You are on page 1of 1

TEKNOLOHIYA-POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTO NITO

TIYAK NA PAKSA/SULIRANIN/TANONG NG PANANALIKSIK

Ang artikulong ito ay tumatalakay sa mga positibo at negatibong epekto ng


teknolohiya sa ating buhay. Sa kasalukuyang panahon, hindi na mapipigilan ang
paglago ng teknolohiya at halos lahat ng bagay sa ating paligid ay bunga ng
teknolohiya. Nakadepende na tayo sa teknolohiya para sa ating pang-araw-araw na
gawain at may mga magandang bunga ito tulad ng mas mabilis na transportasyon
at mas mabilis na pakikipag-ugnayan sa ating mga mahal sa buhay kahit na
malayo sila. Isang malaking tulong din ang teknolohiya sa mga mag-aaral dahil sa
internet, mas madaling mahanap at makuha ang mga impormasyon na kailangan
nila para sa kanilang pag-aaral.

METODO/PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

BUOD NG PANGUNAHING KAISIPAN/DATOS

Ang mga positibong epekto ng teknolohiya sa buhay natin ngayon ay


kabilang ang mas mabilis na komunikasyon at konektibidad, pagpapadali ng mga
gawain, pag-access sa impormasyon at edukasyon, mas madaling makapag-
communicate at makapagpalitan ng impormasyon sa malayo o kahit saang sulok
ng mundo. Sa kabilang banda, may mga negatibong epekto rin ng teknolohiya sa
buhay natin. Halimbawa na rito ay ang pagiging tamad ng mga tao at ang
posibilidad ng pag-abuso sa teknolohiya lalo na sa mga kabataan na maaaring
magdulot ng mga sakit sa katawan tulad ng pananakit ng ulo at mata, at maaring
magdulot ng kakulangan sa aktibidad at ehersisyo. Sa pang-araw-araw na buhay
natin, napakahalaga ng teknolohiya dahil nagpapadali ito ng ating mga gawain at
nagbibigay ng mas mabilis at mas epektibong solusyon sa iba't ibang problema sa
buhay dahil nagbibigay ito ng maraming benepisyo sa atin sa iba't ibang aspeto ng
buhay. Subalit, dapat din nating maging responsable sa paggamit nito upang
maiwasan ang mga negatibong epekto nito sa atin at sa ating lipunan.

You might also like