You are on page 1of 40

Magandang Araw!

NARATIB na DISKURSO
Naratib na Diskurso/Pagsasalaysay
Naratib
• Pangkaraniwang naririnig sa silid-aralan, tahanan, korte, sa kanto,
sa simbahan at iba pang dako upang maibahagi ang karanasan o
mga pangyayari.
Pagsasalaysay
• Kaakibat nang ating buhay.
• Ginagamit sa pang-araw-araw.
• May layuning magkuwento o maglahad ng pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari batay sa mga nararanasan sa ating kapaligiran.
Diskursong Naratib
• Isang paraan ng paglalahad sa mahahalagang pangyayari ng nakalipas
na nakapukaw sa interes ng manunulat at inaasahang magiging
makabuluhan din sa mga mambabasa.
• Karaniwang mayroon itong tagapagsalaysay tulad ng mga maikling
kwento, nobela, at iba pang uri ng panitikan.
• Maaring itanghal bilang isang sining.
• Tumutukoy sa tekstong naglalahad ng katotohanan o impormasyon
tungkol sa mga pangyayaring naganap, nagaganap o magaganap pa
lamang.
Naratib
• Isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay maikintal sa isipan ng
nakikinig o nagbabasa ang kawil ng mga pangyayari, naaring pasulat o
pasalita.(Gonzales, 2006)
• Isang anyo ng diskurso na isinasagawa batay sa narinig, nabasa,
naobserbahan at nakita.Sumasagot sa tanong na ano, sino, alin, bakit,
saan at paano.
• Isang diskursong dapat na napagtutuunan ng pansin ng isang mag-aaral
upang magkaroon ng kasanayan sa pag-iisip ng mga pangyayari.
Layunin ng Naratib na Dikurso

• Ipabatid ang mga pangyayaring may kaugnayan mula sa pananaw ng


nagsasalaysay;
• Makapag-ambag ng isang makatotohanang pangyayari;
• Makapagbigay aliw at magpalipas oras;.
• Makapagpahayag ng saloobin at makapagpalitan-kuro; at
• Makapagbigay ng aral sa mambabasa at tagapakinig.
Iba't-ibang Uri ng Naratib na Diskurso
(Pagsasalaysay)
1. Salaysay na Nagpapaliwanag
(Expository Narrative)
- makapag-iwan ng mga importanteng pangyayari
(hal. Balita,Liham).
2. Salaysay na Pangkasaysayan
(Historical Narration)
- marapat na tumpak at may katiyakan ang isinasalaysay
Labanan sa Pasong Tirad
3. Salaysayin at Alamat (Tale & Legend)
» Ang salaysayin ay inuusal ng bibig at ang alamat ay nakalimbag na
simbolong salaysay tungkol sa mga bagay na pangkaluluwa at buhay
ng mga santo
(hal. Alamat ng Saging).
(hal. Alamat ng Saging).

Sa isang malayong lugar ay my dalawang mag kasintahan na tunay na nag iibigan sila si Aging
at Juana ngunit sa kabila nito ay tutol ang magulang ni Juana na si mang Juan, kayat lihim
lamang siyang nakiki pag tagpo ky Aging.Ngunit minsang nakipag tagpo siya ky Aging ay
nasundan siya ni mang juan kayat ng makita ni mang Juan ay nag siklab siya sa galit, at bigla
niyang binunot ang itak na nasa kanyang tagiliran at sinugod ni mang Juan si Aging at sa
pagka bigla ay hindi agd na gawang umiwas ni aging kaya inabot ng itak ni mang Juan ang
braso ni aging at naputol.Sa sobrang takot ni Aging ay napatakbo siya papalayo sa mag amang
Juana, at labis ang kalungkutan ni Juana dahil sa mga pang yayari ngtunit ala na siyang
magagawa dahil ala na si aging.
Kayat pinulot nalang niya ang naputol na braso ni Aging at inilibing sa kanilang bakuran.At
sa paglipas ng mga araw ay wala parin si Aging ni wala na siyang balita kung ano na ang
nangyari ky aging, subalit sa pag labas ni mang Juan sa kanilang bahay ay napansin niya ang
isang uri ng halaman na noon lamang niya nakitya kayat dali daliniyang tinawag si juanana
at itinanong kung uri ba ng halam iyon.At Laking gulat ni Juana nang makita niya ang
tinutukoy ng kanyang ama, dahil sa lugar mismo ng pinag libingan niya ng braso ni Aging
tumubo ang halaman. At itoy kulay luntian, my mahahaba at malalapad na dahon, my bunga
itong kulay dilaw na animo'y isang kamay na my daliri ng tao.Kayat naalala nanaman niya
ang kanyang kasintahan, at nasambit niya ang pangalang Aging. At sinabi niya na iyan si
aging, kaya mula noon ay aging ang tinawag nila sa halamang iyon. At sa paglipas ng
panahon ay nabago na ang Aging at itoy naging Saging...
4. Pabula at Parabula
(Fable & Parable)
- Ang pabula ay nagbibigay diin sa mga aral na makukuha ng
mga mambabasa. Ang parabula ay isang salaysayin na
matatagpuan sa Bibliya
- (Hal. Pabula: Ang lobo at ang kambing,
Parabula: Ang Talinhaga ng Nawawalang Tupa).
Pabula: Ang lobo at ang kambing

Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-
ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.Noon
dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig
ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo, napakarami!"
ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing.
Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo.
"Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa
uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing."Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan
tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon.""Papaano?"Noon
ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas.At kapag
nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman ng
kambing.Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon
na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing,
"Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko."Malungkot na naiwanan
ang kambing sa malalim na balon.Gintong Aral: Walang manloloko kung walang
magpapaloko.
5. Salaysay na Patalambuhay
(Biographical Narrative)
» Nakapokus ang pagsasalaysay sa buhay ng isang taong may
katangiang hindi maikukumpara sa iba.
Hal. Talambuhay ni Antonio Luna.
6. Salaysay ng Nakaraan
(Reminiscent Narrative)
- Pagsasalaysay sa bahagi ng buhay ng isang tao na matagal nang
nangyari.
(Hal. Kasaysayan ng Kalayaan ng Bansang Pilipinas).
7.Salaysay ng Pakikipagsapalaran
(Narrative of Adventure)
- Sa lahat ng mga nabananggit, itinuturing na pinakamatandang uri ng
salaysay ito. Bago pa man daw dumating si Kristo ay ginamit na ito
ng mga taga-Ehipto. Ginamit Ang wikang Tagalog at iba pang wika
Kaya naging palasak ito at kinagiliwan ng mga mambabasa. Binubuo
ang mga detalye kaugnay sa pakikipagsapalaran ng Isang tauhan sa
anumang bagay na kanyang tinatahak.
(Hal. Cory ng Edsa)
8. Salaysay ng Paglalakbay (Travel Narrative).
>> Ang ganitong uri ng salaysay ay isinusulat din ng Isang taong may
karanasan sa paglalakbay. Ito at halos kahawig ng Salaysay sa
Pakikipagsapalaran. Ang karanasan Nina Marco Polo, Columbus at
Magallanes sa paglalakbay ay maaring ikumpara sa mga karanasan sa
pakikipagdigmaan sa ibang lupain na masasabing Isang uri ng
pakikipagsapalaran.
(Hal. Paglalakbay ni Rizal)
9. Maikling Kuwento ( Short Story)
>Isang maikling Katha na maaaring hango sa tunay na buhay o
maaari namang likha lamang ng mayamang guni-guni ng may-
akda. Ito ay nag-iiwan ng Isang kakintalan sa isip ng mga
mambabasa o nakikinig.
(Hal. Ang kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute)
10. Nobela (Novel)
>>Isang mahabang salaysayin na nahahati sa kabanata.Ito ay nagmula
sa salitang Latin na "NOVELOS" at itinuturing na supling o kaugnay
ng kasaysayan.Isang kathambuhay dahil ito ay likha ng panulat ng
may-akda ayon sa kanyang guni-guni na hinango sa kawil-kawil ng
mga pangyayaring tunay na naghahanap sa buhay ng mga Tao na
umiikot sa kanyang karanasang pansarili at sa kapaligiran.
(Hal. Canal de la Reina ni Liwayway A. Acreo)
11. Salaysay ng mga Pangyayari
(Narrative of Incidents)
>Pagsasalaysay ito ng mga pangyayaring maliliit at kahanga-hangang
nagawa ng Isang Tao na binigyan ng kulay ng manunulat upang
lumutang ito.
Mga Elemento ng Isang
Naratib Diskurs
Tauhan
>Ang dami o bilang ng tauhan at dapat umaayon sa
pangangailangan. Ito ang mga nagsisikilos sa kwento at
nagbibigay buhay sa mga bawat pangyayari.
Mga Karaniwang Tauhan

A. Pangunahing Tauhan
Kung tawagin ay Bida, sa kanya umiikot ang mga pangyayari, sa
simula hanggang sa katapusang ng salaysay.

B. Katunggaling Tauhan
Kung tawagin ay Kontrabida, sumasalungat o kalaban ng bida.
C. Kasamang Tauhan
Karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan

D. Ang May- Akda


Laging kasama ng pangunahing tauhan, Siya Ang kumukontrol sa
buong pangyayari..
Ayon kay Edward Morgan Forters (2003), Isang Ingles na
manunulat, may dalawang uri ng tauhan:

A. Tauhang Bilog (Round Character)


• Isang tauhang may multi- dimensional o maraming saklaw ang
personalidad.

B.Tauhang Lapad (Flat Character).


• Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dalawang katangiang madaling
matukoy o "predictable"
2. Banghay
• Ito ang tawag sa maayos na daloy ng pagkakasunod- sunod ng mga
pangyayari sa mga tesktong naratibo
3.Pananaw
• Ito ang anggulo ng pagpapahayag ng manunulat.
Uri ng Pananaw:
A. Unang Panauhang Pananaw
• Ginagamit ng panghalip na AKO.
B. Ikalawang Panauhang Pananaw ( limited point of view )
C. Ikatlong Panauhang Pananaw ( omniscient point of view )
• Pangunahing tauhan sa pagsasalaysay at ginagamit ng panghalip ng
siya, nila, kanila.
4. Tagpuan at Panahon.
• Ay tumutukoy hindi lamang sa lugar kung saan nahanap kundi
gayundin sa panahon.
5. Paksa o Tema
• Ito ang sentral na ideya, dito umiikot ang mga pangyayari sa
tekstong naratibo. Nagpapakita rin ng mga malalalim na
katotohanan tungkol sa kalikasan ng tao.
Maraming
Salamat !!!!

You might also like