekto ng teknolohiya sa mga kabataan

Ang abilidad ng isang bagay ay nakadepende sa taong gagamit at kung paano ito gagamitin.” Bawat
bagay sa mundong ito ay may positibo at negatibong naibibibgay sa atin. Maraming mga bagay sa mundo
ang akala natin ay puro positibo ang kayang ibigay. Ngunit maaari nga bang puro positibong bagay ang
maibigay ng lahat ng kagamitan sa ating kapaligiran? Bagong panahon, isang panahon na kung saan
teknolohiya ang naghahari. Isang malaking biyaya para sa atin na magkaroon ng pagkakataon na damhin
ang buhay kasama ang teknolohiya. Maraming naitutulong ang teknolohiya. Nagbibigay ng tulong ang
teknolohiya sa iba’t- ibang paraan. Mas madali nating nauunawaan ang mga bagay na nakapalibot sa atin,
tumutulong din ito upang maging maayos at mas maging produktibo ang buhay ng bawat tao. Sakabila ng
magagandang dulot nito sa atin mayroon din itong negatibong epekto.

Ang pagusbong ng teknolohiya sa ating mundong ginagalawan ay sobrang gamit na gamit kitang-
kita sa maraming tao, lalong higit na sa mga kabataan. Mapapansin na ang hawak nila lagi ay ang kanilang
mga cellphone at nakatuon ng pansin dito. Masasabing malaki ang pagsulong ng teknolohiya, pero tingnan
natin ang maaaring positibo at negatibong epekto nito sa buhay ng karamihan. May roong mga negatibong
epekto at positibong epekto ang teknolohiya sa ating buhay. Sa aking nabasang pananaliksik tungkol sa
epekto ng teknolohiya sa mga kaabatan ay mas natatak sa aking kaisipan na mas maging maingat tayo sa
paggamit ng ibat ibang teknolohiya lalo na may roong ng mga makabagong teknolohiya na mas mapadali
ang ating ginagawa. Sa pananaliksik na aking nabasa ay napag alaman ko na may ibat ibang negatibong
epekto ng teknolohiya sa mga kabataan tulad ng maraming mga bata ang naadik sapag lalaro sa cell phone,
nakakanood sila ng mga malalaswang videos/pornograpiya, nawawala ang time management, hindi na
halos makatulog dahil babad sa cellphone at higit sa lahat napapabayaan ang kalusugan. May roong rin mga
maaaring positibong epekto ng paggamit ng teknolohiya. Malaking tulong ito sa mga kabataan dahil mas
napadali na ang pagkalap ng mga impormasyon na mapapakinabangan nila mismo sa pag-aaral.
Nagkakaroon dito ng komunikasyon sa mga kaibigan at kapamilya na malayo sa kaniya. Nakakatulong ito
sa isa na malaman agad ang mga balita sa panahon ngayon. Nagsisilbing libangan nila ito. Nakakanood sila
dito ng videos na mga paksa sa kanilang klase kung sakali na hindi nila ito maunawaan at maraming
natututuhan na mga bagay na makakatulong mismo sa buhay. Ang mga kabataan sa ngayon ay kailangan
magtakda ng limitasyon sa paggamit ng teknolohiya. Mahalaga ang bagay na ito para hindi maubos ang
oras sa hindi mahahalagang mga bagay. Kailangan magkaroon ng katalinuhan sa paggamit ng mga ito at
huwag hayaan na malamon nito ang buhay natin. Maging responsable hinggil dito upang hindi mapahamak.

Ang pananaw ng isang tao ay mayroong malaking kontribusyon para sa pagbabagong ninanais nito.
Dahil sa Agham, patuloy nating nakakamtan ang pagbabago sa araw-araw. Kung ang pananaw natin sa
ating buhay ay positibo, tiyak na ang buong buhay natin ay puno ng pag-asa at saya. Ang positibo at
negatibo nating pananaw sa teknolohiya ay isang dahilan ng pagbabagong hindi inaasahan ng lahat. Nasa
atin na lang kung paano ipaliliwanag ang tamang paggamit nito, lalo sa mga mag-aaral at ang tamang
disiplina para sa mas maunlad na buhay. Gumawa ng mga kailangang hakbang at tiyak na magdudulot ito
ng mabuting epekto sa iyo. At alalahanin lagi natin ang tamang paggamit ng teknnolohiya ngayon. Sa
pananaliksik sa aking na basa tungkol sa Epekto ng teknolohiya sa mga kabataan ay mas natutunan ko na
making mas doble inggat tayo sa mga teknolohiya na ating ginagamit dahil hindi lahat ay positibo ang dulot
nito sa ating buhay.

You might also like