You are on page 1of 12

ISANG PANANALIKSIK UKOL SA EPEKTO NG PAGKA HUMALING

NG MGA ESTUDYANTE SA INTERNET AT SA PAGLALARO


NG MGA COMPUTER GAMES NG MGA MAG-AARAL
SA UNANG TAON NG KOLEHIYO NG
ST. MARY'S COLLEGE INC.

___________________

Isang Sulatin sa Pananaliksik

Kay
Gng. Diza M. Rolida
Guro sa Filipino
St Mary's College Inc.
Syudad ng Tagum

____________________

Bilang Bahagi
Ng mga Pangangailangan
para sa Asignatura ng
Filipino 2.

(Pagbasa at Pagsulat)
Nina
Sarah Mae Jamo-ay
Isidro Julyson Bayona

Petsa ng Submisyon: Febuary 2014

KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran nito.

Sanligan ng Pag-aaral
Nagsimula ang Elektronikong mga kagamitan sa pagpasok ng ika-20 siglo,

Lumipas ang ilang mga dekada ito ay lumago at nakilala at nagging isang

pangkaraniwang bahagi sa pang araw araw na pamumuhay ng tao. Habang lumalago ang

industriyang ito, patuloy ang pagdami at pagdiskubre ng mgamakabagong kagamitan. Isa

na rito ang pagkilala ng kompyuter. Hindi maiiwasang paggamit ng kompyuter upang

gawin ang isangmundo kung saan maaaring gawing biswal ang imahinasyon ng tao. Di

naglaon, pumasok ang ideya na maaaring gamitin ang Virtual Reality o Virtual World na

dito napapasok ng tao ang isang mundo sa kathang isip sa pamamagitan ng panonood o

paglalakbay dito tulong na rin ng monitor o telebisyon na ginagamit sa kompyuter.

Sa panahon ngayon, Usong uso ngayon ang Internet, isa dito ang mga papular na mga

websayt kagaya ng Facebook, Twitter, Instagram at marami pang mga nag susulputang

websayt. At sa computer games naman, Ang paglalaro ng Computer Games ay hindi

nagsimula bilang isang industriya o produkto na agad inihayag sa mundo. Sa panahon

ngayon, madaming kabataan ang sadyang naaadik sapaglalaro ng computer games. Sa

paglalaro ng computer games, naaapektuhan ang isip ng manlalaro dahil nagkakaroon

ng mga pantasya ukol dun sa nilalaro nila Ang madalas na nagbibigay ng epekto ay ang

mga computer games na may karahasan na kasama. Mga larong may temang sex,

pagpapaslang at paggamit ng mga sandatang nakakamatay. Hindi masama ang paggamit

ng industriyang ito, ngunit ang kalabisan ng paggamit nito ay nakakaapekto ng lubos sa

pag-aaral ng estudyante. Pati nadin ang Internet ay nakakaepekto din ito sa mga

estudyante, di lang ito nangyayari sa ating bansa pati nadin sa ibang bansa kagaya ng

USA at Japan, mga bansa na maraming kaso tungkol sa mga pagkahumaling ng mga

estudyante sa Internet at Games, Ang Internet ay isa na sa bahagi ng pang

araw-araw na pamumuhay ng tao marami mga estudyateng ang nahuhumling sa pag

tutuklas at pag lalaro ng Computer Games at ng Internet, pati nadin sa mga popular na

websayt na nakikita sa Internet world. Tulad ng Facebook, Instagram, Twitter Basi sa

aking nalaman hindi lang ito nagaganap sa ibang bansa kundi dito saating bansa din
laganap ito sa maga Estudyante lalong-lalo na sa panahon ngayon na marami ng mga

kabataan. partikular nalang sa Maynila, Itong Internet ay may positibong gawa kaso sa

mga Estudyante ginagawa nila itong Libangan o pangpalipas oras. Dito naman sa Ating

Lugar sa paaralan ng St Mary's College ay nangyayari ito partikular sa mga Unang

taon sa kolehiyo sa kurso ng BASBA,BSCE.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang masuri ang sanhi at epekto ng

Internet at Computer games sa pag-aaral ng mga estudyante. Sa kabuuan, Ang layunin

na pag-aaral nito ay matukoy ang epekto ng Internet o social network at computer games

sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga taong tumatangkilik nito, at maipabatid sa

mga Estudyante ang mga epekto.

