You are on page 1of 4

JANELLA BEQUIO

BPA-2A

IV. Yugto ng Pagkatuto

TUKLASIN MO!
Nais mo bang mabatid ang mga suliraning panlipunan kaugnay sa mga pelikula na may 
temang isyung pangkasarian?.
Sa modyul na ito ating susuriin ang mga pelikulang patungkol sa mga tema upang mas 
maunawaan ninyo ang inyong papel sa ating lipunan.

MGA GAWAIN :
1. Panonood ng mga sumusunod na pelikula.

Paalala: Pipili lamang ang mga mag-aaral/guro ng pelikulang angkop sa paksa na nakatalaga
sa kanila.
a. “Panti Sisters” 2019
b. “Rainbow Sunset” 2018
c. “Himala” 1982
d. “Review: In Suffragette: The Feminist Insight)
e. Ibang pelikula hinggil sa isyung pangkasarian

2. Pagsusuri ng pelikulang napanood. Sundin ang mga hakbang sa pagsusuri nito.

I. Pamagat: “The Panti Sisters”

May-akda: Jun Robles Lana

II. Kahulugan ng pamagat:


Ang pamagat ng pelikula na 'Panti Sisters' kung titignan sa mababaw na konteksto ay
aakalain na ito ay dahil lamang sa apelyido ng kanilang pamilya na 'Panti'. Ngunit kung susuriin
sa mas malalim na pagpapakahulugan, ito ay nagpapakita na ang palabas ay tumatalakay sa
tatlong magkakapatid na lalaki na may pusong babae. Ang panti o 'panty' ay damit panloob na
karaniwang ginagamit ng mga kababaihan at napakatalino ng nakaisip na gawin itong pamagat
para sa isang pelikula para maipahayag ang unang mensahe ng pelikula na ang ating mga bida ay
kasapi sa ating sinasabi na LGBTQ

III. Buod
Ito ay isang kwento ng pamilya Panti, na pinamumunuan ni Don Emilio y Panti, isang
mayaman nan a diagnose na may Testicular Cancer. At ang hiling nya bago sya mamatay ay
makasama ang tatlo niyang anak na bakla na may mga kapalit ng 100 milyong piso sa bawat isa
at kung sino una makapag bigay ng apo ay may mamamana na 300 milyong piso.
Si Gabriel at Daniel ay magkapatid na nakatira sa mansion ay nakaranas ng
pagmamalupit kay Don Emilio sa pagiging bakla, at itoy nagging sanhi ng pag layas ni Gabriel
sa mansion. Si Samuel naman ay ang anak sa labas ni Don Emilio, na nakatira sa tondo kasama
ang ina na si Vilma na nangangarap makasama ang kanyang ama. Pinabalik ni Don Emilio sa
bahay an gang mag kakapatid at sinabi niya ang kanyang kagustuhan/plano kung bakit niya ito
ipinatawag sa mansion. Sa kagustuhan na makuha ng mga bakla ang 300 milyon ay nag kanya-
kanyang isip kung papaano maisakatuparan ang mga plano. Si Daniel ay sumubokj sa isang bar
para makahanap ng parner ngunit ito ay nabigo. Si Joy ay ang kanyang kapit bahay na buntis na
isinalba niya sa pang aabuso at inalok niya na maging kapartner ito, at pinakilala kay Don
Emilio. Si Gabriel naman ay kinausap nya si Kat ang kanyang matalik na kaibigan at kanyang
planong buntisin, nabuntis ito ngunit hindi pala kanya. Si Samuel naman ay lumapit kay Chiqui
ang kanyang kababata na naging tomboy dahil sa pambubusted niya ditto, nang alok na mabuntis
niya ito. Maraming nakakatuwang pangyayari upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng anak
oh para maka buntis.
Sa kabila naman ng mga paraan, naisip nila itoay may malungkot na nakaraan sanhi ng
pagkagalit og hindi pagkakasundo nila ng kanilang ama. Si Gabriel ay umamin na isa siyang
bakla at ipinasok ni Don Emilio sa isang Military Academy upang maging isang tunay na lalaki
siya, ngunit di ito natupad. Lumayas ito at namuhay mag isa. Si Daniel naman ay huling nilagyan
ng lipstick ang kanyang teddy bear na si Pepe ngunit si Gabriekl ang sumalo sa kaprusahan ay
siyang nag sabi na siya ang may kagagawan at siya ang kumuha ng pampaganda ng kanilang ina
na si Nora.
Si Don Emilio ay isang mahigpit na ama sa kaniyang mga anak dahil hindi niya kayang
tanggapin at supportahan ang mga anak niyang bakla. Naging maganda naman ang samahan ng
mga mag kakapatid ngunit nmatay si Daniel matapos mabaril ng mga kalalakihan. Sa mga
sandaling iyong ay nanghihinayang at nag sisisi si Don Emilio at humiling ng kapatawaran sa
kanyang natitirang anak at nakiusap kung maaari bang tawagin siyang “Papa”.

