You are on page 1of 9

GAMIT NG TEKNOLOHIYA SA

KAUNLARAN
GROUP 3 PRESENTATION
PAANO NGA BA NAKAKATULONG ANG
TEKNOLOHIYA SA BUHAY NATIN?

• Sa bawat pag unlad ng teknolohiya may dala rin itong pagbabago sa atin
mapasama man o mapabuti. Ang kakayahan ng makabagong teknolohiya ay
gawing mas produktibo, mabilis at palagiang tama ang ibinibigay na resulta
ng anumang pinag gagamitan nito, isa lamang itong katibayan na ang
teknolohiya ay may malaking kontribusyon sa pag unlad ng bansa.
• Sa pagdaan ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na
‘globalisasyon’, at patuloy na umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya.
At sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay masasabing nakasasabay na
tayo sa kaunlaran at makabagong teknolohiya ng mauunlad na bansa
• Dahil sa makabagong teknolohiya, naging mas madali ang pagtuklas sa mga
kaugnay na impormasyon sa anumang oras at kahit saan. Ito ay naging
posible dahil sa mga makabagong teknolohiya tulad ng broadband internet.
Ang impormasyon ay ang kapangyarihan, at ang mga taong makakahanap ng
impormasyon at gagamitin ito ng mahusay, ay laging magtatagumpay.
• Ang computer ay nakatulong ng malaki sa ating mga mag-aaral lalung-lalo na
sa aspeto ng pananaliksik at pagtuklas. Hindi mo na kailangang maghalukay pa
ng sandamukal na mga aklat para kumuha ng mga kakarampot na
impormasyon sa bawat libro. Hindi mo na kailangang maghalungkat sa
maalikabok na mga silid-aklatan upang maghanap ng mga datos na
kinakailangan sa iyong takdang aralin. Puntahan mo lang ang google, iencode
mo lang ang topik na hinahanap mo, mag-antay ka lang ng ilang sandali, at
makikita mo na ang iyong hinahanap.
MGA KALIMITANG GINAGAMIT NA
TEKNOLOHIYA

Cellphones Internet Laptop


EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA
TRANSPORTASYON

• Dahil dito mas napapadali tayong makarating sa ating patutunguhan ng


walang hassle dahil rin sa teknolohiya mas madali nating napapadala o
nauungkat ang ating mga produkto sa ibang bansa at mas madali na ang
world trade sa ngayon dahil sa ating makabagong teknolohiya. Malaki talaga
ag nagagawa at naitutlong ng teknolohiya sa atin sa kahit anong aspeto ng
ating buhay. ngunit para maiwasan ang mga komplikasyon dapat alamin
natin kung paano ito gamitin ng tama.
• Malaki ang epekto ng teknolohiya sa komunikasyon dahil dito mas
napapadali ang paghahatid ng mensahi kahit nasa malayo ang padadalhan
nito. Kapg mahina ang komunikasyon maari magkaroon ng agwat ang
dalawang tao ngunit dahil sa makabagong teknolohiya napapadala nito ng
maayos ang mga mensahi ng bawat isa.
• Sa tanang kasaysayan ng edukasyon ay malaki na ang naiambag ng teknolohiya. Sa
katunayan, ang teknolohiya ang isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang pag- aaral
ay nagiging madali, mabilis, at mabisa. Kung kaya’t napakaraming mag-aaral ang
sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral. Mas napapadali ang pag kuha ng
impormasyon ng mga mag aaral. Ngunit may negatibo ring epekto ang teknolohiya dahil
dito mas tinatamad na ang mga studyanteng mag basa ng mga libro dahil dumedepende na
sila sa teknolohiya, katulad nalang sa kompyuter dahil mas madali nalang makakuha ng
impormasyon hindi na binabasa ng mga mag aaral ang ginagawa nalang nila ay “copy
paste” dahil dito wala na silang maintindihan sa kanilang ginagawa.

You might also like