You are on page 1of 2

Alam mo ba?

Ang dula ay isang uri ng akdang pampanitikan. Nahahati ito sa mga yugto na maraming tagpo. Layunin
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa
mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong pangyayari sa buhay, maliban na lamang sa iilang dulang gawa
ng malikhain at malayang kaisipan. Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na iskrip.
Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood sa
isang tanghalan, pinaghahandaan, may batayan at binibigyang-buhay ng mga tauhan. Ang dula sa ating
bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng ating tradisyon, mga tradisyong
nagbibigay ng katauhan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang
Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga mandudula: ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa
lahat, bigyang-buhay ang mga pangyayari sa buhay nating mga Pilipino.

Ang telebisyon ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino, ay sistema ng paghahatid ng mga hulagway o eksena sa
pamamagitan ng pagbabago ng sinag ng liwanag tungo sa elektronikong impulse na muling binabago tungo sa
sinag elektron ng tumatanggap na set upang lumitaw ang orihinal sa iskrin nito o sistemang
telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa
kalayuan. Kung kayà’t ang dulang pantelebisyon ay tumutukoy sa mga programang palabas sa telebisyon o
mga produksiyon sa midya. Inilalarawan nito ang mga damdamin, emosyon, at pananaw ng mga tao sa
partikular na bahagi ng kasaysayan ng isang lugar, tao, pook o pangyayari. Ang mga dulang pantelebisyon
ay tunay ngang bahagi na ng buhay ng mga Pilipino dahil halos araw-araw itong napanonood. Ito rin ay
patuloy na pinahahalagahan at tinatangkilik nating mga manonood dahil nakauugnay táyo sa mga kuwentong
natutunghayan dito. Handa ka na bang sumagwan sa batis ng kaalaman? Ipagpatuloy ang pagsisid sa bagong
kaalaman.

Ang galaw ng mga tao hinggil sa lipunang kanilang kinabibilangan ay isang sosyo at ang historikal o
pangkasaysayan ay ugnayan ng mga pangyayaring naganap sa isang lahi o bansa. KAYÂ, sa konteksto ng
sosyohistorikal malalaman natin ang buhay at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa isang partikular na
pangyayaring naganap sa isang lugar na nang lumaon ay nagiging isang kasaysayan. Ang nagiging batayan ng
mga may-akda sa kanilang mga sinulat ay ang pangyayari sa isang lugar. Maaari ring maging isa sa batayan
ng mga manunulat ng dulang pantanghalan, pantelebisyon o pampelikula na may sumusunod na mga
elemento:

Mga Elemento ng Dulang Pantelebisyon


A. Iskrip o nakasulat na dula – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang
sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.

B. Tauhan o aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang
bumibigkas ng diyalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa
dula.

C. Banghay – Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o kuwento.

D. Tagpuan – Ito ang lugar at panahon kung saan naganap ang mga pangyayari.

E. Tagadirehe o direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret
sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap
at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.

F. Manonood – Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng
ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing
maitanghal dapat mayroong makasasaksi o makanonood.

G. Epektong Tunog – Ito ang inilapat na musika upang makadagdag sa pagiging makatotohanan o realistiko
ng mga pangyayari sa akda.

You might also like