You are on page 1of 8

MALIKHAING PAGSULAT

Ang malikhaing pagsusulat (Ingles: creative writing) ay anumang pagsusulat na lumalabas sa


mga hangganan ng karaniwang prupesyunal, pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal na mga
anyo ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng diin sa kagalingan o
kasanayang pangpagsasalaysay, pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga tropong pampanitikan.

 Ginagamit ang mayamang imahinasyon ng manunulat na maaaring totoo at hindi totoong


nangyayari sa tunay na buhay ang akdang isinusulat tulad ng pagsulat ng tula, dula, nobela at maikling
katha at iba pang masining na katha.
 Maaring batay ang paksa sa narinig, nakita, nabasa o sa karanasan ng manunulat. Masining ang
paraan ng pagkakasulat nito na nagpapahayag ng damdamin, ideya, at mensahe ng manunulat.
 Sa kapaligirang pang-akademiya, ang malikhaing pagsusulat ay karaniwang pinaghihiwalay-
hiwalay sa mga uring kathang-isip at panulaan, na may pagtutuon sa pagsusulat na nasa estilong
orihinal, na salungat sa paggaya ng dati nang umiiral na mga henerong katulad ng krimen o katatakutan.
Ang pagsusulat para sa pelikula at entablado— pagsusulat ng senaryo (screenwriting) at pagsusulat ng
dula— ay itinuturo nang magkahiwalay, subalit naaangkop din sa kategorya ng malikhaing pagsusulat.

Paano nagiging malikhain ang pagsulat?

 Bigyan ng buhay ang mga maliliit na bagay.


 “Think outside the box” o mag-isip ng malawak at paganahin ang mayamang imahinasyon.
 Maari ring gumamit ng mga salawikain, sawikain at mga kasabihan upang mas lalong
mapaganda ang akdang isusulat.
 Magkaroon ng orihinalidad gayundin ang sariling istilo ng susulating akda.

REF: https://brainly.ph/question/2033201

BASAHIN :

Ibinagsak ni Jose sa sofa ang kaniyang katawan nang makauwi sa kanilang bahay.
Pumikit siya at ipinagpag ang kunsomisyong dulot ng trapik. Ito nga at nagpapapansin sa kaniya
ang patong-patong na mga aklat na kailangan niyang basahin para sa nalalapit na pagsusulit.
Nang matanggal ang mga “kanegahang” tumataklob sa kaniya, dumiretso sa banyo si Jose at
naligo. Habang sinasabon at hinihilod niya ang mga singit-singit ng kaniyang katawan upang
tunawin ang mga kumapit na alikabok at mga namuong libag, iniisip niya ang mga imaheng
nakita niya pauwi. Malinaw na malinaw pa rin sa kaniya ang hitsura ng nanggagalaiting katabi,
ang amoy ng kaniyang nanlilimahid nang panyo, ang makapunit-ear drum na tili ng dalawang
bata, ang tamis ng nginangatang kendi, at ang namamanhid nang hita at binti sa tagal na
pagkakaupo.
Paano mo itutula o ikukuwento ang karanasang ito ni Jose? Ano ang kailangan mo? Sa
pagsulat ng malikhaing akda, ikaw ang may hawak at kontrol sa salita. Nakasalalay ang
kahusayan ng akda sa kung paano ginagamit ang salita. Kaya kailangang magsanay sa paggamit
ng lengguwahe: pagbuo ng imahen, paggamit ng tayutay, at diksiyon.
IMAHEN, TAYUTAY AT DIKSYON
Pagbuo ng Imahen

Ang epektibong pagbuo at paggamit ng imahen ay isa sa mga paksang karaniwang inaaral ng mga
bagong manunulat. Ano ba ang imahen? Ang imahen ay salita at pahayag na nag-iiwan ng kongkreto at
malinaw na larawan sa isipan ng mga mambabasa. Hindi lamang ito tungkol sa simpleng paglalarawan
ng isang tao, bagay, o pangyayari. Ito ay paglalarawang nagbibigay-kulay sa inilalarawan at bumubuhay
sa naratibo.

Idinisenyo ang imahen upang paigtingin ang paningin, pang-amoy, pandinig, panlasa, at pandama ng
mambabasa. Masasabing mahusay ang pagbuo at paggamit ng imahen kapag nadadala ang
mambabasa sa mundo ng tula o kuwentong binabasa.

Paano ito matatamo?

