You are on page 1of 1

Sabi nga nila maraming epekto at pagbabago ang dinadala sa pag-usbong ng

teknolohiya. Tunay nga naman na dahil sa teknolohiya lalong umunlad at dumali ang
buhay ng tao. Mapa-bata o matanda ay talagang kakikitaan ito ng benepisyo sa ating
buhay. Teknolohiya ang sagot sa mga katanungang hindi masolusyonan noong unang
panahon at ito dahilan kung bakit nagkakaroon ng pag-unlad sa kalagayan ng isang
bansa pati na rin sa pag-iisip ng isang tao. Ngunit hindi natin maikukubli na mayroon
itong dalang masamang epekto sa atin, sa mga tao.

Isa ang teknolohiya sa bumubulag sa ating mata para makita ang realidad. Hindi
lamang puro kagandahan ang dala nito sa ating buhay bagkus isa rin ito sa dahilan
kung bakit nagiging tamad ang isang tao. Ang tao ay nakadepende na lamang sa kung
ano ang nababasa at nakikita nila sa internet ngayon, nawala na at bumaba na ang
lebel o kalidad ng pag-iisip ng tao. Marami sa atin ngayon ang nagpapakain nalang sa
sistema ng teknolohiya at kinakalimutan na ang paraan kung paano nga ba ang tama.
Ito ang kumokontrol sa atin isipan at ito ang maaaring kumitil sa ating buhay.

Hindi natin naisip ang masamang dulot ng pagkahumaling sa internet at


teknolohiya. Maaari nating mapabayaan ang ating sarili at pag-iisip dahil sa panahon
ngayon dito nalang natin binabatay ang totoo sa mali. Ating buksan ang ating isipan
para sa ating ikauunlad gaya na lamang ng pagkontrol sa paggamit nito at hindi
pagiging adik dito. Hindi natin lubusang kilala at alam ang teknolohiya kaya tayo dapat
ay mapagmatyag sa kung anong maaaring mangyari. Ang pag-iwas at pagkontrol dito
ang kailangan nating gawin.

You might also like