Professional Documents
Culture Documents
Malikhaing Pagsulat
Ikalawang Markahan - Modyul 1
HUMMS – Malikhaing Pagsulat
Grade 11 Ikalawang Markahan - Modyul 1: Pagbasa at Pagsulat ng Dula
Unang Edisyon, 2020
Tagapamahala:
1
Aralin
Mga Sangkap/Elemento ng
1.1 Dula
Simulan
Bago tayo magsimula sa talakayan, alamin muna natin ang iyong kaalaman
hinggil sa mga paksa ng ating aralin. Mangyari lamang na isagawa ang kasunod
na gawain.
Magaling! Marahil nasiyahan ka sa mga gawaing iyong ginawa. Magiging lalo pang
kapanabik-nabik ang mga susunod mong gawain. Sa kasunod na bahagi ng modyul
na ito matutuklasan mo ang kahulugan at kaligirang pangkasaysayan ng dula.
Ayon kay Aristotle “Ang dula ay isang sining nang panggagaya o pag-iimita
sa kalikasan ng buhay. Ipinakikita nito ang realidad sa buhay ng tao gayundin ang
kanyang mga iniisip, ikinikilos at isinasaad”.
2
Ito ay hinango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawi o
ikilos, na ayon naman sa diksyunaryo , ang ibig nitong sabihin ay pampanitikang
komposisyon na nagkukuwento sa pamamagitan ng wika at mga galaw ng mga
aktor.
Sa kanilang banda, ang tunay na dula ayon kay Sebastian ay nagsimula
noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Ayon kay Tiongson ang drama
ay binubuo ng tanghalan, iba’t ibang kasuotan, skripto, “characterization” at
“internal conflict”, ito ang pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa
banyagang kahulugan nito. Ayon naman sa mga aklat, ang drama ay drama kahit
wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino. Ayon pa rin kay
Tiongson, “Memises” ang pangunahing sangkap ng dulang Pilipino. Memises ay
ang pagbibigay buhay ng aktor sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng
mga Pilipino. Ito ang malaking pagkakaiba ng dulang Pilipino sa banyagang drama.
Inilalarawan sa tunay na dulang Pilipino, ang mga pangarap ng bansa,
ipinakikita ditto ang mga katutubong kultura, tradisyon at paniniwala.
Isinasalaysay rin nito ang mga paghihirap at pagpupunyagi ng bawat Pilipino.
Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ang nagbibigay ng mas malawak na
pag-unawa sa kultura at pangangailangan ng mga Pilipino. Ang dula ay may
layuning mang-aliw at magsilbing gabay para sa kabutihan ng bawat Pilipino. Ang
dula ay sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe may
layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa mga manonood.
Ika nga ni William Shakespeare, “Ang mundo ay isang teatro”. Bawat isa sa
atin may papel na ginagampanan sa malaking entablado ng buhay.
Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katutubo
bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop.
Naririto ang mga panahon na nakaimpluwensya ng malaki sa dulang
Pilipino:
Panahon ng Katutubo:
Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na mahilig sa mga awit,
sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Bago pa man
dumating sa ating kapuluan ang mga dayuhan mayroon na tayong maituturing na
sariling mga akdang pampanitikan na nagpasalin-salin sa dila ng bawat Pilipino.
Ang ating akdang pampanitikan ay nahati sa dalawang mga anyo, una: ang anyong
patula ilan sa mga halimbawa nito ay ang bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko,
salawikain at awiting-bayan. Ikalawa ang anyong tuluyan na kinabibilangan ng
mga kuwentong-bayan, alamat at mito. Ang mga katutubong sayaw at ritwal ng
mga babaylan ang pinakaunang anyo ng dula sa bansa. Mga akdang pampanitikan
na sumasalamin sa ating mga paniniwala, pamumuhay bilang isang bansa. Ito ang
ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino subalit sa pagdaan ng mga panahon, sa
pagpasok ng mga mandarayuhan ang ating mga katutubong panitikan ay
binihisan ng naaayon sa kanilang paniniwala. Mga uri ng katutubong dula: bikal
at balak, karilyo, kasayatan, pamanhikan, dung-aw at marami pang iba. Ang
pagdating ng mga Kastila ang nagbigay ng panibagong sangkap sa mga katutubong
dula.