1. Gawing kongkreto ang abstrak.

 lsa sa mga gabay para sa mga manunulat ang kasabihan sa malikhaing pagsulat na “show, don’t tell.”
Huwag mong sabihin, ipakita mo. Sa malikhaing pagsulat, sinasabing mas may kapangyarihan ng
unibersalidad ang kongkretong imahen kaysa abstraktong imahen (Thiel, 2005).
Halimbawa, mas epektibo kung gagamitan ng deskriptibong lengguwahe ang ligayang naramdaman ng
tauhan nang malamang putnasa siya sa bar exam. Walang dating sa mambabasa ang pahayag na,
“Masaya siya nang malamang pumasa siya sa pagsusulit.” Mas mainam kung isusulat ito nang, “Muntik
nang gumuho ang gusali nang tumili si Rica nang makita niya ang kaniyang pangalan sa listahan ng
mga pumasa sa bar exam.”

2. Paigtingin ang pandama.

Lahat ng mahusay na malikhaing akda ay nakabatay sakaranasang nakabatay sa pandama. Kapag


sinabing imahen, tumutukoy ito hindi lamang sa kung ano ang nakikita, kundi sa kung ano ang naririnig,
nalalasahan, naaamoy, at nararamdaman. Masasabing mahusay ang pagbuo ng imahen kung
nagpapakita ito ng pamilyar, ngunit bagong karanasan.

Sa paglalarawan ng malakas na ulan, halimbawa, masasabing wala nang dating ang pahayag na ito:
“Nakabibingi ang patak ng ulan sa mga bubong ng bahay.” Hindi ito nakabibingi. May sariling ideya ang
mga mambabasa sa tunog at hitsura ng patak ng ulan sa mga bubong, ngunit gusto nilang marinig at
makita ang naririnig at nakikita ng tagapagsalaysay. Mas may dating ang mga pangungusap na ito mula
sa nobelang Unang Ulan ng Mayo ni Ellen Sicat.
Magandang halimbawa rin ng pagbuo at paggamit ng imahen ang saknong na ito mula sa tulang “Ale-
aleng Namamayong” ni Julian Cruz Balmaseda. Malinaw na malinaw ang paglalarawan sa isang
modernong Pilipina noong dekada 1920: 

Ale-aleng namamayong! Kung ikaw po ay mabas

Ay tutulas pati pulbos na pahid sa iyong mukha;

Ang baro mong bagong pinsa’y sapilitang manlalata’t

Ang puntas ng kamison mo ay sa putik magsasawa . . .

At pati ang butitos mo, ang kintab ay mawawala


Pag naglunoy na sa agos ng tubig na parang baha.

3. Gumamit ng simbolo.

Gamit ang isang imahen, nagagawa ng manunulat na magpahayag ng higit sa isang diwa. Ang baha,
sunog, kagubatan, karagatan, at takipsilim ay ilan lamang sa mga unibersal na simbolo. Ang baha ay
parehong sumisimbolo ng pagkasira at paglikha; ang sunog ay nagbibigay ng init at buhay ngunit may
kapangyarihan din itong manira at kumitil ng buhay; ang kagubatan at karagatan ay nagpapakita ng
kagandahan at karahasan ng kalikasan; at ang takipsilim ay simbolo ng halalapit na pagyao.

Sa paggamit ng simbolo, umiwas sa mga cliche sa mga gasgas o pinagsawaan nang simbolo, katulad
ng mga halimbawang ibinigay (takipsilim at iba pa). Mainam kung makagagamit ng mga hindi pa
masyadong ginagamit tulad ng mga sumusunod:

 Ang namamawis na pitsel dahil sa laman nitong nagyeyelong tubig ay hindi lamang inuming
pamatid ng uhaw, kundi simbolo ng nasisirang relasyon.
 Ang biyak sa dingding ng bahay kung saan labas-pasok ang mga itim na langgam ay senyales ng
isang dysfunctional na pamilya.
 Ang palakang luwa ang bituka matapos masagasaan ng rumaragasang traysikel ay maaaring
simbolo ng coming-of-age ng isang nagbibinata nagdadalaga. 

Paggamit ng Tayutay
Iba ang sinasabi sa paraan ng pagkakasabi, at sanalikhaing pagsulat, malaki ang halagang ibinibigay sa
huli. Masasabing maaaring mawalan ng epekto ang mensaheng nais ipahayag kung hindi masining ang
paraan ng pagpapahayag nito.

