You are on page 1of 1

DARLINTON BAHATAN FILIPINO SA PILING LARANG 12 HUMSS A

MAKABAGONG TEKNOLOHIYA

Magandang araw sa ating lahat, lalo na sa ating napakagandang guro. Ako po si Darlinton
Bahatan 17 years old. Nandito ako ngayon upang magbigay ng maliit na impormasyon tungkol sa
ating makabagong teknolohiya.

Sa ating panahon ngayon, ano nga ba ang ibig sabihin ng makabagong teknolohiya? Gaano
kalaki ang impluwensiya nito sa atin? Ano nga ba ang naidudulot nitong kabutihan at kasamaan?

Bago ko sagutin ang tanong kong ito, ay sisimulan ko muna ang aking talumpati. Sa ngayon
napakalaking bahagi ng teknolohiya sa ating pang-araw araw na buhay, halos nakadepende na tayo
dito. Sino nga ba sa atin ang hindi gumagamit ng makabagong teknolohiya? wala hindi po ba.
Nagiging parte na ng pan- araw araw na buhay natin ang teknolohiya, Malaki ang naitutulong nito sa
ating pag-unlad mapansarili man o mapakapwa katulad na lang ng pananatiling bukas ang
komunikasyon natin sa ating mga kapatid, kapamilya, at kapuso. Napapagaan din nito ang ating
pamumuhay gaya nalang ng pagluluto, pagaaral,pananaliksik at iba pa.

Eh paano kung sasabihin kong may masama rin itong epekto o impluwensiya sa atin. Isang
magandang halimbawa nito ay ang cellphone, computer at pati narin mga sasakyan. Sa cellphone at
sa computer maraming mga kabataan ang nalulong o na addict dito at binabalewala ang kanilang
pag-aaral. Nakakahiya mang sabihin pero isa ako sa kanila.

Ang teknolohiya ay nadiskubre upang makatulong sa atin, ngunit ito ay maaaring makabuti o
makasama sa ating pamumuhay. Tandaan ito ay nakadepende parin sa akin, sayo at sa ating lahat
kung paano natin ito gagamitin. Maraming Salamat po sa pakikinig ninyo sa aking maikling talumpati
tungkol sa ating makabagong teknolohiya. Lagi po nating tandaan na Ligtas Ang May Alam.

You might also like