3
Panahon ng Kastila:
Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang pangunahing layunin – ito
ay ang ihasaik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at palawigin o palawakin pa
ang kanilang nasasakupan. Ipinakilala nila ang uri ng dulang senakulo,santa
cruzan at tibag, mga tulang pasyon na inaawit.Malaki ang naging impluwensya
nila sa ating panitikan. Pinapaksa ng mga akdang ito ang ukol sa relihiyon. Sila
ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na
mababatid sa mga akdang awit na ang pangunahing tauhan ay mga hari, reyna,
prinsipe at prinsesa – isang patunay nito ang awit na Florante at Laura ni
Balagtas, mga dulang duplo at karagatan. Nang maging gobernador si Claveria
(1844), isang kilusan ang sinimulan upang mapaunlad ang pagtatanghal ng mga
dula. Kung kaya’t maraming mga sinehan ang itinayo, maraming mandudulang
Kastila at Pilipino ang nagsisulat ng dula. Mga uri ng dula sa panahong ito: moro-
moro, senakulo, santa cruzan, tibag, salubong, moriones, dalit alay, panunuluyan.
Kabilang sa mga manunulat at kanilang sinulat ang mga sumusunod:
Claro M. Recto – La Rota de Damasco
Dr. Jose Rizal – Junta Al Pasig at San Eustaquio, Martir
Wilfredo Ma. Guerrero – No Todo Es Risa, El Salvador Roro at Artistas de Cine
Sa pagtatapos ng Panahon ng Kastila, ang duplo, senakulo, moro-moro o
komedya at sarsuwela ay naging libangan pandulaan ng mga Pilipino.
Sa pagpasok ng Panahon ng mga Amerikano nagsimula ng kilusan laban sa
moro-moro sina Severino Reyes at Hermogenes Ilagan at ipinilit ipakilala sa tao ang
mas lalong kapakinabangang matatamo sa sarsuwela at tahasang drama.
Panahon ng Amerikano:
Sa panahong ito patuloy na pumailanlang ang mga tema ng nasyonalismo at
pagmamahal sa bayan sa lahat ng anyo ng literatura. Sumiklab din sa panahong
ito ang mga pelikula. Ang mga uri ng dula sa panahong ito ay: sarsuwela, dula sa
makabagong panahon, dulang pantanghalan na may iba’t ibang tema at dulang
musikal. Sina Severino Reyes( nagtatag ng Gran Compania de Zarzuela Tagala) at
Hermogenes Ilagan(nagtatag ng Compania Ilagan) ang mga taong hindi dapat
malimutan sa larangan ng dulang Pilipino sila ang nag-impresaryo at ang mga
nagsisulat na sina- Juan Abad Patricio Mariano, Jose Ma. Rivera, Pascual Poblete,
Aurelio Tolentino, Pedro Paterno, Severino Reyes at HJermogenes Ilagan.
Mapaghimagsik ang karamihan sa mga sarsuwela sa panahong ito, bukod pa sa
paglalarawan ng kaapihan at ng mithiing paglaya ng bayang Pilipino. Ang ilan sa
mga dulang tulad ng “Walang Sugat” at “Tanikalang Ginto” ay pinigil ng mga
Amerikano at ang mga may-akda ay ipiniit.
Umunlad at lumaganap ang ating dulang Pilipino ngunit nang dumating
ang “talkies” ang hilig ng mga tao ay nabaling dito. Kaya sa huling mga panahon
ng mga Amerikano, ang pelikulang Tagalog ay nagmistulang tugtuging panlibing sa
dulang Tagalog.Ang mga sumusunod ay mga uri ng dula sa panahong ito:
4
Amado V. Hernandez (Ama ng Manggagawa). Siya ang tinaguriang Reyna ng
Sarsuwela at pinakaunang Pilipina sa Pinilakang Tabing, dahil sa kanyang
sarsuwelang “Dalagang Bukid” na isinapelikula ng Malayan Movies noong 1919.
Boadabil – Mga na binubuo ng awit, sayaw, komedyang may iba’t ibang paksa.Si
Sunday Reantaso na buhat sa New York ang dumayo at nagtatag noong 1916 sa
Pilipinas ng Philippine Vaudebille Stars, kauna-unahang kompanya ng bodabilista
sa Maynila. Si Katy dela Cruz (Catalina dela Cruz) ang itinuturing a “Reyna ng
Boadabil sa Pilipinas”. Taong 1935 nagtanghal siya sa Shanghai naging
makasaysayan ito sa dahilang siya ang kauna-unahang Pilipinang nagtanghal
dito. Hindi lamang sa Shanghai maging sa U,S, West Coast at Honululu, sa
kanyang kahusayan sa pag-awit ay napabantog siya’t tinuring ng kanyang mga
kritiko bilang “Mistress of Jazz”. Si Lou Borromeo naman ang tinaguriang
“Pilipinong Hari ng Jazz”.
