You are on page 1of 1

EPEKTO NG PAGKA HUMALING NG MGA ESTUDYANTE SA INTERNET AT SA

PAGLALARO NG COMPUTER GAMES


Ang computer games ay mahirap tanggihan lalo na kung ito ay nasa paligid lamang. Masaya
atnakalilibang ang pag-lalaro nito at nakakalimot tayo sa mundo ng ating mga alalahanin Ngunit ito din
aymay mga masamang naidudulot sa atin, katulad ng adiksyon.

Nagsimula ang Elektronikong mga kagamitan sa pagpasok ng ika-20 siglo, Lumipas ang ilang mga
dekada ito ay lumago at nakilala at nagging isang pangkaraniwang bahagi sa pang araw araw na
pamumuhay ng tao. Habang lumalago ang industriyang ito, patuloy ang pagdami at pagdiskubre ng
mgamakabagong kagamitan. Isa na rito ang pagkilala ng kompyuter. Hindi maiiwasang paggamit ng
kompyuter upang gawin ang isangmundo kung saan maaaring gawing biswal ang imahinasyon ng tao. Di
naglaon, pumasok ang ideya na maaaring gamitin ang Virtual Reality o Virtual World na dito napapasok
ng tao ang isang mundo sa kathang isip sa pamamagitan ng panonood o paglalakbay dito tulong na rin
ng monitor o telebisyon na ginagamit sa kompyuter. Sa panahon ngayon, Usong uso ngayon ang
Internet, isa dito ang mga papular na mga websayt kagaya ng Facebook, Twitter, Instagram at marami
pang mga nag susulputang websayt. At sa computer games naman, Ang paglalaro ng Computer Games
ay hindi nagsimula bilang isang industriya o produkto na agad inihayag sa mundo. Sa panahon ngayon,
madaming kabataan ang sadyang naaadik sapaglalaro ng computer games. Sa paglalaro ng computer
games, naaapektuhan ang isip ng manlalaro dahil nagkakaroon ng mga pantasya ukol dun sa nilalaro nila
Ang madalas na nagbibigay ng epekto ay ang mga computer games na may karahasan na kasama. Mga
larong may temang sex, pagpapaslang at paggamit ng mga sandatang nakakamatay. Hindi masama ang
paggamit ng industriyang ito, ngunit ang kalabisan ng paggamit nito ay nakakaapekto ng lubos sa pag-
aaral ng estudyante. Pati nadin ang Internet ay nakakaepekto din ito sa mga estudyante, di lang ito
nangyayari sa ating bansa pati nadin sa ibang bansa kagaya ng USA at Japan, mga bansa na maraming
kaso tungkol sa mga pagkahumaling ng mga estudyante sa Internet at Games, Ang Internet ay isa na sa
bahagi ng pang araw-araw na pamumuhay ng tao marami mga estudyateng ang nahuhumling sa pag
tutuklas at pag lalaro ng Computer Games at ng Internet, pati nadin sa mga popular na websayt na
nakikita sa Internet world. Tulad ng Facebook, Instagram, Twitter Basi sa aking nalaman hindi lang ito
nagaganap sa ibang bansa kundi dito saating bansa din laganap ito sa maga Estudyante lalong-lalo na sa
panahon ngayon na marami ng mga kabataan. partikular nalang sa Maynila, Itong Internet ay may
positibong gawa kaso sa mga Estudyante ginagawa nila itong Libangan o pangpalipas oras.

Bilang isang Kabataan at itinuturing din na “Pag asa ng Bayan”, dapat maging responsable sa
lahat ng bagay o oras. Dapat isaalang alang ang iyong kinabukasan kung anuman ang gagawin mo na
maaaring makaapekto sayo at isiping mabuti kung ito ba ay may magandang maidudulot. Lagi din tayong
sumunod sa mga payo ng ating mga magulang dahil para rin naman sa kapakanan natin ito , at intindihin
natin ang kanilang paghihigpit sa atin kung minsan dahil mas alam nila ang nakabubuti sa atin dahil
napagdaanan na nila ito.

Bilang isang miyembro ng ating lipunan , maging mapagmasid tayo sa ating kapaligiran o mga
bagay bagay dahil ito ay maaaring magdulot din sa atin ng kaalaman at karunungan na tutulong
gumabay sa iyong sarili. Magtapos muna ng pag aaral para sa magandang kinabukasan, ng matamo mo
ang lahat ng iyong kagustuhan, at para masuklian na rin ang paghihirap at sakripisyo ng iyong mga
magulang. Tayong mga kabataan ay maging magandang ehemplo sa mga susunod na henerasyon, upang
ang ating lipunan ay maiahon.

You might also like