Professional Documents
Culture Documents
a. Ang Dula
“Ang mundo ay isang teatro…” –Shakespeare
⮚ Ang panitikan sa pagtatanghal na tradisyon ay dili’t iba ang kilala ng lahat ngayon sa
katawagang dula. Ito noon… bukod sa binibigkas nang patula, o kaya naman ay pahimig,
ay isinasayaw pa o ipinapantomina.
⮚ Ang dula samakatuwid, sa masining at maagham nitong katuturanna sa Gresya pa
pinasimulan ng mga batikang klasikong dramaturgong sina Aeschylus, Sophocles, at
Euripides. Ngunit ayon naman kay Aristotle, isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa
kalikasan ng buhay.
KASAYSAYAN NG DULA
⮚ Nagsimula ang dula sa Pilipinas noong matagal na matagal pa bago dumating ang ang
mga kastila. Nag-ugat ito sa mga ritwal at reremonyang isinasagawa noon ng ating mga
ninuno. Ang mga karaniwang gawain sa araw-araw ng noon ng mga ninuno ay sadyang
madudula. (ito ay makikita sa mga saliksik ni Dr. E. Arsenio Manuel sa mga awit ng
Tayahas, Quezon).
⮚ Sa Dulaaan, An Essay on Philippine Theater, ipidaliwanag ni Nicanor G. Tiongson
(kitalang iskolar ng pelikula at drama sa Pilipinas) na ang mga dramatikong anyong
umusbong at patuloy na umiiral sa iba’t ibang grupo sa kapuluan ay ang: (1) katutubong
dula, pangunahing may katangiang Malay, tulad ng mga nakikita sa mga rituwal at
mimetikong sayaw; (2) mga dulang may impluwensiyang Espanyol, tulad ng komedya,
senakulo, zarzuela, maiikling dula, at drama; (3) dulang dinala sa Pilipinas ng mga
Amerikano, tulad ng bodabil at mga dula sa Ingles; at (4) mga orihinal na dulang
itinanghal ng rnga Pilipino.
1. KATUTUBONG DULA
⮚ Itinantanghal din ang mga ito sa ritwal na may kinalaman sa mga gawain tulad ng
pagtatanim at pag-aani, pangingisda at pangangaso.
⮚ Umusbong at naging popular sa mga PiIipino ang mga relihiyosong dula (itinatanghal
upang ipagdiwang at kilalanin ang mahahalagang araw ng mga Katoliko tulad ng Pasko,
kuwaresma, o pista ng pagkabuhay) at sekular na dula (karaniwang itinatanghal sa mga
pista ng bayan).
a.) Komedya
⮚ Kilala rin bilang moro-moro at linamhay. Ito ay patulang dula na tumatagal ng 3-15 oras.
⮚ Ito ay katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema at ang mga tauhan ay laging
nagtatagumpay sa huli.
b.) Senakulo
⮚ Sa mga relihiyosong dula sa Pilipinas, umangat ang senakulo na kilala rin sa tawag na
pasion y muerte (pasyon at kamatayan), tanggal, at centurion. Nagsimula ito bilang
pagsasadula ng buhay at paghihirap ni Hesu Kristo na ng Iumaon ay nadagdagan ng mga
kuwentong apokripo o mga kuwento mula sa mga aklat na hindi kanoniko at hindi tiyak
ang pinagmulan.
c.) Sarsuwela
⮚ Ipinakilala ito noong huling bahagi ng dekada 1870 at naging popular mula dekada 1900
hanggang 1940 sa Maynila at iba pang bahagi ng Pilipinas. Karaniwan itong binubuo ng
mga diyalogo, sayaw, at awit na madalas ay tungkol sa romantikong pagiibigan ng
mayayaman at nakatutuwang pag-iibigan ng mga alalay o kasambahay.
⮚ May ilan ding pumupuna sa mga bisyo at kahinaan ng tao o Iipunan (buktot na politiko,
mapangaping panginoong maylupa, batugan, asawang lasenggo, at iba pa) sa paraang
mapagpatawa.
a.) Bodabil
⮚ Ginagaya lamang ng mga Pilipinong tagapagtanghal ang mga Ametikano kaya naman
nahihirapan sila sa paggaya sa pananalita at pag-awit ng mga dayuhan.
b.) Pelikula
⮚ Habang naghihimagsikan noong Agosto 31, 1897 sa Escolta naman ay abala ang mga
nakaluluwag sa buhay sa panonood ng sasampuin hanggang lalabinlimahing minutong
sine mula sa Europa.