Opera/Opereta – Isang dula na ang malaking bahagi ay mga kanta, solo, korus o
orkestra na may angkop na tagpuan at kagamitan sa tanghalan. Binubuo ito ng
isang libretto ( dula na nasa anyong berso) at ang kasaliw na musika. Ang isa sa
mga hindi malilimutang pangalan sa larangang ito ng opera ay walang iba kundi si
Jovita Fuentes na naging tanyag hindi lamang dito sa Pilipinas maging sa ibang
bansa, lalo na sa Europa. Si Luisa Tapales ang tinaguriang “The Nightingale of the
Orient” na bantog sa palayaw na Maestrang Isang Tapales na nakilala sa mga
sopranong pandrama at nakarating sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at Europa sa
pagdaraos ng mga konsiyerto.
Panahon ng Hapon:
Sa panahong ito bumagsak ang mga dulang seryoso at tinangkilik ang mga
pelikula ng Amerikano na katatawanan, awit at sayaw. Uso pa rin dito ang
boadabil, ito ang nagbigay-daan sa Barangay Theater Guild sa pamumuno ni
Lamberto Avellana sa pagpapalabas ng mga stageshows na boadabil ngunit sa
wikang Tagalog na at hindi sa Ingles. Binubuo pa rin ng mga awitan, sayawan at
mga iskit na nakakatawa ang dulang ito. Dito na rin nakilala ang magkapareha na
sina Tugo at Pugo. Masasabing ang mga dula sa panahon ng Hapon ay nahahati sa
legitimate at illegitimate. Legitimate ang dula sapagkat binubuo ito ng mga dulang
sumusunod sa kombensyon ng pagsusulat at pagtatanghal at illegitimate na mas
kilala sa tawag na stageshow.
5
“Sumpaan-may tatlong yugto, Sinukuan sarsuwelang may tatluhing yugto at
pampolitika, Sarsuwela-may isang yugto at marami pang iba.”
4. Julian Cruz Balmaseda – “Sugat ng Puso” una niyang dula kinatha niya sa
edad na 14 na taon. “Ang Piso ni Anita”- pinagkamtan niya ng unang
gantimpala sa isang timpalak ng Bureau of Posts.
5. Jose Abad - Piniling sasakyan ng kanyang damdamin at kaisipan ang
dulaan. Ang kanyang dulang “Bulaklak ng Sampalok” ay nagtamo ng
gantimpalang isang pluming ginto. Ang “Tanikalang Ginto” ang dulang ilang
ulit nagpabilanggo sa kanya. Ang “Mabuhay ang Pilipinas at Mapanglaw na
Pagkaalaala” ay mga dulang makabayan.
6. Jose Maria Rivera – May 25 ng dula ang kanyang nasulat noong panahon
pa ina Don Binoy. Ilan sa mga kathang dula niya ang: Mga Pagkakataon,
Panibugho, Mga Bingi, Mga Kamag-anak at ang Cinematografo”
7. Juan Cruz Matapang – Kumatha ng mga dulang panggising sa pag-ibig sa
Tinubuang Lupa. Ang kanyang dulang ikinatanyag niya ay ag : Hindi Ako
Patay” na nagpapahayag ng damdaming Pilipino.
6
Gawain 2: Nalaman Mo.. Itala Mo
Lakbayin
7
4. Tunggalian – Ito ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan. may iba’t ibang uri
ng tunggalian: tauhan vs tauhan, tauhan vs sarili, tauhan vs kapaligiran,
tauhan vs Diyos.
5. Saglit na Kasiglaan - Tinatawag din ito na Katarsis, ang saglit na
paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan.
6. Kasukdulan – Sa sangkap na ito nasusubok ang katatagan ng tauhan. Dito
pinakamatindi at pinakamabugso ang damdamin o ang pinakakasukdulan
ng tunggalian.
7. Kalakasan - Ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at
pag-ayos sa mga tunggalian.
8. Kalutasan - Dito naiwawaksi at natatapos ang nga suliranin at tunggalian
sa dula. Ang kaisipan o aral na mapupulot sa kuwento ay tinatawag namang
Kakintalan.