a. Mga tauhan

 Gabriel Panti ( Paulo Ballesteros ) - Ang panganay na anak ni Don Emilio y Panti na nag layas.
 Daniel Panti ( Martin Del Rosario ) – Anak ni Don Emilio Y Panty na mahilig sa K-POP
 Samuel Panti (Christian Bubbles) – Anak sa labas ng pamilya Panti.
 Don Emilio y Panti (John Arcilla) – Ang ama ng tatlong bakla na may cancer.
 Nora Panti (Carmi Martin) – Ang asawa ni Don Emilio y Panti, at ina nina Gabriel at Daniel
Panti
 Vilma Panty ( Rosana Roses ) - ang kabit ni Don Emilio y Panti, at ang ina ni Samuel Panty
 Zernan (Joross Gamboa) – And daring kasintahan ni Gabriel at kasalukuyang kasintahan ni
Daniel.
 Kat (Rozanne Barcelo) – Best friend ni Gabriel
 Chiqui (Via Antonio) – ang una at huling kasintahan ni Samuel.
 Joy (Ali Forbes) – Ang buntis na kapit bahay ni Daniel.

b. Istilo ng awtor
∙ Bisang Pampanitikan (Epektibo bang naiparating sa mga manonood ang  mensaheng nais iparating
sa pelikula?)
Ang awtor ay nagpokus sa isyung panlipunan hinggil sa kasarian. Madaming mga eksena
sa pelikula na ipinakita kung ano ang diskriminasyon na nararanasan ng ating mga kapatid na
kabilang sa LGBTQ+. Una na dito ay ang pagpapakita ng awtor na ang mga miyembro ng
LGBTQ+ ay madalas na hindi tanggap at ginagawang katuwaan sa lipunan maging pamilya ay
hindi sila matanggap, na ipinakita ng awtor sa karakter ng ama ng magkakapatid sa pelikula na si
Don Emilio. Sa kabila ng mga diskriminasyon na nararanasan ng mga bakla at mgay may
pangatlong kasarian sa ating lipunan ay ipinakita pa rin ng awtor na mahalaga pa rin sila at
kapakipakinabang sa ating lipunan. Una ay ang pagpapahinto ni Samuel sa mga nag-aaway-away
at ang pangalawa ay ang pagtulong ng magkakapatid sa kanilang pinsan. Sadyang nakakapukaw
ng damdamin ang naging pokus ng awtor.

a. bisa sa isip
Ang pelikulang Panti Sisters ay nagmulat sa akin sa iba't-ibang paghihirap na
pinagdaraanan ng mga kabilang sa LGBTQ. Sila ay tinatratong mga salot sa lipunan na parang
walang pakiramdam sa mga naririnig na pangungutya ng mga taong kanilang nadadaanan. Ito rin
ay nagbigay kalinawan sa akin na walang masama sa pagiging bakla o tomboy sapagkat ito ay
isa sa mga naging desisyon natin sa buhay at kailangan lamang na gampanan at siguraduhin na
walang taong natatapakan sa desisyon na pinili. Itong pelikula ang nagbigay sa akin ng masusing
pag-iisip kung bakit may mga tao na kinukutya ang mga LGBTQ kahit na sila ay tao katulad
natin at normal. Ang pelikulang ito ang tutulong sa atin na mas matanggap at mas maging
mapagmahal sa mga LGBTQ sapagkat sila ay importante at may pantay na karapatan sa ating
mga kabilang sa lipunan.

b. bisa sa damdamin
Ang pelikulang ito ang nagbigay puwang sa aking puso na mas mahalin ang mga nasa
LGBTQ+. Awa man ang siyang namutawi sa aking puso sa panonood sapagkat ang
magkakapatid ay hindi matanggap ng kanilang ama at lipunan na sila ay bakla, ngunit ako ay
humanga sa katatagan na meron sila at sa halip na sumuko na ipakita na sila ay mahalaga din sa
lipunan, sila ay mas nagpakita ng kagandahang loob para makatulong sa kapwa. Ang pelikulang
ito ay nagbigay sa akin ng iba't-ibang emosyon sa bawat eksena na nangyayari sa pelikula.
Nakakagalit, nakakalungkot at nakakatuwa ang pelikulang Panti Sisters.
IV. Pagsusuri:
a. Karakterisasyon
(Mahusay bang nagampanan ng mga nagsipagganap na mga artista ang iba’t ibang karakter sa
pelikula? Angkop ba sa tema ng pelikula ang pagkakaganap ng mga ito?)
Base sa aking napanood, napaka husay ng mga artistang gumanap at naintindihan kong
mabuti and tema.

b. Banghay/Plot at /o Sinopsis (Maayos ba ang pagkakasunod-sunod ng mga tagpo sa pelikula?


