You are on page 1of 1

Ilang taon na rin ang lumipas, ginagamit pa rin natin ang liham bilang pangunahing

paraan upang makipag-ugnayan. Ngayon mayroon na tayong mga teknolohiya o mga


makabagong kagamitan na ginagamit upang mas mapadali ang ating pakikipag-usap sa isa’t isa.
Isa sa magandang naidudulot ng pag-unlad ng teknolohiya sa pakikipag komunikasyon ay mas
napapabilis nito ang pag-tanggap ng mensahe kahit na napakalayo, kahit na ilang milya, sa isang
pindot mo lamang ay matatanggap na ng isang tao ang mga mensahe na iyong ipinadala.
Nakakatulong din ang makabagong teknolohiya sa negosyo, lalo na at karamihan sa mga
mamamayan ay mahilig sa tinatawag na “Online Shop” na kung saan pwede kang mag benta ng
kung ano-ano gamit ang “Internet”. Maging sa trabaho ay labis na nakakatulong ang modernong
komunikasyon sapagkat malaki ang ambag nito sa mga opisina lalo na sa mga kumpanya na
ginagamitan ng modernong pakikipag usap kagaya ng “Call Center”. Ngunit lahat ng mabuti ay
may masama ding naidudulot, Isa sa mga ito ay ang pagka-wala ng “Social Life” ng isang
mamamayan.Sapagkat lahat ng usapan ay nagaganap lamang sa telepono o selpon lamang, dahil
doon nawawalan ang isang tao ng interes upang makipag kwentuhan o makipag uap ng personal
sa mga nakakasalamuha nito. Isa pang masamang dulot nito ay ito’y nakaka adik o tila ayaw ng
bitawan ang selpon sapagkat sa abilidad nito na madaling ma-akses at ibat-ibang nilalaman na
nakaka apekto sa mentalidad ng gumagamit nito.

You might also like