⮚ Ang pelikula ay dinala rito sa Pilipinas nina Leibman at Peritz, dalawang swisong
mangangalakal. Kung tawagin ito noong araw ng cine mula sa pinaikling katawagan na
cinematografo.
⮚ Si Jose Nepomuceno ang tinaguriang Ama ng Pelikulang Filipino kasama ang kangyang
kapatid na si Jesus, ang nagtatag ng kauna-unahang kompanya ng pelikula noong 1917 na
tumalakay sa “kalagayang-Pilipino at ayon sa panlasang Pilino” (Santiago A. Pilar, 1983)
b. Kahalagahan ng Dula
⮚ Maidaragdag din sa mga sangkap ng dula ang set, kostyum, make-up, lighting, at stage
direction.
⮚ Dapat tandaang hindi sapat na alam lang ng manunulat ang mga sangkap sa pagsulat ng
dulang iisahing yugto. Ang mahalaga ay dapat mapagsasama-sama nang tama ang mga
sangkap
e. Bahagi ng Dula
1. Yugto (Act)- Kung baga sa nobela ay kabanata.Ito ang pinakakabanatangpaghahati sa dula.
3. Tagpo (Frame)- Ito ay ang paglabas at pagpasok ngkung sinong tauhang gumanap ogaganap
sa eksena.
f. Uri ng Dula
Komedya- Kapag masaya ang tema, walang iyakan at magaan sa loob, at ang bida ay laging
nagtatagumpay.
Melodrama o “Soap Opera”- Kapag magkahalo naman ang lungkot at saya, at kung minsan ay
eksaherado ang eksena, sumusobra ang pananalita at ang damdamin ay pinipiga para lalong
madala ang damdamin ng mga nang sila ay maawa o mapaluha sa nararanasan ng bida.
Parsa- Kapag puro tawanan at walang saysay ang kwento, at ang mga aksyoon ay puro
“Slapstick” nawalang ibang ginawa kundi magpaluan at maghampasan at magbitiw ng mga
kabalbalan.
Parodya- Kapag mapanudyo, ginagaya ang kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali ng
tao bilang isang anyo ng komentaryo, pamumuna o kaya ay pambabatikos na katawa-tawa ngunit
nakakasakit ng damdamin ng pinauukulan.
Proberbyo- Kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa bukambibig na salawikain, ang
kwento ay pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.
Agham- “Ang agham ng dula ay siya namang nagtuturo sa atin ng pagyari ng isang akdang
pandulaan o paghahanda baga ng akdang tatanghalin,pagpili ng paksa, pagahahanda ng
balangkas,paglikha ng tauhan at pagbibigay ng buhay sapaksang napili na umaalinsunod sa …
paglalahad, buhol o kagustuhan at kalutasan okakalasan.” - Julian C. Balmaceda
Stake- ano ang makukuha o mawawala ng tauhan kapag nakamit niya (o hindi niya makamit)
ang kanyang panarap?
1. Brainstorming ng Naratibo
⮚ Pagpasiyahan kung anong kuwento ang nais ibahagi. Isipin ang pangunahing tauhan at
kung paano tatakbo ang kaniyang kuwento. Ano ang gagawin niya?
⮚ · Magsisiyasat ba siya ng misteryo?
⮚ · Maglalakbay ba siya?
a.) Eksposisyon
⮚ Ito ang simula ng dula. Karaniwang kinapapalooban ito ng impormasyon sa konteksto ng
dula o paliwanag sa sitwasyon. Ipapakilala sa bahaging ito ang mga tauhan at dito
bubuuin ang tono. Siguruhing malinaw, maikli, at interesante ang bahaging ito.
c.) Kasukdulan.
⮚ Ito ang resulta ng serye ng mga pangyayari sa mga unang bahagi ng dula o angbahaging
kailangan nang harapin ng tauhan ang pinakamabigat niyang suliranin o katunggali.
3. DIYALOGO
⮚ Di tulad ng nobela o maikling kuwento na karaniwang binabasa, ang dula ay isang
anyong pampanitikan na pinanonood at pinakikinggan.