8
4. Tanghalan – Ang pook na pinagpasyahang pagtatanghalan ng dula.
5. Manonood - Ang tawag sa saksi sa dula, ang hahatol sa kung gaano
kaganda ang isang dula.
6. Tagadirehe o Direktor - Ang taong nagpapakahulugan sa iskrip o
nagbibigay ng interpretasyon sa dula at siya ring nagpapasya sa kaayusan
ng tagpuan, kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mga tauhan.
7. Tema - Ito ang pinakapaksa ng isang dula.
Galugarin
Iskrip Diyalogo
Suliranin
Yugto
Aktor Tema
Kalutasan
Kalakasa
n
Direktor
9
Gawain 5: Ilebel Up Mo.
Palalimin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod ilagay ang kasagutan sa kalahating papel
na pahalang (1/2 crosswise).
10
Aralin
Mga Teknik at Kagamitang
1.2 Pampanitikan
Simulan
Gawain 1. Hanap-Salita
Panuto: Talas ng isip at paningin gamitin . Hanapin sa loob ng kahon ang mga
teknik at ilagay sa kalahating papel na pahalang ang mga ito.
MAHUSAYKATALAGAPAGDATINGSAMGAPROPSBINUHATKO
ANGMALAKINGLIKHANGTUNOGSAMALAWAKNADAGATKAY
GANDANGISUOTKASUOTANMOUMULANNANGUBODLAKAS
LIGHTINGNAKITAMGATAOSALIPUNANPUNTODEBISTAANG
TANGANINTERTEKSTWALIDADTEKNIKBANGDULASANANA
Lakbayin
11
B. Pag-iilaw (Lighting)
Layunin:
1. Magbigay ng liwanag upang makita ng mga manonood ang mga tauhan at
mga pangyayari sa tanghalan.
2. Upang mabigyan ng pokus ang isang aktor, aksyon at diyalogo.
3. Maipahiwatig ang panahon, oras ganapan (locale) o mga natural na
penomenon.
4. Maipahiwatig ang mood ng dula kung masaya, malungkot at iba pa.
5. Mapatingkad ang kagandahan ng anyo at kulay. Ang mga dapat isaalang-
alang sa pag-iilaw ay ang quantity, distribution at color.
C. Kasuotan (Costumes)
1. Nakakatulong upang madama ng aktor ang katauhang kanyang
ginagampanan.
2. Nagbibigay-diin at katingkaran sa personalidad o katauhan ng aktor.
3. Nagbibigay-diin sa mood at istilo ng dula.
4. Napag-iiba ang katauhang ginagampanan ng mga aktor.
5. Ang paggamit ng costumes ay may sikolohiyang epekto sa imahinasyon ng
mga manonood.
12
Hal. Kahit ano pang puri ang ibigay mo sa iyong sarili, hinding hindi
ka magiging Eros sa paningin ko.
Parody - Komikal na imitasyon ng ibang akda,ginagawang
katawa-tawa na ang layunin ay mapasaya ang mga manonood gaya sa isang
comedy bar.
Hal. Ang palabas na Austin Powers na isang parody ng pelikulang
James Bond
13
Galugarin
Gawain 3: Tukuyin Mo
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tinutukoy ng mga sumusunod na
pahayag, gumamit ng hiwalay na papel para sa iyong mga kasagutan.
__________1. Binubuo ng katamtamang haba hindi gaanong maikli hindi rin
gaanong kahaba.
__________2. Ang pinakakabanatang paghahati sa dula.
__________3. Ito ang paglabas-masok ng sinomang tauhan sa eksena.
__________4. Ang bumubuo sa sa isang yugto at maaaring magbadya ng pagbabago
ng tagpuan.
__________5. Ginagamit para mapatingkad ang kagandahan ng anyo at kulay.
__________6. Ginagawa nitong makatotohanan ang mga pangyayari o sitwasyon.
__________7. Props na maaaring dalhin sa loob at labas g entablado.
__________8. Ginagamit ng aktor upang madama niya ang katauhang
ginagampanan.
__________9. Tinatawag na one act playing na kumbensyon.
__________10. Paghubog ng kahulugan ng isang teksto sa isa pang teksto
Gawain 4: Ibigay Mo
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod na katanungan, ilagay sa hiwalay
na papel.
A. Ibigay ang Apat na Kumbensyon ng Dula.
B. Magbigay ng Tig-dalawang Layunin ng paggamit ng Likhang-tunog at Pag-
iilaw.
