Professional Documents
Culture Documents
1. Malaman kung hanggang saan ang kaalaman ng mga mag-aaral at magulang sa mga naidudulot ng
computer.
2. Malaman ang pananaw ng mga mag-aaral sa kasalukuyang umiiral na problema tungkol sa panloloko
gamit ang social networks.
4. Malalaman ang mga dapat gawin upang ang nakikitang mga problema ay gamitin upang mas
mapaunlad ang pag-aaral .
LAYUNIN NG PAG-AARAL:
METODOLOHIYA Ang isinagawang pag-aaral ay gumamit ng Palarawang uri (descriptive ) ng
pananaliksik , sapagkat sumasaklaw ito sa kasalukuyang kalagayan ng lga mag-aaral tungkol sa paggamit
ng kompyuter . Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagrereview at pagsusuri sa mga nauna nang pag-
aaral ng mga eksperto . Ginagamitan ito ng interbyu , interpretasyon at obserbasyon upang matiyak ang
katiyakan at katumpakan ng mga nakalap na datos . Isinama sa pag-aaral ang ilang mga magulang at
batang kakilala / kapitbahay na madalas gumagamit ng kompyuter , sila ay nasa edad na anim pataas na
taga goco/gulaman , western bicutan, taguig.
METODOLOHIYA
OUTPUT:
OUTPUT Matapos ang masusing pag - aanalisa atp ag- uugnay nito sa pag - aaaral na isinagawa ng ilang
eksperto , ang mga sumusunod ang naging konklusyon : Sa panahon ngayon , marami talagang mga mag -
aaral ang nahuhumaling sa kompyuter kahit na alam nila ang mga hindi kabutihang naidudulot nito . Ilan
naman sa mga magulang ang nagbibigay ng masamang interpretasyon sa kasamaan na naidudulot ng mga
kompyuter . Naisassaisang tabi ang kakayahan at kapangyarihan ng teknolohiya upang mapaunlad ang
buhay ng tao dahil sa lga ganitong nosyon .
Ang kolehiyo at hayskul ang kritikal na panahon kung saan mas marami ang nauugnay sa kompyuter .
Kung pagsasamahin , malaki ang pera na nauubos ng kabuuang bilang ng respondent sa kompyuter games
at sa iba pa sa loob ng isang lingo. Bagamat ang ilan sa kanila ay mayroon nang sariling kompyuter sa
bahay , gumugugol parin sila ng pera upang magrenta ng kompyuter sa mga kompyuter shops
Ang paglalaro ng mga Computer Games, social networking at sa internet surfing ay hindi
nangangahulugan na pagbubulakbol o pagpapabaya sa pag-aaral . Base sa mga sagot ng mga
respeondente , mayorya sa kanila ang may magaganda o katamtamang marka sa mga paaralan . Positibo
pa rin ang pananaw ng pga respondent sa kakayahan ng teknolohiya na linanginang mga kakayahan at
kasanayan sa mga mahihirap na larangan ng akademiko
REKOMENDASYON:
REKOMENDASYON Batay sa mga nabanggit , ang mga sulusunod ang iminingkahi : Para sa mga
magulang , maglaan ng oras para sa inyong mga anak dahil may mga kabataan na naglalaro upang
makalimot sa problema sa kanilang magulang . Halimbawa , ang pangangamusta sa kanilang pag - aaral ,
kung sila ba ay may magandang grado o medyo nahihirapan , at sa pagtatanong kung mayroon silang mga
problema , marahil baka hindi niyo alam na kayo pala ang problema ng inyong mga anak . Pag- usapan
ninyo ng anak ang nilalaman ng laro . Ibigay ang iyoong pananaw tungkol sa mga isyu na maaaring
mabuo . Kailangang mauna muna ang mga takdang-aralin , mga gawaing pang akademiko at mga trabaho
sa bahay bago ang paglalaro . Huwag hayaan ang Cyber World na pumalit sa mga gawaing social at
pisikal .
Para naman sa mga kabataaan , alam natin ang kasabihang “Time is Gold”. Matuto tayo na gamitin ang
wasto an gating mga oras . Kaysa sa pag-uubos ng oras sa paglalaro ng iba’t-ibang kompyuter games,
internet surfing, social networking, may mga bagay - bagay na lubos na makakadulot sa atin ng kabutihan
kung paglalaanan natin ito ng oras . Ilan sa mga ito ay pag-aaral ng inyong mga leksyon , pagbabasa ng
mga mabubuting babasahin , at pagsasagot ng inyong mga takdang aralin . Ang mga ito ay napatunayang
nagpapahasa ng dunong o talinong maaari nating gamitin ngayon at kinabukasan .
Sinasabi na isa sa malaking salik kung bakit nahuhumaling ang mga kabataan na maglaro ng mga
kompyuter games , internet surfing at social networking ay dahil sa impluwensya ng kanilang mga
kkaibigan o mga kabarkada . Ibat iba ang uri ng mga kaibigan , ilan s alga ito ay idadala ka sa kabutihan o
sa madaling sabi , mga “Good Influence” na kaibigan , samantala ang iba naman ay isasama ka sa mga di-
kabutihang bagay o yung mga “Bad Influence” nakaibigan . Matutong umiwas sa mga masasamang
halimbawa . Kung kinakailangan ay lumayo sa kanila at humanap ng ibang mabubuting kaibigan
Magkaroon ng iba pang mapagkakaabalahan kaysa sa paglalaro ng kompyuter . Maaaring lumahok sa ibat
ibang organisasyon sa inyong komunikasyon na kakayahan , at nagpapatatag ng inyong kakayahang
mamahala . Mahirap ang panahin natin ngayon . Maraming mga tao ang hindi na nakakakain ng tatlong
beses sa isang araw , kung kayat matuto tayong magtipid . May kasabihan nga tayong mga Pilipino, “
Lahat ng labis ay nakakasama ”. Samakatuwid , ang madalas na paglalaro ng kompyuter games ay
nakakasama rin . Matutong paglaanan ng pera , ang mas importanteng bagay tulad na lamang ng pagbili
ng makakain .