You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY


NISU Concepcion Campus, D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
Website: www.nipsc.edu.ph
E-mail Address: nisuconcepcion@nipsc.edu.ph
Reg. No.
Official Facebook Account: NIPSC Concepcion Campus

Modyul 1-Aralin 1
Ang Dula

Introduksyon

Mahalaga ang dula dahil ang dula ay maaring nagpapakita ng kultura, tradisyon at paniniwala
sa isang lugar at sinasalamin din nito ang pang- araw-araw na pamumuhay ng tao sa isang lugar.
Ang Modyul 1, Aralin 1 na ito ay ginawa para sa iyo bilang mag-aaral sa Kolehiyo. Layunin
nitong tulungan ka sa iyong pag-aaral upang magkaroon ka ng kaalaman patungkol sa Dulaang
Filipino. Sa pamamagitan ng modyul na ito ay maaari mong gamitin ang iyong kakayahan at
kahusayan sa pag- unawa at pagsagot ng mga pagsasanay na buong sikap na inihanda para sa iyo.
Matatalos mo rito ang mga sangkap, elemento, bahagi at uri ng dula; ang teatro o tanghalan.

Bunga ng Pagkatuto

1. Nabigyang katuturan ang dula at natutukoy ang katangian, elemento o sangkap at iba pang
aspeto ng dula.
2. Nakapagsagawa ng isang sanaysay sa pamamagitan ng paglalahad at paglalarawan tungkol sa
naging karanasan sa pagganap sa pagsasadula noong sekundarya o tersyarya sa loob man o labas
ng silid-aralan.
3. Napahalagahan ang mga mabubuting kaalaman tungkol sa dula

Nilalaman
Kahulugan ng Dula
Ang dula ay hango sa salitang Griyego na "Drama" na nangangahulugang ikilos o gawin. Gaya
ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay. Inaangkin
nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at mga suliranin. Ayon kay Aristotle,
ang dula ay isang imitasyon o panggagaya sa buhay. Ayon kay Rubel, ang dula ay isa sa maraming
paraan ng pagkukwento.
Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo
sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga
tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay
tinatawag na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.
Ang isang sa ingles ay tinatawag na "Play". Ito ay akdang pampanitikan na nahahati sa ilang
yugto. Bawat yugot nito ay mayroong maraming eksena. Ito rin ay tinatawag na "Stage Play" dahil
ang isang dula ay itinatanghal sa isang entablado. Ngunit mayroong ring ibat-ibang uri ng Dula
katulad lamang ng: Dulang panradyo, pantelibisyon, panlansangan,tulang Padula.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
Website: www.nipsc.edu.ph
E-mail Address: nisuconcepcion@nipsc.edu.ph
Reg. No.
Official Facebook Account: NIPSC Concepcion Campus

Mayroon ding Dulang Komedya katulad lamang ng "Sa Pula, Sa Puti na isinulat ni Francisco
Soc' Rodrigo at "Plop! Click ni Dobu Kacchini. Ito naman ang mga halimbawa ng dulang trahedya:
Moses, Moses ni Rogelio R. Sikat Jaguar ng GASTON PUBLISHING LOBBY. HAPON, Kahapon, Ngayon,
Bukas ni Aurelio Tolentino, Sinag Ng Karimlan ni Dionisio S. Salazar, Anghel ni Noel De Leon,
Trahedya Sa Balay ni kadi ni Don Pagurasa.

KASAYSAYAN NG DULANG PILIPINO


Bago natin talakayin ang kasaysayan ng dulang Pilipino, makabubuti sigurong alamin muna
natin ang kahulugan ng dula o drama. Ito ay nag-ugat sa salitang Griyego na ayon sa diksyonaryo,
ang ibig sabihin ay pampanitikang komposisyon na nagkukuwento sa pamamagitan ng wika at galaw
ng mga aktor. Ayon sa mga mananalaysay, ang dula o drama ay maaaring ipaliwanag sa dalawang
paraan.
Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga unang taon
ng pangungupkop ng mga Amerikano Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay binubuo ng
tanghalan, ibat-ibang kasuotan, skripto, "characterization", at "internal conflict. Ito ang pangunahing
sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan. Sa kabilang dako, ayon sa mga aklat,
ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino. Ayon pa
rin kay Tiongson, memises ang pangunahing sangkap ng dulang Pilipino. Memises ay ang pagbibigay
buhay ng aktor sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang
malaking pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula
Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang
mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi
sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang ibat-ibang anyo ng kanilang
pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas
malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan
ng mga Pilipino. Higit sa lahat. ito'y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang
Pilipino
Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katututbong Pilipino bago pa
dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo'y likas na mahiligin
sa mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang mga unang
awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na kalimita'y
isinasalaysay sa pamammagitan ng pag-awit. Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang
ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan,
pakikipagdigmaan, kasawian, pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, atbp. Bago
dumating ang mga dayuhang mananakop, ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga katutubong
Pilipino.

