You are on page 1of 4

Ian James F.

Maninang BTVTE 1F-CTEC25 12/6/22

SINESOSYEDAD
Panunuring Pampelikula: MIGRASYON AT DIASPORA

CAREGIVER:

1. Isa-isahin ang pangunahing tauhan sa bawat pelikula, ipakilala ang kanilang


kalakasan at kahinaan.

Si Sarah Gonzales ay isang english teacher sa Pilipinas na mas piniling


magtrabaho sa ibang bansa dahil napakababa ng kinikita sa Pilipinas, bamaga’t siya
ay mapopromote sa kaniyang trabaho, mas pinili pa rin niyang umalis sa bansa at
makipag sapalaran sa ibang bansa kung saan mas mataas ang halaga ng pera.

Ang kaniyang mga kalakasan ay ang kaniyang anak, matiyaga, masipag.


Dagdag pa rito ang pagiging determinasyon na makaangat sa buhay at mapag-alaga.
Ang kaniyang kahinaan naman ay palaging nakasunod sa asawa niya noong una at
emosyonal.

a. Ang KALAKASAN ba ng mga pangunahing tauhan ay masasabi mong


nakapagpapatatag sa kanila bilang isang OFW?

Ang mga kalakasan ni Sarah ay nakapagpatatag sa kaniya bilang isang OFW


katulad nalang ng sa kaniyang anak, siya ay umalis ng Pilipinas at piniling maging
OFW sa bansang UK. Ang kaniyang pangalawang kalakasan naman ay matiyaga na
makikita naman sa pelikula na kung saan pinagtyagaan niya ang kaniyang bagong
trabaho sa ibang bansa at kahit noong nasa Pilipinas pa lamang siya ay pinagtyagaan
niya rin naman ang kaniyang trabaho.

Ang pangatlo niyang kalakasan ay masipag na kitang-kita sa kaniyang iniasal


noong nasa Pilipinas siya at mas lalo na noong siya ay nasa ibang bansa na. Ang iba
pa niyang kalakasan ay masasabi kong nakapagpatatag sa kaniya dahil kung wala ang
mga ito, siya ay matutulad sa kaniyang asawa na sumuko dahil hindi kinaya ang hirap
sa ibang bansa at nag desisyong umuwi sa Pilipinas. Ang mga ganitong uri ng tao na
may ganitong taglay na kalakasan ay makakatagal at magtatagumpay sa buhay kahit
na sa anong bansa man sila mapunta.

b. Ang KAHINAAN ba ng mga pangunahing tauhan ay masasabi mong


nakapagpapatatag sa kanila bilang isang OFW?

Ang kahinaan ni Sarah ay masasabi kong hindi nakapagpatatag sa kaniya


bilang isang OFW lalo na ang kaniyang pagiging emosyonal. Dumating pa sa punto na
ayaw na niya sa kaniyang trabaho dahil hindi ito kaaya ng kaniyang isip at gusto na
niyang magresign. Ito ang nagpahina sa kaniya sa sandaling panahon at dumagdag pa
ang kaniyang asawa na walang silbi. Ang isa pa niyang kahinaan ay ang kaniyang
asawa na kung saan palagi siyang nakasunod rito at sa mga gusto nito.

Ito ang dahilan kung bakit nasabi kong ang kaniyang kahinaan ay hindi
nakapagpatatag sa kaniya bilang isang OFW dahil hinihila siya pababa ng kaniyang
asawa na dapat naman ay ang kaniyang asawa lang ang nakababa. Sa huli ay
napagtagumpayan niya ang kaniyang kahinaan at siya ay nagtagumpay sa kaniyang
buhay.

2. Sa teknikal na sangkap ng pelikula, magbigay ng opinyon ukol sa mga


sumusunod:

a. Pagganap

Ang masasabi ko sa pagganap ng mg artista sa napanood na pelikula ay


maayso ang kanilang pagkakaganap dahil hindi ito mukhang pilit. Ang mga gumanap
din na artista ay nakaayon sa kanilang mga personalidad at karakter na ginanapan
kaya mas lalong nagmukhang natural ang kanilang pagarte. Ang isa ko pang masasabi
sa pagganap ng mga artista ay mahusay lalo na at mararamdaman mo ang kanilang
emosyon. Sa palagay ko ay ang nagpapaganda sa isang pelikula pagdating sa
pagganap ay habang sila ay umaarte, makakalimutan mo na pagarte lang ang
ginagawa nila, na para bang totoo ang kanilang nararamdaman.