⮚ Kaya naman ang isusulat na diyalogo ay hindi lamang dapat magandang tingnan sa mga
pahina. Kailangan ding maging natural din ang tunog nito kapag binigkas.
⮚ Hindi lamang dapat natural ang tunog ng diyalogo sa isusulat na dula, bagkus
nakatutulong din dapat ito sa pagpapatakabo ng mga aksiyon.
⮚ Kung hindi tunog-natural ang diyalogo, kung hindi tumutugma sa tauhang nagsasalita
nito, o kung ang naririnig sa diyalogo ay boses ng mandudula sa halip na boses ng
tauhan, hindi magtatagumpay ang dula. Maaaring sa kalagitnaan pa lang ng dula ay
bumitiw at mawalan na ng gana ang manonood.
Gawain:
Nakagagawa ng orihinal na maikling dula hinggil sa paghahalagang
pangkalikasan.
Tauhan: Aling Senya, Mang Andres, Popoy, Boboy, Belen, at mga Tambay.
(Mang Andres)- Padre de pamilya, di gaanung matangkad, nasa 56 na taong gulang, masipag at
mabait na asawa, walang kaaway.
(Aleng Senya)
(Popoy)
(Boboy)
-pangawalang anak ni Aling Senya at Mang Andres, laging sumasama sa ama tuwing may lakad.
12 taong gulang
(Neneng)
(Tambay)
-kapitbahay ng mag-asawang Andres at Senya, ang nagpaalam kay Aling Senya sa nangyaring
lagim
Unang Eksena: (sa isang sala na maliit, bay butas-butas na sahig, alas 6 ng gabi sa isnag araw ng
Pebrero)
Masayang naghahapunan sina Aling Senya at Mang Andres kasama ang tatlong anak nito.
Pinagsasaluhan nila ang isang supot ng pansit, 5 pirasong tinapay at soft drink. Mahirap lamang
ang kanilang pamilya, sakitin ang bunsong anak na si Belen. Nabubuhay lamang sila sa trabaho
ni mang Andres na pagpapadyak. Si aling Senya nama'y nasa bahay lang at nag-aalaga sa mga
anak. Masaya ang gabing iyon, kaarawan ng padre di pamilya. Makikita ang galak sa mga mata
ni mang Andres sa bawat pagsubo niya ng pansit at tinapay.
Aling Senya: masaya ang gabing ito, pero paano na naman ang pang agahan bukas?
Mang Andres: Hayaan mo na, didilhensya ako bukas para sa agahan, manghihiram ako mamaya
ng sengkwenta pesos sa kumpari ko para makabili tayo bukas nga isang kilong bigas.
Aling Senya: May matitira pa naman sa pansit na ito, iinitin ko nalang bukas mga anak.
Mang Andres: Di bale anak sa *birtde* mo da susunod na buwan pag-iipunan ko ang pambili ng
kalahating lechong manok.
Belen: Talaga itay? Yeeeey! Mahal na mahal ako ni tatay may lechong manok ako sa birtde ko.
Mang Andres: Syempre naman anak. Ay sandali lang, lalabas muna ako saglit puntahan ko si
kumpare aa kabilang kanto para makahiram na ako ng sengkwenta.
Mang Andres: nako huwag na. (Ngumiti na tila ba isang palaisipan para sa asawa ta mga anak,
kumaway ito sa mga anak at nilisan ang tahanan).
Mang Andres: (tumugon na nasa labas ng bahay) ngayon nalang at may oras pa.
Naglakad si mang Andres sa kahabaan ng eskinita. Nakita niya ang umpukan ng mga tambay
kanyang kapitbahay rin na nagyoyosi at nag-iinuman
Isang hakbang..
Pangalawang hakbang
isa nalang..
Inabot ni aling Senya ang isang baso ng tubig kay Popoy nang bigla itong nabitawan.
Maraming Pulis...
Maraming tao.
aling Senya: Andres! (Hawak ang kamay ng asawa, may mga luhang pumapatak sa mga mata ni
mang Andres, hindi na makapagsalita)
boboy: Itayyy! Itay tumayo ka riyan itay.
"Pusher ako, huwag tularan", isang karatola na naka paskil sa paanan ni mang Andres.