1. Bakit kaya Nahuhumaling ang mga Estudyante sa Computer Games at


Internet?

2. Anu-ano ang mga negatibong salik ng Computer games sa pag-aaral

ng isang Estudyate?

3. Anu-ano ang mga positibong salik ng Internet sa pag-aaral ng

isang Estudyante?

Haypotesis

Ang pag-aaral na ginawa sa pananaliksik na ito ay lubos na napakahalaga upang

maipabatid sa mga mag-aaral kung ano ang epekto nito at para maunawaan ng mga

mag-aaral na kung gaano hindi ito nakakatulong sa kanilang pag-aaral at sakit saulo

lamang ang dinudulot nito sa kanilang mga pamilya, wala din itong magandang dinudulot

sa kinabukasan ng mga estudyante. Kagaya nalang sa panahon ngayon na marami ng

mga kabataan ang tambay dahil hindi nakapag tapus sa pag-aaral. Ginawa namin itong

pananaliksik upang matulongan ang mga kabataan para malaman nila na ang mga

gawaing ito ay malinaw na isang problema. At walang magandang dinulot sa buhay.

Kahalagahan ng Pag-aaral.

Basi sa aking nalikop na impormasyon, sa panahon ngayon ang mga estudyante

ngayon ay nahuhumaling na sila sa mga usong uso na laro o kung tawagin nating

computer games at ang internet sa social network. sa panahon ngayon dagdag ito sa

mga problema ng mga magulang dahil sa hindi na nakakapag pukos ang kanilang

mga anak sa kanilang pag-aaral, at isa pang problema nito ay nakaka apekto din ito sa

kanilang mga paguugali at sakanilang kalusugan, at imbis sa paaralan pumasok, sa

internet shop na sila nagpapalipas ng oras at ang iba naman sakanila ay hindi na umuuwi

ng tamang oras sakanilang mga bahay, ang iba naman ay nangungupit na ng pera

sakanilng mga magulang para maka Internet sa internet shop para mag Facebook,twitter

o kahit anong papular na social network o dikayay mag laro ng computer games.

Karamihan din ay hindi na ginagalang ang mga matatanda o dahil sa nainpluwensyahan

na sila ng computer games o dikaya ay nakukuha nila ito sa mga video na nakikita sa
Internet o social network. Ang pag-aaral na ito ay bigyang impormasyon ang mga

Estudyanteng naglalaro ng Computer Games o internet ukol sa mga hindi magagandang

bagay na kanilang maaaring sapitin kung sila ay magpapatuloy sa paggawa ng mga

bagay na ito. Dagdag narin dito ang pagnanais kong malaman kung balanse pa ba ang

kanilang pananaw sa kahalagahan ng edukasyon at sa panandalian nilang kasiyahan at

maituro sa mga libo-libung kabataan na nahuhumaling sa paglalaro ng kompyuter

games. Batid kong mahalagang malaman ito ng mga manlalaro upang mabigyan ng

limitasyon ang sarili sa paglalaro nito.

Depinisyon ng Termino.

Ang mga salitang ginagamit sa Pag-aaral na ito ay binigyan ng kahulugan ayon

sa istandard na depinisyon o konsepto at operasyonal upang madaling maintindihan.

● Computer games - Mga laro pinapagana sa kompyuter.

● Kompyuter o Computer – Isang aparato na nagmamanipula ng mga

impormasyon at nag bibigay ng resulta batay sa lohikal na program o

proseso, Ginagamit ng Estudyante sa pananaliksik ng impormasyon.

● Kompyuter Shop o Internet shop - Pinupuntahan ng mga manlalaro o

estudyante upang mag-laro o magresearch.

● Kabataan - ito ang ginagamit bilang respondent.

● Manlalaro - pumupunta sa kompyuter shop upang maglaro. O mga tao

Na naglalaro ng mga electronic video games ng regular. May malalim na

kaalaman sa isa o higit pang uri na laro.

● Estudyante - mag - aaral sa eskwela, natututo sa leksyon ng guro at

karaniwang nahuhumaling sa mga computer games.

● Internet – Isang lugar sa virtual world kung saan ang mga computer

sabuong

mundo ay magkakonekta at nag bibigayan ng impormasyon na bukas sa


publiko.(wikianswers.)

● Teknolohiya – Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang

kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga

kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa

paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang

teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.

