You are on page 1of 1

Jenica Mariel N.

Gabaisen BSED-FILIPINO 3-1


LIT 102 – Gawain 1
Panuto: Ano ang paborito niyong palabas o pelikula? Ano ang naging impak nito sa inyong
buhay? Ilahad sa sanaysay ang pelikula o palabas na may malaking impak sa inyong buhay. (10-
15 pangungusap).

Sa tuwing ako may libreng oras, nakakahiligan ko na ang panonood ng mga palabas o
pelikula. Isa sa pelikulang aking napanood ay ang pelikulang Anak na pinagbibidihan nina Vilma
Santos at Claudine Baretto. Ang pelikulang ito ay tingkol sa isang inang si Josie na
ginagampanan ni Vilma Santos na nagtatrabaho sa ibang bansa bilang isang domestic helper.
Ang kanyang pagtatrabaho sa ibang bansa ay para sa kanyang mga anak upang makapagpadala
ito ng perang panustos sa kanilang araw-araw na pangangailangan upang mabigyan ang kanyang
mga anak ng isang magandang kinabukasan. Kahit na siya ay malayo sa kaniyang pamilya, tiniis
niya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa
kanilang paglaki. Sa palabas na ito, ang puso ko ay naantig at naging emosyonal sa mga piling
pagkakataon. Ang bawat pangyayari ay kaabang-abang sapagkat ang pelikula ay kakaiba sa
paraan ng pagkakalahad ng kwento bagama't ang kabuuang kwento ay pangkaraniwan, hindi mo
masasabi kung ano ang susunod na mangyayari. Ang pelikulang ito ay isa sa nagsilbing
tagapagmulat sa lahat ng Pilipino patungkol sa mga karanasan ng ating mga OFW saan mang
lupalop ng mundo. Makikita sa pelikulang ito na kahit na nahihirapan na ang isang ina ay handa
pa rin itong gawin ang lahat para lamang sa kanyang pamilya. Bilang isa rin anak, natutunan
kong dapat na suklian natin ang sakripisyo sa atin ng ating mga magulang dahil hindi natin alam
kung gaano kahirap ang kanilang nararanasan para lamang mabigyan nila tayo ng magandang
kinabukasan. Makapagtapos lang nga pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho ay sapat na
para masuklian natin ang hirap na pinagdaanan ng ating mga magulang.

You might also like