You are on page 1of 2

Internet : Abot-kamay Lahat ng Bagay

Ang internet ay isang instrumento na hatid ng makabagong teknolohiya. Sa aking

palagay, kung ating pagbabatayan ang buhay sa kasalukuyan, ang internet ay isa sa

pinakamahalagang biyaya ng teknolohiya dahil sa magagandang naidulot nito sa

pangkalahatang pamumuhay ng mga tao.

Sa panahon ngayon, “lahat ng bagay ay possible at abot-kamay na lamang dahil sa

mura at mabilis na internet (Ukol, 2009).”

Una sa lahat, napapadali ng internet ang pamumuhay ng mga mamamayan sa larangan

ng komunikasyon, negosyo, at pang araw araw na transaksyon. Napapadali nito ang pakikipag

ugnayan ng mga tao sa bawat isa sa pamamagitan ng mga social networking sites tulad ng

Facebook, Twitter, Instagram at Tiktok. Ang mga ito ay nagsisilbing daan upang maipahayag

ang sariling kaisipan at opinion. Nakakatulong naman ito sa larangan ng negosyo dahil sa mga

online application na nagbibigay pagkakataon upang magkaroon ng malawak na plataporma sa

pagmamarket ng produkto na maaring ibenta. Ang internet ay nagpadali sa pamumuhay ng

mga tao dahil sa maari na gawin online ang mga pangunahing transaksyon tulad ng online

banking, shopping at bills payment na ilan lamang sa mga ito. Ikalawa, malaki ang

kontribusyon ng internet sa larangan ng edukasyon. Mahalagang tandaan na nung dumating

ang pandemya na kung saan kinailangan maging online learning ang sistema ng edukasyon,

naging malaki ang papel ng internet upang matugunan ang pangangailangan ng mga kabataan

upang maipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng mga aplikasyon tulad ng Zoom,

Google classroom at Google Teams. Sa pag-aaral ni Cavan Jr., 2021, natuklasan na malaki

ang papel na ginampanan ng internet sa paraan ng pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng

mag-aaral pagdating sa edukasyon online. Karagdagan pa nito, ay ang malawak at saganang

mga impormasyon na madaling makikita sa internet na nagagamit ng mga mag-aaral para sa

pananaliksik. Maliban dito ay lumalawak din ang kaalaman na natataglay ng kabataan ukol sa

mga impormasyo na hindi nasasakop ng kanilang pag-aaral. Pangatlo ay ang kahalagahan ng

internet sa globalisasyon at ekonomiya ng bansa. Mahalagang tandaan na ang kalakalan sa


labas ng bansa ay naging madali dahil sa internet. Maliban dito ay lumawak rin ang kaisipan ng

tao pagdating sa kultura at makabagong inobasyon mula sa ibang bansa. Isa pang

mahalagang dulot ng internet ay ang pagkakaroon ng oportunidad ng mamamayan pagdating

sa trabaho sa labas ng ating bansa na nagbigay ng katiwasayan sa kabuhayan.

Subalit sa kabilang banda, ay mayroon din masamang naidudulot ang teknolohiya ng

internet kung ito ay nagagamit ng hindi tama. Mababatid na sa panahon ngayon ay mas

marami ang kabataan na naaadik sa online games at sa paggamit ng mga social media

platforms (Bay, 2015). Karagdagan pa dito ang datos na inilabas ng Pew Research Center na

nagpapakita na 40.6% ng mga kabataan ang nagkakaroon ng problema sa pagtulog dahil sa

kanilang adiksyon sa social media at 35% naman na mga kabataan ang nakakaranas ng

cyberbullying.

Sa kabuuan, masasabi na isa sa pinakamahalagang dulot ng teknolohiya ang internet.

Mas matimbang ang kagandahang naihahatid ng internet kumpara sa masamang epekto nito.

Sa kabila ng negatibong epekto ng internet, ito naman ay maaring solusyonan sa pamamagitan

ng tamang paggamit nito.

You might also like