● Adiksyon sa kompyuter Games – Ang subrang pagkahumaling

ng isang indibiwal sa larangan ng paglalaro gamit ang

computer,kadalasan mahirap na itong iwasan lalo na't kung hindi

mapigilan ang isang manlalaro.

TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat ng Pahina . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . I

Pasasalamat . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . II

( KABANATA 1 )

Ang Suliranin at Kaligiran nito,Mga kaugnayan na pag-aaral at

literatura.

Sanligan ng Pag-aaral ---------------------------------------------- 1- 2

Paglalahad ng Suliranin ----------------------------------------------- 3

Haypotesis ------------------------------------------------------------- 4
Kahalagahan ng Pag-aaral ----------------------------------------- 5-6

Depinisyon ng Termino ------------------------------------------------- 7–8

Kaugnayan ng pag-aaral ---------------------------------------------------- 9

Kaugnayan ng Literatura ---------------------------------------------------- 10

Pasasalamat

Isang malaking pasasalamat sa mga taong walng pag-

alinlangang tulongan kami sa pananaliksik na ito. Nagpapasalamat kami ng

lubos na kaibigang si Chao chao sa pagtulong kung paano at ano ang

gawin sa pananaliksik nito, at lalong-lalo na kay Ms. Breechie Bayona sa

pagtulong, at mga kaklase at iba pang mga kaibigan na gumabay saamin

sa pagsagot nito, kung wala kayo di namin to mabubuo ang

pananaliksik naito at mga pamilya namin at sa panginoong diyos sapag

gabay niya at sapag bigay ng tatag na loob upang gawin itong pananaliksik.
Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang mga networking websites na nakikita sa Internet at mga

computer games ay isa sa mga dahilan kung bakit ang mga mag-aaral

ay nawawalan ng gana sa pag-aaral , dahil sakahiligan ng mag surfing

sa net mag update ng mga Facebook, Instagram at maglaro ng

online/offline computer games.

Itong Internet ay napakalawak ng kakayanan o kaalaman ang

kaya nito lalong lalo na kung may kaibigan o kapamilya kang nakatira

sa ibang bansa kaya nitong makipag komunikasyon gamit ang mga patok

na website ngayon tulad ng Facebook at marami pang mga website. Ang isa

sa pinaka sikat na website sa panahon na ito, Ang Facebook, na Itinatag ni

Mark Zuckerberg ay isang website na libre ang pagsali at pinapatakbo ng

Facebook, Inc. kaya maraming mga estudyante ang nahubhumaling nito


dahil sa makakapag komunika ka gamit ang website na gawa ni mark. At

sa Larangan ng Laro ang pinakasikat na Online Computer games dito sa

Pilipinas ay ang DOTA Tila mag kaiba na ang larawan ng kbataan noon sa

larawan ng kabataan ngayon. Sa pagdaan ng panahon at pag-unlad ng

teknolohiya, ang mga hilig ng kabataan ay nag-iiba rin. Marami rin namang

maituturing na benepisyo ang computer sa buhay ng tao. Inipapakita nito

na ang teknolohiya ay siguradong makakatulong sa buhay ng tao sa antas

ng karunungan, sapagkat maraming kaalaman ang maaaring makuha mula

sa paggamit ng computer.

(http://sichristian.multiply.com/journal/item22/Bakit_Nahuhumaling_ang_mga_kab

ataan_sa_COMPUTER_GAMES).

Tulad ng isa sikat na Online Game na tinatawag na “Counter Strike.”,

ito daw ang isang larong video na nagsumula sa isang modipikasyon para

sa larong Half-Life. (Wikipedia) Inulunsad ito noong hunyo 1, 1999 sa mga

kompyuter sa buong mundo. Ang mga naglalaro nito ay gumaganap bilang

mga terorista. Mga pulisya at sundalo na naglalaban-laban sa isang lugar.