C. Magbigay ng Tig-tatlong Kahalagahan ng Props at Kasuotan.
D. Ibigay ang Tatlong Bahagi ng Dula.
E. Ibigay ang Tatlong Anyo ng Dula.
Palalimin
INTERTEKSTWALISASYON
14
Gabay na Tanong
15
Aralin
Simulan
sinematograpiya
Monologo aktor
Yugto
eksena Iskrip
Manonood
Direktor
Tagpo
Tanghalan storyline
Pelikula
Lakbayin
16
Ilan pang Uri ng Dulang Pantanghalan:
17
Kaligirang Pangkasaysayang ng Dulang Pampelikula/Pantanghalan
1912 – Ginawa ang unang silent picture ang “Vida de Rizal” nina E.M. Gross at
A.W. Yearsley
1919 – Gumawa si Jose Nepomuceno ng unang pelikulang Pilipino ang
sarsuwelang “Dalagang Bukid”. Kinilala rin siya bilang “Ama ng Pelikulang
Pilipino”.
1932 – Taon ng unang gumawa ng “talkie” sa Pilipinas ang Amerikanong si George
Musser, na pinamagatang “Ang Aswang.”
1933 – “Punyal na Ginto” unang “talkie” na gawang Pilipino na ginawa ni
Nepomuceno.
1950’s – Ito ang “Ginintuang Panahon ng Pelikulang Pilipino. Sa taong ito nabuo
ang mga award giving bodies tulad ng : Maria Clara Awards (1950) at FAMAS –
Filipino Academy for Mvie Arts and Science Awards.
1960’s – Dito lumitaw ang mga “Amerikanisadong Pilipino” mga intelektwal na
ayaw ng kabakyaan at kilusang makabayan na may pagpapahalaga sa masang
Pilipino. Mga kabataang iskolar at intelektwal na nagpromote na panoorin ang
pelikulang Pilipino at pag-aral ito. Isinulong nila ang pagiging makabayan ng
pelikula. New-wave ay bagong paraan ng pagsasapelikula galing kanluran (makilos
na kamera, kolokyal at marahas na paggamit ng lenggwahe).
1970’s – Nauso ang “ movie idols “, nakilala dito ang mga bagong direktor tulad
nina Lino Brocka, Ismhael Bernal dahil sa mga paksa nila na nagpapakita ng
katotohanan ng ng buhay.( hal. Tinimbang Kang Ngunit Kulang, Maynila sa Kuko
ng Agila).
1980’s-1990’s – Ang Ikalawang Ginintuang Panahon ng Pelikulang Pilipino, dito
na nakilala ang mga pelikula ni Marilou-Diaz Abaya. (hal. Tanikala, Sa Pusod ng
Dagat, Jose Rizal, Muro Ami).
Pelikulang Pilipino ang pinakabatang uri ng sining sa Pilipinas at isa sa
popular na uri ng libangan.
Replekasyon:
Masasabi mo ba na ang mga pelikulang Pilipino sa dekadang ito ay higit nang
mahusay kaysa sa mga pelikula noon?Bakit?Patunayan, na ang ilang pelikulang
Pilipino ay maituturing na world class?
Pamagat
Pag-arte
Pamagat
18
Mga Sangkap ng Dulang Pampelikula/Pantelebisyon
Tandaan:
Bago Magbasa
1. Tiyakin ang layunin.
2. Basahin ng pahapyaw at humanap ng mga palatandaan tungkol sa dula.
3. Magplano, dito gamitin ang lahat ng kaalaman patungkol sa dula ang
mabisang teknik ay ang mangalap ng mga tala o di man kaya paganahin ang
iyong imahinasyon mula sa direksyong pantanghalan at sa kilos.
Habang Nagbabasa
1. Bumasa ng may itinakdang layunin.
2. Iugnay ang binasa sa sarili o ilagay ang sarili sa katauhan ng mga tauhang
nagsiganap.
Pagkatapos Bumasa
1. Huminto at magnilay.
2. Basahing muli ang dula.
3. Tandaan kung saan dapat tumuon. Dapat ituon ang isipan sa tema at wika
ng dula.
Tandaan din na sa pagsulat ng dula may mga gabay na dapat sundin kung ika’y
susulat dapat alam mo kung sino ang bida, ang tagpuan kailangan ang konteksto
dahil dito huhugot ng motibasyon ang mga tauhan maari ding dito magsimula ang
19
problema, kung walang problema, walang kuwento. Kailangan may resolusyon
kung paano ito matatapos, ang kahalagahan ng isusulat mong dula at kung para
kanino at mula sa aling paningin o punto de bista ang iyong isusulat na dula.
