You are on page 1of 1

Makabagong teknolohiya

Sa pagdaan ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na ‘globalisasyon’, at patuloy na umaangat at umuunlad ang
ating teknolohiya. At sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay masasabing nakasasabay na tayo sa kaunlaran at makabagong
teknolohiya ng mauunlad na bansa.Ang makabagong teknolohiya ay isa ng bahagi ng pang araw-araw na buhay ng isang tao.
Ginagamit natin ang teknolohiya sa halos lahat ng dako. Cell phone, computer, laptop, smart boards, mga sistema ng GPS, at iba pa.
Lahat ng iyan ay nagmula sa teknolohiya. Ito ay tumutulong sa atin araw-araw, sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng
impormasyon at maginhawang pamumuhay. Ang teknolohiya ay mabilis at ito ay tumutulong sa ating ekonomiya.

Dahil sa makabagong teknolohiya, naging mas madali ang pagtuklas sa mga kaugnay na impormasyon sa anumang oras at
kahit saan. Ito ay naging posible dahil sa mga makabagong teknolohiya tulad ng broadband internet. Ang impormasyon ay ang
kapangyarihan, at ang mga taong makakahanap ng impormasyon at gagamitin ito ng mahusay, ay laging magtatagumpay.Hinihikayat
ng makabagong teknolohiya ang mga makabagong ideya at ang pagiging pagkamalikhain. Ito ang nagsisilbing ilaw ng isipan upang
gumana sa buong potensyal nito. Sa nakaraan, mahirap magsimula ng negosyo. Ngayon, ang pagsimula ng negosyo ay napakadali na
lamang at pwede kang magkaroon ng negosyo habang ikaw ay nasa bahay lamang. Ang computer ay nakatulong ng malaki sa ating
mga mag-aaral lalung-lalo na sa aspeto ng pananaliksik at pagtuklas. Hindi mo na kailangang maghalukay pa ng sandamukal na mga
aklat para kumuha ng mga kakarampot na impormasyon sa bawat libro. Hindi mo na kailangang maghalungkat sa maalikabok na
mga silid-aklatan upang maghanap ng mga datos na kinakailangan sa iyong takdang aralin. Puntahan mo lang ang google, iencode
mo lang ang topik na hinahanap mo, mag-antay ka lang ng ilang sandali, at makikita mo na ang iyong hinahanap.

Nawa’y matutunan natin gamitin ang mga makabagong teknolohiya tungo sa kaunlaran. Nawa’y gamitin nating mag-aaral
ang mga teknolohiyang ito sa edukasyon. Hindi ba’t edukasyon ang natatanging kayamanan na hindi mananakaw ninuman? Ito ang
natatanging pananggalang sa lahat ng pagsubok ng buhay. Ang isang taong edukado ay isang taong maalam sa buhay.Masasabi natin
na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating
tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring
makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan.

You might also like