Sa ilang tahanan at Computer Shops ay may larong ito na

kinahuhumalingan ng mga kabataan. Upang makapaglaro ang isang tao

nito ay kinakailangan nila ang serbisyo ng Internet. Nang dahil sa

teknolohiya, mas mapaunlad pa ang larong ito. Ito ay maaari na ring I-

download at bilhin ng inline upang magamit sa iba't-ibang gadgets o

instrumento sa paglalaro katulad ng Play station, PSP, XBOX, atbp. Dahil

dito, mas lalo pang nahumaling ang ilang kabataan na laruin nito. Sa
panahon ngayon, hindi maiiwasan na hindi mo makikitang bakante ang

bawat computer shops dahil sa paglalaro ng mga kabataan ng online

games. Maaari itong makaapekto sa kanilang pag-aaral, kalusugan o pag-

iisip kung sila ay magiging mapagmalabis sa paglalaro. Masarap maging

bata sa panahon na ito dahil nga labis na napakaraming bagay ang

maaring gawin para malibang . Ang mga makabagong teknolohiya ay

nagbibigay daan upang matuklasan ang iba't-ibang bagay na maaring

magawa ang isang bata di tulad noong panahon ng kanilang mga

magulang. Sa pamamagitan ng computerat internet ay mas madali na ang

pagkuha ng impormasyon na kanilang kinakailangan sa pang araw-araw na

buhay. Ito rin ang nagkakapagbigay ng aliw at ligaya sa mga bata. Sila

ngayon ay maari nangmakarinig ng kanilang paboritong mga kanta,

manuod ng kanilang panoorin at maglaro ng kanilang mga paboritong laro

sa oras ng kanilang ninanais.

(http://digitalbatangpinoy.icafepilipinas.org/2010/02/15/masarap-

magkompyuter-di-ba/).

Kung noong araw ay kinakailangan pang maghanap ng kalaro sa labas ng

bahay upang magkaroon ng kasiyahan, sa makabagong panahon ang

kailngan lang gawin ay pindutin ang mga buton sa computer at ikaw ay

maari nangmakakita ng mga klaro sa kahit saan panig ng daigdig. Ganyan

kadali ngayon ang buhay ng mga tao ngunit lubusan din ba itong
makatutulong sa atin ?

Ang computer, video games at internet ay naging bahagi na ating

buhay. Hindi lamang ito ay ginagamit sa pagtatarbaho at ngayon ito ay ang

nagiging daan para sa pagsasaya at kaalaman sa maraming tao. Para sa

karamihan ay maayos nilang nababalanse ang paggamit nito pero para sa

iba ito ngayon ay nagiging isang malaking problema na.Kailan ba talaga

pwede nating sabihin na mayroon nang problema ang isang tao mula sa

paggamit ng computer, paglalaro ng video games at pag surf sa internet?

Mayroon ba tayong batayan para sabihin na nag isang tao ay addict na sa

paggamit ng mga makabagong teknolohiya? Maari nating masabi na ang

mga unang bagay na iyong mapapansin kung ikaw ay may problema

tungkol sa iyong paggamit ng makabagong teknolohiya ay kung ito ay

nagiging hadlang na sa iyong paggawa ng pang araw-araw na pamumuhay.

Kung iyong napapansin na karamihan na lang ng iyong oras ay iyong

ginugugol sa paggamit ng computer, paglalaro ng computer games at

paggamit ng internet. Para sa amin, hindi possible na ang lahat ng bagay

ay kahalagahan lamang ang ibinibigay. Bilang paghahalimbawa sa laring

Counter Strike. Katulad ng nabanggit na bunga ng teknolohiya, mahalaga

na malaman ng bawat isa na ang kahalagahan o benipisyo at limitasyon o

hindi magandang epekto nito. Isang malaking suliranin sa mga tao ang

hindi maging balanse sa paggamit ng mga bagy-bagay tulad ng paglalaro

ng Online Games. Mahalaga din sa bawat isa ang madagdagan ang ating
kaalaman ukol sa mga produkto ng teknolohiya at maging mulat sa

katotohanan ng ibinibigay nito sa atin. Sa pamamagitan ng teknolohiya,

dito umusbong ang paglikha at pag-unlad sa makabagong kagamitan. Ang

lahat ng bagay ay may pinagmulan at pagbabago. Tulad ng kompyuter,

alam natin na bago itp naging isang ganap na gadyet, madaming taon

muna ang lumipas bago ito nabuo. Sa pagpasok ng ika-20 siglo, nag simula

ang panahon ng Electronic Devices. Ayon sa Computer , sa paglipas lang ng

ilang dekada ito ay lumago at nakilala at naging isang pangkaraniwang

bahagi na ng pangaraw-araw napamumuhay ng tao ang kompyuter. Isa

itong aparato na nagpapagaan ng gawain ng isang tao. Ang salitang

computer ay nangangahulugan noon na paraan at proseso.

Mga Kaugnay na Literatura

You might also like