MGA URI NG DULANG PILIPINO


Mga Katutubong Dula Maa Dula sa Panahon ng Kastila Dula sa Panahon ng mga Amerikano

Moro-Moro
Senakulo Karagatan
Duplo
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
Website: www.nipsc.edu.ph
E-mail Address: nisuconcepcion@nipsc.edu.ph
Reg. No.
Official Facebook Account: NIPSC Concepcion Campus

Salubong
Paglakad ng Estrella at ng Birhen
Pinetencia
Carillo Puteje
Juego de Prenda
Bikal at Balak
Bulaklakan
Pananapatan
Sarsuwela
Karilyo
Dula sa Makabagong Panahon
Bayok at Embayoka
Moriones
Kasayatan
Dalit Alay (Flores de Mayo)
Dallot
Pangangaluluwa
Panunuluyan
Dulang Pantanghalan na may iba't ibang tema
Pamanhikan
Dung-aw
Tibag
Dulang Musikal
Hugas Kalawang
Dalling-Daling
Santakrusan
Papuri/Putong

Ayon sa mga manunulat, ang matatawag na tunay na uri ng dula ay nagsisimula sa mga
unang taon ng pananakop ng mga Amerikano. Bagaman may mga dulang napanood at pinaglibangan
ang mga katutubong Pilipino bago sumapit ang panahong ito, ang mga tunay na dulang sinasabing
nagtataglay ng pinakamalalim na pangarap ng isang bansa, naglalarawan ng saring kaugalian,
naglalahad ng buhay ng katutubong tulad ng nasa lona at nagpapakilala ng papupunyagi ng mga tao
ng isang bayan upang mabuhay, ay wala noon. Ang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas nagbigay
panibagong sangkap sa mga katutubong dula Ang mga dulang kagaya ng komedya ay
kinasangkapan ng mga Kastila upang mapalaganap ang Katolisismo sa kapuluan.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
Website: www.nipsc.edu.ph
E-mail Address: nisuconcepcion@nipsc.edu.ph
Reg. No.
Official Facebook Account: NIPSC Concepcion Campus

Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng ating
tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng katauhan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga taon,
nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino Ngunit iisa ang layunin ng mga mandudula ang aliwin
ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay
Pilipino. Lahat ng itinatanghal na dula ay nasayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrig.
Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yacing
pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip

Sangkap ng dula

 Tagpuan-panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula

 Tauhan ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa duia sa tauhan umiikot ang mga
pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula

 Sulyap sa suliranin - bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin,
mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa
simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon
ng higit na isang suliranin ang isang dula

 Saglit na kasiglahan-saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning


nararanasan

 Tunggalian - ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa


kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarik, maaaring magkaroon ng higit sa isa
o patung-patong na tunggalian ang isang dula

 Kasukdulan - climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan, sa sangkap


na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya'y sa
pinakakasukdulan ang tunggalian

 Kakalasan ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga


tunggalian

 Kalutasan sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at


tunggalian sa dula, ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at
tunggalian sa panig ng mga manonood

Elemento ng Dula

1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) ito ang pinakakaluluwa ng isang dula: lahat
ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay nasayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.
Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at
sitwasyon sa pamamagitan ng mga karakter (aktor) na gumagalaw sa tanghalan.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D. B. Oñate Street, Poblacion, Concepcion, Iloilo
Website: www.nipsc.edu.ph
E-mail Address: nisuconcepcion@nipsc.edu.ph
Reg. No.
Official Facebook Account: NIPSC Concepcion Campus

2. Gumaganap o aktor! Karakter- ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga
tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo, sila ang nagpapakita ng iba't ibang damdamin,
sila ang pinanonood na tauhan sa dula. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula, sa tauhan
umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula

3. Dayalogo- ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may mga
malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga aktor.

4. Tanghalan- anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag


na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid
na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.

5. Tagadirehe o direktor- ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-
i- interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa
paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa
iskrip

6. Manonood - hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito
napanood ng ibang tao, hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula'y maitanghal, at
kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood.

7. Tema - ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas base
na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at
pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan Naililitaw ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng
paglinaw ng tema ng dula

Eksena at tagpo
Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo
nama’y pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

You might also like