Tunay ngang mahusay at nakakabilib ang mga ganitong uri ng pagganap sa


isang pelikula at bihirang makapanood ng mga ganito kaya naman mas lalong
pumapatok sa karamihan kapag mayroong ganitong pelikula na kung saan natural
ang kanilang pagarte.

b. Musika

Ang aking obserbasyon sa musika ng pelikula ay wala itong gaanong ginamit


na musika. Ang opiniyon ko patungkol rito ay bagaman may mga kaunting musika
akong narinig sa pelikula, ito ay hindi pamilyar sa akin ngunit maganda ang musika
na ginamit. Ang paggamit ng mga hindi pamilyar na musika na may taglay na ganda
ay epektibo rin sa isang pelikula. Mas lalong gaganahan ang mga manonoood na
panooorin ang pelikula dahil may magandang musika silang naririnig kahit ito ay
hindi pamilyar sa kanila.

Karagdagan pa, ang musika ay ang siyang bumubuhay sa isang palabas o


pelikula at ang musika sa pelikulang napanood ko ay angkop sa eksena na ipapakita,
kaya naman mas lalong gumanda ang pelikula.

c. Direksiyon

Ang aking opinyon tungkol sa pagkakadirek sa pelikula ay mahusay, naipakita


sa pelikula ang iba’t-ibang suliranin na kinakaharap ng ating kababayan sa ibang
bansa at lalo na sa sarili nating bansa. Hindi lamang tungkol sa migrasyon ang
naipakita ng pelikula kundi pati ang mga suliranin na kinakaharap ng bawat Pilipino
sa ibang bansa. Nagagawang tiisin ng iba nating kababayan ang ganoong uri ng
trabaho para lamang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya sa araw-
araw. Ang direksiyon din sa pelikula ay maayos, dahil madaling maintindihan ang
pelikula at hindi ito nakakalitong panoorin, hindi rin bitin ang pelikula katulad ng
ibang pelikula na ginagawa.

Ang karadagan sa mga opinyon ko ay ang pagkakadirek sa pelikula ay


masasabing pinaghandaan at binusisi nang maasyos dahil makikita natin ito sa
pagganap pa lamang at ang mga artistang napiling gaganap, sa mga musikang
ginamit, at higit sa lahat sa mga eksena na ipinakita ang iba’t-ibang suliranin na
kinakaharap ng mga OFW.

3. Ibigay ang tatlong pangunahing suliranin na nangingibabaw sa pelikula?


Ipaliwanag.

Ang tatlong pangunahing suliranin sa pelikula ay ang mababang sahod sa mga


propesyonal na trabaho, pagkakawalay pamilya, at mababang tingin sa mga OFW.
Ang ganitong uri ng mga suliranin sa pamilya ay natural na lamang kapag ang paksa
ay tungkol sa mga OFW dahil ito ay totoo at walang halong biro. Wala ring halong
biro ang mga nararanasan ng mga OFW. Ang pangunahing suliranin sa pelikula ay
ang mababang sahod sa mga propesyonal na trabaho, kung mababa ang sahod ng
mga propesyonal na trabaho ano pa ang mga trabaho na hindi propesyonal? Lubos
itong nangingibabaw na suliranin dahil hanggang ngayon ay nararanasan natin ito at
maraming OFW ang nakakarelate rito.

Ang pangalwang suliranin sa pelikula ay pagkakawalay sa pamilya na natural


nalang din sa mga mag tatrabaho sa ibang bansa o kahit magtatrabaho sa ibang lugar
sa Pilipinas para matustusan ang pamilya, kung minsan pa nga ay hindi na sila
nakikilala o malayo na ang loob sa mga kamag-anak na naiwan at ito ay masakit para
sa mga OFW na piniling magtrabaho sa ibang bansa para mapaglaanan ang kanilang
pamilya. Ang pangatlong suliranin sa pelikula ay mababang tingin sa mga OFW ito ay
nangyayare hanggang sa ngayon, mababa ang tingin sa ibang bansa o kahit na rito sa
sarili nating bansa ang iba pa nga ay nabubully dahil lang may magulang silang OFW
at ang ibang OFW ay nakakaranas ng diskriminasyon at ito ay patuloy na nagyayare
hanggang sa ngayon. Ito ay lubos na nakalulungkot kaya naman mahusay na
naipaalam ng pelikula ang mga suliranin na kinakaharap ng mga OFW.

