You are on page 1of 3

Individual na Gawain : Ukol sa Pelikulang isyung Pampamilya

I - A. Pamagat : Filipinas

B. Paksa :

Ang pelikula ay tungkol sa pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng pamilya at ang


hindi pagkakabuklod buklod nito dahil sa mga sigalot na nangyari. Pinapakita rin dito ang
pangingibang bansa ng mga tauhan na sumasalamin sa ating mga OFW Workers, gayundin
ang hindi maayos na sistema ng batas dito sa Pilipinas. Kabilang din sa tinalakay na paksa ang
mga emosyon tulad ng inggitan, paninibugho, pagkikimkim ng galit, paboritismo, pagkasiphayo,
pagkasira ng mga pangako, at iba pa-ay naroon sa pelikula, at nag-aanyayang pag-isipan ang
mga ito bilang daan tungo sa ikabubuti ng pag-uugnayan sa pamilya.

C. Tauhan :

Armida Siguion-Reyna bilang si Florencia Filipinas

Maricel Soriano bilang si Yolanda Filipinas

Richard Gomez bilang si Samuel Filipinas

Dawn Zulueta bilang si Gloria Filipinas

Aiko Melendez bilang Vicki Filipinas

Victor Neri bilang Emman Filipinas

Wendell Ramos bilang Narciso Filipinas

II- Buod :

Ang negosyo ng pamilya Filipinas na pagtatanim ng sibuyas sa kanilang lupa ay unti unting
humina. Habang patanda na nang patanda ang kanilang ina, may kani-kaniya namang mga
pangarap at mithiin sa buhay na pinagkakaabalahan ang mga magkakapatid. Tanging ang
panganay na si Flor lamang na tumatandang dalaga at ang lubos na kumakalinga sa kanilang
ina. Nang dumalaw mula sa Amerika si Samuel, ang panganay na lalaking kapatid ni Flor, unti-
unti nang lumutang sa pamamagitan ng mga di-mapigilang hidwaan ng magkakapatid ang mga
hinanakit ng bawa't isa na akala nila'y nailibing na sa limot sa pagdaloy ng panahon. Umabot sa
sukdulan ang gulo sa pamilya nang humantong ang di na mabilang na pagkakabungguan ni
Samuel at Eman sa pagbagsak at tuluyang pagkaka-comatose ng kanilang ina.

III- Mensahe :
Mahalaga ang bawat miyembro ng pamilya sa pagpapanatili ng kapayapaan sa loob nito
at dapat ay marunong tayong makinig sa mga hinaing ng ating kapamilya nang mahinahon
upang hindi ito mauwi sa hindi pagkakaintindihan at pagkakasamaan ng loob. Kailangan nating
bigyang halaga ang bawat isa, maging ang ating mga sarili, upang makamit ang kaginhawaan
sa buhay.

IV – Pagsusuri ng Pelikula hinggil sa isyung Pampamilya :

A. Anu-ano ang pinaka mahalagang tagpo o scene ang ipinakita sa mga sususunod?

a. Isyung Pampamilya :

Sinabi ng doktor sa magkakapatid na life support na lamang ang bumubuhay sa


kanilang ina, ngunit hindi nagpatinag si Flor at naniwalang makakabangon pa ang kanyang ina,
na siya namang nangyari sapagkat nakaalis din ang kanilang ina sa life support at naiuwi nila
ito.

b. Isyu ukol sa mga magkakapatid :

Makikita sa pelikula ang paglalabasan ng sama ng loob ng mga magkakapamilya gaya


ni Flor at Samuel na naghudyat ng pagkakaroon ng mas malalim na hidwaan ng magkakapatid,
na siya namang nagresulta sa pagkatumba’t pagka-coma ng kanilang ina.

c. Isyu ukol sa mag-asawa :

Si Gloria ang siyang nagtatrabaho para sa kanilang pamilya at napagtanto niya na hindi
dapat siya magpaalila sa kanyang asawa at dapat na ang kanyang asawa ang magbanat ng
buto para sa kanilang pamilya.

d. Isyu ukol sa Panlipunang suliranin :

Ang pakikibaka ni Emman, ang kanyang pakikipaglaban at pagkondena sa mga maling


pamamalakad ng gobyerno hindi lamang para sa kanyang sarili ngunit para sa kapakanan ng
nakararami.

B. Sa inyong palagay, bakit maituturing na pelikulang tumatalakay sa mga isyung


pangpamilya ang pelikulang “ FILIPINAS “ ayon sa inyong pagsusuri?

Dahil kahit tayong mga Pilipino ay nasanay na sa mga ganitong tagpo mapa-pamilya
man yan o mapa-lipunan, hindi dapat tayong pumayag na abusuhin tayo dahil tayo rin ang
maghihirap sa huli.

C. Batay sa inyong pagsusuri, anong mga isyung pangpamilya ang tinatalakay o


ipinapakita sa pelikula?
Bukod sa mga pangunahing suliranin ng lipunan tulad ng korupsyon sa gobyerno, pag-
aabuso ng karapatang pantao, at mga suliranin ng mga magsasaka sa kanayunan, ang
pelikulang Filipinas ay may mga bahagi rin na tumatalakay sa mga isyung pangpamilya. Sa
pelikula, nakapakita ng mga pangyayari na may kaugnayan sa mga isyung pangpamilya tulad
pagsubok sa relasyon ng magkakapamilya. Nakapaloob din dito ang paglabas ng bansa ng
mga tauhan upang doon magtrabaho (OFW), at ang pagkakaroon ng mataas ng tingin sa sarili
dahil sa mga natamasang tagumpay.

D. Ano ang implikasyon ng pelikulang ito sa lipunan?

Ang pelikula ay tumatalakay sa mga kontrobersyal na isyu tulad ng korupsyon sa


gobyerno, pag-aabuso ng karapatang pantao, at ang mga suliranin ng mga magsasaka sa
kanayunan. Sa pamamagitan ng pelikula, naitampok ang mga pangunahing suliranin ng lipunan
na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukuha ang wastong solusyon. Nagbigay ito ng
pagkakataon sa mga manonood na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga isyu at
problema na kinakaharap ng bansa. Bukod dito, nagbigay din ito ng pagkakataon para sa mas
malawak na diskusyon at debate tungkol sa mga suliranin na ito. Ang pelikula ay nagpakita rin
ng malawakang korupsyon sa gobyerno at kawalan ng hustisya sa sistema ng katarungan ng
bansa. Sa pamamagitan ng mga karakter at kwento sa pelikula, naging malinaw ang mga
kahalagahan ng pagsisikap para sa katotohanan at katarungan.

E. Sa iyong palagay, ano ang maaari maging hakbang upang matugunan ang mga isyung
ito hinggil sa isyung pampamilya?

Upang matugunan ang mga isyung pangpamilya na tinatalakay sa pelikulang Filipinas,


maaaring gawin ang mga sumusunod na hakbang:

1. Pagkakaroon ng magagandang trabaho sa Pilipinas na nagbibigay ng magandang kita


at benepisyo sa bawat empleyado upang mabawasan ang pangingibang bansa ng ating
mga kababayan.
2. Pagtanggal sa ulo ng tagumpay upang maiwasan ang paglaki ng ulo at pagiging
mayabang sa nakamit sa buhay.w

You might also like