Galugarin
Gawain 2:
Lumikha ng tagpuang maaring pagganapan ng mga sumusunod na
pangyayari.Ilagay sa isang hiwalay na malinis na papel.
Gawain 3:
Bumuo ng tauhan at banghay mula sa napiling pangyayari sa gawain 2.
Isulat sa hiwalay na malinis na papel
Palalimin
Mga kinakailangan:
Mga Larawan na magpapakita sa dulang tanghalang napanood
Gumamit ng 8.5” x 11” na bond paper
Gunting at pandikit
20
Rubriks sa Pagtataya ng Awtput
Rubriks:
Kalinisan 5
Pagkamalikhain 10
Kalinawan ng daloy ng pangyayari 15
Rubriks:
Kalinisan nang gawa 5
Orihinal na likha 15
Kaangkupan sa Tema 15
Kasiningan 15
Kabuoan puntos: 50
21
Sukatin
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot. Gumamit ng hiwalay na papel para sa inyong mga kasagutan.
Mangyaring isang buong papel ang gamitin .
1. Sino siya na nagsabing “Ang dula ay isang sining nang panggagaya o pag-iimita
sa kalikasan ng buhay.”
A. Aristotle B. Balmaceda C.Sauco D. Tionson
kabanata sa dula?
A. Banghay B. Iskrip C. Paningin D. Yugto
10. Ang pagkakasunod-sunod ng sitwasyon sa kuwento.Anong sangkap ng dula
ang tinutukoy?
A. Banghay B. Kakintalan C. Tagpuan D. Tauhan
11. Anong teknik ito na kung saan hinuhubog ang kahulugan ng isang
teksto sa pamamagitan ng isa pang teksto?
A. Alusyon C. Intertekstwalidad
B. Intertekstwal D. Parody
22
12. Ano sa mga sumusunod ang ginagawa bago magbasa ng isang dula?
A. Bumasa ng may tiyak na layunin C. Tandaan kung saan dapat tumuon
B. Iugnay ang binabasa sa sarili D. Tiyakin ang layunin.
14. Kung ang aside ay binibigkas nang mahina,paano naman ang one act playing?
A. Bulungan ng mga tauhan.
B. Debatihan ng mga tauhan.
C. Pagkausap sa sarili at mga manonood sa halip na sa ibang tauhan sa
tanghalan.
D. Pagsasalitang mag-isa.
16. Kung ang punto de vista sa maikling kuwento ay ang “Narrator”,Ano naman
ang tinuturig na paningin sa dula?
A. Entablado C. Props
B. Kamera D.Pag-iilaw
23
20. Bilang isang manunulat ng dula/roleplay, ano ang pinaka-epektibong
pamamaraan upang mapukaw ang damdamin ng manonood?
A.Gumamit ng mga makukulay na props
B. Gumamit ng mga sound effect at video sa pagtatanghal
C.Gumamit ng mga salitang nakakaakit sa bawat pandama ng manonood
D.Gumamit ng ng mga sitwasyon na nakabatay sa realidad at nararanasan
ng mga manonood
24
Susi sa Pagwawasto
21-23. TAGADIREHE
MANONOOD
PALYWRIGHT
AKTOR
25
Sanggunian:
Aklat
Ignacio,Noralyn B., Payo Joselyn R. (2002) .Hamaka III. Unang Edisyon.
Villafuerte, Patrocinio V. (2000) Panunuring Pampanitikan
Valenzuela City, Mutya Publishing House
Panganiban, J Villa, Panganiban, C.T, Matute, Genoveva E., (1982).
Panitikan ng Pilipinas
Website:
Jennyfer Narciso Malobago.Mga Elemento ng Dula,2020 from
https://www.scribd.com/document/363543106/Mga-Elemento-Ng-Dula
Lady’chu Santos.( 2016, December 6).Ano ang Dula?Elemeto,Sangkap from
https://www.slideshare.net/ladychu08/dula-15515688
Jelly Jam.2020,Intertekstwalidad from
https://www.scribd.com/presentation/446480125/intertekstwalidad-sa-
dula
http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/08/ano-ang-sanaysay.html
https://maamgare.blogspot.com/2011/07/sanaysay-uri-sangkap-at-
bahagi.html
http://donians83.blogspot.com/2015/06/mga-elemento-ng-sanaysay.html
26