4. Ibigay ang tatlong mahahalagang aral na nakapaloob sa pelikula. Ipaliwanag.

Ang tatlong mahahalagang aral na nakapaloob sa pelikula ay ang kailangang


paghirapan ang pangarap, matutong tumanggi kapag naaabuso na, at higit sa lahat
ay palaging maging mabait sa iba kahit sila ay hindi mabait sa atin. Ang ujnang aral ay
ang kailangang pahghirapan ang pangarap na kung saan ay totoo naman, hindi
puwedeng7 makuha nalamang natin ito nang walang isinasakripisyo o hindi
pinaghirapan at naipakita ito sa pelikula na kung saan makalipas ang ilang taon ay
natupad din ang pangarap ng bida matapos niya itong paghirapan sa loob ng ilang
taon. Ang pangalawang aral ay matutong tumanggi kapag naabuso na, ito ay
makikita natin sa huling bahagi ng pelikula, ito ay nagpapaalala sa atin na kapag
sobra na tama na dahil ito ang sisira sa atin at ito ang magpapalubog sa atin.

Ang pangatlong aral ay ang maging mabait sa iba kahit hindi sila mabait sa
atin, ito ay nakita natin sa pelikula na kung saan ang pangunahing tauhan ay
nagpakita ng kabaitan sa kaniyang inaalagang matanda na noong maglaon ay bumait
din sa kaniya dahil nagpakita siya ng kabaitan noong una. Ang ganitong ugali ay
kailangan natin upang tayo ay mapabuti dahil hindi naman natin alam ang
pinagdadaanan ng isa’t-isa o opinyon ng bawat isa.

5. Batay sa iyong napanood, ano ang sanhi at epekto ng migrasyon at diaspora sa


ating bansa? Magbigay ng tigtatatlo at ipaliwanag.

Batay sa aking napanood na pelikula, ang sanhi ng migrasyon ay mababang


sahod sa ating bansa, kagustuhan ng pamilya, at mataas na sahod sa ibang bansa.
Ang unang sanhi ngh migrasyon ayon sa pelikula ay ang mababang sahod sa ting
bansa na nararanasan pa rin natin sa ngyon kaya naman mas dumarami pa ang
lumilipat sa ibang bansa upang doon magtrabaho at masustentuhan ang kanilang
pamilya at ang epekto naman nito ay mas bumababa ang mga trabahador sa sarili
nating bansa. Ang ikalawang sanhi naman ay ang kagustuhan ng pamilya, ang iba sa
atin ay kagustuhan lamang ng amilya kaya ang iba ay nagingibang bansa at doon na
tumitira dahil na rin mas malaki ang halaga ng pera doon kumpara sa ating bansa at
ang epekto nito ay nababawasan unti-unti ang populidad sa bansa. Ang pangatlong
sanhi naman ay mataas na sahod sa ibang bansa, ito ay may katotohanan lalo na sa
mga bansang maunlad, ang epekto naman nito ay mas maraming nag nanais na
magtrabaho sa ibang bansa at dalhin doon ang kanilang husay imbis na gamitin dito
sa sarili nating bansa.

Ang mga sanhi naman ng diaspora ay kagaya ng nasa migrasyon na


kagustuhan ng pamilya. Ito ang dahilan kung bakit lumilipat ang iba nating
kababayan sa ibang bansa dahil sa kagustuhan ng kanilang pamilya at ang epekto
nito ay kagaya rin ng nasa migrasyon, nababawasan ang populidad sa sarili nating
bansa at ang epekto naman nito sa tao ay nakadepende sa magiging kalagayan niya
sa ibang bansa. Ang pangalawang sanhi naman ay mataas na demand sa ibang bansa
para sa mga trabahong hindi kayang gawin ng mga taga ibang bansa, bagama’t hindi
nais ng ating kababayan na mangibang bansa para gawin ang ganoong klaseng
trabaho pero ito ay kailangan nilapara hindi mag hirap ang kanilang pamilya at ang
epekto nito ay nababawasan ang mga may kaalaman at kasanayan sa ganoong uri ng
trabaho rito sa ating bansa. Ang pangtlong sanhi ay ang kagustuhang umangat sa
buhay, nakita natin sa pelikula na mababa ang tingin sa kagaya ng mga OFW ano pa
at ito raw ay nagaasawa ng mga matandang mayaman para maka angat sa buhay,
bagaman ito ay taliwas sa kanilang nais, at hindi nila gustong mag-asawa ng
matanda, kailangan nila dahil gusto nila o gusto ng kanilang pamilya na umangat sila
sa buhay.

You might also like