You are on page 1of 3

Kasabay ng pag ikot ng mundo,

Teknolohiya’y panay din ang paglago,


Kapakipakinabang na makabagong kagamitan,
Mabilis na komunikasyon at madaling pagkalap ng
impormasyon ang hatid sa lipunan.

Mula sa simpleng text at pagcall gamit ang selpon,


Patungo sa makabagong video call sa panahon ngayon,
Sa dating paghahanap ng impormasyon gamit ang mga
libro,
Patungo sa internet na mas mabilis at epektibo
Ang pag-unlad ng teknolohiya ay isang malaking bagay
kung maituturing,
Dahil kasabay nito’y mas napapadali ang ating mga
gawain,
Mula sa simpleng pangangalap at pagbibigay ng
impormasyon,
Patungo sa pagkakaroon ng mabilis na komunikasyon,
makabagong teknolohiya ang tanging solusyon.

Liham ay di na kailangan upang makipag usap sa mga


taong nasa ibang bansa,
Sapagkat selpon, laptop at tablet ay nariyan upang
komunikasyon ay mabilis na maisagawa,
Magbasa ng dyaryo ay di na kailangan upang makialam
sa mga balita,
Sapagkat isang pindot na lamang ang mga impormasyon
sa internet at social media.
Letter

Ang sigalot sa teritoryo ng China at Pilipinas ay madali


lamang maiiwasan kung ang bawat bansa ay magiging
bukas sa maayos na usapan. Kung saan, nararapat na
panatilihin ng dalawang bansa ang konsepto ng
pagbibigayan at ang pinakamahalaga ay sumunod kung
ano ang nasa batas at ang tama. Base sa pandaigdigang
batas, nakasaad, na sakop ng Piliinas ang West Philippine
Sea kung kaya’t dapat na ito’y igalang ng bansang China.
Dahil naniniwala ako, na lahat ng bagay ay maaaring
idaan sa payapang usapan, na walang nasasaktan at
naapakang mga karapatan.

You might also like