You are on page 1of 4

MODERNISASYON AT TRADISYON

ni Ma. Teresa Padolina Barcelo

Handa ka na ba sa pagbabago at pagdating ng ika-21 siglo? Pinaghahandaan na nga ito, tunay ngang
abalang-abala na ang marami sa paghahanda sa ika-21 siglo. Sa kabila ng mga pag-aalinlangan, ito'y
nagsisilbing hudyat sa pagsilang ng mga inobasyon at tuklas sa makabagong kaalaman.

Ating nasaksihan kung paano pinaunlad ang ating pamumuhay sa pamamagitan ng agham at teknolohiya.
Teknolohiya! Tumpak, iyan ang kalakasan ngayon. Naniniwala ang marami na ang teknolohiya ay mahalaga
para sa kaunlaran ng ating bayan. Kitang-kita ang mga pagbabago, mga imbensiyon sa pamamagitan ng
teknolohiya. Ngunit nakalulungkot isipin na ang kapalit ng malawakang pagbabagong ito na para sa
modernisasyon ay nagiging daan sa paglimot at pagtalikod sa mga nakagisnang kaugalian.

Naririnig sa paligid ang iba’t ibang pananaw tungkol sa paggamit ng modernong teknolohiya. Maraming tao
ang matatalino dahil nakalilikha sila ng iba’t ibang kagamitan. Simulan natin sa imbensyon ng radyo at
telebisyon upang madaling makakuha ng balita at impormasyon. May LRT (Light Rail Transit) upang
mapadali ang pagpunta sa isang lugar nang hindi natatrapik. May kompyuter na ginagamit sa pananaliksik.
May mga telepono para mapabilis ang pakikipag-ugnayan sa iba. Usong-uso na rin ang paggamit ng
cellphone na kahit mahirap na tao ay nagpipilit ding makabili upang mapabilis ang pakikipagkomunikasyon.
May internet din na isang pandaigdigang network na gumagamit ng kompyuter na inuugnay sa mga linya ng
telepono.

Dahil sa mga teknolohiyang ito, talagang maraming kabutihan at kaginhawaang naibibigay ang mga ito.
Malaki nga ang kapakinabangan pero naisip din ba natin ang kasamaang dulot nito? Lahat tayo ay
naapektuhan sa di-mabuting dulot nito. Nawawala na ang ganda ng kalikasan. Kabi-kabila na ang polusyon.
Ang iba ay naging tamad na dahil sa teknolohiya. Marami ang umaabuso sa paggamit ng teknolohiya.

______________________________________________________________________________

Dahil sa patuloy na modernisasyon, naibabaon sa hukay ang mga pinaghirapang pamana sa atin ng ating mga
ninuno. Nabago na pati ang tradisyong dapat ay ating iniingatan.

Sa bilis ng pagtakbo ng ating pamumuhay, ang babagal-bagal ay maiiwan. Ito na ang bagong prinsipyo sa
kasalukuyan, kaya naman naitutuon natin ang ating atensiyon sa ating mga sarili lamang. Wala na tayong
panahon na intindihin ang kapakanan ng iba dahil abala tayo sa ating sarili. Nais nating makasabay sa
mabilis na pagbabago kaya't isinasantabi natin ang pangangailangan ng iba.

Hindi masama ang pag-unlad at pagbabago. Ito'y nagpapakita na tayo'y may kakayahan at talinong
umangat sa ating mga pamumuhay. Ngunit ang pagbabago ay hindi paglimot sa mabuting asal at kaugalian o
di kaya'y pagtalikod sa nakaraan. Bagkus ito ay pagpapatuloy ng tradisyon ng pakikipagbayanihan at
pagiging kontento sa simpleng pamumuhay, sapat at di naman salat. Kaya't sa makabagong panahong ito,
huwag nating hayaang matangay ang sarili sa pagbabago. Walang kabuluhan ang modernisasyon kung ang
mamamayan ay di-nagpapahalaga sa mahahalagang kaugalian, mga kaugaliang naging pundasyon ng lipunan.

Kasamaan o kabutihan man ang dulot nito, nasa sarili pa rin natin ang tamang pagdedesisyon. Gamitin natin
sa tamang lugar at panahon ang mga imbensiyong ito dahil nakatutulong ito upang maisulong ang pag-unlad
ng ating bansa.

Gawain 1
Panuto: Kilalanin at salungguhitan ang mga pahayag o salitang nanghihikayat sa sumusunod na mga
pangungusap.

1. Tunay ngang mahalaga ang edukasyon kaya nararapat na ipagpatuloy pa rin ang edukasyon ng mga mag-
aaral sa kabila ng pandemya.

2. Totoong mas napalalim ang samahan ng pamilyang Pilipino dahil sa pagkakaroon ng mahabang oras na
makasalamuha ang pamilya ngayong panahon ng pandemya.

3. Ang paggamit ng modyul ay siguradong makatutulong upang patuloy pa rin ang pagkatuto para sa mga
kabataang walang akses sa internet.

4. Sa panahon ngayon, talagang kailangan nating panatilihing malakas ang ating resistensiya.

5. Naniniwala akong sa kabila ng pandemyang nararanasan natin, nananatili pa rin ang pagkakaisa at
pagtutulungan.

Gawain 2
Panuto: Punan ng wastong salitang nanghihikayat ang pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng
panaklong at isulat sa patlang upang mabuo ang pahayag.
1. Pinaghahandaan na nga ito, ____________________ abalang-abala na ang marami sa
paghahanda sa ika-21 siglo. (tara, tunay ngang)
2. Ating nasaksihan kung paano pinaunlad ang ating pamumuhay sa pamamagitan ng
agham at teknolohiya. Teknolohiya! ____________________, iyan ang kalakasan
ngayon. (tumpak, pero)
3. ____________________ ang marami na ang teknolohiya ay mahalaga para sa kaunlaran
ng ating bayan. (naniniwala, kaya natin ito)
4. Dahil sa mga teknolohiyang ito, ____________________ maraming kabutihan at
kaginhawaang naibibigay ang mga ito. (talagang, ito na)
5. Gamitin natin sa tamang lugar at panahon ang mga imbensiyong ito dahil
____________________ nakatutulong ito upang maisulong ang pag-unlad ng ating
bansa. (siguradong, subalit)

You might also like