Umaayon ba sa kwento at tema ng pelikula ang mga tagpo?)
Base saaking obserbasyon sa kwento maayos naman ang pagkakasunod sunod ng tagpo at
umayon ito sa kwento at tema.

c. Disenyong Pamproduksyon (Naaayon ba sa tema ng pelikula ang napiling na disenyong


pamproduksyon?)
Naaayon sa pelikula ang disenyong pamproduksiyon lalo na ang kanilang pananamit.

d. Sinematograpiya (Mahusay ba ang kalidad ng sinematograpiya sa pelikula?)

Mahusay din and kalidad ng sinematograpiya sa pelikulang The Panti Sisters, talagang

mararamdaman mo na may katotohanan ang buong istorya.

e. Editing (Mahusay ba ang pagkaka-edit ng bawat eksena/tagpo sa pelikula?)


opo
f. Musika (Akma ba ang mga ginamit na musika sa bawat tagpo at buong tema ng pelikula?)
akma po, saktong sakto sa mga pangyayare ang nilalapat nilang musika

g. Tunog (Malinaw ba ang mga dayalogo sa bawat tagpo sa pelikula o may mga nakakasagabal 
bang ibang tunog?)
Malinaw po ang mga diyalogo, naiintindihan ang bawat salita na kanilang sinasabi at
walang halong sagabal na tunog

h. Dayalogo (Akma ba ang salitang ginamit sa bawat dayalogo ng mga tauhan sa tema ng buong 
pelikula?)
Opo Madam.

i. Sariling Reaksyon
Ang kasarian ay hindi dahilan para hindi mo mahalin ang iyong kapwa pamilya o
kaibigan. Hindi ito ang basehan para sila ay matanggap sa sosyalidad dahil tao lang din sila. May
mga pamilya na hindi nag kakasundo dahil ditto, ngunit may pagkakataon din naman na
nagkakapatawaran at nagigiging masaya at may pagkaka unawaan sa isat-isa. Ang saakin lamang
ay huwag na nating hintayin na may mangyare pang masama sa ating kapwa bago natin sila
tanggapin dahil ito ay mag sisilbing aral sa ating buhay.
Bilang namumuhay na tayo sa modernong panahon, napakahirap sigurong isipin na
maraming paghihirap muna ang dadanasin ng mga idibidwal na parte ng LGBTQ+ para lamang
makamtan ang pantay na pagtrato at ang bukas na pagtanggap sa kanila sa pamilya at lipunan.
Kinailangan nilang maranasan ang iba ibang paghihirap, pananakit, pangungutya at pang-aabuso,
gayunpman, hindi sila nagpatinag sa kung ano ang kanilang ipinaglalaban, pinanindigan nila ang
kanilang kasarian at kailanman ay hindi nawalan ng pagasa kahit maraming pagkakataon na ang
nagpakita sa kanila na parang isang imposibleng bagay ang gusto nilang mangyari. Kahit marami
ang hindi sangayon at mga hindi sumusuporta, patuloy pa rin sila sa kanilang ipinaglalaban na
matanggap ng iba, nakakabilib na nakakalungkot dahil tao din naman sila, naghahangad ng tama,
pagmamahal, at pagmamalasakit ngunit parang hirap na hirap ang ilang tanggapin at kilalanin sa
lipunan. Pinatunayan din nila na mayroong lakas sa pagkakaisa at pagiging totoo sa kanilang
mga sarili, nakapagturo sila na hindi solusyon ang pagsuko. Karapat dapat silang resputuhin,
kilalanin at mapabilang sa isang lipunang nakakapamuhay ng Malaya. Bakla man sila, pero hindi
bakla lang,

✔ mga pansin at puna


 May mga eksena sa pelikula na hindi naaayon na panoorin ng mga kabataan.
 Madami ang eksena na nakakatawa kahit sa pamagat palang ng pelikula ay sadyang
nakakatawa na pakinggan.
 Nagpapakita ng mga posibleng nangyayari sa buhay ng mga nasa LGBTQ. Kung paano
sila saktan ng mga taong hindi makatanggap ng kasarian na kanilang pinili.
 May ibang linya na binitawan na patama sa mga pulitiko ba kung saan ang mga pulitiko
ay nangungupit muna ng pera ng bayan bago tumulong.
 Ang mga pagbabalik tanaw sa nakaraan ng mga bida ay maganda ang pagkakakuha at
mababatid agad ang kaibahan ng mga larawan kumpara sa kasalukuyang buhay ng mga bida.
 Ang pelikula ay may magandang daloy ng paglalahad ng mga pangyayari at madaming
aral na mapupulot

You might also like