You are on page 1of 1

Gadget, nakabubuti nga ba?

Maituturing na malakas makaimpluwensya ang gadget lalo na sa mga mag-aaral. Bilang


na lamang sa daliri ang wala nito. Hindi maikakaila ng lahat na mayroon itong di-mabuting
epekto, sa pag-aaral man o sa buhay ng tao. Ayon sa mga eksperto, kinain na umano ng
makabagong panahon ang mga kabataan. Ang mga gadget na sana’y ginagamit sa pag-aaral ay
yaon namang mas nabibigyan ng puwang ang paggamit sa hindi magandang paraan.
Tila wala nang mga kabataang tulad ng dati. Mga kabataang modelo kung maituturing.
Dating masaya na sa mga laruang gawa sa kahoy o di kaya’y tagu-taguan. Wala na. Nilamon na
ng makabagong teknolohiya. Nasaan na ang mga kabataang pag-asa ng bayan?
Pag-aaral ay napababayaan, makabagong laro gamit ang gadget ay mas tinutuunan.
Motibasyon sa sarili ay unti-unti ng nawawala, dating pangarap ay naglalaho na. Paano na ang
kinabukasan kung patuloy na magpapatangay sa ganitong sistema ng pamumuhay? Hindi
masama na tayo ay kabilang na ngayon sa modernisasyon, ang hindi makatarungang paggamit
ng mga makabagong teknolohiya gaya ng cellular phone at kompyuter ang siyang may hindi
mabuting naidudulot sa atin. Sabi nga ang sobra ay nakasasama.
Pagbabago ang kailangan ng kabataang tulad mo. Pag-iwas sa sobrang paggamit ng
gadget ang dapat na gawin upang pag-aaral ay hindi tuluyang masira. Isipin mo ang iyong
kinabukasan. Kinabukasan na magdadala sayo sa tagumpay. Huwag padadaig sa ganitong
sistema. Kumilos ka. Magbago ka. Tanging paraan sa pagsagip sa iyong mga naghihingalong
pangarap.

You might also like