Gumagamit ang mga manunulat ng tayutay upang mapanatili o mapaigting ang bisa nito. Bukod dito,
ginagamit din ang tayutay upang maging mas marikit at makulay ang tula o kuwento. Ang mga
sumusunod ay ilang uri ng tayutay at mga halimbawa nito:
Apostrope
Dito, kausap ng isang tao ang mga bagay na hindi naman karaniwang kinakausap.

Halimbawa:
 Ulan, ulan, huwag ka munang magparamdam.
 Walang kaparis ang sarap mo. (kausap ang iniinom na kape na mula sa Benguet)
 Huwag mo akong ipahihiya sa mga estudyante ko, ha. (kausap ang USB)
 Kaya ilipad mo, Gabing walang maliw / Ang ilaw at hamog ng aking paggiliw (mula sa “Gabi” ni
Ildefonso Santos)

Personipikasyon
Binibigyan dito ng katangian ng tao ang mga bagay na walang buhay, kasama na ang mga halaman.

Halimbawa:
 Namaos sa kabubusina ang dyip ni Armando.
 Sumisipol na ang takure.
 Nagtampo sa kaniya ang mga tanim na orkidyas.
 Lulusong ang kalabasa sa pusali / Gagapang ang apoy kahit di utusan (mula sa “Iginuhit” ni Rio
Alma)

Pagtutulad/pagwawangis o simile
Inihahambing dito ang magkakaibang bagay, tao, hayop, o pangyayari gamit ang mga
katagang parang, katulad ng, tila, at iba pa.
Halimbawa:
 Parang kahoy si Keanu kung umarte sa pelikula.
 Parang manok kung kumain si Lena.
 Singganda ni Venus si Andrea.
 Para ng halamang lumaki sa tubig / daho’y malalanta munting ‘di madilig (mula sa “Florante at
Laura” ni Francisco Balagtas)

Metapora
Tiyak ang paghahambing dito at hindi na gumagamit ng parang, katulad ng, tila, at iba pa.

Halimbawa:
 Si Angelo ang kanser sa kanilang magkakaibigan.
 Siya ang haligi ng kanilang tahanan.
 Si Robert ang tinik sa lalamunan ni Julio.
 Bahaghari’y hagdan sa lupang-pangako (mula sa “Ang Daan” ni Amado V. Hernandez)

Pagmamalabis
Ginagawa nitong eksaherado ang mga paglalarawan.

Halimbawa:
 Umabot hanggang highway ang kaniyang buhok dahil sa dami ng nanliligaw sa kaniya.
 Tinubuan na ng mga ugat at sanga (namumulaklak pa nga!) ang mga binti ko sa kahihintay sa
kaniya.
 Pumalakpak ang tainga niyang sinlaki ng sa elepante nang makasagap ng mainit-init pang
tsismis.
 Sumisid sa dagat ng katas at pawis (mula sa “Sa bath house” ni Romulo P. Baquiran, Jr.)

Pagpapalit-tawag
Ito ang pagbibigay ng ngalan sa isang bagay gamit ang ngalan ng bagay na kaugnay nito.

Halimbawa:
 Simbahan (relihiyon)
 Korona (kaharian)
 Hollywood (pelikulang Amerikano)
 Tulog ang panlaban sa bitukang naghahamon. Panaginip ang tugon sa bungangang walang
malamon. (mula sa Mondomanila ni Norman Wilwayco)

Pagpapalit-saklaw
Ito ay isang uri ng pagpapalit-tawag na ang bahagi ay tumutukoy sa kabuuan.

Halimbawa:
 Coke (softdrinks)
 Puting buhok (matanda)
 Wheels (sasakyan)
 At ang balang bibig na binubukalan /Ng sabing magaling at katotohanan (mula sa “Florante at
Laura” ni Francisco Balagtas)

Balintuna
Ang balintuna ay nagsasalungatang pahayag na maaaring may katotohanan.

Halimbawa:
 Sa pagbuo, kailangan ang pagbaklas.
 Ang digmaan ang solusyon upang makamit ang kapayapaan.
 Kailangan mong mamatay upang muling mabuhay.
 “Malayo man, malapit din / Nagbibigay sigla sa damdamin” (mula sa “Malayo Man, Malapit Din” ni
Bayang Barrios)

Pagtatambis
Ito ay pariralang binubuo ng dalawang magkasalungat na salita.

