Professional Documents
Culture Documents
Argumentative Essay About Technology Outline
Argumentative Essay About Technology Outline
I. Introduction
Kasabay ng mabilis na pag-usad ng panahon ay ang mabilis na pagbabago sa mundo pati na rin sa
saloobin ng kaluluwa ng mga tao. Ang pagkahayok ng bawat isa sa pagbabago ang siyang sanhi ng paskasilang ng
teknolohiya. Hindi maikakailang lumawak na ang kaalaman tungkol sa mundo at ito ay dahil sa modernong
panahon na kinabibilangan natin ngayon. Gaano na nga ba kalayo ang ating nilakbay at tila ba nakalimutan na ng
mga kabataan sa kasalukuyan ang mga bagay na kinagigiliwan nating gawin sa mga nakalipas na panahon? Sa
bawat sulok ng ating lipunan, makikita natin ang impluwensya nito sa ating araw-araw na buhay. Halos hindi
mabitawan ang mga gadgets na mas madaming oras pa ang inilalaan kaysa makipag interaksyon o gumawa ng mas
makabuluhang bagay. Ano ba ang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan ng modernong henerasyon? Nararapat
ba nating isisi sa teknolohiya ang unti-unting pagbabago ng pag-uugali sa tinatawag na “Pag-asa ng Bayan”?
panahon. Isa sa mga larangan na lubos na naapektuhan ng teknolohiya ay ang edukasyon. Subalit, mayroong
patuloy na pagtatalo kung ito ba ay kaibigan o kaaway sa proseso ng pag-aaral ng kabataan patungo sa
pagkakatuto. Maging ang paggawa ng mga takdang aralin sa paaralan ay “instant”. Hindi mo na kailangan
bumuklat ng libro at hanapin ang kasagutan dito bagkus kaunting type at click dito may “instant” kasagutan na sa
iyong takda. Nagiging makapal na ang alikabok ng iyong mga libro sapagkat nakulong na ang atensyon sa isang
Mapapansin na naging tamad na ang mga itinuturing na “Pag-asa ng Bayan”. Umaasa sa teknolohiyang
malapit ng kumain sa kanilang sistema. Mas maraming nailalaan na oras kumpara sa mga makabuluhang bagay na
maaaring gawin. Ang tanong ng karamihan ay paano nga ba magiging “Pag-asa ng Bayan” ang mga kabataan
kung sila mismo ay nahihirapang kumalas sa higpit ng yakap ng teknolohiya? Kung ang simpleng pagbuklat ng
libro para sa ating mga takda ay hindi natin magawa bagkus computer at mouse ang ating hawak sapagkat umaasa
II. Body
A. Advantages of Technology
B. Disadvantages of Technology
C. Counterarguments
III. Conclusion