Halimbawa:
 Orihinal na kopya
 Magulong organisasyon
 Detalyadong balangkas

Diksiyon
Ang diksiyon ay isa sa mga isinasaalang-alang ng mga makata at kuwentista sa kanilang paglikha. Sa
simpleng pakahulugan, ang diksiyon ay ang mga salita, parirala, o pahayag na pinipiling gamitin ng
manunulat. Isa ang diksiyon sa mahahalagang elemento ng panitikan dahil ginagamit ito sa
pagpapahayag ng aksiyon, paglalarawan ng lunan, pagpapakilala ng tauhan, pagtukoy ng tema,
paghuhudyat ng atityud, at iba pa. Ginagamit din ito bilang pantulong sa pagbuo ng tono ng kabuuang
akda.
Halimbawa, sa unang tingin, pareho lamang ang ibig sabihin ng mga salitang bahay, tahanan, tirahan,
at tinutuluyan. Ngunit maaaring mag-iba ang kahulugan ng mga ito depende sa konteksto. Kung ang
persona o pangunahing tauhan ay may mapagmahal at mapagkalingang pamilya, maaaring “Sa
tahanan kung saan ako lumaki” ang isusulat ng awtor. Kung siya naman ay hindi ganoon kalapit sa
kaniyang pamilya, maaaring “Sa bahay kung saan ako lumaki” ang pipiliin ng manunulat. Ang “tirahan”
ay lugar lamang kung saan nananatili ang tao, samantalang ang “tuluyan” ay kung saan
pansamantalang nananatili ang tao. Iba pang halimbawa:
 payat, seksi, patpatin, slim, tingting na nagkatawang tao, simpayat ni Kim Chiu
 mataba, malusog, mabilog, mapintog, chubby, obese, lumba-lumba, elepante
 kumain, tumikim, lumamon
 matakaw, masiba, patay-gutom
 ama, tatay, tatang, itay, papa, papang, dad, daddy
 mahirap; dahop; dukha; isang kahig, isang tuka; poor; Purita Kalaw-Ledesma

REF : https://www.elcomblus.com/imahen-tayutay-at-diksiyon/

Mga Uri ng Pagsulat


 Akademik – Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad
ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

- kritikal na sanaysay
- lab report
- eksperimento
- term paper o pamanahong papel

 Teknikal – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o


komersyal na layunin.

- ulat panlaboratoryo
- kompyuter

 Jornalistik – saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo at iba pang akdang
karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.

 Referensyal – uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa


isang paksa.

- Bibliography, index, note cards

 Profesyonal – uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusiv sa isang tiyak na propesyon.

- police report
- investigative report
- legal forms
- medical report

 Malikhain – masining ang uring ito ng pagsulat. Ang fokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat
bagamat maaaring fiksyonal at di- fiksyonal ang akdang isinusulat.

- pagsulat ng tula
- nobela
- maikling katha
REF: https://www.academia.edu/9631847/Mga_Uri_ng_Pagsulat
TULA
Ang tula ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay,at
malayang paggamit ng mga salita sa ibat-ibang estilo, Kung minsan ito ay maiksi o mahaba.Ito ay
binubuo ng saknong at taludtod na karaniwang wawaluhin,lalabindalawahin,lalabing-animin at lalabing-
waluhing pantig.  

Mga Elemento ng Tula:

1. Sukat - ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod.na karaniwang may sukat na
waluhan,labing-dalawahan at labing-animan na pantig.
2. Tugma - ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat
taludtod ng tula. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng
bawat taludtod ay magkakasintunog. Nakagaganda ito ng pagbigkas ng tula. Ito rin ang
sinasabing nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.  
3. Talinghaga - dito ay kinakalilangan ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang
mga pahayag.
4. Kariktan - ito naman ang malinaw at di malilimutang impresyon na natatanim sa isipan
ng mga mambabasa.Sinasabing ang isang tula ay mahusay kung mayroong impresyon na
hindi malilimutan ng isang mambabasa.

REF: https://brainly.ph/question/447250

MAIKLING KWENTO
 isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng
panitikan

1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.


2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.
3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Mayroong
limang(5) bahagi ang banghay:
 Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kwento.
 Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento.
 Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa kwento.
 Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang problema.
 Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kwento.
4. Kaisipan – Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.
5. Suliranin – Ito ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan sa kwento.
7. Tunggalian – Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao
laban sa kalikasan.
8. Paksang Diwa – Ito ay ang pinaka-kaluluwa ng kwento.

You might also like